
Chapter 44: Fastidious
Chapter 44: Fastidious
Liezel Jami's Point Of View.
Naupo 'yon sa harapan namin hawak ang test results, "Ma'am gaano na po katagal?" Naglapat ang labi ko dahil nakatingin si Yamato sa akin.
"Yes." Halos mapalunok ako sa naging sagot.
"Anong yes?" Bulong ni Yamato kaya ngumuso ako.
"Sorry, I was just out of my mind. I've been taking meds for more than 2 years. Mas okay sana kung pag-usapan natin 'to ng walang ibang nakakarinig?" Nasulyapan ko si Yamato na nakakunot ang noo.
"Ay, sige po ma'am. Sir, wait niyo lang po ako doon. Pwede po kayo mag-donate, maupo na po kayo para masimulan na." Tumango si Yamato.
"Sure," bago siya tumayo at tinitigan niya pa ako kaya nang makaalis siya ay huminga ako ng malalim.
"I have ASD, 2 years and 5 to 6 months na ang nakalipas." Tumango yung med tech.
"Kaya po pala ma'am, bawal pa po kayo mag-blood transfusions, since may heart drugs ang dumadaloy sa veins niyo papunta sa heart." Ngumiti ako at tumango.
"I understand," I replied.
"Ma'am, samahan niyo na lang po si sir. Matinding hilo po kasi pag makukuhanan siya ng half bag of blood first time niya rin po yata." Tumango ako at lumapit.
Nang tignan ko si Yamato na nakahiga ay lumunok ako, "Hala ka diyan." Pananakot ko.
"Shup up." Masungit niyang turan kaya naupo ako sa monoblock sa tabi niya.
"Yung malaking karayom po sana para mas mabili—"
"Engr. Garcia, enough." Kinakabahan na sabi niya kaya nakagat ko ang ibabang labi.
"Masakit raw 'yan eh, parang hinihigop yung sa ugat mo—"
"Hindi ako natutuwa, umalis ka na lang." pinigilan ko tumawa, kagat labi akong tumango tango.
Nang matusukan siya ay pinanood ko kaagad yung dumaloy na dugo sa mismong intravenous vein, binigyan siya ng ball na pipisilin niya for more blood flow.
Habang pinipisil niya 'yon ay mas nagiging visible yung ugat niya on his hand up to his arms.
Hindi naman sa attractive, medyo lang..
Naghintay ako habang nakanguso, inaantok ako. Nakapikit ngayon si Yamato ngunit ang palad niya ay pumipiga sa bola, sana all bola— I mean— para n-nahahawakan niya like my hand.
Sandali akong yumuko sa tabi ng bed niya, ang tagal eh. Pumikit ako sa mga braso ko, idlip lang talaga. Masyado akong nag hyperventilate kanina.
Naalimpungatan ako sa tapik sa bandang likuran ko, "Engr. Garcia." Dahan-dahan akong bumangon.
"Tapos na?" I asked.
"Yeah," he answered.
Natakpan ko ang bibig at humikab, tumayo ako tsaka lumapit sa kaniya. "Kaya mo?" Tanong ko.
"I can handle, hilo lang." Hinawakan ko na siya sa braso at siko, "Tara." Huminga siya ng malalim at hinayaan na lang ako.
Bumalik kami sa ER and they allowed him to occupy the bed beside Amato. "Daddy, ginawa mo rin 'to?" Turo niya sa dugo na pumapasok sa kaniya.
"Hmm," ngumiti si Yamato.
"Daddy gave you his blood, kaya huwag ka na ma-accident, okay?" Ngumiti siya at tumango.
"Thank your dad." Mahinang sabi ko.
"Thank you daddy," malambing na sabi ni Yamato.
After Amato's blood transfusion, nilipat siya sa isang private room, "Engr. Lapiz, you can go home. Ako na bahala rito, para makapagpahinga ka." I reminded him.
"I'm good."
"Dito muna ako sa sofa," wika niya.
"We'll stay here for a while, ha? Hindi pa tayo makakauwi, buti at hindi nalamatan ang ulo mo." Ngumuso si Amato kaya inayos ko ang suot niyang hospital gown.
"Manang, go home and get us our things." Mahinahon na sabi ko, "Tell lola not to worry and just rest at home." Sinunod naman ako kaagad ni manang.
I called my assistant naman, "Hello, I'm sorry for rushing out of the office a while ago. Yung baby ko kasi nagkaroon ng accident," mahinang sabi ko.
"Sige Engr. Garcia, hindi po kayo makakapasok?"
"Yes, I need to stay with my baby kasi. You know, when your kid is sick, mom's are supposed to be beside them." Kalmadong sabi ko.
"Yes Engr. Garcia, sige po. I-excuse ko na lang kayo." Huminga ako ng malalim at pinatay na ang tawag.
Mapayapang naka-idlip muli si Amato, nasulyapan ko naman si Yamato na naka-sandal sa sofa. "Uuwi ako sandali," nalingon ko siya.
"Sure."
"Babalik rin ako," wika niya kaya napatigil ako.
"Bakit?"
"Para feel ng bata na may bantay siyang magulang." Hindi na ako umimik at umiwas tingin na lang.
Nang lumapit siya kay Amato at humalik sa noo nito ay bahagyang sumaya ang puso ko, "Ingat."
"Hmm." Usal niya at tsaka siya naglakad papalabas ng kwarto.
Binantayan ko muna si Amato, kalaunan ay dinner na rin at inayos ko na ang mga damit na dala ni manang kanina ngunit pinauwi ko na rin siya.
"Amato," tawag ko sa kaniya ng magising siya.
"Hmm mommy?"
"I'll just take a fast shower, huwag kang bababa ng bed. Nood ka na lang ng cartoons okay?" Tumango siya sa akin kaya binigay ko sa kaniya ang remote.
Pumasok na ako sa banyo at mabilis na nag-shower, pagkatapos ko ay inipit ko muna ang buhok ko into a bun upang makapag-lagay ako ng skin care sa mukha.
I also sprayed a body mist and lumabas na ako ng room pero sakto namang nasa labas na si Yamato, he's wearing a slides in slipper while wearing a black socks and it seems like a jogging pants.
Kulay itim 'yon tapos hoodie lang na may shirt sa loob, "I bought dinner." Turo niya.
"Thank you."
"Bumili ako ice cream," nakangiting sabi mi Yamato ay lumapit kay Amato.
"I heard pwede 'to sa'yo, I don't know your favorite flavor e—"
"You always buy the one mommy likes, daddy." Nang mapansin 'yon ni Amato ay lumapit ako sa dinner at inalis na ang ipit ng buhok ko.
"Mommy, when did you last cut your hair?" Kwestyon ni Amato.
"3 years ago?" I asked.
"Wow." Bulong niya.
"Matagal naman humaba ang buhok ko," mahinang sabi ko pa kay Amato.
"Let's eat," aya ko kay Yamato at inilagay ang table na nakadikit na sa bed ni Amato. His smiles were the cutest, parang walang peke sa bata na 'to.
Yamato stood up and tried to fit in the hospital bed, we both ate with Amato who's I'm feeding.
"Do you feel good now?" Tanong ko kay Amato, inayos pa ang buhok niya ang iba kasi sa mga 'yon ay naipit ng benda.
"Yes mommy."
Babanyusan ko na lang siya mamaya, matapos namin kumain ay nanonood lang siya ng cartoons habang kinakain niya ang ice cream na dala ni Yamato.
"I love you," mahinahon na sabi ko kay Amato.
Ngumiti siya, pagkahalik niya sa pisngi ko ay halos ngumuso ako. "Baby, may ice cream na." Turo ko sa pisngi, he giggled and I ended up laughing.
"Sandali," paalam ko.
"Daddy, sit beside me." Nalingon ko ang dalawa nang maupo si Yamato sa bed ni Amato ay ikandong niya ito.
Dati ako lang nauupo doon ah? Sige, landi pa.
Hinayaan ko ang dalawa na magkasama, nanonood sila ng cars, sa kung saan nandoon yung mga sasakyan na may mukha. They even talk.
Lumipas ang oras ay nakatulog na si Amato sa dibdib ni Yamato, tumayo naman ako at tsaka tinulungan si Amato na maihiga ng maayos.
Mabilis naman siya na nakaramdam kaya, "Yung milk niya." Mahinang sabi ko, inabot 'yon ni Yamato sa akin kaya pagkabigay ko no'n kay Amato ay tumahimik ito at dumede na lang.
Kinumutan ko rin, itinaas ko yung harang sa bed niya upang hindi siya malaglag kung sakali. Nilagyan ko rin ng unan doon sa gilid niya upang hindi siya mauntog sa bakal o tumama.
As far as I know, Amato's father is RH null, nataon lang na ang swerte ni Amato dahil si Yamato ay ganoon rin pala.
A husband must be a husband, joke.
Asa tayo, Jami. Iniwan-iwan mo tapos aasa ka na mamahalin ka pa niyan? Matapos mong saktan.
He's really successful, and I expected it already.
Natulog ako sa tabi ni Amato that night, and when I woke up the sun is already rising, nagtaka rin ako ng nakakumot na ako. Nagkumot ba ako kagabi ng hindi ko namamalayan?
Napalunok ako ng paglingon ko ay nakataas na ang bed frame, hindi naman 'to nakataas kagabi, maingat akong bumangon.
Asan ba si Yamato?
Pagkabangon ko ay napa-stretch pa ako not until the door open, napaayos ako kaagad ng tayo. He's holding a paper bag on hand with his keys on his forefinger.
"Morning." Bati ko.
"Morning, bumili na ako ng breakfast." Tukoy niya sa dala niya tsaka niya maingat na ibinaba 'yon sa center table kaharap ng sofa.
Naghilamos na muna ako dahil nakakahiya naman, pagkalabas ko ay may kausap siya sa cellphone.
"Engr. Cariño, I can't come as I have an emergency. Huwag na makulit." Kalmado ang tinig niya kaya pasimple akong napanguso.
Salubong ang kilay niya habang nakaupo siya sa sofa at bahagya pang naka-wide ang legs niya habang ang isang kamay niya ay nasa isang legs niya at ang isang kamay niya ay hawak ang cellphone at nakatapat sa tenga niya.
"Ano ba problema? Pag-usapan na lang natin bukas Engr. Cariño. Okay, ingat." Umirap ako sa huling sinabi, ako nga hindi sinasabihan ng ingat.
I rolled my eyes silently, "Knock-knock." Napalingon ako sa pinto, nagulat ako ng makita si Serina at Mandy na parehas magkakrus ang braso habang nakatitig sa akin.
"May anak ka," naitikom ko ang bibig.
"B-Bakit kayo nandito?" Kwestyon ko.
"Senti." Salubong ang kilay kong tinitigan si Senti na alanganin na tumawa.
"Miss madam sorry, hehehe." Huminga ako ng malalim.
"Oh my god, who's his father— Engr. Lapiz n-nandito ka pala." Nagulat si Serina at pinanlakihan ako ng mata.
"Good morning," bati ni Yamato.
"Good morning Engr. Lapiz." Bati nila.
"Bro, hindi ko sadya." Naupo kaagad si Senti at nagpaliwanag kay Yamato.
"Ikaw, h-how dare you?" Pag-iinarte ni Mandy kaya napapailing ako at natawa.
"Si Engr. Lapiz tatay?" Kwestyon ni Serina sobrang hina.
"Let's not talk about that here, ayoko rin pag-usapan." Seryosong sabi ko.
"Jams, ang laki na oh. Ba't ka nag-secret," nasasaktan na sabi niya kaya ngumisi ako.
"Umayos kayo."
"Sabi ko nga joke lang," wika nila.
Nang magising si Amato ay pinakilala ko siya kaagad pati na yung mga friends ko ay natuwa at nilaro siya, "Mommy, your meds." Sa sinabi ni Amato ay nasulyapan ako ng lahat.
"Gamot saan 'yan be?" Tanong ni Mandy.
"Ah vitamins." Pagsisinungaling ko.
Natignan ako ni Amato, bahagyang nakaawang ang bibig. Ngumiti ako sa kaniya, "Mommy."
"Oh?" Tugon ko tsaka ako lumapit sa kaniya matapos ko inumin yung gamot.
"Ano vitamins mo be, patingin." Natigilan ako sa sinabi ni Serina.
"H-Hindi na," awat ko.
"Jami." Napatigil ako at huminga ng malalim.
Umiling ako at hinayaan siyang tignan 'yon sa bag ko, "Ba't ang dami."
"Iba't ibang klase," wika ko, ngunit nang mabasa niya 'yon ay nag eye-to-eye contact kami dahil alam kong alam niya, malalaman niya.
"Ano meron?" Senti asked.
"Ah, wala. Ang dami niya kasing vitamins, halatang healthy." Pag-iiba ng usapan ni Serina kaya nakahinga ako ng maluwag,
"Ah, syempre. May baby siya dapat healthy siya," sangayon ni Senti.
"Malapit na birthday ko, punta kayo ah. Club party 'yon, sponsor ni dad." Natatawang sabi ni Senti kaya ngumiti ako.
"Ilang taon ka na?" Tanong ko.
"Bente syete," ngumuso ako.
"Tatlong taon pala agwat natin." Mahinang sabi ko.
"Dalawa mahigit lang naman kayo ni Yamato?" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya, "A-Ano naman?" Takang sabi ko.
"Wala, share ko lang. 'Di ba boss master?" Siniko pa bahagya ni Senti si Yamato na salubong ang kilay at matalim ang tingin.
"Tigilan mo 'ko." Banta ni Yamato.
"'To naman kala mo hindi naging crush si miss madam noong pagkabata—"
"Senti, magbantay ka nga sa site." Pinigilan ko ngumiti sa kilig ngunit pagkaharap ko kay Amato ay nakatitig siya sa mukha ko.
"Why are you smiling mommy?" Malakas ang tanong niya kaya napatikhim ako.
"H-Hindi ah," deny ko.
"Mommy, I don't lie." Ngumiwi ako, nilalaglag naman ako ni Amato.
"Kasi ang cute cute mo anak, 'yon lang okay?" Hinawakan ko pa ang pisngi niya.
"Kiss si mommy," turo ko sa lips ko.
Ngumiti ito ay kumiss rin, ang cute na bata. "I kissed daddy a while ago," sa sinabi niya ay halos dumulas ang pagkakadantay ng kamay ko sa kama niya.
"H-Huh?" Gulat na sabi ko.
Sinasabi niya bang indirect kiss? "Ba't ka humahalik ng iba? Dapat si mommy lang." Pinilit ko magtunog masungit sa kaniya.
Para hindi halatang namumula ang mukha ko, "Si daddy naman," turo ni Amato.
"Uy pucha, daddy raw oh." Parinig ni Senti.
"Hmmm, amoy muling ibalik~"
"Tsk, nagseselos na ako." Pabulong na sabi ko kay Amato.
"Because daddy kissed me and not you mommy?" Nanlaki ang mata ko ng husto.
"O-Of course not!" Gulat na sabi ko.
"Uyyyy!"
"Nagseselos nga ba kanino? Dahil kay baby o dahil kay daddy?" Gatong ni Senti kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Of course not, b-bahala nga kayo diyan. Bantayan niyo, I'll check his bills." Mariing sabi ko at kinuha ang bag ko tsaka ako nahihiyang lumabas ng kwarto ni Amato.
Lugi naman, kinikilig naman ako pero nakakahiya dapat hindi lumabas na gusto ko pa rin siya or else it will be a disadvantage for me.
Few days later, I started working on-site so I wore my combat boots and a pair of simple cargo pants and a white polo shirt tucked in on my cargo pants.
Inipit ko rin ang buhok ko, pagkasampa ko sa site ay natanaw ko kaagad si Yamato ngunit nagagalit siya, "Palagi na lang sorry, palagi na lang hindi niyo sadya. Alam niyo bang ang hirap kumuha ng materials ngayon?" Dahan-dahan akong lumapit.
"Everyone, let's not do this." Mahinang sabi ni Yamato.
"Good morning, may problema ba?" Nasulyapan niya ako bago siya muling tumingin sa mga pinagagalitan niya.
He ran his fingers through his hair and sighed, "Ma'am n-naputol po kasi yung poll, n-namali po kami ng pag-refurnish." They explained.
"Y-Yung polls po na m-matagal hinintay, hindi naman po sadya ma'am." Bumuntong hininga ako, trabaho nga 'yon.
"Hayaan niyo, gagawan ko ng paraan within this day." I reminded them, trying to cheer them up.
"Let's go, Engr. Lapiz." Tawag ko sa kaniya, sumunod siya kaagad sa akin, naglakad naman ako papunta sa office niya tsaka ko tinawagan ang building materials company na pag-aari ko.
"Wait lang, Engineer." Mahinahon na sabi ko at itinapat ang cellphone ko sa tenga ko.
"This is Engr. Garcia, Liezel Jami." Panimula ko.
"Uy hala si ma'am! Hello ma'am, ano po problema?" Panimula nito.
"About the polls, can you send me at least 10 polls? Yung makakapal sana, as soon as possible, kung maayos ngayong araw sana." Tumikhim ako sa sinabi ko.
"Syempre naman ma'am! On the way agad ma'am!" Napangiti ako ng malapad at nalingon si Yamato.
"Thank you so much, I really appreciate this."
"Naman ma'am! Papabayaan ba namin kayo? Eh kayo po 'tong nagbibigay buhay sa amin." Kinilig ako sa sinabi niya kaya mahina akong natawa.
"Bolera ka talaga, sige ha. May work pa ako, wait na lang namin dito sa Tagaytay." Paalam ko at tsaka pinatay na ang tawag.
"Solved." I smiled, nakahinga ng maluwag si Yamato. He even gave me a genuine half smile, "Thank you, Engr. Garcia." Ngumiti rin ako lalo sa pasasalamat niya.
Naupo muna ako sa sofa niya at tsaka ko nag-tipa sa cellphone ko bago ko tinawagan si Amato, "Amato, how are you at school? Is manang outside your room?" I asked.
"Mommy, we're eating lunch. Lola is here," napangiti ako sa sinabi nito.
"That's great then, I just called to check."
"Eat ka na rin mommy, bye-bye."
"Yes baby, bye-bye." I mimicked his little voice and ended up smiling while staring at my phone.
"Sure ka, 'di ko anak 'yan?" Halos mapatingin ako kay Yamato ng maupo siya sa kaharap na sofa.
"Ayaw mo maniwala?" Kwestyon ko.
"Ikaw kung ano paniniwalaan mo," seryosong sabi ko. Ngumiwi siya at tsaka napahikab.
"Inaantok ako, galaw-galaw, trabaho na." Tumayo siya at may kinuha, habang may inaayos natigilan ako ng bumukas ang pinto.
Nang makita si Engr. Cariño ay tumaas ang kilay ko, "You're suspended right?" I asked.
"Yeah, but that doesn't mean I'm not allowed to visit the site?" Tumango ako bilang sagot.
"Okay."
"How's the site without me, Engr. Lapiz?" She became sweet, soft spoken 'yan? Duda ako.
Sinulyapan ko si Yamato na nakakunot ang noo tapos sinulyapan si Engr. Cariño. "Good?" Sa sagot ni Yamato ay pinarinig ko ang mahinang tawa.
"Nag-eexpect ka ba na pag wala ka sa site, magulo na?" I asked, smiling teasingly.
Tumaas ang kilay niya, "Kinakausap ka ba?" Ngumisi ako at tumango.
"Yeah, you're asking me na nga oh." Sarkastikang sagot ko.
"Huwag ka mag-alala, Engr. Cariño. Si Engr. Lapiz 'yan, kahit sinong mawala sa atin maayos ang site." I confidently said, Yamato glanced at me and then he looked away.
"Yeah." Wala sa mood na sagot ni Engr. Cariño.
"Let's go, Engr. Lapiz, we have a lot of work to do. Wait mo na lang kami makabalik," nang-aasar na sabi ko pa.
Inosente naman na sumunod si Yamato kaya napangisi ako pagkalabas, I did great at that part. "Para kayong aso't pusa," bulong ni Yamato.
"Oh? Sino yung aso?" Natigilan siya sa tanong ko.
"B-Ba't mo 'ko tinatanong, desisyon niyo 'yan." Inilihis niya ang longsleeve na suot tsaka niya inayos ang relos.
"Gumagana pa 'yan?" Turo ko, nangunot ang noo niya.
"Susuot ko ba 'to kung sira?" Tinaasan ko siya ng kilay sa sagot niya, "Malay ko ba kung isa ka sa mga tao na nagsu-suot ng relo na hindi gumagana."
Ngumiwi siya, "'Yan ba yung noon?" I asked.
Habang nakatingin sa relos niya ay nagtaka ako ng hindi siya sumagot, nang tignan ko siya ay seryoso ang mga mata niya na nakatingin sa akin. Deretso talaga sa mata!
"B-Bakit?"
"Ang dami mong tanong," mahinang sabi niya tsaka naglakad na pauna.
Ngumuso ako at sumunod, pasipol sipol pa ako kahit suyot, we checked every corner of the blueprint, he even helped on
Habang naglalakad ay halos mahulog ang puso ko ng matapilok ako ngunit mabilis na nahawakan ni Yamato ako braso ko. "Ingat," biglang sabi niya sa mahinang paraan at binitiwan ako kaagad.
Ang bilis ng heartbeat ko!
"Sorry," nahihiyang sabi ko.
"Madulas talaga rito dahil sa bato, ilang beses na rin akong napahiya dahil sa bato rito." Kwento niya kaya mahina akong natawa.
"I can't even afford to have a scar," bulong ko.
"Tsk." Singhal niya lang bilang tugon kaya pinigilan ko ngumiti.
Matapos namin maayos ang lahat ay pawis na pawis akong bumalik sa office niya, nandoon pa si Engr. Cariño. Nakakunot ang noo ni Yamato tapos ay salubong rin ang makapal at medyo makalat niyang kilay.
Dahil wala akong pamunas or towel ay humanap ako ng tissue, "May tissue ka Engr. Lapiz?" I asked.
He stared at me, "What for?" He asked.
"Wala kasi akong panyo eh namawis ako kaagad," mahinang sabi ko, iniiwas niya ang tingin sa akin tapos ay may kinuha siya sa cabinet niya.
Nang abutan niya ako ng face towel ay ngumiti ako, "Thank you." Inabot ko 'yon sa kamay niya, bahagya pa nga nagtama ang mga balat namin.
Bumalik na ako sa sofa at pinunasan ang pawis ko, hanggang leeg at batok pawis na pawis, kabado kasi ako kanina.
"Hindi ka yata sanay—"
"Huwag mo 'ko kausapin, nasisira araw ko." Pagsasabi ko ng totoo tsaka hindi ako humarap sa kaniya.
"You're irritating—"
"Bakit ka ba kasi nandito? Enjoy your vacation." Singhal ko.
"Bantay sarado ka, hindi naman bata 'yan." Parinig ko pa with sulyap kay Yamato dahilan para nakakunot ang noo niya na tinignan ako.
"Can you stop?" Natignan ko si Engr. Cariño.
"Then you better stop, too. Hindi ako pala-away na tao," paglilinaw ko tsaka ako bumuntong hininga.
Nang bumukas ang pinto matapos ang tatlong katok ay ngumiti kaagad si Senti. "Boss master, kumusta kayo rito? Pa-tambay ha, init sa labas eh." Naupo si Senti sa harapan ng table ni Yamato sa monoblock.
"Ano ganap sa birthday mo?" I heard Yamato ask, "Simple lang, club party." Excited na sagot niya.
"Simple ba 'yon?" I asked.
"For sure, bonggang inuman na naman. Baka mamaya kung ano na naman gawin niyo ni Serina sa harapan ko ha." Ngumisi ang labi ni Senti.
"Pwede." Nanlaki ang mata ko.
"H-Hoy! Bata pa kayo." Banta ko.
"Hoy! Miss madam! Makapagsalita, may baby ka na nga eh. Daya naman kung kami wala?" Natawa ako sa sinabi niya.
"Ang akin lang, magpakasal muna kayo bago ang baby, kasi mas matrabaho sa papers. Bahala ka, gusto mo ba na hindi mo apelyido ang gamit ng baby niyo if ever?" Natigilan siya, tila nag-isip sa sinabi ko.
"Syempre, gusto ko kasal muna." Ngumisi siya.
"25 pa lang si Serina." I pouted my lips.
"Pwede na pakasalan 'yon 'no?" Ngumiti ako at tumango.
"Pwede na syempre! Papatagalin niyo pa ba yung relationship niyo na boyfriend-girlfriend lang, matatanda naman na kayo." Nakangiting sabi ko.
"Sige, secret mo lang ah." Natuwa ako at napapalakpak pa.
"I'm so excited!"
"For sure maiiyak 'yon sa tuwa, 2 years na kayo 'no?" I asked.
"Going na, malapit na." He excitedly smile, halatang nag-imagine pa.
"Hala," nasapo ko ang pisngi dahil sa wakas may friend na rin ako na ikakasal!
"Uy ba't ka naiiyak?!" Gulat na sabi niya napatayo pa, kahit si Yamato ay natigilan.
"Gagi!" Nang lumapit siya sa akin ay napalo ko siya sa braso, "Bwisit ka, happy lang ako para sa friend ko." I wiped my tears.
Natawa si Senti, "Miss madam, ito naman tinalo pa yung papakasalan ko oh." Ngumiti ako.
"Because marriage is a big deal for a woman. Alam kong sasaya 'yon ng sobra kasi we talked about getting married and she'll be happy for sure." I explained.
"Baka nga bigyan mo lang 'yon ng sing sing kahit wala pang kasal matutuwa na ng sobra 'yon," nakangiting sabi ko pa.
"Parang yung promise ring na hindi mo pa naalis miss madam?" Nag-init ang pisngi ko dahil napatingin si Yamato kaya naitago ko 'yon.
"Senti." Mahinang bulong na banta ko dahilan para mapatawa siya ng malakas.
///
@/n: Any thoughts? Hehehehe Senti niyo mapang-asar.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro