Chapter 43: Unforeseen Fate
Chapter 43: Unforeseen Fate
Liezel Jami's Point Of View.
"Fuck! Ba't ka naghuhubad—" I kept pouting my lips as I kept hearing Yamato's curse over and over again.
"Engr. Garcia!" I tried to open my tired eyes and glanced at his illusion.
"I-I'm so dizzy, shut up illusion." I hissed and tried to hug the pillow but I'm sweating.
I kicked off the blanket and I ended up wanting to remove my brassiere. "Hoy, pucha!" Nang magmura siya ay bumangon ako at sinamaan siya ng tingin.
"Pati ba naman illusion mo, conservative?!" Ngumuso ako at inaabot ang lock ng bra ko ngunit nasapo ko ang noo ng pitikin niya.
"Liezel! Huwag ka maghubad," pagalit na sabi ng illusion ni Yamato kaya nginitian ko 'to.
"Come on, illusion! You've seen this already!" I raised my voice and let my hand reach the lock of my bra.
"It's so hard!" Reklamo ko.
"It's so uncomfy~" Maktol ko naiiyak na.
"'De puta," I watched as his illusion held his forehead and it made me smile.
"Hug~" I sweetly said and widened my arms.
"Shit. U-Umayos ka nga, Liezel Jami. Kingina, alak pa kasi!" Reklamo niya kaya tumawa ako at sinubukan hawakan ang illusion ni Yamato pero umatras siya kaagad.
Ngumuso ako, "Ang arte ng illusion mo!" Singhal ko.
"A-Anong illusion ba? Mahabagin, lord araw-araw mo ba ako susubukin?" Nangunot ang noo ko at seryosong tinitigan siya.
"Woah, hot." I smiled, staring at his topless body. Nahawakan ni illusion ni Yamato ang katawan niya kaya natawa ako.
"I've never seen that body for almost 2 years!" I hissed and laid my back, nasusuka na kasi ako.
"K-Kingina," rinig kong mura niya kaya nang kumutan niya ako ay lumiyad ako upang maabot ang lock ng bra ko tsaka ko inalis 'yon at tinapon sa kung saan.
"Tangina— Liezel Jami, sumasakit ang ulo ko sa'yo." Ngumuso ako at pumikit na, sobrang presko, napasinghot pa ako dahil ang bango ng kama niya.
Kahit illusion pala may amoy..
Naalimpungatan ako ng madaling araw, sobrang sama ng sakit sa ulo ko, para akong masusuka. Napatitig ako sa buong kwarto, bumaba ako sa kama ngunit halos mapatili ako ng may maapakan at may dumaing.
"Ang torture mo 'no?" Salubong ang kilay niya hawak-hawak niya ang legs niya na naapakan ko, natulala ako sa kaniya.
"O-Oh my gosh." I covered my mouth when I realized everything.
"Ano? Natauhan ka?" Mabilis akong napatingin sa damit ko.
"B-Bakit iba yung suot ko?" Gulat na gulat kong tanong.
"B-Bakit?" Ngumiwi siya, salubong ang kilay at masama ang tingin sa akin.
"Nagtataka ka? Pagkatapos mo 'ko pasukin sa condo ko, nag-dive ka sa kama ko, tapos naghubad hubad ka sa harapan ko." Nag-init ng husto ang pisngi ko.
Napaupo ako sa kama at natulala, "Tsk, alak pa." Singhal niya tsaka siya tumayo, nahihiya akong napatakip ng mukha.
Nang pumasok siya ulit sa kwarto ay inabutan niya ako ng tubig kaya tinanggap ko 'yon. "Thank you." Mahinang sabi ko.
Naubos ko 'yon sa sobrang tuyo ng lalamunan ko, bigla ay naamoy ko ang kwarto niya na kaamoy niya. Shit.
"Sorry," nahihiyang sabi ko.
"Sakit ulo mo ngayon?" Ngumuso ako nang parang nansesermon ang tono niya.
"D-Dito ka pa pala nag-stay," mahinang sabi ko.
"A-Akala ko hindi na," nahihiyang sabi ko.
"Bakit ka ba rito pumunta? Naligaw ka?" Sarkastikong sabi niya kaya ngumuso ako.
"Yung utak ko naligaw," wika ko.
"Tsk," pinagkrus niya ang braso.
"Amoy alak ka oh," pinamumukha niya pa sa akin, bigla ay nailibot ko ang paningin.
"Woah, bago na yung interior oh." Namamanghang sabi ko.
"Natural," bulong niya.
"Yung gamit ko? Nasaan?" Nanlalaki ang mga mata ko na tanong.
"Binenta ko na libro mo," nanlaki ang mata ko at napatayo tsaka ako mabilis na pumasok sa study room, halos atakihin ako sa puso ngunit nang malaman na maayos ang mga libro ko ay nakahinga ako ng maluwag.
Lumabas ako ngunit magkakrus ang braso niya habang naka-pajamas siya at puting shirt. Ang titig niya sa akin ay matalim, "Ang daming nagbago ah."
"Hmm," tumango siya.
"Bakit hindi mo pa tinatapon yung mga gamit ko?" Nangunot ang noo niya.
"I started renovating this for three months, last three months, last week lang siya naayos." Sagot niya sa akin, naglakad siya sa kung saan at nang sumandal siya sa shelf ay napalunok ako.
Sa tangkad niya, mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko. "I don't throw away things that are not mine, kunin mo if you want." Usal niya.
"One more thing, you paid 30% of the condo. Ang bastos ko naman if I can't keep your things?" Napatitig ako sa kaniya at tumango.
Then suddenly I remembered Amato, "M-My phone?" I asked.
"Hindi ko natawagan si Amato, hindi 'yon natutulog ng wala—"
"I already told him, he called you a lot of times." Napaayos ako ng tayo at tumango.
"Thank you." Mahinang sabi ko.
"Huwag ka ng uulit," he warned me using his point finger, parang sinasabi niyang hala, sige ka.
Ang cute.
"I understand that you are also an owner of this condominium but don't barge in and strip your clothes in front of me." Nag-init ang pisngi ko kaya alanganin akong tumawa.
"H-Hindi ko sinasadya," wika ko.
"Mainit."
"N-Nasasakal ako sa suot ko, kaya akala k—"
"You even called me illusion," napapikit ako at pasimpleng napakamot sa ulo ko.
"Gamot mo raw inumin mo, kung ano man 'yon." Dagdag niya pa kaya napapahiya akong ngumuso, nang pumasok siya sa kwarto niya ay napasigaw pa ako out of frustration and shame.
I pouted my lips, kumatok ako sa kwarto. "Can I come in?" I asked for permission.
Halos magulat ako ng malaking bumukas ang pinto, "Nahiya ka pa after what you did?" He rolled his eyes and shook his head out of disappointment.
Edi ako ng walang hiya.
"Can I check the closet? Do I have clothes?" Nalingon niya ako.
"Inayos ko lang, wala akong binago diyan." Lumunok ako at kumuha ng pwede kong damitin.
Nang makakuha ay, "Pwede makiligo—"
"Don't ask, gagawin mo pa rin naman." Ngumuso ako at kumuha ng damit ko upang makapag-ligo.
Amoy alak talaga ako, kahit ako naamoy ko sarili ko. Matapos ko maligo ay maingat akong lumabas.
Wala naman na siya sa kama niya, lumabas ako at tsaka ko kinuha ang bag ko upang uminom ako ng gamot.
Kumuha ako ng tubig sa kusina, ngunit panay ala-ala namin ni Yamato ang pumasok sa isip ko, then I remember if my parrot still have a home in here.
Pumunta ako sa balcony at paghawi ko ng kurtina ay namangha ako ng mas gumanda ang bahay nila, do they still go here?
I opened the balcony and then to my surprise my old parrot flew, "Spy! Archery! Umuuwi pa pala kayo dito?" They both rocked their heads and I can't help but smile.
"Ilan na yung babies niyo?" I asked.
"They made eight, the three died." Nalingon ko si Yamato ngunit napaatras siya ng medyo napalapit siya.
Ang bango naman nitong lalake na 'to.
Nakapamulsa siya sa pajamas niya, "W-Why?" I asked.
"They got some flu, sila lang naka-survive. Kaya inayos ko yung home nila dito, minsan kasi nawawala sila." Tumango ako.
"Matanda na rin sila," mahinang sabi ko.
"Hmm." Tanging tugon niya.
Isinarado ko na 'yon tsaka ako pumunta sa kusina, "Madalas ka ba dito?" Tanong ko.
"Hindi, minsan lang. Madalas wala ako, bakit?" Kwestyon niya.
"Wala." Mahinang sagot ko tsaka ako kumuha ng water at inilagay sa palad ko ang dalawang pills.
"Vitamins?" Tanong niya.
"Yeah, everyday, okay." I gave him a thumbs up.
"About what Engr. Cariño said, ''I'm sorry." Natigilan ako at nalingon siya matapos ko inumin yung gamot.
"I don't want to hate her," matipid na sabi ko, "but I hate her now." Umiwas tingin ako.
"Masyado kasing bastos yung bibig niya, akala ba niya itatanggi ko na anak ko si Amato?" Uminit na naman ang ulo ko.
"Ang laki ng sinakripisyo ko para sa bata, tapos tingin niya para lang sa image ng kumpanya may ine-expect siyang gagawin ako?" Singhal ko.
"She's unbelievable, parati ka niyang sinasama sa usapan. I understand her feelings but as if I care if she's hurting?" Nanatili siyang tahimik habang may inaayos.
"I mean, h-hindi naman kita aagawin sa kaniya. Kung 'yon ang kinakatakot niya, tsk." Tumahimik na ako dahil nahiya ako sa sarili kong sinabi.
He chuckled, wala akong masabi tuloy. Hindi ba siya galit sa akin? Dahil siguro moved on na siya?
Naalala ko kasi na ayaw niya ako makita, sabi niya noon. "G-Galit ka ba sa akin?" Biglang tanong ko, natigil siya sa paghiwa ng sibuyas.
"Bakit?" Huminga ako ng malalim.
Kinabahan ako ng makita ang mata niya na maluha luha, "M-May nasabi ba ako?" Kinakabahan na tanong ko.
"Naghihiwa ako sibuyas." Seryosong sabi niya, "Bakit nga? Bakit ako magagalit?" He added.
"Dahil s— ah wala." Pagbawi ko tsaka ko kinuha ang square plate na medyo malalim at tsaka ko nilagay ang milk, cinnamon, and salt pati na kaunting pepper.
"Nasaan yung bread?" I asked.
Nakakamiss naman makasama siya sa kusina, "Ako na." Inabot niya 'yon sa itaas ng cabinet tsaka niya inilapag sa countertop.
"Si Amato, kumusta yung family tree niya?" Nang maalala ko na nakakuha siya ng three star ay napangiti ako.
"Nakakuha siya ng three stars, tuwang tuwa. Pinagmamayabang na may daddy raw siya," mahina akong natawa.
"How did you raise him alone?" He asked, Mahina akong natawa.
"Amato helped me raise his own, madalas nga ay sinesermonan niya ako dahil nakakalimot ako madalas." Kwento ko pa.
"Medyo sensitive rin siya, ayaw niyang napupuna ang height niya eh baby pa naman talaga siya." Mahina siyang natawa at tumango sa inusal ko.
"Those two years were okay because of him," matipid akong napangiti.
"Kahit pagod ako, alam mo yung feeling na makikita ko siya na maglalakad papalapit sa akin nakakagaan sa pakiramdam." Nakagat ko ang ibabang labi.
"Ikaw? Don't you have plans for yourself? 26 years old ka na 'di ba?" Tumango siya.
"I have plans, and it is to be more successful." Ngumisi siya.
"Kayo ng lolo mo? Kumusta?" Kwestyon ko.
"I don't know," wika niya.
"We met, we just don't talk." Tumango ako sa sagot niya.
Kumain kami ng breakfast, "I'll go ahead, pasensya na sa ginawa ko last night. I just needed to drink hindi kasi ako nagalit ng husto." Natatawang sabi ko.
"Thank you for letting me stay," tumango siya.
"Wala akong choice, condo mo rin 'to." Umirap ako sungit niya naman, ganda-ganda ng bumisita sa kaniya dapat good mood siya.
"One day, I'll pick up my things pero hindi lahat-lahat kasi I can't do that." Tumango lang siya.
"Bye."
"Hmm."
Pagkapasok ko sa conference room ay tumahimik kaagad ang lahat, naupo ako sa seat ko at maya-maya ay sunod na pumasok si Yamato.
Nagkatinginan pa nga kami, akala hindi magkasama kanina. "Engr. Garcia, about what happened last time. I apologize," natignan ko si Mr. Teloso.
"Sure, what more can we do about that?" Matipid itong ngumiti kaya tumango ako.
"But I'll put you in an on-site role, just for a week. As I suspended Engr. Cariño walang second hand si Engr. Lapiz." Bahagyang tumaas ang kilay ko.
"Suspend? Why?"
"Mali yung ginawa niya kahapon, It's out of the line. Kumalat rin kasi yung conversation kahapon sa hallway sa labas ng office mo." Huminga ako ng malalim sa narinig.
"It's between us, maybe three days is enough. Huwag isang linggo." Pagsasabi ko ng totoo, I'm just being professional.
Kahit ayaw ko sa kaniya, hindi naman ako matutuwa na isang linggo siyang suspended. Nakakawala sa ulirat 'yon.
"Okay, noted Engr. Garcia." Mahinahon niyang sabi.
"What are my works on-site, Engr. Lapiz?" I asked dahilan para matigilan siya at napatingin sa akin.
"Ah, I'll tell you later. I can't elaborate yet, pero may site consultation mamayang 3pm, I hope you'll be there." Tumango ako sa sinabi niya.
"Noted."
Huminga ako ng malalim tsaka ako napahikab, "Puyat ka ba Engr. Garcia?" Nalingon ko ang assistant.
"Wala, hindi naman. Hindi lang enough yung sleep ko." I replied and grabbed a bottle of water.
Nang tumawag sa akin si Amato ay hindi ko masagot, hindi naman siya marunong mag-text dahil hindi pa siya magaling magbasa.
I sighed, pagkatapos ng meeting ay tumayo kaagad ako at kinuha ang bag ko. "Engr. Garcia," napatigil ako at natignan si Yamato ng may pagtataka.
"Meds mo." Nangunot ang noo ko.
"Ha?"
"Amato called, meds mo raw." Napalunok ako at alanganin na tumawa, "Alright." I answered and started calling Amato.
He answered immediately, "Baby."
"Mommy, you didn't go home last night, and you're not answering my calls." I guess, nakanguso siya ngayon habang nagsasalita.
"I'm sorry, I'll make it up to you. Let's have a date on my day off," wika ko habang mabagal na naglalakad papunta sa office ko.
"Kasama si daddy? You sleep over at his place mommy 'di ba po?" Tumikhim ako sa sinabi niya.
"Yes, I did. But I don't think he'll come, we got different day-offs." Nasasanay na siya kay Yamato, jusko ba naman.
Problema na nga, "Do you hate my daddy?" Well your real daddy yes, but your other daddy? Of course not.
"Maka my daddy ka naman diyan 'nak, paano naman si mommy? Nagseselos na ako." Mahina siyang natawa sa kabilang linya at ang cute no'n.
"Eh kasi mommy parati kang may alibi so he can't come, but once I asked him he can come naman." Ngumiwi ako.
"Because your daddy is a busy person, and I can't bother him just because we want. We can't hinder his dreams." I explained.
"I already ruined it once, so let's not do it again, okay?" I tried to smile when someone passed by.
"Good morning Engr. Lapiz," nang makalampas sila sa akin ay may binati sila, sandali naman akong napalingon at halos mamula ng husto ang mukha ko ng makita si Yamato na hawak ang jacket niya sa braso niya habang nasa daliri niya susi ng sasakyan.
Nagmadali ako bigla maglakad, "Baby, I'll call you later!" Mabilis na paalam ko.
"Yes mommy! Take care, love you!"
"Okay, love you too, ingat ka diyan okay?"
"Yes mommy." Napangiti ako at binuksan na ang office ko tsaka ako mabilis na pumasok sa loob.
Nasapo ko ang dibdib sa kaba, grabe. Nasa likod ko lang siya, I mean he's at my back a meter away but still..
N-Narinig niya siguro?
After a few weeks, natigilan ako ng tumagawag sa akin si manang, naka-tatlong tawag siya at hindi ko nasagot dahil naiwan ko ang cellphone sa office ko.
Tinawagan ko siya ulit, "Manang, hello—"
"Jami, si Amato, naaksidente si Amato. S-Sorry Jami." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"What?!" Kinuha ko kaagad ang bag ko tsaka ako nagmamadaling lumabas ng office.
"Hindi ko sinasadya hija—"
"Nasaan na kayo ngayon?!" Natatarantang sabi ko tsaka ako pumara ng taxi.
"City h-hospital." Pinatay ko ang tawag tsaka ko sinabi ang pupuntahan ko, pagkarating ay naiiyak ako sa kaba na tumakbo papasok.
Ngunit natigilan ako ng makita ko si Yamato sa labas ng emergency room, "What happened manang? A-Anong kalagayan niya?" Naiiyak na tanong ko.
"H-Hija, sorry talaga—"
"Manang please! Hindi ko kailangan ng sorry ngayon! Anong kalagayan ng anak ko?!" Napayuko itong umiiyak.
"N-Nahulog po kasi siya sa hagdan, n-naglaro sila ng kaklase niya h-hindi ko naman alam na nandoon na sila Jami." Napaluha ako tsaka ko nasapo ang noo.
"Oh my goodness." I yelled.
"E-Eh kumusta na? H-He's okay right?" I tried to calm myself as I still protected my heart.
Ngunit umiyak lang si manang kaya, nasapo ko ang mukha. "M-Manang stop crying and answer me!"
"He'll be fine, calm yourself." Natignan ko si Yamato na salubong ang kilay habang hinihintay ang paglabas ng doctor.
"Do you know what happened? N-Nakita mo ba yung anak ko? A-Anong hitsura niya? Maayos ba?" Huminga siya ng malalim at hinarap ako.
"Kumalma ka kasi walang maitutulong ang pagiging mataranta, let's wait for the doctor. Okay?" I sighed.
"Manang naman kasi alam niyong hindi ko hinahayaan si Amato na mag-isa, makulit siya. Never pa siya na-accident on my watch." I held my head.
"Sorry Jami."
"H-Hindi ko sinasadya," wika niya.
Nang lumabas yung doctor ay lumapit kaagad ako, "Kumusta yung anak ko doc?" Tanong ko, nang makita yung doctor ay pamilyar siya sa akin.
"Dahil sa pagdugo ng ulo niya, muntik ng mapunta sa risk ang buhay niya. Bata siya, a little blood loss is not good, hindi naman ganoon kabilis mag-circulate ang dugo ng bata." Nasapo ko ang mukha dahil naiiyak ako.
"I suggest you a blood transfusion, mas mabuti sana kung galing na lang mismo sa inyo dahil out of stock ang blood ng blood type niya." Napatigil ako sa sinabi ng doctor.
"P-Parents blood?" I asked.
"Yes, Ms. Garcia." Natigilan ako.
"Until when?" I asked.
"Until this afternoon," wika nito.
"Pwede ko na bang makita yung anak ko?" Tumango ito, kaya mabilis akong pumasok sa emergency room.
Nang makita ko siyang may benda sa ulo ay naiyak kaagad ako, kinakabahan ko siyang hinawakan sa braso.
"B-Baby." Nang magmulat siya ay halos masaktan ako ng ngumiti siya kaagad.
Pinigilan ko umiyak sa harapan niya but I ended up sitting on his bed and hugged him, "M-Mommy, a-are you crying because I g-got hurt?" Hinawakan ko ang kamay niya.
May bahid pa ng dugo ang gilid ng noo niya, "Yes. We promised each other not to get hurt, right?" He pouted his lips.
"But daddy is also here," turo niya sa likod.
Inaabot ni Amato ang kamay niya kaya mabilis na lumapit si Yamato at hinawakan si Amato, "You made us worry," mahinang sabi ni Yamato.
"S-Sorry, mommy, daddy." Bumuntong hininga ako.
"I ran here kasi you got into an accident—"
"Mommy you ran?" Naitikom ko ang bibig.
"T-That's not what I meant—"
"What if you got your heart hurt? What if your wounds opened because of me? Mommy." He was laying on his bed, yet he made his arms crossed over his chest.
"Amato, huwag mo 'kong pagsabihan sa harapan ng iba." Matipid na sabi ko, baka masabi niya.
"Let the doctor check you, mommy. A-Ayoko ko po mapahamak na naman kayo," huminga ako ng malalim at hinawakan ang kamay niya.
"Nag-taxi ako, hindi takbo."
"Ah." Ngumuso siya.
"D-Daddy, I have a daddy now." Ngumiti si Amato kay Yamato kaya ngumuso ako.
H-Hindi mo naman siya daddy.
"I'm here for you," hinawakan ni Yamato ang pisngi ni Amato.
"Get well Amato." Dagdag niya pa.
"Mommy, I'll rest muna po. The doctor told me to sleep for a while so I could get strength." Natigilan ako sa sinabi niya.
"Sleep? Hindi ba bawal 'yon?" Tanong ko.
"I just lost my blood a little, mommy, but my head is fine. Even if I sleep," usal niya sa mahina at mabagal na pananalita.
"Okay baby," I answered.
"I love you." Malambing na sabi ko.
"I love you more mommy," ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi.
"Babalik si mommy okay?" Paalam ko.
Lumabas ako ng ER to talk to his doctor, pero sumunod si Yamato. Pinabantayan ko kay manang si Amato, nang makapasok sa office ng doctor ay huminga ako ng malalim.
"What should I do, doc?" I asked.
"Rh null blood type is the rarest blood type just like AB negative." Nasapo ko ang noo.
"What's your blood type?" Kwestyon ni Yamato.
"AB negative," mahinahon na sabi ko.
"Amato's blood is golden blood." Mahinahon na sabi ko.
"Jami, can we talk for a sec?" Nalingon ko si Yamato.
"Sure." Nang dalhin niya ako sa sasakyan niya ay tahimik lang ako.
"A-Anong pag-uusapan?" Nagtatakang tanong ko.
"Is Amato my son?" Napatitig ako sa kaniya, dahan-dahan akong umiling.
"N-No."
Napatitig siya sa akin, "Jami, paano 'yon? Hindi ko maintindihan." Huminga ako ng malalim.
"Paano 'yon Jami? Kung hindi siya sa akin, sino? Sinong tatay niya?" I frustratedly held my forehead.
"A-Ano 'yon, tayo pa lang may iba ka na?" Dismayado akong ngumiti.
"No."
"I am so frustrated right now, Yamato. H-Hindi ko alam kung saan ako hahanap ng dugo niya, let's not talk about anything that won't help." Naiiritang sabi ko.
"Alam mo na yung blood type niya 'di ba? Nagtatanong ka pa kung anak mo siya?" Seryoso siyang tumitig sa akin.
"Yamato, I never cheated on you back then. H-Huwag ka na magtanong dahil hindi ako handa." Huminga siya ng malalim.
"Jami, that's why I asked you, because I heard his blood type is the same as mine." Natigilan ako sa sinabi niya.
"H-Huh?"
"I never got into an accident as my blood type is very rare, I was never hospitalized." Napatitig ako sa kaniya.
Sa tatlong taon mahigit na nagsama kami, hindi ko alam ang blood type niya dahil ni minsan hindi siya na-ospital o nagkaroon ng aksidente.
"He's not your son." Mahinang sabi ko.
"Fine, but he treats me as his father. What more can I do about it? Pretend? Sure. Ako na bahala," halatang naging iritable siya sa sinabi ko.
Bumaba siya ng sasakyan at natigilan ako ng buksan niya, "Baba." Lumunok ako at napasunod kaagad.
"Follow me." Bigla ay naging pala-sunod ako, nang makapasok sa hospital ay dumeretso kami sa laboratory room.
Dumating rin yung doctor, "Pagod ka 'di ba?" Tanong ko.
"I can rest after this—"
"Check natin if available kayo, for both blood transfusions." The medtech stated, sabay kaming pinaupo at magkaharap.
Nang kuhaan ako ng dugo ay napapikit ako dahil masakit 'yon, ngunit naalala ko na takot sa karayom si Yamato.
Natignan ko siya, I saw him bite his lower lip a little and as he looked away his eyes met mine. Napalunok ako, "Laki-laki mo na." Bulong ko.
"The last time I got injections was more than 2 years ago." Seryosong sabi niya, nanlaki ang mata ko.
"Seryoso ka ba?"
"Yeah." Pairap niyang inalis ang tingin sa akin at ng matapos 'yon ay napanood ko kung gaano niya dinamdam ang tinusukan.
And for Amato, he'll accept another needle. Naghintay kami for like 15 minutes just sitting in front of them. "Ma'am, you're taking medicines for the heart?"
Nang biglang sabihin 'yon ay napalingon sa akin si Yamato, shit. Malalaman niya na ba? Nakikita ba sa dugo 'yon? Gosh.
"Ah, yes." Nahihiyang sagot ko.
///
@/n: Any thoughts? Will Yamato find out?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro