Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4: His Changes

Chapter 4: His Changes

Liezel Jami's Point Of View.

Nang masulyapan ako ni Athena ay bahagya akong napaatras sa gulat ngunit bago pa man siya makalapit ay napalunok ako ng pigilan siya kaagad ni Kuya Yamato.

"It won't be great if you get her involved," deretso ang tingin niya kay Athena na masama ang tingin.

"Let's just separate ways, Athena. I don't have anything to prove anyway." Bumuntong hininga ako sa malamig niyang tugon, tumalikod na ako at nagmamadaling umalis doon.

Nang makarating sa classroom ay nanlulumo akong yumuko, nakinig ako sa lectures at pagkatapos no'n ay wala ako sa sariling lumabas ng classroom pero wala pa man ay sumalubong na sa mukha ko ang isang platong whipped cream.

Napapahiya kong napahid ang mga mata ko, "Oh my god! Hoy ang kapal ng mukha niyo!" Nilapitan kaagad ako ng classmates kong babae.

"Maharot raw 'yan eh! Malandi!" Napatitig ako sa lalake sa kaniyang sinabi, ngunit natigilan ako sa pagdating ni Athena hawak ang printed pictures.

Nanginig ang kamay ko sa inis, pictures sa club last night. "Ano bang pinaplano mo at binabaliktad mo siya ha?" Gitil ko.

"Plano? Oh bakit ikaw nga nagkaroon kami ng misunderstandings sumingit ka kaagad." Nahiya ako lalo ng magdala siya ng grupo upang laitin at pagtawanan ako.

They even took pictures of my messy face, "Misunderstandings? You mean your cheatings?" Pagsasabi ko ng totoo.

"Anong cheating, tumahimik ka ha!" Mahinang sabi niya at galit na hinila ang braso ko.

Pag ito sinapok ko sa mukha, isang araw 'tong tulog.

"Is this true ba Jami?" Nahihiya kong tinignan ang mga kaklase na hawak ang printed pictures.

Ngunit halos gustuhin kong pumalag ng sabunutan niya ako not until a hand grabbed her wrist. "What do you think you're doing Athena?" Napatitig ako kay Kuya Yuno na masama ang tingin.

"How dare you hurt my girl?" Umawang ang labi ko sa sinabi niya at sa malakas na pagbitaw niya ng kamay ni Athena.

M-My girl? Ako?!

"Your girl, engineer?" Hindi makapaniwalang sabi ni Athena.

"Yes, about that picture, didn't you see me? I was with them." Natigilan si Athena, nahihiya.

"That's impossible! If she's your girl then why did she kiss Yamato?!" Nangunot ang noo ko, hinalikan ko ba?!

Si Kuya Yamato humalik.

"You're imagining things, Athena. If I caught you once again, all of you. I'll make sure you'll pay." Kuya Yuno grabbed my hand and left with me.

Nang makalayo ay dinala niya ako sa banyo ngunit halos mapalunok ako ng sumama siya sa loob, sa sink lang naman. "Clean yourself," iritableng sabi niya at umabot sa punto na pati pag-taas niya sa sleeves ay pagalit.

"Lintek na 'yan, nobya 'yon ni Yamato?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Jami, go and clean yourself. Nakakainis ka," nanlaki ang mata ko at sinunod siya. Pagkatapos no'n ay bumuntong hininga siya at inilabas ang panyo niya upang punasan ang mukha ko.

Napatitig ako sa kaniya ngunit nang magtama ang mata namin ay napaiwas tingin ako, "A-Ako na kuya," naiilang kong sabi.

"Ano ba kasing nangyari?" Halata naman na nag-aalala siya kay Kuya Yamato, bumuntong hininga ako at sandaling sumandal sa sink.

"Wala akong karapatan sabihin kuya, si Kuya Yamato na lang po i-ask niyo." Nahihiyang sabi ko, ipinakiusap pa man din ni Kuya Yamato na huwag ko ikalat.

"I mean what happened at the club? Totoo ba yung sinabi ni Athena?" Naitikom ko ang bibig dahil awtomatikong nag-init ang pisngi ko.

"So it's accurate," mahinang sabi niya at napabuntong hininga. Ngumuso ako at umiwas tingin, "It was an accident Kuya Yuno." I murmured.

He gasped and washed his hands, and then fixed his hair using his wet fingers. "Do you like him?" Nanlaki ang mata ko at nalingon si Kuya Yuno.

"I-I don't," I lied but then he chuckled.

"I didn't study psychology but I was interested in it, you do like him." He announced in his lower tone, I blinked and stared.

"K-Kuya.."

"Okay lang," sagot niya at tumingin sa salamin.

"H-Huwag mo po sasabihin," nanlulumo na sagot ko. Muli siyang ngumiti at tumango, "Sure."

Nang matapos ay lumabas na kami, medyo basa pa ang buhok ko sa harapan dahil sa paghilamos ko. "Don't let her do that again," paalala niya.

Ibinalik niya sa ayos ang sleeves ng sweater na suot niya, "Ang init pota." Mahina akong natawa at ipinaypay ang panyo niya sa kaniya.

Pagkatapos no'n ay sinamahan niya rin muna ako mag-lunch, tahimik lang siya at bahagyang dumadaldal sa tuwing nababanggit niya si Kuya Yamato.

Pagkatapos ng araw na 'yon ay umuwi na rin ako, ngunit pagkauwi ko ay natigilan ako nang makita ang sasakyan ni Kuya Yamato sa labas ng bahay.

Dahan dahan akong pumasok pero tinawag kaagad ako ni manang, "May bisita ka Jami, hinihintay ka sa garden. Puntahan mo na muna," nakangiting sabi ni manang.

Kinabahan naman ako, ibinaba ko ang bag ko tsaka ako pumunta sa garden. Nakatalikod siya sa gawi ko at nang pumasok ako sa garden ay napalingon siya.

"Jami," pagtawag niya kaya dahan-dahan akong lumapit.

"Bakit po kuya?" Kinakabahan kong tanong, "About what happened," bumuntong hininga muna siya matapos sabihin 'yon.

"It wasn't my intention to kiss you, I apologize for my behavior last night." Bahagya siyang umiwas tingin sa akin, hindi ko alam kung papaano ko sasagutin ang sinabi niya.

"I really apologize for getting you involved in my relationship affair. I was immature to take you there," he sighed after apologizing.

"I wish we could just forget what happened and move on, l-let's go back to what we used to be Jami.." Hindi ko siya makapaniwalang tinignan.

I didn't know that it would hurt me, his words are quite painful.

Is it because I like him?

"W-What we used to be po?" Naguguluhan na sabi ko.

"Let's ignore each other." Huminga ako ng malalim dahil nagbigay 'yon ng kakaibang sakit sa dibdib ko, akala ko ay paunti unti na kaming pinagdidikit pero siya pala ang magdedesisyon kung papaano namin iiwasan ang isa't isa.

Tila gusto kong maluha sa sinabi niya, "O-Okay po kuya," pinilit kong ngumiti ngunit ang mga palad ko sa likuran ko ay nakakuyom.

Huwag kang iiyak, Jami.

"As long as Athena is there, she'll just get you in trouble. I apologize once again," I felt his sincerity but I was really hurt that we— I have to ignore and watch him from afar again.

"The kiss doesn't mean anything, don't take it wrong. I'm sorry—"

"Makakaalis ka na po, naunawaan ko na mula sa umpisa hanggang dulo." Sinubukan kong alisin ang lamig ng tinig ko ngunit kusang lumalabas 'yon.

Bumuntong hininga siya, "Thank you—" Tinalikuran ko na siya at dumeretso ako sa sofa sa kung saan dinampot ko ang bag ko tapos ay derederetso akong umakyat sa kwarto ko.

Nang makapasok sa kwarto ko ay napasandal ako sa likuran ng pintuan, I never thought this will hurt like this.

I'm not ready.

Let's ignore each other, it hurts.

It's just a simple crush when I was in my teen days, but right now, I didn't expect it would hurt me this much.

Para akong iniwan ng nobyo ko ngunit ang totoo ay na-reject na ako hindi ko pa man naamin ang nararamdaman ko.

I wish him luck.

Buong araw na 'yon ay hindi ako lumabas ng kwarto hanggang sila lola na ang kumatok, nagtalukbong ako ng kumot at pumikit.

Nagpanggap na tulog, "Apo, Jami." Bumukas ang pinto ko kaya mas pumikit ako ng mariin.

"Baka pagod wife?" Rinig kong sagot ni lolo.

"Hmm, she didn't leave her room after Yamato visited her. You think it's okay? She's fine, hubby?" Ngumuso ako.

I am not fine at all lola, this feels like my first heart broken.

It feels so tiring and I'm losing my appetite, mas okay pa ako na nakatanaw sa malayo pero ngayon sinabihan niya ako mismong iwasan namin ang isa't isa parang ang sakit.

Ang pagpapanggap na pagtulog ko ay naging totoo, ngunit si Kuya Laze na ang gumising sa akin. "Liezel Jami, you barely didn't eat anything?" Nagmulat ako at ngumuso.

"I'm not hungry oppa," pabulong na sabi ko.

"What's wrong?" Tanong niya pa.

"Nothing, oppa." I murmured and tried to cover my face using my pillow but my brother removed it.

"Let's eat," anyaya niya.

"Oppa ayaw," maktol ko.

"C'mon.." Pinilit niya akong itayo kaya wala akong nagawa at inaantok na lumabas ng kwarto.

Nang makababa ay may food na sa dining, gising pa ang grandparents namin, ngunit natigilan ako nang makita si Kuya Yuno sa sala.

Nanlaki ng bahagya ang mata ko at mas nanlumo, naidukdok ko na lang ang noo ko sa braso ni Kuya Laze. "Bakit nandito siya ulet?"

"Wow, Liezel parang sawang sawa ka sa pagmumukha ko. Sa gwapo ko pa talagang mukha?" Hindi makapaniwalang sabi ni Kuya Yuno napatayo.

"Joke lang po." Pabulong na sabi ko.

"Joke ba 'yon? Damang dama ko nga yung sincerity mo." Sarkastiko niyang sabi kaya natawa ako at umayos na ng upo, nakikain rin siya.

"Did something happened ba?" Kuya Laze asked, napalunok kami ni Kuya Yuno at sabay na umiling.

"Hmm, I don't think so.." Bulong na sabi ni Kuya Laze at inaantok na inayos ang buhok.

"Puro ba yung buhok mo Jami? I mean is it natural?" Kuya Yuno glanced at my hair and I touched it.

"Natural po," sagot ko.

Tumango siya, "Ba't kuya mo itim?"

"Mana po siya kay daddy," pagsasabi ko ng totoo.

"Ah, sabagay." Tumango tango siya.

"Yuno, shut up. You're a bit noisy." Ang makapal na kilay ni Kuya Laze ay nagsalubong.

Pagkatapos no'n ay umakyat sandali si Kuya sa kwarto niya kaya naiwan kami ni Kuya Yuno, "Did you tell kuya?" Panunuri ko.

"Huh? Alin?"

"About him?" Si Kuya Yamato ang tinutukoy ko, umiling siya at tsaka napainom ng tubig.

"Sabi mo secret?" Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi niya sinabi, matapos ang gabing 'yon ay mabilis na dumaan ang oras at sa tuwing nagtatagpo ang landas namin ni Kuya Yamato ay kahit tignan ako wala.

Para akong hangin sa paligid niya, napapansin ko rin ang pagbabago niya lalo na sa ear piercing niya na plain black.

Maliit lang 'yon ngunit masasabi kong bagay sa kaniya, he doesn't look like a friendly one na. I was intimidated by his looks.

So fierce, ganoon ba pag nasasaktan ang lalake?

Isang linggo muli ang lumipas at nakita ko muli si Kuya Yuno, "Kumusta?" Ipinatong niya ang palad sa ulo ko at hinawi ko 'yon.

"Okay lang po, surviving." Napangiti siya at tsaka napasulyap sa kung saan.

"Si Yamato, may balita ka?" Umiling ako bilang sagot, "Wala po eh."

"Jami, ako meron. Balita ko sa mga ate niya, hindi siya gaanong nagbubuklat o nagbabasa ng libro. Naninibago rin sila sa pag-uwi niya ng late." Bumuntong hininga ako sa dala niyang balita.

"Maybe that's his way of coping with his break up?" Pabulong na sabi ko.

Kuya Yuno sighed, "I felt that when my girlfriend died, worst 'cause I can't see and touch her anymore."

"P-Po? May girlfriend kang namatay?" Gulat na sabi ko, nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Ah hindi mo pala alam," matipid siyang ngumiti.

"High school lover ko siya, pero high school rin kami ng kunin na siya sa akin." Bigla ay naawa ako sa kaniya, "I'm sorry for your loss kuya." Napatitig siya sa akin, ngumiti.

Ngunit natigilan kaming dalawa ng makita namin si Kuya Yamato, he was wearing a black long sleeved turtleneck tucked in on his black pair of pants. Napatitig ako sa kaniya.

H-He's kind of hot.

Okay pa ba ako? Jami okay ka pa ba? Yung titig mo bawas bawasan mo kahit kaunti. His black leather shoes are shining, pati tunog no'n ay umaabot sa kinatatayuan namin.

"Jami, laway.." Halos mapahawak ako sa panyo na itinakip ni Kuya Yuno sa bibig ko ngunit napa-sorry ako kaagad ng mahawakan ko rin ang kamay niya.

"He changed." Bulong ko.

"Broken eh," halos mawala ako sa balanse ng pasimple akong sikuhin ni Kuya Yuno.

"Hindi kayo nag-uusap?" Tanong niya.

"Iniiwasan po namin ang isa't isa, kasi po sabi niya." Nanlulumo kong kwento, "Nalulungkot ka?" Halos maiiwas ko ang mukha ng hawakan niya ang baba ko at bahagyang itaas para makita niya lang ang mukha ko.

"Kuya," inis na reklamo ko.

Ngumiti siya at nabawi ko kaagad ang pisngi ko ng pisilin niya 'yon, lumipas ang araw at kinakabahan ako dahil birthday ko na ngayon.

They're getting me ready for my debut, I wanted it to be simple but my parents insisted since minsan lang raw ako maging 18.

Sa Palawan ang venue, my classmates are all complete and the theme is black and white. Natutuwa nga ako sa black and white na butterflies, they look so beautiful.

When the party began, they introduced me as the music started, loud and clear. I enjoyed my simple gown it looks like a dress but my mom gave it to me as a gift from a designer.

Nang matanaw si Kuya Yamato ay napatitig ako sa kaniya mula sa malayo, ngunit abala siya at tutok sa cellphone niya.

As he stood up I saw his outfit and I am out of words, he's wearing a black turtleneck for his top and it's tucked in, he really likes this kind of outfit doesn't he?

It look good on him, his body is well fit and I noticed that he's also wearing a black blazer, a long one and it really suits his height.

I'm about to fall again, hard.

Bumuntong hininga ako at umiwas, I also noticed his favorite silver watch on his left wrist. Lumapit ako sa kanila dahil nakita ko rin si Ate Miran.

Ate Miran greeted me and gave me a kiss on my cheek, they all greeted me but Kuya Yamato was just sitting there and like a deaf person wala siyang reaksyon or response.

Nang patigilin siya ay natigilan siya at naitago ang cellphone, nagtama ang mata namin ngunit napansin ko na sinuri niya ang suot ko.

Tatlong linggo rin kaming hindi nagkita, I mean parati ko siyang nakikita pero ako hindi niya nakikita. "Happy Birthday," napalunok ako dahil kinamayan niya ako.

B-Bakit may pakamay pa? Nice meeting you ganoon?

Are we really back from being strangers?

"Thank you kuya," matipid na sabi ko na lang.

Dahil doon ay nilapitan ko muna ang ibang bisita, while getting a drink since my parents and my brother allowed me to drink for the first time, wholeheartedly.

Kumukuha ako ng drinks ay natigilan ako dahil nakasabayan ko si Kuya Yamato pero hindi niya ako pinapansin, o nililingon.

Nakungkot ang puso ko sa katotohanan na 'yon, tila humapdi nga ang puso ko ngunit hindi ko maunawaan yung lungkot na bumalot sa akin.

"Liezel!" Nagulat ako dahilan para bahagya kong masagi si Kuya Yamato na bahagyang tumapon sa kamay niya ang alak, "Hala.. Sorry po kuya," kumuha ako ng tissue at inilapat 'yon sa basa niyang kamay.

Seryoso niya lang akong tinignan, "No worries." Malamig niyang tugon at tinalikuran na ako, nalingon ko naman si Kuya Yuno na binigla ako.

"Happy birthday!" Masayang bati niya, napansin ko naman na itim rin ang suot niya at puting long sleeved na de butones.

Napangiti na lang ako dahil sa pag-ngiti niya, "Kuya Yuno talaga," ngumiti siya lalo at napatitig ako sa flowers na dala niya.

"Happy 18th birthday," bati niyang muli kaya napatitig ako doon.

"For you," tinanggap ko 'yon.

"Thank you so much kuya," napasadahan niya ang suot ko tsaka siya napailing iling.

"Ganda, wala akong masabi." Sa sinabi niya ay hindi ko mapigilang hindi ngumiti, "Kuya Yuno naman." Ngumiti siya at inakbayan ako.

"Kasama ako sa 18 roses mo, conservative kuya mo. Siya raw last dance." Napangiti ako at tumango.

"Pabayaan mo na kuya," sagot ko.

"Hindi naman sa gusto kong ako yung last dance, sinasabi ko lang na conservative yung kuya mo." Sa explanation niya ay sumangayon na lang ako.

Wala naman akong sinasabi eh.

Nang umalis na siya para kausapin ang ibang kaibigan niya ay nilapitan at kinumusta ko ang iba, hanggang sa muli kong makasalubong si Kuya Yamato.

"Kuya Yamato," pagtawag ko sa kaniya. Natigilan siya at doon ay nilingon niya ako at tinignan.

"Hmm?"

"You'll be okay, kuya." Natigilan siya at tsaka huminga ng malalim, ngunit basta basta niya akong tinalikuran muli.

I-Is he really that rude?

Malulungkot na sana ako pero may kumalabit sa akin sa likuran ko kaya nilingon ko 'yon at halos maitikom ko ang bibig ng may hawak na siyang dose piraso ng bulaklak.

"Kuya Yamato," hindi makapaniwalang sabi ko sa pangalan niya at tinanggap 'yon.

"Happy birthday ulit Jami," lumunok ako at tila gusto kong maluha sa sobrang saya ng puso ko.

"Akala ko po galit ka pa rin sa akin," hindi makapaniwalang sabi ko, umawang ang labi niya at ngumiti.

"Galit? Do I have a reason to be mad at you?" Nang masulyapan ang labi niya ay nahiya ako, naalala ko na naman ang kahihiyan.

"Thank you Kuya Yamato," masayang sabi ko.

"Hmm, enjoy your day. Kasama ako 18 roses," napakamot si Kuya Yamato sa ulo niya at natawa.

"Have fun," mahinang sabi niya muli.

"You need kausap po? Let's usap po ovee there, pwede na ako uminom." Proud kong sabi, tinitigan niya ako at halos kumabog ng malakas ang puso ko dahil tumango siya habang nakangiti.

He was smiling genuinely today!

"Akala ko po galit ka sa akin, akala ko po talaga." Matipid siyang ngumiti at sa pag-alalay niya sa akin ay nagbigay kiliti 'yon sa puso ko.

Ganoon kadali niyang nabago ang mood ko, naupo kami sa isang table at tsaka siya tahimik lang na sumulyap sa kung saan, at sa akin. "Kumusta ka naman po?"

"I guess I am healing?" Patanong niyang sagot at ipinatong ang palad sa mesa at napansin ko na panay siya tap sa fingers niya sa mesa.

"You'll be okay rin po," I calmly assured him.

"I hope so, Jami." Nasulyapan niya muli ang mukha ko tsaka siya ngumiti.

"You look stunning," he complimented. My cheeks instantly felt the heat and I know I'm already blushing.

"T-Thank you po," I thanked him and looked away, jeez how could he play with my heartbeats beating? Para akong sumakay sa roller coaster pag siya ang kasama.

"Did you tell Kuya Yuno po?"

"Hmm," tango niyang sagot.

"What's your plan po?" He glanced at me, and it took him a while to answer my questions. His stares are making me swallow hard, I was intimidated.

"Wala, I don't have plans for everything. Planning will only consume a lot of effort while ending up nothing." Sa lalim ng hugot niya ay halata kong natural lang na lumabas 'yon sa bibig niya at hindi sinasadya na maging ganoon ka-bitter.

"Planning will surely consume a lot of effort, but at the same time it will just raise my expectations." Matipid siyang ngumiti, huminga ako ng malalim.

"I hope you don't waste opportunities, kuya, I really want to see you glowing once again." Napatitig siya sa akin, ang singkit niyang mata ay bahagyang mas naningkit.

Ang medyo manipis niyang labi ay naglapat matapos nitong umawang ng sandali, nahawakan niya ang ilong at napansin ko na pinisil niya ang tangos no'n.

"You only have 2 years left before you graduate your course, Please don't waste it for someone like her." Huminga siya ng malalim, sana ay maintindihan niya ang gusto kong iparating.

"I actually lost my sense of direction," mahina siyang natawa. "My heart was overreacting and it made me laugh." His chuckles were like a sad song, I can feel it from there.

"Getting cheated is the worst way of getting a heartbreak, it makes me traumatized and I can't even trust a simple promise from everyone." He complained, naiintindihan ko siya hindi ko alam kung bakit.

Hindi pa ako naloko kahit kailan, pero alam ko kung ano ang epekto ng cheating sa isang buhay ng tao. I have a lot of friends who experienced it and it affects them differently.

"It's a two year relationship, kuya. Hoping for your recovery," wika ko pabulong at napaghawak ang kamay ko.

"C'mon, enjoy your day Jami. Go and talk with your friends," he smiled and glanced at his watch.

Parati ba siyang aware sa oras?

"I'll go ahead, I'll just check my sisters. They're a little troublesome if they drink a lot." Tumayo na siya kaya napatayo rin ako, matamis akong ngumiti.

"Okay po kuya, thank you po ulit sa flowers." Ngumiti lang siya at tumango, aalis na sana siya pero bigla ay napahiya ako ng mabilis kong hulihin ang siko niya na ikinagulat niya.

"Hmm, why?" Natigilan siya at tumayo ng maayos, nabitiwan ko ang siko niya.

"After the party, a-are we not okay again po?" Nagbabakasakali kong tanong, he tilted his head a little and then smile.

"We are okay Jami, what do you mean?" Nag-init ang pisngi ko dahil sobrang gumwapo siya sa mga mata ko sa mga sandaling 'yon.

"I-I mean, a-ang ibig ko pong sabihin ay d-dedeadmahin po ba kita s-sa tuwing magkakasalubong t-tayo?" Halos mapahiya ako nang mautal.

Napayuko ako at hindi namalayan na pinaghawak ko na ang kamay ko sa kaba, ngunit napatitig ako sa kaniya because of his low tone chuckles, he looked at me and smiled. "You're quite adorable," he sighed and smiled again.

Hindi ko maalis ang pag-init ng mukha ko, ang tibok ng puso ko ay ayaw kumalma. Derederetso ang tibok at malakakas pa, "We'll greet each other then?" Napatitig ako muli sa kaniya.

"T-Talaga po?" Tumango tango siya at nasulyapan ang relos niya, "Sige na. See you later," paalam niya at itinaas ang kamay kapantay ng kaniyang pisngi.

Tila kiniliti ako nang limitado siyang kumaway bago ako tinalikuran, Liezel Jami kumalma ka.

Bakit siya gano'n?

Bakit niya ako ginaganito? Kanina lang ay nasasaktan ako at nalulungkot nang dahil sa kaniya ngunit ngayon ay pinapasaya niya ang puso ko ng husto.

Napapikit ako nang manumbalik ang sinabi niya..

You're quite adorable.

Oh my gosh! Where's my mom, I need to check if my heart is beating right or I have a heart failure!

Nagmamadali kong hinanap si mommy, nang makita siya ay natapik ko ang dibdib na hindi pa rin kumakalma. "Mommy, mommy," I ran to her and gasped for air.

"O-Oh what happened anak?" Nag-aalala niyang sabi.

"C-Check if I have heart disease mom, m-my heart is beating abnormally and it can't stop.." I exaggerate, nanlaki ang mata niya at pinaupo ako kaagad.

"Jusko ka, what happened ba, Luke!" Agaran na lumapit si daddy, my mom put the stethoscope on her ears and listened to my heartbeat.

"Your heart is really beating loud and fast, did you get into a fight?" My mom was worried and so I am.

"N-No mommy," kabadong sabi ko.

"Are you nervous? Having a hard time breathing?" Dad asked.

"N-No naman po," nangunot ang noo nila.

"Eh what did you do after you felt this?" Kwestyon ni mommy.

"S-Someone told me I'm a-adorable." Nahihiyang sabi ko, tumaas ang kilay ni dad.

"Sino?" Luminga linga siya ngunit mahinang natawa si mommy.

"Is it your crush?" Kwestyon ni mommy kaya nanlaki ang mata ko.

"M-Mommy," my face turned red like a tomato and I can't deny and can't lie.

"Is it your crush? Who is it?" Dad intrigued.

Napaiwas tingin ako at mas nahiya sa katangahan kong taglay, "Indeed, she didn't deny it though." Mommy stated and smiled.

"What a lucky man, and maybe he's handsome and cute." Nakangiting sabi ni mommy.

"Mia, stop pushing our daughter—"

"Coming from you Luke ha, you want Laze to have a girlfriend already when he's 18!" Napaiwas ako kaagad sa kanila at bumalik sa table sa kung saan nandoon sila Ate Miran at Kuya Yamato.

Napatitig ako kay Kuya Yuno na ngingisi ngisi sa harapan ko, while his eyebrows were furrowed.

"Stop," inis na bulong ko.

"Crush mo," he mouthed that made my face red again.

Ngunit halos matigilan ako nang dumating si Kuya Laze with my mom, "Who is it?" Nangunot ang noo ko sa tanong ni Kuya Laze.

"Po?"

"Is your heart okay?" He tapped my back lightly.

"O-Okay naman po kuya," naiilang na sagot ko.

"Whoever told you that you're quite adorable, guys if you know please tell me. It's her crush!" My eyes widened as my mom announced that.

My face turned red as I glanced at my mom, she made me fall into my own trap. Nandito si Kuya Yamato ano na lang iisipin niya!

Nang sulyapan ko si Yamato ay bahagya pa siyang nagitla kaya nasapo ko ang mukha sa kahihiyan, shit. I never hated my mom but she just— oh my gosh..

///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro