Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45: Fear Of Losing

Chapter 45: Fear Of Losing



Liezel Jami's Point Of View.





"Who gave you that ring?" Nang magtanong si Engr. Cariño ay natigilan ako, kasi nakikinig si Yamato sumusulyap pa nga eh!

"The father of your child?" She added.

"Uy chismosa 'to," sita ni Senti kaya naitikom ko ang bibig.

"Kung wala na kayo bakit hindi mo pa inaalis?" Dagdag niya kaya lumunok ako.

"I can't remove it, masikip." I lied.

"Luh," bulong ni Senti pinipigilan tumawa.

"Huh? Edi ipasira mo?" Suhestyon ni Engr. Cariño.

"Wala, hayaan na. It became a charm to me, pag wala 'to. I have a lot of fears. I am not confident enough," mahinang sabi ko, tumango si Engr. Cariño.

"What would your ex think if he saw that you're still wearing it?" Naiilang kong sinulyapan si Yamato na nakatutok sa laptop niya.

"Ehem! Ano nga kaya?" Malakas na ubo ni Senti kaya ngumuso ako.

"Wala, bahala siya mag-isip." Walang kwentang sagot ko.

"Are you still into that man?" Gulat ko na nalingon si Engr. Cariño.

"H-Huwag niyo nga ako gisahin!" Singhal ko.

"M-May gagawin pa ako, S-Sents! Samahan mo 'ko." Hinablot ko siya papaalis doon.

"Hoy! Magagalit si boss master niyan!" Hinila ko siya dere-deretso.

Nang makalabas ay pinagkrus ko ang braso ko sa harapan niya, "Let's plan your proposal!" Excited na sabi ko.

Natawa siya at tsaka nag-salute, "Sure miss madam!"

"Pero sayang 'no, mauuna dapat kayo ikasal ni boss master." Sa sinabi niya ay tumikhim ako, alanganin na ngumiti.

"Hayaan mo na, natapos na eh."

"Okay na rin si Yamato, he's now successful." Nakangiting sabi ko.

"Miss madam, nauna nga kaming nakapasa pero look at us now, kung sino ang head engineer namin ngayon." Naging proud tuloy ako lalo, huminga ako ng malalim.

"He did great," wika ko.

"Miss madam, successful ka rin naman eh." Nakangiting sabi ni Senti ibinulsa ang kaniyang kamay sa pants.

"I am not competing with him naman, I'm just proud that he's more than successful now." Tumango tango si Senti.

"Mas matutuwa siguro 'yon pag narinig niya 'yan sa'yo mismo." Mahinahon niyang sabi.

"So let's change the topic, what ring do you think she'll choose?" I asked, natigilan siya at nagkibit balikat.

"Ayan, jusko. Lahat! Lahat magugustuhan no'n basta galing sa'yo." Napangiti si Senti.

"Seryoso ba?"

"Oo naman," wika ko.

"Kakaiba kasi sa feeling once na binigyan ka ng taong mahal mo ng sing sing. Kahit anong klaseng sing sing pa 'yan, for sure susuotin niya 'yon at hindi huhubarin." I proudly said.

"Kaya pala suot mo pa rin yung bigay ni boss master," nang-aasar na sabi niya kaya nanlaki ang mata ko.

"H-Hindi ah, h-hindi lang talaga maalis." I reasoned out.

"Miss madam, don't me." Natawa ako sa sinabi niya.

"Hindi nga talaga maalis!" I lied again.

"Sige, kunyare naniniwala ako. Ako lang naman 'to." Ngising sabi niya pa.

"Hindi nga talaga."

"Okay." Nakangising sabi niya.

"Senti hindi nga kasi talaga maalis—"

"Noted, miss madam." Ngumuso ako, lalong naasar sa sinabi niya.

"Ay wait, hanap tayo sing sing sa mall. Yung mga mahal na nakita namin noon si boss master, tawagin ko lang." Nang maiwan ako sa labas ay hinintay ko siya.



Nang tumawag si Kuya Yuno ay sinagot ko 'yon, "Yes Yunoyummers?" Asar ko.

"'Di wow, Jamina." Natawa ako lalo sa sagot niya.

"Bakit ka tumawag aber? Miss mo 'ko 'no?" Asar ko pa.

"Gago nito, kumusta kayo ni Yamato?" Ngumuso ako sa tanong niya.

"As usual, we're workmates." Tinatamad na sagot ko.

"Gusto ka pa ba niyan?" Kwestyon niya.

"Ewan." Sagot ko.

"Single pa 'ko, baka trip mo?" Natawa ako.

"Hindi ko alam kung paano ka gustuhin, kasi you're like Kuya Laze talaga for me." Natawa siya sa kabilang linya, tumikhim pa.

"Yeah right, halata nga." Sangayon niya.

"Baka kaya ka single kasi dahil sa akin?" Gulat na sabi ko bigla.

Natahimik siya sa kabilang linya, "Maybe?" Umirap ako sa sagot niya.

"That's not true, single ka pa rin because of me? I doubt that, ang dali ko ngang kalimutan—"

"Miss madam, sino kausap mo?" Gulat kong nalingon ang dalawa, si Yamato at Senti. Napalunok ako at alanganin na ngumiti.

"Uy, narinig ka yata." Sabi ni Kuya Yuno.

"Ganoon na nga hehehe, bye! I'll call later!" Paalam ko kaagad at pinatay ang tawag.


Hinarap ko na si Senti at Yamato, "Wala 'yon, si Engr. Marshall lang." Nakangiting sagot ko.

"Tara na?" Anyaya ko.

"Sa car na tayo ni boss master," sagot ni Senti kaya naglakad kami papunta doon.

"'Di ba gusto ka no'n miss madam?" Gulat ko na nalingon si Senti sa sinabi niya.

"H-Huh? 'Di ah." Pagsisinungaling ko.

"Masama magsinungaling," wika niya kaya ngumuso ako.

"Noon lang 'yon—"

"Bakit single pa rin ngayon? Miss madam, matic na 'yan. Type ka pa rin niyan— aray!" Gulat kong nalingon yung dalawa, ngunit nagpauna na naglakad si Yamato.

Natignan ko naman ang sapatos ni Senti na may bakat ng pagka-apak, "Boss master ang sakit ha!" Singhal ni Senti.

"Harang-harang yung paa mo," sagot ni Yamato kaya pinigilan ko matawa.

"Ayan, harang kasi." Asar ko rin.

"Harang raw, ang luwag ng daan." Singhal ni Senti at pinagpag ang sapatos niya, sa likod ako naupo dahil sa harapan si Senti.

Nag-uusap ang dalawa habang ako ay tahimik lang na nakikinig habang nakadungaw sa harapan, at magkabilaang gilid ko.

"Boss master huwag ka mawawala sa birthday ko ah, birthday plus proposal." Ngising sabi ni Senti kaya napangiti ako.

"Sure, I'll be there." Yamato rested his back while his one hand was on the steering wheel.

Ang chill niya naman mag-drive, one hand, kay gandang kamay pwedeng pakihawakan yung sa akin? Yung kamay ko.. hehehehe.

"Sapat na sa akin yung lupa—"

"Ulol." My eyes widened to Yamato's curse, ngumisi si Senti at tumawa.

"Joke lang!"

"Mahal pa man din ng mga lupa ngayon, ako may lupa rin ako pre. Pang-kabaong pota." Nakisabay ako sa tawanan ng dalawa.

"Ikaw miss madam, may lupa ka na ba?" Natigilan ako sa tanong ni Senti.

"O-Of course," wika ko.

"Gwapo rin ng anak mo 'no, miss madam. Mukhang sweet pa, mana yata sa tatay." Sumulyap siya kay Yamato kaya ngumisi ako, gago yung totoong tatay no'n Senti.

Pero hindi mo na kailangang malaman, "Sweet rin naman yung mommy," sagot ko.

"Uyyy HAHAHA! Sana all, gusto ko na tuloy magka-anak." Sangayon ni Senti.

"Pakasalan mo na yung nanay tsaka kayo gumawa diyan, mas okay ng ready." Ngumisi si Senti tila may na-imagine ang loko.

"Mahirap ba maging single mom, Jams?" Natigilan ako sa sinabi niya, ngumiti ako.

"For me, as I didn't struggle financially. Okay naman, I can handle. Ang kailangan ko lang talaga that time is, pag may sakit siya tapos may school ako." Ngumiti si Senti at lumingon pa.

"I salute you madam," ngumiti ako.

"Kwentuhan mo naman kami, sa ganap mo sa States." Ngumisi ako at pinag-cross ang legs ko.

"Aral ng mabuti, uuwi, mag-aalaga, mag-aaral. Ganoon lang, bumibisita naman yung older brother and parents ko sa akin." Mahinahon na kwento ko.

"Nakakausap mo ba sila Serina nang umalis ka noon?"

"Hindi, nagpaalam lang ako sa kanila through phone call. Tapos doon na, wala ng communications at all." Tumango muli si Senti.

"Kaya pala, inalam ko kasi sa kanila kung nasaan— nasaan ang bayong noon, hehehehe." Nagtataka ko siyang tinignan sa sinabi.

"Ha?"

"Wala-wala, basta tulungan niyo 'ko pumili ng engagement ring." Sumangayon na lang ako at sandaling pumikit sa likuran.

Nang nasa mall na kami sa sikat na jewelry branch store galing pang Canada, habang naglalakad lakad ay napapasulyao ako sa mga engagement ring and wedding rings.

May exclusive pa, "Dollars yung mode of payment rito 'no?" Bulong ni Senti kaya tumango ako bilang sagot.

"Nice, tulungan mo na 'ko." Sumunod ako sa kaniya at inaantok na tumitig.

"Anong finger size niya?" Natigilan ako, lumunok pa ako sa tanong ni Senti.

"I guess parehas kami, kasi she made me try her ring noon galing sa ex niya." Binelatan ko pa si Senti ng ngumiwi kaagad ang labi niya.

"Oh, ano nga ring size mo?" Inilahad ko na lang ang kamay, ngunit nabawi ko kaagad ng maipakita ko yung may promise ring eh nasa gilid lang si Yamato.

"Wait, pasukat natin." Nang makuha yung finger size ko for ring ay napangiti ako.

"Nakaka-excite!" Bulong ko kay Senti.

"Omsim, miss madam. Hmm, ano kayang pipiliin ng puso ko." Napasulyap ako sa mga sing sing tsaka ko naituro ang isa.

"I think she would love that," turo ko sa may one diamond lang, it's aesthetic looking.

"Sure ka miss madam?" Itinuro 'yon ni Senti kaya tinignan namin.

"Ano tingin mo boss master?" Senti asked and handed the ring to Yamato, hinawakan 'yon ni Yamato ay sinuri.

"It looks good for me," he gave his opinion and pointed to another one, "But try this one, same design but more elegant." Nang makita ang tinuro niya ay tumango ako.

"I agree." Tumango si Senti.

Nahihirapan mamili sa dalawa, "Ito oh." Turo ko kay Senti, it's thinner and more elegant.

"Hindi masyadong abala sa daliri," I guessed.

"Gusto ko rin, ito na lang." Inabot ni Senti 'yon kaya umikot ikot muna ako at tumingin ng sing sing.

Matipid akong ngumiti ng titigan ko ang sing sing na sobrang ganda, it's for engagement pero pwede na siya for wedding ring sa sobrang simple yet elegant nito.

It's a snowdrift diamond ring.

Ikakasal pa ba ako? Paano kung hindi si Yamato? Sino?

Hindi ko rin alam kung kaya ko pa bang tumanggap ng ibang lalake sa buhay ko, gusto kong bumalik sa kaniya, magmakaawa na mahalin ako ulit.

Pero bukod sa takot ako sa rejection, takot ako sa tatahakin niyang trust issues dahil sa akin.

Sobra pa man din siyang naapektuhan sa pagkawala ko noon, "Stunned by its beauty?" Nagulat ako sa biglang pagsalita ni Yamato sa gilid ko.

"Ah, yeah." Tugon ko na lang.

Simple lang siyang nakapamulsa sa slacks na suot niya, ang gwapo. "Rings are beautiful if given by someone special," nakangising sabi ko.

"Pero kung sariling bili, hindi mo feel ingatan." Kwento ko pa ngunit salubong ang kilay niya.

"Can't you remove the promise ring I gave you?" Sa naging tugon niya ay hindi ko maibuka ang bibig upang magsalita.

"Bakit bigla mo namang natanong?" Mahinahon na sambit ko ay umiwas tingin, narinig ko ang pagtikhim niya.

"Out of curiosity, pero go ahead. Wear it or not, sa'yo naman na 'yan." Mahinahon niyang sabi.

"Y-Yeah, lucky charm." I lied.

"Nakatago pa nga necklace na gift mo sa akin, sayang naman kung itatapon 'di ba? Regalo naman eh." Pagdadahilan ko sa kaniya.

"Yeah, sayang rin yung sakit sa bulsa." He chuckled and shook his head, he's so okay now.

"Ayos ng usapan ah, future ba 'yan?" Gulat kong nalingon si Senti ngunit inakbayan siya ni Yamato.

"Dami mong dama, uunahan mo pa ako maikasal." Patawa-tawa na sabi ni Yamato kaya natigilan ako.

Huminga ako ng malalim at tsaka ngumuso, hindi ko naman masasabi kung kailan siya ikakasal sa iba, panigurado sa dalawang taon na wala ako.

May nakagaanan siya ng loob, o 'di kaya gustong kilalanin.

Ako ba? Hindi ko naman sinubukang kalimutan siya dahil ang gusto ko talaga ay bumalik, kahit pa sabihin niya na ayaw niya na akong makita ulit.

Nang matapos ay naging matahimik ako kahit pa nakakatawa ang sinasabi ni Senti, panay rin ang buntong hininga ko dahil sa hindi maalis sa isip ko yung kanina.

Bigla ay naging malaking worries 'yon sa akin, nang tumunog ang cellphone ko ay kiniha ko 'yon at tinignan kaagad. Tumatawag si manang.

"Hello po manang, why did you call me po?" I asked, may nangyari ba kay Amato.

"Jami, hija. May lalake kaninang nagtatanong kay Amato, naka-suot pampiloto." Nang sabihin niya 'yon ay kumuyom ang kamao ko.

"What? Where's Amato then?"

"Manang, don't let that man get near my son." Natataranta na sabi ko.

"'Yon nga ho ma'am, tinatanong rin po kung sino yung nanay ni Amato, sabi ko naman po hindi niya na kailangang malaman." Bumuntong hininga ako at nasapo ang noo.

"Manang, are his classes done? If it's done, can you meet me with Amato. Pahatid kayo sa driver here sa site, in Tagaytay." Natatakot ako dahil baka kunin si Amato sa akin.

"Sige hija, papahatid kami ngayon din. N-Nandito pa rin po kasi yung piloto." Nakagat ko ang ibabang labi ay tsaka ko nasapo ang noo.

"That jerk, gosh. Manang I'll wait you here," kalmadong sabi ko.

"Sige hija." I pouted my lips and ended the call.

"May problema miss madam?" Tanong ni Senti.

"W-Wala naman," mahinahon na sagot ko.

"Magsabi ka lang miss madam, resbakan namin kung may umaaway kay Amato. Walang bata-bata sa 'min." Natawa ako at tumango tango na lang.

Nang makarating sa site ay hinintay ko sila manang, hindi rin ako mapakali, pagkarating nila ay tumakbo kaagad si Amato para yumakap sa akin.

"Mommy, I miss you!" He sweetly said kaya ngumiti ako at naupo sa paa ko upang mapantayan ang tangkad niya.

Humalik siya sa pisngi ko, "Si daddy po, mommy?" Naitikom ko ang bibig.

"Oh sige, tara sa office niya." Mahinahon na sabi ko, buti wala na si Engr. Cariño.

Pagkapasok ay pinigilan ko kiligin nang makita kaagad ni Yamato si Amato ay sinarado niya ang laptop niya tsaka siya tumayo upang buhatin si Amato.

"How's school?" He smiled.

"Good daddy! But there is this stranger po, he's asking me who's my mommy hindi ko po sinabi." Nangunot ang noo ko at lumapit.

"Amato, can we talk?" I asked, natignan niya ako at tumango.

Ibinaba naman siya ni Yamato sa sofa kaya naupo ako sa tabi niya at hinarap siya, bahagya namang bumalik si Yamato sa desk niya.

"Can you tell me what happened to that man?" Tukoy ko.

"Mommy, lumapit po siya sa akin, tinatanong sino raw po mommy ko, sabi niya baka ako raw po yung anak niya." Naitikom ko ang bibig, pasimpleng kumuyom ang kamao ko.

"Siya raw po yung daddy ko, mommy?" Huminga ako ng malalim at umiling.

"Of course not, anak. H-Huwag mong kakausapin yung ganoong klase ng tao ha? Masama sila." Ngumiti si Amato at dumungaw kay Yamato.

"That's my only daddy," turo niya kay Yamato.

Nang sumulyap si Yamato ay ngumiti siya kaagad kay Amato, bumuntong hininga ako. "Nasaan ang gwapo kong Amato?!" Nang pumasok si Senti ay natuwa rin si Amato.

"Hello tito!" Kaway ni Amato.

"Gala tayo? Iikot kita sa site dali!" Excited na sabi ni Senti at binuhat si Amato.

"Hard hat, Sents. Ingatan mo 'yan," paalala ni Yamato kaya napangiti ako at tumikhim.

"Yes boss master! Tara dali! Manang sama ka sa amin, para maka-ikot ka rin." Lumabas sila kaya napatayo ako kaagad at may tinawagan sa cellphone ko.

I called my brother, "Oppa." Panimula ko.

"Yes, Jami. What's wrong?" Nasapo ko ang noo, natataranta.

"I guess he's back," mahinang sabi ko.

"Sino? Wait, pasok lang ako sa office." Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"P-Paano kung kunin niya sa akin si Amato, oppa? I-I don't know what to do." Napatikhim siya sa kabilang linya.

"Yung tatay ni Amato, bumalik ba?" Huminga ako ng malalim.

"I guess, sabi ni manang kanina lumapit raw siya kay Amato." Nanlulumong sabi ko.

"Eh gago ba 'yon? Matapos niyang iwan-iwan tapos ngayon babawiin niya?" Bumuntong hininga ako sa sinabi ni Kuya Laze.

"Pag lumapit sa'yo, itanggi mo. Huwag ka matakot, you're the legal mother of Amato now. Huwag mong kakalimutan na kahit pa tunay na magulang niya, ipinagkatiwala sa'yo ng kaibigan mo ang anak niya." Hindi na ako sumagot at tanging hmm na lang ang tugon.

"Sapakin mo if you want— Babe! Ang tagal mo naman!" Nang marinig ko sa kabilang linya si Ate Miran ay ngumisi ako.

"Oh oppa, gawa na raw kayo ulit ni Ate Miran." Natatawang sabi ko.

"Bastos. Wait babe! Susunod ako sa banyo, kausap ko lang si Jami." Nanlaki ang mata ko.

"Ang bastos niyo ha! In front of me pa talaga? Oppa, bye na nga. Yuck!" Pag-iinarte ko na ikinatawa niya ng malakas.

"Maka-yuck, single kasi."

"Oppa! Ano naman kung single ako? At least maganda." Arte ko tsaka pinatay ang tawag upang hindi na siya makaganti.


Sumandal ako sa sofa at sandaling pumikit, pagkatapos ng work ko sa site ay kinuha ko na si Amato ngunit magpapaalam pa raw siya sa daddy niya.

"Daddy, uwi na raw po kami." Nakangusong sabi ni Amato halatang nag-eenjoy kasama ang daddy-daddy niya.

"Alright, we'll see each other again next time?" Yamato carried him and walked towards me, napalunok naman ako.

"Hatid ko na kayo sa labasan," wika niya kaya pinigilan ko ngumiti at pasimple na lang na naglakad.

"Would you visit me if I can't see you here, daddy?" Mabagal magsalita si Amato dahil bata pa siya.

"We'll see about that, if daddy's not busy. I will be sure to visit you, surprise visit." Kinagat ko ang ibabang labi habang naririnig si Yamato gamitin ang maliit na boses niya para kay Amato.

Cute?

Nang nasa harapan na ng car ko ay hinarap ko ang dalawa, "Let's go?" Bubuhatin ko sana si Amato pero umiling siya.

"Mommy, no."

"Bawal ka magbuhat ng mabigat," ngumiti na lang ako.

"Sige na, say bye to daddy." Malambing na sabi ko.

"Bye daddy, see you. I love you," humalik pa sa pisngi ni Yamato si Amato, lambing ng bata na 'to, hindi naman malambing si Athena? Yung daddy niya kayang piloto na mababa ang lipad?

"Bye, I love you." Ganti ni Yamato nang bahagya pa siyang sumulyap sa akin ay nagulat ako.

"Ingat sa pagmamaneho." Paalala niya, akala ko para sa akin na yung I love you eh, hehehehe.

"I will, thank you." Yamato placed Amato in the baby's car seat and put on his seat belt.

Si manang naman ay tumabi na kay Amato, para mas safe. Pagkasakay ko sa driver's seat ay napahikab ako. "Focus on the road," nalingon ko si Yamato sa bintana kaya bahagya kong ibinaba 'yon.

"Yes, Engr. Lapiz. Huwag ka mag-alala, driver ako." Ngumiwi ang labi niya sa akin at muling kumaway kay Amato with a smile on his lips pa.

Tapos sa akin ngiwi?


Makalipas ang tatlong araw, pumasok ako sa office for conference meeting about the problems and needs of the on-going construction in the site.

Yamato entered the conference room wearing a black slacks and our black polo shirt uniform with the logo embroidered on the side of the chest.

It was tucked in fitly on his slacks and his black belt, ang hot naman pumasok nito, hindi ba bawal 'yon?

Kaya ang dami lalo nagkakagusto sa kaniya eh, "Ang gwapo mo naman Engr. Lapiz, nakakagana pumasok." Umangat ang gilid ng labi ko sa sinabi ng isang babae na office worker.

"Ah, hindi naman." Seryosong sagot ni Yamato at inilapag ang susi at wallet niya sa harapan niya.

Nang mapansin niya na nakatingin ako ay awtomatiko ko siyang inirapan upang hindi siya makahalata na tinititigan ko siya.

Nang tignan ko siya ulit ay pinigilan ko ngumiti, when he mouthed the word, "Problema mo?"

I rolled my eyes and diverted my attention to Mr. Teloso who's going to provide the company needs and on-site needs.

"You look pale, Engr. Garcia, may sakit ka ba?" Natignan ko si Mr. Teloso tsaka ako matipid na ngumiti at umiling.

"I'm a little bit anemic, and it's normal." I smiled.

"Miss, give her a chamomile tea." Gumalaw naman kaagad yung assistant ko na sobrang bait at sobrang loyal.

Ang friendly niya, maasahan pa. "Thank you for that," I smiled once again and yawned.

Puyat lang talaga ako, kaiisip sa real daddy ni Amato, napapansin kasi nila pag-aaligid nito sa kung saan. "Engr. Garcia, may visit ka po pala. Waiting po siya sa office niyo," tumango ako at tinanggap ang tea.

Nang matapos ang meeting ay tumayo na ako, "Sino yung bumisita?" I asked.

"Lalake, engineer eh. Baka po friend of friend? Old friend?" Tumango ako tsaka ko kinuha ang bag ko pero bago 'yon ay dumaan ako sa gilid ni Yamato.

"Engr. Garcia," natigil ako at nilingon ko siya.

"Oh?"

"Inaano ka?" Nakakunot ang noo niyang tanong kaya ngumisi ako, "Wala? Mamaya na tayo mag-usap. May nag-set raw ng appointment baka project?" Ngumiwi siya at tumango.

"Ge."

Sa tugon niya ay naglakad na ako papunta sa office ko, nang buksan ko ang office ko ay natigilan ako ng makita ang pamilyar na lalake.

"You are?" I asked.

"Can't you recall? Did I change a lot?" Nang ipakita niya ang pin ng pilot ay napatitig ako sa kaniya.

Kinabahan ako, did he found out about Amato?

"I came here to have a nice talk with you, Liezel Jami Garcia—"

"Engr. Garcia." Pagtatama ko sa kaniya tsaka ako pekeng ngumiti.

"Why are you here?" I asked.

"Ikaw yung pilotong mababa ang lipad, right?" I insulted him.

"Hah, really? Hindi ka pa pala nagbabago. You just aged, but you never changed." A smirk forms into the corner of my lips.

"How nasty that you're here, papagawa ka ba ng bahay sa akin?" Sumbat ko, sarkastika.

"Si Amato ba yung anak ko?" Natigilan ako sa sinabi niya.

"What the hell are you talking about? Anak mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"May anak ka ba?" Sarkastikang tanong ko.

"Sagutin mo na lang ako, dahil kung anak ko siya babawiin ko siya." Peke akong tumawa.

"Ang kapal naman ng mukha mong sumugod sa harapan ko upang itanong sa akin kung anak mo si Amato." Mariing sabi ko.

"Wala kang anak, kaya makakaalis ka na. Dahil ayoko ng gulo sa pamilya ko, lalo na sa anak ko." Mariing gitil ko at sinamaan siya ng tingin.

"So he's really my son? You looked defensive." I smirked at his question.

"It's because I heard you've been bothering my son in his school. Gusto mo bang ipadampot kita sa pulis?" Galit na sabi ko.

"You're harassing my kid, umalis ka na." Galit na sabi ko sa kaniya.

"Nakakairita ang pagmumukha mo, umayos lamang pero ang ugali mo ganoon pa rin, basura." Nang sumugod ito sa akin ay napaatras ako ngunit halos maiiwas ko ang mukha ng sapuin niya 'yon at mahigpit na hawakan.

"A-Ano ba!" Singhal ko at tinutulak siya.

"Bastos ka eh, anak ko ba si Amato, isang tanong isang sagot!" Halos mapahiya ako sa labas ng office ko ng malakas niyang bitiwan ang mukha ko dahilan para sumalampak ako sa sahig.

"Engr. Garcia! Oh my god!" Nang makita 'yon ng assistant ko ay huminga ako ng malalim, nanatili sa sahig.

Pinakakamalma ang sariling puso, nagagalit ako. Gusto ko siyang sapakin ngunit hindi ko pwedeng ipakita 'yon sa mga tao.

"Oops, I slipped." He sarcastically said, my hand turned into fist.

I licked my lips, trying to stand. "Makakaalis ka na," mahinahon na sabi ko.

"Sagutin mo muna ang tanong ko kung ayaw mong mapahiya sa lahat ng nanonood!" Napapikit ako sa malakas na sigaw niya.

"Anak ko ba yung batang 'yon?!" Kumuyom ang kamao ko at galit ko siyang tinignan.

"Wala kang anak, wala kang anak!" Galit na sambit ko.

"H-Huwag na huwag ka ng babalik pa ri— ano ba!" Hinawakan ko ang pulsuhan niya ng sapuin niya ang pisngi ko sa marahas na paraan at ilapit sa kaniya.

"Tumawag kayo ng tulong! Bilis!" Sigaw ng assistant ko.

"Isa pang sapo mo sa mukha ko, babasagin ko yung mukha mo. Bitiwan mo 'ko!" Galit na sigaw ko ay pinapalo ang malaking kamay niya.

Ngunit mabilis akong nabitiwan nito nang malakas na may sumapo sa leeg niya at tumama ang likuran ng ulo niya sa pader dahil sa pwersa.

"Bitiwan nga raw, hindi ka ba nakakaintindi?" Hinawakan ko ang pisngi dahil parang namula 'yon sa higpit ng hawak. Ngunit ang tinig ni Yamato ay nakakaba.



///

@/n: Any thoughts? You can drop your Truth (Questions) for Yamato and Jami, mga tanong ma gusto niyong itanong nila sa isa't isa. Pipili ako, thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro