Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39: Amato Zeil

Chapter 39: Amato Zeil


Liezel Jami's Point Of View.


Hindi ko na rin gaano nakita si Yamato after that meeting, nandito ako ngayon sa school. "Amato, please behave and don't make mommy worry, okay?" Ngumiti ito at nag-thumbs up pa.

"Ang litt mo," bulong ko.

Ngumuso siya, "Because lola said, I am not tuli pa po." Tumaas ang gilid ng labi ko at hinawakan siya sa kamay.

"I'll enroll you ha," paalala ko sa kaniya.

Ngunit sa kalagitnaan ay hindi ko na mahanap si Amato.

Salubong na salubong ang kilay kong hinahanap si Amato, juskong bata. We came here to this school so I could enroll him in daycare as he's already 4 years old.

We lived in the states for 2 years, I was just holding him in front of the playground when I answered a damn phone call from the company.

Halos kalahati na yata ng school ang inikot ko, I was wearing a heels like 3 inches heels and I was walking for 15 minutes already.

But then I stopped when I saw a familiar figure, he's not a student anymore, why is he here?

He was wearing a simple office outfit, a white button up polo and a black slacks with his suit set aside.

The last time I saw him was from the company, as were both in the same company but at different stations.

I was standing for three minutes already, by just watching him beating up the three bullies. I was amused, never seeing someone who's as angry as him.

Until now? Does he still have a temper?

"Next time, bully someone who's as strong as you. So it'll be fair, the next time I catch you bullying someone again, I'll smash your face." He stated, his eyes were sharply glaring at the three bullies.

Nakagat ko ang ibabang labi, I walked towards him. "You should punish them rightfully," mahinahon kong sabi. He stopped and glanced at me.

His eyes were a little bit shocked, seeing me here at this part of the school.

"For someone who's rich and loved by everyone, you could say that, but for someone who's less fortunate, punishment by the school won't be fair." He stated, eyebrows were furrowed.

"Uh, I guess you're wrong about that."

"Wrong? Hindi ba totoo na hindi patas yung batas ng eskwelahan na 'to? Pag mayaman ka, pag makapangyarihan ang pamilya mo. Makakaligtas ka," pinaglalaban niya pa.

He removed the bandage on his fist, fixed his sweaty hair. "Why are you still here?" Kwestyon niya.

Still? So nakita niya na ako kanina?

"Just because," mahinang sagot ko at luminga linga sa lugar.

I was about to leave him but then he stopped me, "You changed." Matipid niyang sabi kaya nalingon ko siya tsaka ako matamis na ngumiti.

"I'm getting older, so I have to change." Tinignan ko ang mukha niya, tsaka ako muling ngumiti.

Napatitig siya sa mukha ko tsaka siya tumikhim at umayos ng tayo, "Long time no see." Sa idinagdag niya ay natignan ko ang kamay ko tsaka ko inilahad 'yon.

"Hmm," tumango ako at noong abutin niya ang kamay ko ay ngumiti ako.

I-I actually wanted to see him again as I decided to be back In the Philippines, I should have come back a long time ago— but cowardness took me over.

"But why are you here?" He placed his suit on his arms, he gave me a once-over look before staring at my face again.


Hindi niya nakita si Amato? Yeah, as he shouldn't, baka iba pa isipin niya—


"Mommy!" My eyes widened when I saw Amato running towards me, he hugged my legs and I chuckled awkwardly.

"M-Mommy?" Paglilinaw ni Yamato, napalunok ako at tsaka alanganin na ngumiti.

"I-I'll just take him back, g-goodbye." I waved my hand to Yamato and held Amato's hand.

"Mommy, is he my dad?" Nag-init ang pisngi ko at mabilis na tinangay si Amato papaalis doon.

"He's tall." He even gestured his hand pointed at our back, I carried him as he's being a stubborn one, mana kay Athena.

"Baby, stop being stubborn." He pouted his red lips while staring at my face as I'm carrying him.

"Don't carry me mommy, your wound in the heart will open." Sa sermon niya ay napalunok ako at maingat siya na ibinaba.

Pinantayan ko ang tangkad niya, "How will you live if I'm away? Hmm?" I stated, fixing the strands of his hair.

"I-I'll— I don't know," he pouted.

"You'll come back and get me again, f-for sure. Because you love me," ngumiti ako, kahit pa hinahanap niya ang daddy niya ay wala akong maipakita.

Ever since that day, he's using Garcia as his last name. Habang nakatayo kami sa harapan ng parking lot dahil nagpa-service lang ako kasi tinatamad ako mag-drive.

I was holding his hand beside me, he was swaying it and I had to lower my arms a little. "Why is manong matagal mommy?" Nahawa na rin siya sa taglish ko.

I really tried talking to him in Tagalog so he could cope up with, "Where is my daddy?" Sa tanong niya ay ngumuso ako.

"Amato, stop asking about your dad—"

"Nice name," halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang magsalita sa gilid ko. Nanlaki ang mata ko ng sulyapan ni Yamato si Amato na nakatingin sa kaniya habang nakaawang ang bibig at patulo na ang laway.

Jusko.

"A-Ah.." I looked away.

"I'll see you tomorrow, Missis?" I shook my head, "No, please just call me Engineer Garcia." Paglilinaw ko, but then Amato held Yamato's hand.

"Are you my daddy—"

"Amato." Nagbabantang tawag ko dahilan para ngumuso siya.

"Stop talking about your dad," mahinang bulong ko.

"Don't look for him," wika ko.

"But I want a dad, m-my clashmit is asking about dad's." Huminga ako ng malalim, clashmit? Ah classmates.

"Don't answer them," sagot ko.

"Sungit mo naman sa anak mo," bulong ni Yamato, umawang ang labi ko sinasabi ko na nga ba iisipin niyang anak ko si Amato! At sino ang ama?

I can't even say that he's not my son as I am looking at Amato as my own. "I'm sorry, It's just that he won't stop." He chuckled, as he pressed a button on his key I glanced at the parking as his car lit up.

Napalunok ako, nice car, a expensive one.

"Mommy! Look!" Amato excitedly pointed at Yamato's car.

"Oh you also love cars?" Tumingala si Amato at tumango tango ng maraming beses.

"I'll buy you a toy car—"

"Real mommy, please?" His lips pouted and I sighed.

"You can't even drive a bike," bulong ko.

"I will learn once I'm big na po," rason niya pa, ngumuso ako at kinuha na ang kamay niya upang hindi niya guluhin si Yamato.

"Sorry, m-makulit kasi talaga siya." Nahihiyang sabi ko.

"It's okay, I can handle kids well. May pinalaki nga akong bata noon," nang kakaiba niya akong tignan ay tumaas ang kilay ko.

"Hindi ako bata," inis na gitil ko.

"May sinabi ba akong ikaw?" Huminga siya ng malalim.

"Mommy, his car? Let's go?" Turo ni Amato kaya ngumuso ako.

"Oh, you want to take a look?" Yamato asked, tumango kaagad si Amato at bumitaw sa kamay ko tsaka niya hinila si Yamato.

"Nakakahiya, hindi na—"

"Pagbigyan mo na yung bata," matipid na sabi niya at nang buksan ni Yamato ang sasakyan niya ay pinaupo niya sa driver's seat si Amato.

Nanatili naman akong nakatayo sa gilid nila, tuwang tuwa si Amato tsaka ako ngumuso. Amato really love cars, marami siyang collection of toy cars.

Yamato was manly watching and guiding Amato by touching the parts of his car, tinawagan ko naman muli si manong driver.

"Manong, why are you so matagal?" Panimula ko.

"Eh ma'am, sorry po. Na-flat po kasi—"

"Matagal pa ho ba maayos 'yan? We'll just take a cab po. Thank you." Sobrang iksi ng pasensya ko sa totoo lang, kaya naman nang ibaba ko ang tawag ay bumuntong hininga ako.

"Walang susundo?" Tanong ni Yamato at pinagkrus ang mga braso niya habang bahagya siyang sumandal sa sasakyan niya.

"We'll just take a cab, malapit lang naman." Sagot ko.

"Idaan ko na kayo?" Sa sinabi niya ay nakaramdam ako ng hiya.

"Hindi na siguro—"

"We'll ride your car po?" Sa tanong ni Amato ay alanganin akong ngumiti.

"Amato, what did I tell you? Behave right? Don't bother him na." I reminded him.

"Doon rin naman ang daan ko papunta sa site," napapahiya akong umiwas tingin sa kaniya ng magpa-cute sa akin si Yamato.

"Amato, last na 'to ha." Paalala ko sa bata.

"Yes mommy! Salute!" He even placed his hand on the side of his brows which made me smile.

"Let me just get the kid's seat." Nang ilagay niya 'yon ay tuwang tuwa si Amato, sumisipa sipa pa ang kaniyang nga paa sa tuwa.

Maingat ang kaniyang pagmamaneho, "Mommy your meds?" Nalingon ko si Amato at sinenyasan na huwag maingay.

Nang mapansin ko ang pagsulyap ni Yamato sa akin ay umayos ako, nang hindi na siya magtanong ay nakahinga ako ng maayos.

Nang makarating sa bahay ay tinulungan niya akong alisin yung seatbelt ni Amato, "Thank you!" Ngumiti si Yamato sa bata.

"Take care," wika ni Yamato dito.

"What's your name po?" Tanong ni Amato ng makababa siya.

"Amato, that's enough for today—"

"Yamato, how about you?" Nakangiting sagot ni Yamato ay pinantayan ang tangkad ni Amato.

"Y-Yamato?" Sagot ni Amato.

"A-Are you my father somehow?" Nanlaki ang mata ko, "Amato!" Sita ko sa kaniya dahilan para ngumuso siya.

"I am Amato Zeil." Inilahad ni Amato ang maliit niyang kamay, kinuha 'yon ni Yamato tsaka ito napangiti lalo.

"What a nice name," bulong ni Yamato at tumayo na.

"I'll go ahead, Engineer Garcia." Paalam ni Yamato.

"Thank you, engineer." Matipid na sabi ko, hinawakan ko na ang kamay ni Amato at tinangay papaloob.

Ano na kayang iniisip niya? Baka akala niya anak namin, jusko. Mukhang bata na bata pa man din si Amato tignan.



Two weeks, and I didn't get a chance to see him kahit pa may pasok ako sa company, busy siguro siya?


Ayaw niyo po ba ako ilagay sa on-site? Kahit mainit basta nasusulyapan ang vitamins ng mata ko.


Nang makita ko si Engr. Cariño ay hindi ko siya pinansin at derederetso lang akong pumasok sa conference room, naupo ako sa seat ko parati. "Engr. Lapiz can't come, may problema sa site." She announced.

Ano ka girlfriend? Updated. Duh.

"Alright, let's start the meeting. What do you want me to do?" I asked the coordinator.

"A-Ah, p-pwede niyo po bisitahin yung site para po w-wala nagrereklamo na hanggang company engineer lang kayo." Ngumisi ang labi ko, "That's great." I smiled.

"'Yon lang ba?" Kwestyon ko.

"Engr. Lapiz requested 3 construction workers for the 3rd section, within tomorrow." Engr. Cariño stated.

"Bigyan niyo," sagot ko.

"Hayaan niyo, ako magdadala bukas nang tatlo na 'yon." Seryosong sabi ko.

"Yes engineer." Sagot nila.


Kinaumagahan ay nag-ready ako, excited? Syempre makikita ko si Yamato, on-site pa edi mas dagdag pogi points sa kaniya no'n?

Nagpa-service na lang ako papuntang tagaytay dahil kahit may kalayuan ay okay lang, makikita ko naman siya, 'di ba?

Nang makarating ay nakita ko kaagad yung tatlong workers kaya sumunod sila sa akin, buti hindi ako nag-dress, I was simple wearing a jumper pants and a white crop top.

Nang makarating sa site ay natigilan ako ng makita si Senti, "Uy Jams!" Kumaway ito kaya ngumiti ako.

"Bibisitahin mo si Engr. Lapiz 'no?" Nanlaki ang mata ko at umiling.

"Of course not! I bought the three workers you requested a-and the coordinator asked me to check on the site para wala raw nasasabi ang iba." Pagdadahilan ko.

"Teka, tara. Doon ka sa office ni Engr. Lapiz, mainit dito eh." Pasimple akong sumunod sa kaniya dala ang bag ko.

Kumatok si Senti sa pinto, "Boss master! Si Engr. Garcia nandito!" Nang buksan 'yon ni Senti ay napalunok ako dahil nasa loob rin si Engr. Cariño.

Wow, are they in a relationship?

Parating magkasama, ang pangit sa mata.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Yamato, abala sa pagtipa sa kaniyang laptop.

Itim na polo shirt ang suot niya at maong na pantalon, huminga ako ng malalim. "I bought the three construction workers you requested." Nangunot ang noo niya.

Napatingin siya sa akin, "Bakit ikaw pa pinagdala nila?" Kwestyon niya, tumayo siya at tinuro ang upuan sa harapan ng kaniyang mesa.

"Maupo ka," masungit niyang sabi.

"Well, I'm also hands on in my work. Ayoko kasing nasasabihan," nasulyapan ko si Engr. Cariño.

"Ah, yeah." Malamig niyang tugon kaya ngumiwi ako ng pasimple, "Nice office." I stated.

"May dinner meeting tayo with the owner of this building, have you guys received the invitation already?" Natigilan ako sa sinabi ni Yamato.

"Wala pa," mahinang sabi ko.

"Meron na sa akin, meron na rin yata sa iba." Sagot ni Engr. Cariño may gustong iparating.

"Baka hindi ka pa kasali Engr. Garcia kasi newbie ka?" Tumaas ang isang kilay ko sa kaniyang sinabi.

"Ganoon ba 'yon? Paano ba kayo naka-recieve ng invitation?" I asked, and I glanced at Yamato.

"Via email lang, just wait for yours. I'll contact them kung wala pa." He's considerate, hindi tulad ng aso niya.

Naupo ako sa upuan kanina ngunit tumunog ang cellphone ko and it's an unknown number, sinagot ko naman.

"Yes, Liezel Jami Garcia, speaking."

"Engr. Garcia, right?" Ang tinig ng lalake ay hindi ko kilala.

"Yes, speaking."

"I wanted to formally invite you on dinner night with your coworkers." Pinindot ko ang loud speaker, upang marinig nila.

"Dinner?" I asked.

"Yes, to celebrate and talk about the building. Since you're an exclusive, nakakahiya naman kung through email kita iimbitahan." Napangiti ako at bahagyang sinulyapan si Engr. Cariño.

"Sure, I'll be there."

"Thank you Engr. Garcia." Paalam nito ay pinatay ko na ang tawag.

"Okay na pala, tumawag na." Sagot ko.

"Kumusta naman ang site? Wala bang minor problems?" Kwestyon ko.

Natigilan si Yamato, pinaghawak niya ang kamay niya habang ang siko niya ay nakadantay sa mesa. "Wala naman, maayos pa ang lahat." Sagot niya.

Ang deretsong tingin niya sa akin ay masyadong fierce, masasabi kong wala nang impact ang presensya ko sa kaniya. "That's great then," usal ko at napaiwas tingin.

"May gagawin ka pa ba rito?" Umawang ang labi ko sa kaniyang tanong.

"Pinapaalis niyo na ako?" Taas kilay na tanong ko, huminga siya ng malalim.

"Hindi naman, may mga gagawin rin kasi kami—"

"Ah, sure. Alis na 'ko. Enjoy." Sarkastikong sabi ko at tumayo tsaka derederetsong lumabas ng office niya ng may sama ng loob.

Edi sila na may gagawin sa office niya, ano 'yon? Lampungan? Mangati sana sila sa isa't isa.

Padabog akong lumabas ng office niya at tsaka ako inis na huminga ng malalim, bumyahe ako ng ganoon kahaba tapos— tapos papaalisin ako kasi may gagawin sila?

"Oh Engr. Garcia, uuwi ka na?" Kwestyon ni Senti ng makalapit siya.

"May gagawin pa raw yung dal'wa, nakakahiya naman if mag-stay pa 'ko 'di ba?" Iritableng sabi ko.

"Ang haba ng byahe ko and they're making me leave, how nice." Naayos ko ang mahabang buhok ko at ipinunta ko 'yon lahat sa likuran ko.

Huminga ng malalim si Senti, "May something ba 'yong dal'wa?" Rinig ko na bulong niya sa sarili.

Parang may kina-calculate at inaalala to confirm, ayoko na malaman. Masasaktan lang naman ako. "Wala ka ba ipit Engr. Garcia?" Tanong niya ng mapansin na nag-struggle ako sa buhok ko dahil sa malakas na hangin sa tagaytay.

"Wala eh, hindi ako ready." Mahinang sabi ko.

"Sandali, kukuhanan kita." Nang pumasok siya muli sa office ni Yamato ay napalunok ako ng isarado niya kaagad ang pinto tsaka alanganin na tumawa sa akin.

"Hehehehehe, wala 'yon." Sagot niya, napanguso ako ng umiwas tingin.

Nakakatampo, "Hindi na kailangan, uuwi na 'ko." Matipid na sabi ko at naglakad na papaalis doon.

Sumunod naman siya, "May sasakyan ka Engr. Garcia? Baka pagalitan ako ni Serina pag pinabayaan kita rito eh." Nag-aalangan niyang sabi.

"Don't worry, I'll take a cab." Paalam ko.

"Matatagalan pa yung service ko bumalik and I cannot wait, anymore." Matipid na sabi ko.

"Salamat."


Mula ng araw na 'yon ay tinamad ako, sinong hindi tatamarin eh may something talaga yung dalawa, tsk. Akala ko pa naman..


Ayoko na nga mag-expect.

Mamayang gabi na ang dinner night with everyone in the project, makikita ko ulit siya but this time wala na akong gana.


Nakakaselos.


Nagsuot ako ng high waisted black pants and a see through cream long sleeve off shoulder. Medyo kita ang tyan ko but it doesn't matter.


Who's not showing a little skin, nowadays?


Kinuha ko na ang bag ko at hinarap si Amato, "Mommy's having a dinner night with workmates, don't wait me up and sleep. Are we clear?" Ngumiti ito.

"Clear mommy."

"Very good, I'll buy you a toy car if you're a good boy." He gave me a thumbs up and a kiss on my cheek.

"Enjoy mommy, I love you." Pinisil ko ng kaunti ang pisngi niya.

"I love you too, sleep early." I reminded him, matapos ko magpaalam sa kaniya ay pumunta na ako sa venue.

Pagkarating ko sa isang hotel restaurant ay sinabi ko lang ang name reservation tapos pangalan ko bago ako nakapasok sa loob.

Sinabayan pa ako nito upang hindi ako maligaw. Pagkarating ay nandoon na ang ibang mga kasama namin.

Ngunit napalingon ako sa likuran ko ng makita ko si Yamato na nakapa-mulsa sa kaniyang black jeans habang ang kaniyang pang-itaas ay white long sleeve at mukhang may polong puti sa loob dahil sa kwelyo nito.

Nang mapatingin siya sa akin ay tumikhim siya at dahil doon ay umiwas tingin na ako at naglakad papunta sa seat ko.

"Dito ka na Engr. Garcia," turo ni Senti kaya doon ako naupo sa tinuro niya.

Just to notice that he'll make me seat beside Yamato, ngumiwi ako at inilapag ang cellphone ko sa tabi ng mesa.

"Engr. Cariño doon ka nga sa kabila, may pag-uusapan kami ni boss master." Aniya ni Senti, wala namang nagawa si Engr. Cariño at nagpalit sila ng upuan ni Senti.

Kaharap na namin si Engr. Cariño ngayon, tahimik lang ako at hindi umiimik, hanggang sa dumating na yung owner at halos mangunot ang noo ko ng makilala ko siya.

"Tito Zai," nakangusong sabi ko.

Napangiti siya, "Hindi mo nakilala ang boses ko, tama ba 'yon, pamangkin?" Ngumiti ako at tumayo upang bumati sa kaniya, humalik rin ako sa pisngi niya.

Bahagya pa nga siyang yumuko sa tangkad niya, "Ang tagal na rin po kasi ng huli tayong nag-kausap at nagkita." Pagrarason ko.

Ang gwapo pa rin talaga nilang dalawa ni daddy, "So good evening everyone." Bati niya.

"Siya pala yung owner ng malaking building na 'yon? Kaano ano siya ni Engr. Garcia?" Yung bulungan nila ay hindi nakakalampas sa pandinig ko.

"Good evening," bati ng iba.

"Good evening, sir."

"Oh Engr. Lapiz, kumusta?" Napangiti si Tito Zai ng makita niya si Yamato, tumikhim si Yamato at matipid na ngumiti.

"I've been good, doc. I was surprised, but that building is a company building right?" Yamato and Tito Zai talked.

"Yes, I handle both hospital, company and malls," nakangiting sabi ni Tito Zai.

Nanatili silang nag-uusap, habang ako ay tahimik lang na nakaupo at pa-inom inom ng wine. "Kumusta kayo ni Yuno, Jami?" Natigilan ako sa tanong ni Tito Zai dahilan para mapaubo.


B-Bakit si Kuya Yuno?


I mean, bakit niya kami kukumustahin? "I heard nagkita kayo sa States, nang mag-stay siya doon for a month right?" Lumunok ako sa sinabi niya.

Oo nga, pero.. "Yes tito, he visits me often and we're good." Nakangiting sabi ko.

"Boyfriend mo 'yon, Engr. Garcia?" Kwestyon ng iba, nasamid naman si Senti at napaubo ng may kalakasan.

"'Di ba si Engr. Lapiz?" Nanlaki ang mata ko at sinenyasan ng iling si Tito Zai.

"Hindi, joke lang. Hula lang, kayo naman." Biglang bawi niya kaya napaubo ako at uminom ng alak.

"Maintain your alcohol intake," paalala ni Tito Zai kaya napanguso ako at naibaba 'yon.

"It's been two years," bulong ko, nagmamaktol.

"Kahit na," bulong niyang sabi.

"Bawal ka ba sa alak, Engr. Garcia?" Curious na tanong ng iba, hehehehe sige magtanong kayo ng magtanong dahil hindi ako makapagsungit pag nandito si Tito Zai.

"2 years 'yan hindi uminom ng alak for some reason," wika ni Tito Zai, alam ko naman na hindi niya sasabihin 'yon dahil alam niya na sa amin lang dapat.

"Really Engr. Garcia? Bakit po?" Tanong ng iba.

"Natiis mo 'yon?"

"Tiniis ko 'yon," sagot ko natatawa.

"Kailan ka lang nakainom ulit?" Tanong ni Tito Zai.

"Pagkabalik ko tito, doon lang." Nakangusong sagot ko.

"Okay lang 'yan, ganiyan rin mommy mo noon." Napangiti ako.

"Mommy ko nga talaga siya," natatawang sabi ko.

"Selan niyo eh, aarte kala mo model—"

"Tito!" Natawa siya at nag-peace sign.

"C'mon have fun," wika ni Tito Zai.

Nang makakita ako ng oyster ay pasimple kong inabot 'yon, ngunit hindi ko maabot, huminga ako ng malalim at muling aabutin na sana pero kinuha ni Yamato at inilagay sa plato ko.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko at tumikhim, "Thank you." Nakagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang nararamdaman.

I ate it and scrunched my nose when I tasted the sour lemon on the oyster. My legs crossed and when my phone rang, I answered it as Amato called me.

"Mommy, your meds?" Napalunok ako.

"I already did drink it, in front of you a while ago right?" Mahinang sagot ko, nakakunot ang noo.

"O-Oh, I forgot mommy, sorry." Napangiti ako at mahinang natawa.

"Don't worry about me, okay? Aalagaan ko ang sarili ko," pabulong kong usal.

"Yes mommy, I don't want to lose you." Malambing niyang sabi kaya umikit ang ngisi sa labi ko.

"I won't leave you. Sige na, get to bed early." Mahinahon na sabi ko.

"Yes mommy, goodnight." Pinatay ko na ang tawag tsaka ako huminga ng malalim, inabot ko ang kupita at tsaka ako sumimsim doon.

Umayos ako ng upo at ng aksidente ko masiko ang braso ni Yamato ay natignan ko siya, "Sorry."

Nasulyapan niya lang ako tsaka tumango, napansin ko na suot niya pa rin yung silver watch niya. Huminga ako ng malalim, kinuha ko ang bag ko at may hinanap.

"I'll just use a powder room," paalam ko at tsaka ako tumayo dala ang bag ko. Feel ko kasi dadatnan ako.

Nang makarating ay doon ko na-confirm, nasapo ko ang noo. I checked the bathroom and looked for a vending machine but there was none.

Bumalik ako sa banyo as the flow gets heavier, nasapo ko ang mukha. Sino ang tatawagan ko? I stayed in the cubicle for almost 15 minutes.

Wala akong ma-figure out na solution, nasapo ko ang noo. I tried texting Tito Zai but he's not responding, when I called him he's out of reach.

Naiiyak kong napatitig sa cellphone ko, my one last hope, I opened my instagram and checked Yamato's account.

He's inactive, magrereply kaya siya?


@jams.liezel: Hey.. Can I ask for a favor?

Nang makita ko na ma-seen niya ay napalunok ako, oh my god. He started typing, shit!

@yummito.lapiz: What?

@yummito.lapiz: What took you so long? Hinahanap ka ni doc.

@jams.liezel: I'm in the powder room, I need sanitary pads. Could you get me one?

@yummito.lapiz: Ge.

///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro