Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47: Untold Truth

Chapter 47: Untold Truth




Liezel Jami's Point Of View.





"Kami rin kakanta!" Nakangising sabi ni Serina kaya nanlaki ang mata ko.

"Kumakanta ka ba miss madam?" Naitikom ko ang bibig sa tanong ni Senti.

"Oo," nakangusong sabi ko.

"Sa banyo." Nalingon ko kaagad si Yamato sa sinabi niya, "Hoy! Kumakanta rin naman ako hindi lang sa banyo!" Reklamo ko.

"Uy, muling ibalik~"

"Senti, ingay mo." Singhal ni Yamato.

Natigilan kami ng malungkot yung music, "Birthday 'to 'di ba?" Kwestyon ko.

"Yeah, band 'yan. Favorite band ko yung kumanta," nakangiting sabi ni Senti.

"Huling Sandali ng December Avenue?" Tanong ni Mandy.

"Yup, sad but a beautiful song." Sangayon ni Cane.

[Dapat mayroong isang GIF o video dito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]



"Para sa mga pusong nagluluksa! Para sa inyo 'to!" Nagpalakpakan lahat ng magsalita yung nasa stage.

"Sa mga umalis, at mga nagparaya, na ang tanging hiling ay sana sila pa rin kahit sa huling pagkakataon." Napatitig ako sa stage.

Uy ano ba, huwag niyo naman akong paiyakin rito oh.

"Gago, sad boy naglabasan." Natatawang sabi ni Senti ng magsigawan ang mga bisita na para bang lahat sila ay broken.


"Hindi mapigil ang bugso ng aking puso. Sa tuwing ako'y papalapit sa'yo. Maari bang hingin ang iyong kamay?" Sa sobrang galing ng kumakanta ay damang dama ko yung kanta.

"Hawakan mo't 'wag mong bitawan."

"Hindi mapigil ang tibok ng aking puso, sa tuwing ako'y nakatingin sa'yo." Nang kantahin 'yon ay napasulyap ako kay Yamato ngunit parehas kaming natigilan ng magtama ang mata namin.


Hoy ano ba..


Naiilang akong umiwas tingin, "Maari bang huwag kang humiwalay, dahil sandali na lang. Darating din ang gabing walang pipigil sa 'tin." I pouted my lips and watched on the stage.

Tutok na tutok ang lahat at napapasabay pa sila.

"Kung hindi ngayon, aasa bang maibabalik ang kahapon? Kahit sandali! Palayain ang pusong 'di mapigil, sana'y tayong dal'wa sa huling pagkakataon na ika'y magiging akin~"

"Gago, hindi ako broken pero ouch." Senti stated and held his chest.

Matipid akong ngumiti, "Itong stanza na 'to para kay boss master noon." Parinig ni Senti kaya napalingon kami ni Yamato sa stage.


"Hindi matigil ang gulo sa aking isip, at para bang walang kasing sakit. Ala-ala mong hindi ko malimutan~"


"Oras lang ang may alam~" Tumikhim si Yamato kaya naman nang sabay namin na kunin ang baso ay napasulyap pa kami sa isa't isa.

Nanatiling kumanta ang nasa stage, with hugot pa every intro. Mas broken yata si kuya eh.

"At sa bawat minuto, ako'y 'di natuto. Ipilit mang iba, ako'y maghihintay sa'yo." Parang para sa akin naman ang parte na 'to ano ba.

"Ikaw ang aking kapiling sa huling sandali, kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi?" Napalunok ako at muling napainom, I even grabbed a nachos chip and dipped it into the sauce just to stop myself from being sensitive.


After that song, tumahimik ako. As Amato called, I answered it and pumunta ako sa medyo tahimik na part.


"Hello baby," panimula ko.


"Mommy, there's a man here. His name is Alvin Somena," natigilan ako.


"Is your lola there?" I asked.


"Yes mommy, she's here po. Hindi niya po ako pinayagan harapin yung pilot." Nag-ngitngit ang ngipin ko.

Shit!

"I'll go there," paalam ko.

"Wait me."


I ended the call and hurried back inside, "Babalik ako, may emergency lang sa bahay." Natigilan sila.

"Ha? Ano nangyari?" Tanong ni Mandy.

"That fucking asshole, I'll tell you later. I really need to go," paalam ko at aalis na sana pero natigilan ako ng tumayo si Yamato.

"Samahan na kita," natigilan ako at tinitigan siya.

"B-Babalik rin ako."

"Kaya nga, baka iba pa isipin ni Amato, sama na ako." Tumango na lang ako at hinayaan siyang sumunod sa akin.

Sinamahan niya ako, sumakay lang kami sa taxi dahil ayaw namin mag-drive.

Nakainom rin kami, napalunok ako ng makaupo ay nagdikit ang braso namin. Nang makarating ay natigilan ako ng makita si Alvin Somena.

Ex boyfriend ni Athena, "I really don't know why you keep on bugging us. Wala ka ngang anak." Gigil na sabi ko sa kaniya.

"Kung ganoon nasaan yung anak ko? Nasaan yung anak ko! Narinig ko na ikaw ang kasama ng anak ko!" Nang itulak niya ako sa balikat ay mabilis na sinapo ni Yamato ang pulsuhan niya.

"Gago ka talaga 'no? Hindi mo ba alam yung sinasabi niya? Wala ka ngang anak." Mariing sabi ni Yamato.

"Ang kulit mo, ipakulong na lang kaya kita?" When Yamato placed me on his back. It made me feel safe, he really cares.

"You're quite familiar to me," wika ni Yamato.

"But I don't care, kaya umalis ka na. At sa susunod na guluhin mo ang mag-ina ko, babasagin ko 'yang pagmumukha mo baka hindi ka na makalipad." Mariing sabi ni Yamato.

"Alis!"

"Tangina mo, epal ka eh! Ikaw ba kinakausap—"

"Anak ko si Amato. Can't you get it? Amato Zeil. Or you're stupid enough to not notice his name?" Kumuyom ang kamao ni Alvin.

"Wala akong pakialam sa'yo!" Sigaw niya.

"If you're looking for Athena's child, m-matagal na siyang wala." Mariing sabi ko.

"You killed your own child!" Sigaw ko.

"Kaya huwag na huwag kang lalapit sa akin upang magtanong, dahil pinatay mo yung anak mo mula ng itakwil at hindi mo siya tanggapin noon!" Halos maluha ako nang sabihin ko 'yon.

"And because of you! Now, both of them are gone. Can't you blame me if I hate you? Pinabayaan mo si Athena at ang anak niyo, tapos ngayon lalapit ka sa akin, ipipilit mo na anak mo yung anak ko?" Alam kong matitigilan si Yamato.

Pero what more can I do?

"Amato is my son, he was never yours. Kaya huwag mong guguluhin ang pamilya ko para hanapin ang anak mong pinatay mo." Galit kong sabi dahilan para matulala siya.

"Athena is lost because of you, she's suffering because of you, you made her suffer! Ngayon idadamay mo 'ko?" Galit ko siyang itinulak sa dibdib.

"Ngayon idadamay mo pa yung anak kong walang kamuwang muwang!?" Malakas ko siyang sinampal.

"Isa pang lapit mo sa anak ko, hihimasin mo ang rehas." Mariing banta ko tsaka ko tinawag ang guards namin.

"Pakilabas manong, pasabi rin sa guard I want this man to be banned." Mahinang sabi ko, nasapo ko ang noo at tsaka ako pumasok sa bahay.

"Where's Amato, lola?" I asked.

"Upstairs, medyo naguluhan yata siya sa pinagsasabi no'n. Hindi ko alam na siya pala 'yon apo, pasensya na." Napatitig ako kay lola tsaka ako bumuntong hininga.

"A-Alam na ba ni Yamato?" Natignan ko si Yamato na nagulat sa tanong ni lola.

"Ang alin po?" Tanong niya, magalang pa rin.

"Hindi pa lola, wala pa siyang alam." Sagot ko.

"Tsk, Ang tagal na niyan Jami." Ngumuso ako.

"Hindi mo man lang nabanggit sa nobyo mo ang tungkol kay Amato?" Naitikom ko ang bibig.

"Lola, he's not my boyfriend, and I don't think he should know." Kalmadong sabi ko.

"What about Amato po?" Nalingon ni lola si Yamato.

"Tell him," ngumuso ako at umiling.

"I can't, lola. Wala namang saysay—"

"Hija, apo. May pinagsamahan kayo, at sa pagkakaalam ko siya yung nagiging ama kay Amato. At least he should know," bumuntong hininga ako.

"It's not permanent lola, panandalian lang 'yon—"

"Nililito mo ang bata, Jami. Paano kung hanapin niya si Yamato? Gusto mo bang mas masaktan yung bata pag nalaman niya na panandalian lang?" Nanlulumo akong yumuko at napahilamos sa mukha ko.

"Lola 'yon na nga po, hindi naiintindihan ni Yamato yung punto ko kaya una sa lahat ayokong sinasanay si Amato na may tinatawag na daddy-daddy because at the end it will just me and Amato." Napipikon na sabi ko.

"Sinabi ko na lola, sinabi ko paulit ulit, pinapaintindi ko."

"Siya 'tong hindi nakakaintindi, sinabi kong hindi niya anak si Amato, pero nandiyan pa rin siya!" I frustratedly yelled.

"Kumalma ka Liezel Jami at 'yang puso mo!" Nasapo ko ang noo at napaupo sa sofa, please huwag niyo naman isa-isa na ilaglag ang tinatago ko.

"H-Hindi ko maintindihan," wika ni Yamato.

"Bakit 'yang puso mo? Paano si Amato?" Tanong ni Yamato.

"Ano bang magbabago pag nalaman mo ha? Meron ba?" Kwestyon ko.

"Jami huwag mong sigawan si Yamato." Mariing paalala ni lola.

"Eh paano po nakaka-frustrate kayong lahat! Hindi ko pa nga po masabi yung isang bagay gusto niyo ilatag ko lahat. Paano naman ako?" Kwestyon ko.

"Wala ba akong isinakripisyo? Ako yung mali, alam ko naman po 'yon pero I'm trying my best to make things right." I explained.

"Y-You don't need to rush me, kahit sabihin niyo pong mali ako ng paulit ulit, ako ang magdedesisyon sa gagawin ko. Ako lang," wika ko.

"Ako lang naman ang makakaranas ng mga consequence, hindi kayo. Manonood lang kayo, nanonood lang kayo." Nanlulumo na sabi ko.

"Mommy!" Nang excited na bumaba si Amato ay inayos ko kaagad ang sarili ko at sinalubong siya.

"Hi mommy!" Yumakap siya sa akin kaya niyakap ko siya pabalik.

"Oh daddy's here." Bati niya sa daddy niya at yumakap.

"Hmm, are you okay?" Yamato carried him.

"Yes daddy, I'm good! I miss you po. Hindi mo po ako binibisita eh," ngumuso ako dahil close na siya kay Yamato.

P-Paano na lang?

Paano na lang pag may iba na siyang pamilya? Paano si Amato? Kahit hindi na ako.

"I'll visit you if I'm not busy. Your mommy and I needed to talk okay? We'll go first." Yamato explained, mag-uusap kami?

Saan?

"Okay daddy! Enjoy!" Paalam niya at humalik sa mga pisngi namin, nang senyasan ako ni Yamato ay lumabas na kami ng bahay.

"Let's talk when we get there, in my car." Seryosong sabi niya kaya nang maihatid kami ng van ay sinarado pa nila ang divider.

"Wala naman tayong pag-uusapan." Mahinang sabi ko.

"Meron." Sagot niya.

"Then talk," wika ko, pabulong.

"Jami, naguguluhan ako. Sige, sabihin na nating hindi ko anak si Amato. Then who's his father? That man?" Huminga ako ng malalim.

"Tell me, how?" Nasapo ko ang noo.

"What's your concern, really?" I asked, I stared to his face with my serious gaze all over his face.

"Kung concern ka kung anak mo ba talaga siya o hindi, Yamato. Ako na magsasabi sa'yo, hindi mo siya anak." I tried to calm my tone.

"Then you cheated?" Umiling ako.

"How would I cheat back then, I am so tired of waiting for you to come home. I was so busy with my studies and my health, paano kita lolokohin?" Napipikon na sabi ko.

"Then tell me—"

"He's not mine." Nasapo ko ang noo matapos sabihin sa kaniya ang katotohnan.

"He's not mine, but I did everything to hide that fact and I don't know how he found out about Amato." Sumasakit lalo ang ulo ko.

"Natatakot ako, natatakot ako na baka kunin nila sa akin si Amato because that kid is my son. Anak siya ni Athena," napatitig siya sa akin.

Hindi makapaniwala, "Anak siya ni Athena, ipinagkatiwala siya sa akin ni Athena. A-Ayaw niyang mapunta si Amato sa walang kwenta niyang tatay." Gigil na sabi ko.

"Kaya huwag na huwag 'tong lalabas, dahil hindi mo na kailangan pa 'tong malaman." Iritang sabi ko.

"Hindi man siya sa akin galing, ako yung nagpalaki at nag-alaga sa kaniya." Huminga ako ng malalim.

"Kaya hindi ko kakayanin na mawala siya dahil lang sa punyetang lalake na 'yon, babalik siya matapos magutom ng mag-ina niya ng ilang taon? Kahit si Athena sumuko!" Galit na sabi ko.

"But what can I do about it? Ako na lang yung meron si Amato. Ako na lang, matapos siyang iwan ng magulang niya ako yung nandito." Napaiwas tingin si Yamato at nasapo rin ang noo.

"Nang manganak si Athena, tinutulungan ko siya ng hindi mo alam. Sa tuwing nasa trabaho ka, nandoon ako sa kanila inaalagaan si Amato dahil walang alam sa pagiging ina si Athena." Nakagat niya ang ibabang labi.

"Wala akong balita sa kaniya, noon pa man dahil pinutol ko na yung koneksyon na meron kami." Yamato shakes his legs and fixes his hair frustratedly.

"Alam ko," matipid na sabi ko.

"So please, ayokong lumabas 'to. I can't afford to hurt him. He's my son now," wika ko.

"Okay." Matipid na sagot niya.

"As if papatol rin ako sa mukhang balasubas, umayos lang ang hitsura niya ngunit ang ugali niya mananatiling basura." Nag-ngitngit ang ngipin ko.

"Kapal ng mukha niya, sana matanggalan siya ng lisensya." Gitil ko.

"Huwag na huwag mo mababanggit 'to sa harapan ng iba at kahit wala," banta ko.

"Mag-aaway tayo," banta ko sa kaniya na ikinangiwi niya.

"Hiya ka pa, pala-away ka talaga." Arte niya kaya ngumuso ako.

"Mabait naman ako ah, inaaway ko lang—"

"Inaaway mo nga parati si Engr. Cariño, luging lugi sa'yo." Napairap ako sa sinabi niya.

"Sabihin mo kasi sa girlfriend mo, kalmahan niya. Hindi ako lumulunok ng nailuwa ko na," inis na pang-iinsulto ko.

"Ha?" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Sabihin m—"

"Hakdog." Umawang ang labi ko at sisipain sana siya pero pinagkrus ko na lang ang braso at nang makarating sa club ay inunahan ko siya maglakad.

Bastos, hahakdogin pa ako. Funny ba siya?

Pagkapasok ay nagulat pa ako sa humila sa akin, "Ano ba!" Inis kong tinulak yung lalake, kahit si Yamato ay nagulat.

Inirapan ko 'yon tsaka ako naglakad na, pagkabalik sa table ay napaupo ako. "Ano nangyari?" Tanong ni Serina.

"Si Amato, nagmamaktol lang."

"Ah, baby pa kasi 'yon eh." Nakangiting sabi ni Serina sa sagot ko.

"Oo, baby pa talaga." Nakangiting sabi ko.

"Hirap siguro maging mommy 'no? Itinago mo kasi kay Engr. Lapiz," nagtama ang mata namin ni Yamato at matipid lang siyang ngumiti.

"Pain, boss master. Pighati," asar ni Senti.

"Doon ka nga, hawak ka ng hawak sa legs ko." Reklamo ni Yamato at pinalo ang kamay ni Senti dahilan para alisan 'yon.

"Pero yung chic kanina, okay lang?" Singhal ni Senti tila nagtatampo.

"Miss madam oh!" Nagulat ako dahilan para tignan si Senti.

"B-Bakit?" Tanong ko.

"Yung tatay ng anak mo nagpapahawak sa ibang babae," alanganin akong ngumiwi tsaka nagkibit balikat.

"Hayaan mo," sagot ko.

"Luh!"

"Hirap niyo naman pagbalikin!" Reklamo ni Senti.

Tumahimik na kami muli, hanggang sa maglaro ng body shot ang mga kasama namin. "Sabi nila delikado raw 'to sa inuman, nauuwi sa kwarto." Natatawang sabi ni Senti.

Napapapalakpak pa habang tumatawa, "Gago." Bulong ni Cane.

"Sus, kahit wala nga 'to nauuwi doon. 'Di ba babe?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mandy.

"Hoy, lasing ka na ba," sita ko.

Natawa si Serina. "Kalat mo!"

Nahihiya ko na nasapo ang mukha, inabot ko ang baso ng alak tsaka ako pasimpleng uminom. "Jami hinay-hinay." Paalala ni Serina.

"Huwag niyo lasingin, nagiging diver 'yan." Gulat kong natignan si Yamato, sinamaan ko siya ng tingin.

"Diver?" Tanong nila.

"H-Hindi ah," tanggi ko.

"Baka nansisid ka pag lasing miss madam? Ikaw ha!" Sa asar nila ay nag-init ng husto ang pisngi ko.

"O-Of course not!" I defensively said.

I glanced at Yamato who's playfully smirking and when he noticed me, his smirks instantly turned into poker face.

Wow, lakas mang-asar nito ah?

"Nasisid ka na ba ni miss madam, boss master?" Senti asked, Yamato tried to keep his face blank but ended up smirking.

Ang gwapo, ano ba 'yan!

Nahawakan niya ang labi upang pigilan ang sarili ngumisi, inis akong tumayo tsaka ako pasimpleng dumaan sa gilid niya upang sipain ng mahina ang paa niya.

"Let's dance!" Yaya ko sa mga girl friends ko, Pinagpag ni Yamato ang slacks niya ng nakangiwi at halos umawang ang labi ko ng pasimple niyang dumihan ang heels ko.

"H-Hey!" Mahinang sita ko sa kaniya.

He gave me a once-over look before standing up, he's tall, mas matangkad sa akin natural kahit naka-heels ako.

Napaatras ako ng dumaan siya at mauna sa dance floor, "Epal!" Pahabol ko na bulong.

"Bata," balik asar niya kaya tumaas ang kilay ko.

Nang makarating kami lahat sa dance floor ay sinadya ko na dumaan sa gilid niya at sagiin siya dahilan para mapausad siya ng bahagya, "Bata." Asar niya pa kaya pinaningkitan ko siya ng mata.

"Dessert ka ba?" I asked, vibing with the music, napatitig siya sa akin, nangunot ang noo.

"Why?" He replied back, my lips rose up as I stared at him playfully.

"Kasi sweet ako?" Tanong pa niya, smirking.

Ngumiti naman ako ng matamis, "Kasi leche ka."

"Ows." Asar na tugon niya kaya umirap na ako at sumayaw, halos mapalo ko si Serina nang nag-twerk na naman siya.

"Hoy Senti yung fiancé mo oh!" Sumbong ko.

"Go baby!" Nanlaki ang mata ko ng malandi na sumayaw ang dalawa dahilan para mapatayo ako ng deretso.

"Gosh! That's disgusting!" I yelled and stepped away a little, ambabastos aber!

Yamato chuckled, he combed his hair using his fingers. "Respeto raw sa mata," parinig ni Mandy.

"Sa mata ni Jami na hindi nakakakita ng sexy dance kasi single!" Ngumuso ako sa pang-aasar nila.

"Porket mga ikakasal na," nagtatampong sabi ko sa dalawa dahilan para matawa sila.

"Hindi kaya funny," nagmamaktol na sabi ko.

"Baka may humabol?" Nakangising sabi ni Senti.

"'No boss master? Baka may humabol?" Natigilan si Yamato ay napasulyap kay Senti.

"Malay mo, ipakilala ko sa inyo one day yung papakasalan ko." Natigilan ako sa sinabi ni Yamato, at alam ko na hindi ako 'yon.

"Uy," Cane whispered.

Napalunok ako, bigla ay nawala sa mood. "Aray, ang sakit naman ng lamok!" Napatingin ako kay Mandy na nakatingin sa akin.

Lumunok ako at umiwas tingin, "Kung ikaw may ipapakilala boss master, ikaw miss madam? Paano love life natin?" Parinig ni Senti kaya naman kibit balikat lang sinagot ko.

Wala na ako sa mood eh, "Ayaw mo pa ba maghanap ng new bebe?" Nalingon ko si Mandy.

"Hindi naman 'yon hinahanap," matipid na sabi ko.

"Kusang dumarating, eh kung ayaw lumapit eh wala tayong cho—"

"Liezel Jami!" Nagulat ako sa pagsulpot ni Kuya Yuno out of nowhere.

"Uy may lumapit!" Malakas na sabi ni Mandy.

"Ha? Masama ba lumapit ngayon?" Takang sabi ni Kuya Yuno, naguguluhan.

Nang makita ko ang mukha niya ay ngumuso ako, "Hanap ka na ng ka-date mo, daming chics." Turo ko sa crowd.

"Tangi, hindi na." Nakangiting sagot ni Kuya Yuno, halos mapalunok ako ng hawakan niya ang kamay ko at maloko akong isinayaw dahilan para matawa ako.

As if may magseselos?

"Uy bagay!" Mandy hissed.

"Wala kang partner Engr. Lapiz ah," asar ni Mandy kaya ngumisi ako.

"Pagod na 'ko sumayaw," pasimple kong nalingon si Yamato na nag-exit na sa dance floor.

"Selos?" Bulong ni Kuya Yuno sa mismong tenga ko dahilan para bahagya akong mapaiwas.

"Pag nagseselos, naipapakita ang tunay na nararamdaman." Kuya Yuno advised.

"Kaya nga galit na galit kuya mo sa akin noon," natatawang sabi niya kaya napangiti ako.

"Sana nga," bulong ko.

"Push lang 'yan, kaunting tulak ng selos baka umamin." Napairap ako.

"Pinaasa mo 'ko, eh pinsan mo 'yan kuya." Tumango tango si Kuya Yuno.

"Uy gago, yung babae kanina oh. Kasama niya na naman, tara balik doon para 'di mag-kiss." Natigilan ako sa sinabi ni Kuya Yuno at tinangay ako sa table kanina.

"C'mon sit here, masakit na ba yung paa mo?" Natigilan ako ng paupuin ako ni Kuya Yuno tapos ay malambing ang boses niya.

Bahagya akong napalunok ng alisin niya ang heels ko at ipatong ang paa ko sa lap niya. "Dito muna kami, pagod na raw siya." Nakangiting sabi ni Kuya Yuno.

Seryoso ang mukha ni Yamato na tumango, "Go ahead." He replied.

"How about we go upstairs Yamato?" Natigilan ako sa tanong ng babae na kasama ni Yamato.

U-Upstairs? Don't tell me gagawin nila yung ginagawa namin ni Yamato noon?

No way!

Napainom ako ng alak, kailangan unahan ko sila or else! Oh my gosh! "I'm good na, do you want to join me upstairs?" Biglang tanong ko kay Kuya Yuno.

"H-Huh?" Gulat na sabi ni Kuya Yuno.

"Upstairs, it has better views." I calmly said, trying to give my best smile.

I didn't glance at the two, but I saw Yamato glanced at me. "Views lang ba talaga?" Kuya Yuno stated.

"Pwede rin namang iba pa?" I asked.

His eyes widened a little, "Tara." Inilahad niya ang kamay niya kaya kinuha ko 'yon.

Maglalakad na sana kami pero tumayo bigla si Yamato, "Let us join." Biglang sabi niya, pinigilan ko ngumisi ng husto.

"Ha? Huwag na." Tanggi ni Kuya Yuno, mas inaasar ito.

"Maganda ang view sa taas," sagot ni Yamato.

"Fine," Kuya Yuno answered.

Nang maka-akyat ay pinanood ko si Yamato na idantay ang siko niya sa railings habang nakadungaw siya sa ibaba. Yung side profile niya, gusto ko siyang titigan.

Kitang kita ang tangos ng kaniyang ilong, tumikhim ako at dumungaw rin sa ibaba. "Should I replace this?" Napatitig ako kay Kuya Yuno ng titigan niya ang promise ring na suot ko.

"If you will, what promise will you give me?" I asked.

Natitigan ni Kuya Yuno ang buong mukha ko tsaka siya tumikhim at umiwas tingin. "Marriage." My eyes widened to his answer.

Tumikhim rin ako at pekeng tumawa, parang seryoso naman si Kuya Yuno. Nakakakaba.

Ngunit awtomatiko akong napalingon ng makita ko si Yamato na ipunta sa harapan niya yung babae, nang ayusin niya ang buhok no'n ay nakita ko kung paano pa kinilig ng husto yung babae.

I kind of looked away, as I felt a throbbing pain in my chest. I glanced a little and I almost fell on my feet when I saw Yamato lean forward.

Ngunit mabilis akong inakbayan ni Kuya Yuno, "Huwag na panoorin." Bulong niya.

Natingala ko siya tsaka ako napalunok, naluluha sa sobrang selos. Matipid na ngumiti si Kuya Yuno, assuring me.

"Should we drink?" Kuya Yuno asked me.

"Jami, huwag mo naman ako titigan ng ganiyan. Matutunaw ako," napalunok ako sa sinabi ni Kuya Yuno.

Alam ko naman na pinaririnig niya lang, "Tara." Aya ko, hindi na kaya tumagal.

Hindi ko sinulyapan si Yamato at yung kasama niya, nagmadali ako na makalapit sa hagdan at bumaba.

Nang makababa ay napaupo ako at tsaka ko nasapo ang mukha, naupo naman sa tabi ko si Kuya Yuno. "Mahirap kasi yung nilalaro niyo, Jami." Kalmadong sabi niya.

"Hindi ko maunawaan kung gusto pa ba niya, o wala na talaga." He added.

"It's better to tell him, and if wala talaga. Move on, that's one of the reasons why you can't forget, walang idea, walang closure." He advised.

"Gusto ko malasing," nalulungkot na sabi ko.

"Tara." We both did drink, not until Kuya Yuno was pulled by his friends and I was left alone drinking.

Nang makaramdam ng antok ay napasandal ako sa malambot na kinauupuan at pumikit.

Maga-alas dose na rin kasi ng madaling araw. Kanina pa kami umiinom at kumakain, I tried to cover the cut out part of my dress as I'm feeling cold.

I am so jealous.

I can't take it off my mind, gusto ko ako lang yung ginagano'n.

"Jami, lasing ka na?" Nang marinig ang tinig ni Serina ay ngumuso ako ng nakapikit at hinila siya sa tabi ko upang yumakap sa braso niya.

"Hmm, lamig." I pouted my lips and rested my head on her shoulders, but then I noticed na malaki yung braso niya and it was a little bit hard when I squeezed it.

"Jami, jusko lasing na nga 'to." Nang maamoy ang niyayakap kong braso ay kinabahan ako.

Shit, kilala ko yung amoy na 'to. "Nakakahiya ka gaga," I opened my eyes and glanced to my left.

Napabitaw ako kaagad, "Shit! Sorry!" Sa biglaang pagtayo ko ay muntikan pa ako mawalan ng balanse.

Yamato shook his head and stood up, "Hila ng hila." Mahinang sabi niya.

Napalunok ako ng ihagis niya sa akin ang black suit niya, "W-What is this for?" I asked.

"Malamig 'di ba?" Masungit na sabi niya at bumalik na sa seat niya.

Napapahiya akong umupo at ikinumot ko sa akin ang black suit niya na sobrang bango. Gusto ko pumikit at matulog habang yakap ko ito.

///

@/n: Any thoughts? Uy ang Yamato, parang nagiging kahoy. 😂 Update na ako today, kasi busy bukas. Love lots! 😚

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro