Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 42: Little Talks

Chapter 42: Little Talks



Liezel Jami's Point Of View.





Nang limang minuto ay lumabas na rin siya, inabutan niya ako ng hard hat kaya sinuot ko 'yon at sinabayan siya sa paglalakad. Buhangin ang inaapakan namin kaya medyo madulas, may mga bato-bato rin na pira-piraso na humalo sa buhangin.

Madulas.

Natignan ko muli ang cellphone ko, wala siyang tawag kaya itinago ko na ang cellphone ko. "This is the first section of the building," turo ni Yamato sa parteng nahahati.

"Ah, ilan ang workers diyan?" Tanong ko.

"10-15 workers. Malaki rin yung first section." Tumango na lang ako at naglakad kami ulit, hanggang sa may tumawag sa kaniya at sinagot niya 'yon.

Napatigil tuloy ako, "Good afternoon," panimula niya.

"Bakit wala pa? Fifteen polls lang ang kailangan ko bilang suporta bakit hanggang ngayon wala pa rin?" Napalunok ako sa masungit niyang tono.

"Made-delay tayo kaka-delay niyo sa materyales niyan eh." Mariing sabi niya, umiwas tingin ako ngunit nakikinig pa rin.

"Huwag niyo akong rasunan na may ibang priority, unahin niyo yung naunang umorder! Bye!" Pinatay niya ang tawag halatang mainit ang ulo.

Nang akala ko tapos na ay may tinawagan siya, "Ano na? Wala pa rin daw? Nanadya ba yung supplier?" Ngumuso ako.

Kawawa naman siya, laging galit.

"Pucha, isang linggo para sa fifteen pieces polls? Isang araw lang 'yan magagawa." Ngumuso ako lalo, stressed na naman yung engineer ko.

"Pag wala pa i-rereport ko sila mismo! Sabihin mo." Pinatay niya ang tawag at irita pa siyang suminghal.

Inayos niya ang hard hat kaya nilingon ko na siya, "Ano raw problema?" I asked.

"Yung 15 support polls, wala pa raw. Last week ko pa na-order." Singhal niya.

"Mga kumpanyang— grabe, wala akong masabi." Galit niyang sabi.

"Sabihan mo 'ko." Matipid na sabi ko.

"Saan?" Nagtatakang sabi niya.

"May alam akong kumpanya for building materials." Kalmadong sabi ko, yung binili ni mommy na company na CCC.

Syempre, sa tingin ba niya hahayaan ko sila? Wala na akong idea kung nasaan yung dalawa na 'yon.

Pero binili na namin ang malaking share kaya halos pag-aari na namin ang building materials na company na 'yon.

"Certified 'yan?" Paninigurado niya.

"Of course," matipid na sagot ko.

Nang maikot ang site ay sumasakit na ang binti ko, bumalik na kami sa office niya at tsaka ako napaupo sa pagod.

"Grabe," napahikab ako kaya napatakip ako ng bibig.

Naglapag siya ng water bottle sa harapan ko kaya kinuha ko 'yon, bumalik siya sa desk niya.

Nang matapos 'yon ay umuwi na din ako, pagkarating sa bahay ay hinanap ko kaagad si Amato, "Si Amato po manang?" Tanong ko.

"Nako, nagtatampo." Huminga ako ng malalim at tsaka ako umakyat sa itaas, nang makapasok sa kwarto niya ay naglalaro siya ng malalaking lego blocks.

"Baby," I softly called him, he glanced at me, lips were slightly open and his saliva was about to fall when he closed his mouth.

"Mommy."

"Where's daddy po?" He asked.

Nangunot ang noo ko, "Huh? Daddy, you mean Yamato?" I asked.

Tumango siya, bakit niya naman hahanapin? Ito na nga ba ang ayaw ko, baka masanay siya sa presensya ni Yamato.

"Why are you looking for him?" I asked, he pouted his lips and didn't answer my question. Nagtatampo nga.

"Everyone has a daddy, and I don't have one." Bulong niya.

"Amato, let's not be like this." I reminded him, "N-Nasanay tayo na tayong dalawa lang, don't make it hard for mommy naman sana." Ngumuso lang siya at naglaro na lang.

Dahil doon ay minabuti ko na munang maligo at mag-ayos ng sarili, paano na kaya ang gagawin ko. After 3 minutes of staring myself at the mirror, bumalik ako sa kwarto niya.

"Let's do your family picture na, downstairs." Nalingon niya ako tsaka siya tumayo at kinuha ang school supplies niya tapos lumapit na sa akin.

Sa sala naman namin naisipan gawin, I don't let him use scissors as his hands were swifty, baka magupit niya pa ang sarili niya.

I made him stick the tree that I've cut using a green colored paper, "Ma'am, may bisita po yata kayo." Nalingon ko ang kasamahan sa bahay tsaka ako nagtaka.

"Sino?" I asked.

"Hindi ko po kilala ma'am, wait po—"

"Papasukin mo na kung tingin mo'y kakilala ko," wika ko tsaka ako huminga ng malalim at nag-gupit pa lalo.

"Mommy, cut this po for the log of the tree." Amato pointed to the brown colored paper, and I did what I was told.

Habang busy ako sa pag-gupit ng mas maayos na kahoy ng puno ay natigilan ako sa sinabi ni Amato.

"Daddy!"

"What took you so long?" Nang tumayo si Amato ay nasundan ko siya ng tingin tsaka nanlaki ng bahagya ang mata ko ng makita si Yamato.

"I just got off from work, nagawa mo na ba?" Binuhat niya si Amato matapos ibaba sa center table sa harapan ko ang dala niya.

"B-Ba't ka nandito?" Gulantang na usal ko.

He was carrying Amato while his keys are on his forefinger, he looked so fresh right now, medyo magulo ang buhok niyang bagsak.

Simpleng oversized white shirt at black cotton shorts lamang ang suot niya, literal na fresh.

I sighed, trying to divert my attention. Bumibilis kasi talaga ang tibok ng puso ko pag nasa paligid siya.

"Be seated," wika ko, medyo hindi ko pinakitang excited ako syempre baka mamaya iba isipin niya mapahiya pa ako.

"Daddy, whash this?" Napangiti ako ng maging whash yung what's ni Amato.

Cute.

"That's pasalubong," kinuha 'yon ni Yamato at inilabas ang laman no'n.

Nang makita ko ang full load brownie ice cream and chocolate muffins ay napaiwas tingin ako. I like those very much.

"Amato, stick this na. I'm done cutting what you need," I said and stood up after Amato sat and did his thing.

"Engr. Lapiz, follow me." Matipid ngunit seryosong sabi ko sa kaniya, nang bahagyang makalayo kay Amato ay seryoso ko siyang tinignan.

"Why are you here at this hour?" I asked, and stopped in front of him.

I crossed my arms before staring at his face, ang makapal niyang pilikmata ay nakakainggit sobrang ganda.

"He called me when we're on the site, and he told me the problem." Dismayado akong napaiwas tingin.

"Alam mo ba sa ginagawa mo, masasanay lang siya sa'yo." Mahinahon na sabi ko.

"How consistent are you that you're going to be there for him? Huwag mong binibigyan ng pag-asa yung bata." Matipid na sabi ko.

"Why not? Amato's needing something, ibibigay mo lang 'yon sa bata. Huwag mo naman pag-bawalan sumaya yung bata sa simpleng bagay." Napatitig ako sa kaniya matapos niyang sabihin 'yon.

Nanatili rin siyang nakatingin sa akin, aburido ang hitsura dahil sa salubong ang makakapal niyang kilay.

"Hindi mo naiintindihan—"

"Palagi naman," usal niya.

"Go ahead and do what you came here for," matipid na sabi ko at naupo sa sofa habang tinabihan ni Yamato si Amato sa carpet.

"Daddy, did you get a picture of you?" Amato asked, I pouted my lips and just shut my eyes as I rested my back.

Inaantok rin ako, maaga ako nagising para pumasok sa office eh. "Mommy." Nang tapikin ni Amato ang legs ko ay nagmulat ako ng mata.

"Eat ka po." Inabot niya sa akin ang ice cream at nahirapan ako tumanggi.

"Thank you baby," I smiled.

Ngumiti rin siya, I ate it and stared at the ceiling for a while, glanced at them, watched Yamato, looking away. That's what I did.

Matapos kainin 'yon ay nasilip ko ang ginagawa ng dalawa, tumaas ang kilay ko ng may picture na si Yamato sa family tree.


Ano pa bang magagawa ko?


"Mommy's so beautiful right?" Napalingon ako sa dalawa, a little nod came from Yamato at halos gustuhin ko ng tumili sa kilig.

Oh my gosh..

"Have you eaten?" I asked Yamato.

"I already did, thank you." Formal niya na sagot kaya ngumuso ako, napahikab ako at tsaka ako naupo muli sa sofa.

"Amato, make it fast okay? Para makapahinga na rin siya." Paalala ko kay Amato, ngumiti ito at tumayo sandali kaya pumikit muna ako.

Habang nakapikit ay nagtaka ako ng tawagin ako ni Amato, "Mommy." Nagmulat ako at inaantok siyang tinignan.

"Meds?" Nang hawak niya na ang bag ng mga gamot ko ay alanganin akong natawa.

"Y-You should not show this anak," bulong ko.

"Huh? Why mommy?" Napasulyap ako kay Yamato na abala sa pagtipa sa cellphone niya.

"Kasi awkward, okay?" Nalingon ni Amato si Yamato.

"But it's daddy? It's okay if you drink medicine mommy. It's not shameful," napangiti ako sa pagkakaunawa niya sa sinabi ko.

I patted his head and stood up to get some water, mabuti na lang busy si Yamato. Hindi niya masyadong mauunawaan.

Matapos ko uminom ay bumalik na ako doon, "Let's check nga," nakangiting sabi ko at kinuha yung paper, matipid akong napangiti habang nakatitig sa family tree.

"Good job," wika ko.

"Beautiful po, mommy?" Malambing niyang tanong kaya nakangiti ko siyang tinignan tsaka ako tumango.

"You did great, oh, ang ganda." I pointed to the pictures.

"Thanks to daddy, he completed the family tree." Ngumiti na lang ako at sinulyapan si Yamato na napasulyap rin.

Umiwas tingin ako, "Umuwi ka na rin, Engr. Lapiz. Pasensya na sa abala," usal ko.

"Paalam ka na, baby." Yumakap si Amato kaya matipid akong ngumiti.

"See you again daddy, love you." Napatikhim ako, hindi yata alam ni Yamato ang irereply kaya hinalikan niya na lang ito sa noo.

"Manang, dalhin niyo na po siya sa room niya." Nakangiting sabi ko, nang mai-taas si Amato ay hinatid ko hanggang sa pinto si Yamato.

"Thank you for today, I appreciate what you did for Amato." Mahinahon kong usal, ngumiti pa ako ng matipid.

"No problem, huwag mo siya masyadong pinaghihigpitan lalo na pag nagtatanong siya about his dad." Napatitig ako sa kaniya.

"When I was at his age, hinahanap ko rin yung dad ko. I grew up without a dad until I was 14?" Patanong na sabi niya.

"I am really curious about his dad, but I am not going to ask." Umiwas tingin ako.

"I am protecting him, I'm sorry."

"I'll tell you, I guess if I'm ready. I don't have any reason to spill any information to you, kaya hindi ko masabi." Tumango lang siya.

"I'll go ahead," he stated.

"I'll see you," paalam niya.

"See you, take care Engr. Lapiz." Paalam ko.

Hindi na siya umimik at naglakad na siya papunta sa gate, I sighed. A part of me is missing him so bad, gusto ko siyang yakapin.

I've never got the chance and reason to hug him.


A week later, pagkapasok ko ng company ay napuno ako ng pagtataka dahil kakaiba ang mga tingin nila sa akin, dumeretso naman ako sa conference room for a meeting.

Pagkapasok ay nagbulungan ang iba kaya nagtaka ako, nang makita si Yamato ay nagtaka ako. "What's happening here?" I curiously asked.

"Uhm Engr. Garcia, k-kasi po may kumalat po na issue about you." Nalingon ko yung assistant ko, "What do you mean?" Tanong ko.

"I'll ask you a question," wika ng isa sa mataas dito sa company.

"Sure," naupo ako sa seat ko.

"You have a kid? Sa pagkadalaga?" Naitikom ko ang bibig sa sinabi niya.

"Mr. Teloso." I smiled when I called his name.

"Problema ba sa kumpanya kung may anak ako?" Kwestyon ko.

"Problema ba? Nakakasira ba ng image ng kumpanya?" Naitikom nito ang bibig niya.

"As the face of this company, Engr. Garcia nakakasira talaga ng image." Nalingon ko si Engr. Cariño.

"Really?" Sarkastikang tanong ko.

"What do you want me to do? Quit this project?" Sumbat ko.

"Just because I have a child, I can't be an engineer? Is that what you're telling me?" Sinubukan ko na pakalmahin ang tono ng pananalita ko.

"Being a single mom is a big disgrace for a 24 years old lady, Engr. Garcia." Umawang ang labi ko sa sinabi niya, pinaiinit ni Engr. Cariño ang ulo ko.

"Disgrace?" I repeated.

"Oh my goodness, I can't believe this." Nahilot ko ang sintido, pinapakalma ang sarili dahil baka mabigla ang puso ko.

"I never knew that being a single mom is a disgrace but being a single dad is heroic. Fuck discriminations." I hissed and grabbed my bag and left the conference room.

Galit na galit akong lumabas ng conference room, nakakainit ng ulo. Bwisit silang lahat.

Pumasok ako sa office ko at padabog na naupo sa swivel chair, nang pumasok yung assistant ko ay huminga ako ng malalim.

"Ma'am, water po." Inabutan niya kaagad ako kaya ininom ko 'yon.

"I can't believe them!" Singhal ko pa.

"How c-could they dare to say that in front of my face?" Galit na galit kong sabi.

"Ma'am, baka po pinag-iinitan ka ni Engr. Cariño." Pabulong na sabi nito.

"Yeah right, pa-epal 'yon eh." Galit na sabi ko.

"Tingin ba niya aagawin ko si Engr. Lapiz? Threatened na threatened siya wala pa nga akong ginagawa!" Iritang sabi ko.

"May nakakita raw po kasi sa inyo sa school, parent rin po yata na dito nag-work, tapos bigla na lang pong nagkaroon ng article sa website ng company." Napapikit ako at nasapo ang noo.

"Isa pa 'yan si Engr. Cariño! Kapwa babae niya ako how can she call me a disgrace? What the fuck?" Nang bumukas bigla ang pinto ay napalingon ako.

"You're talking behind my back? You really hate me don't you?!" Sigaw niya, ngumiwi ako at tumayo.

"Out of my office," I hissed.

"Engr. Cariño, huwag na po kayo gumawa ng gulo." Nahihirapan na awat ng assistant ko.

"Out!" I yelled.

"Alam mo ikaw na nga 'tong nakakahiya ikaw pa 'tong maninira! Sino ba ang nagka-anak ng maaga ha?!" Kumuyom ang kamao ko sa sinabi niya.

"Engr. Cariño." Gulat na sabi ni Yamato ng makita niya siguro kami, ngunit pumasok si Engr. Cariño at isinara ang pinto ng office ko.

"Sobra-sobra ka na kaya! Masyado kang mapagmataas! Ngayong may issue ka nagagalit ka kasi tinawag kang disgrace?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sino bang lumandi ng maaga?!" Umawang ang labi ko.

"I'm asking you to leave, now." I pointed the door, ngunit hindi siya nagpaawat at mas lumapit.

"Gagawa gawa ka ng kahihiyan, tapos magagalit ka pag kumalat?" Napapikit ako ng mariin.

"Tama na 'yan." Sita ni Yamato kay Engr. Cariño.

"Sa tingin mo ba kinahihiya ko yung anak ko?" Galit na sabi ko.

"Ang nakakainis, yung tinatawag niyong disgrace yung isang single mom! Hindi ko kinahihiya ang anak ko dahil hindi siya nakakahiya!" Humahangos ako sa galit.

"Kaya manahimik ka, at lumabas ka ng opisina ko bago pa ako mapuno sa'yo." Mariing sabi ko.

"Punong puno na rin ako sa'yo!" Sigaw niya.

"Fuck! Anong pakialam ko?!" Bulyaw ko.

Hinahapo ako sa paghinga, bwisit kasi 'tong babae na 'to. "Ano kaya mo ginagawa 'yon humihingi ka ng simpatya sa kung sino? Kay Engr. Lapiz?! Kay Mr. Teloso? Nagpapaawa ka!" Napatitig ako sa kaniya.

Nauubusan ako ng pasensya. "Engr. Cariño, tama na." Banta ni Yamato.

"I don't need anybody's sympathy. Kaya ko mabuhay ng wala 'yon," mariing sabi ko.

"Kaya huwag kang magsalita diyan na para bang alam mo ang lahat, masyado kang epal sa industriya." Bwisit kong sabi.

"Tignan mo! Ang yabang niya talaga—"

"I said enough Engr. Cariño!" Nang magtaas ng boses si Yamato ay natahimik kaming lahat.


Sige, galitin mo 'yan. Masama pa man din magalit 'yan.


"Eh Engr. Lapiz hindi mo ba nakikita yung maling ginagawa niya? Siya naman nauna—"

"It doesn't seem that way, Engr. Cariño. You're being too much, kahit ako nasaktan sa sinabi mo. My mom was a single mom until I was 14." Seryosong sabi ni Yamato at dahil doon ay napaiwas tingin ako.

"W-What?" Gulat na sabi ni Engr. Cariño.


Ayan, tanga ka eh.


"A disgrace for me is when you start judging someone, someone without even getting to know them." Naupo na ako at umiwas tingin.

"I am really disappointed in you, Engr. Cariño, kaya that's enough." Nang sulyapan ko si Engr. Cariño ay masama niya akong tinignan bago siya padabog na lumabas ng kwarto ko.

"I'm sorry on her beha—"

"Enough, Yamato. Out of my office," seryosong sabi ko, calling his name.

Nang tignan ko siya ay napatigil siya, huminga siya ng malalim at lumabas ng office ko.

Why would he be sorry on her behalf? I will not accept it. "Alis muna ako, call me when something happens. Pwede ka na mag-out ng maaga.."

Lumabas na ako ng company, kinahapunan ay naisipan ko uminom dahil sa stress na nararamdaman ko. Mag-isa akong umiinom, mukha tuloy akong malungkot.

Anong gagawin ko? Itanggi na hindi ko anak si Amato? Anak ko naman talaga siya. Kahit hindi siya galing sa akin, anak ko siya.


Bwisit silang lahat.


Inabot ako ng tatlong oras mahigit at lasing na rin ako, hindi ko nga alam kung papaano ako uuwi. I know I can't drive.

Para akong lumulutang sa ulap, I yawned as I felt sleepy. Madilim na sa labas and I can't even see the time on my phone. Gumagalaw yung numbers.

Tumayo na ako at tsaka ako lumabas, pumara ako ng taxi at napasakay na lang. Nasaan na ba yung condo, siguro naman buhay pa 'yon?

Hindi naman na doon umuuwi si Yamato, sa bahay nga nila siya umuuwi, pag umuwi akong ganito mayayari ako kay Amato.

Para ko pa man ding tatay 'yon kung magalit. "Parehas pa siguro yung pin ng condo?" Bulong ko sa sarili.

Hirap na hirap kong tinahak ang daan papunta doon tsaka ko inilagay ang pin sa pinto. Nang bumukas 'yon ay natuwa ako at pumasok.

Sobrang dilim sa loob ngunit ang lamig, sobrang lamig sa loob, dahil siguro matagal ng hindi tinitirahan.

Pagkasarado ko ay hirap na hirap kong hinanap yung switch ng ilaw, "Oh my god." I yelled when I almost fell, napakapit ako sa pader.

Inalis ko ang sandals ko at tsaka ako naglakad ng masindi ko ang ilaw, "I miss you condo." Parang tanga akong tumawa at niyakap ang sofa.

Antok na antok akong gumapang papunta sa kwarto at dinantayan ko ang door knob, pagkabukas ko ay sobrang dilim kaya hindi na ako nag-aksaya isindi ang ilaw tsaka ako tumalon sa kama ng nakapikit.

"What the fuck?!" Sa sobrang antok ko ay naalala ko pa ang mura ni Yamato sa utak ko, nakakamiss talaga yung bwisit na 'yon.

Nakadapa akong pumikit, "Tangina." Napangiti ako ng mas marinig ang mura niya.

I miss you, I pouted my lips and closed my eyes. "Jami, hey." Nang may tumapik sa pisngi ko ay ngumuso ako at nagmaktol.

"Ihhh!" Iniiwas ko ang mukha ko at isinubsob sa kung saan.

"P-Pucha! Jami ano ba!" Sa ingay ay inis kong tinignan ang illusion ni Yamato.

"I-Illusion, tahimik!" I yelled.

"Amoy alak," bulong niya pa kaya ngumuso ako.

"Illusion ampota." Nagmaktol ako at dumapa ulit, may umbok pa nga sa hinihigaan ko.

Nang ginawin ay isiniksik ko ang sarili ko, "Jami!" Ngumuso ako ng gumalaw ang kama.

"Illusion huwag magalaw! I'm dizzy!" I hissed and laid my back.

"Inom pa sige, inom ng inom!" Ang ingay naman ng illusion ni Yamato, nakakarindi.

Sinipa sipa ko ang kumot tsaka ko niyakap ang unan ng maka-pwesto, "Tangina talaga, matutulog na lang bigla pang may nag-dive wala naman sa pool." I covered my ears and shut my eyes.

But I sat on the bed and removed my top as it's choking my neck, "Pucha!" Nagmamaktol akong pumikit at humiga ulit ng marinig na naman ang mura ng illusion ni Yamato.


Ang dami ko kasing nainom.


///

@/n: Any thoughts? Hehehehe, Jami niyo swimmer, tamang dive lang.. 😂

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro