Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38: Rendezvous

Chapter 38: Rendezvous



Liezel Jami's Point Of View.


Lahat ay tutok na tutok sa amin ni Yamato.

"Boss, old bebe." Sa sagot ni Senti ay tumaas ang kilay ko, nakakahiya. Tumikhim si Yamato.

Hindi ko pa siya nakikita kinakabahan na ako, paano pa pag nasa harapan ko na. "Really?" Tugon niya at nang maupo siya sa silya na inaabot nila Serina ay lumunok ako.

And I'm glad my phone rang! Sinagot ko 'yon kaagad not knowing who it is. "Wait, let me just answer this." I reasoned up, hindi naman ako makatayo dahil nakaupo sa malapit sa daan si Yamato.


Hindi ko siya matignan, "Mommy?" Nang marinig ang tinig ni Amato ay napalunok ako.


"Y-Yes? I just got here an hour ago, m-may kailangan ka ba?" Pagsagot ko, nasulyapan ko ang lahat at halos mahimatay ako ng masyapan ko si Yamato na magkakrus ang mga legs habang ang kamay niya ay nasa mesa.


Ang bukas niyang buttons up polo ay mas nagbigay dating sa kaniya, tatlong butones lamang ang bukas doon ngunit ang Pakiramdam ay para siyang hubad!


"Mommy, I just called to check if you took your meds before you left?" Alanganin akong natawa.


"I did, yes. Don't worry about me, I'll go home later." Mabilis na sabi ko, he's really caring.


"Okay mommy, take care." Nang patayin niya ang tawag ay pinigilan ko tumikhim.

"Sino tumawag? Bebe mo rin?" Tanong ni Senti kaya nasamid ako.

"H-Hindi," sagot ko.

Nang sulyapan ko si Yamato ay nakataas ang buhok niya at ang mga mata niya ay singkit pa rin. "Dito na tayo iinom?" Tanong ni Yamato.

"Yes, libre niya!" Turo ni Cane kaya napairap ako ng pasimple.

"Sure, go ahead. It's on me." Kinakabahan na sabi ko, hindi kami ganoon magkalapit ngunit kinakabahan ako.

Ganoon ba talaga pag nagb-break? Mas gumagwapo ang lalake? Jusko, nagiging makasalanan ako wala pa man!

Naupo kami lahat habang umiinom, "Kumusta naman Jams? Saan ka tumira?" Kwestyon ni Senti.

"Balita na lang namin nag-transfer ka na raw abroad eh." Tumango ako sa sinabi niya.

"Sa States, 2 years rin ako doon. More than," kwento ko pa.

"Mahirap ba doon?" Tanong ni Mandy.

"Medyo, malaking adjustments." Sagot ko.

"May naging boyfriend ka doon?" Umawang ang labi ko, "Wala naman gaano." Sa sagot ko ay nanlaki ang mata nila.

Ngunit si Yamato ay tahimik lang na pinaglalaruan ang yelo sa baso niya. "Paanong wala naman gaano? Mga 3 lang ganoon?" Natawa ako at umiling.

"Edi pinagalitan naman ako ng kuya ko niyan?" Sagot ko.

"Strict pa rin? Tanda mo na kaya," Serina stated.

"Matanda? Hindi naman gaano," bulong ko.

Nagtuloy ang kwentuhan ng hindi man lang kami nag-usap ni Yamato, mukhang moderate lang siya uminom halata naman sa kaniya.

"Are you back for good?" Tanong bigla ni Senti sa akin, napasulyap pa siya kay Yamato na nakatayo ang vape sa ibabaw ng mesa katabi ng kamay niya.

"Uy may promise ring na hindi pa naalis," natigilan ako at naitago ang kamay ko.

Napatingin naman kaagad sa akin si Yamato dahilan para mapaiwas tingin ako sa kaniya. "I am back for good, wala na rin naman akong gagawin outside the country." Ngumiti ako.

"Ang laki ng iginanda mo sa ibang bansa, Jams ah?" Pansin ni Senti kaya ngumisi ako.

"Ako lang 'to, ano ka ba." Natawa silang lahat.

"Wala kang boyfriend ngayon?" Tanong ni Cane at tumikhim tapos sumulyap kay Yamato.

"Bakit mo tinatanong? I-chichismis mo 'no?" Pagbibiro ko pero natawa lang siya.

"Baka kasi may curious, alam mo 'yon? Ako na magtatanong." Pinigilan ko ngumiti, ayoko naman umasa.

"Well, medyo busy rin ako sa buhay. Ayoko ng sakit sa ulo, for the mean time." Lalo na kung hindi si Yamato 'yon.

"So single?" They asked.

"Siguro," wika ko.

Nang dalawang oras na kami ay nakaramdam ako ng pagkapuno ng pantog, "Powder room." Paalam ko tsaka ako nagmamadaling umalis sa table.

Sumagi pa nga ang balakang ko sa braso ni Yamato dahilan para mapaayos siya ng upo. Gusto ko siyang singhutin ng singhutin hanggang sa magka-sinus ako.

Matapos ko gumamit ng bathroom ay nagulat ako ng may humapit sa akin, tumaas ang kilay ko ng makita si Zian.

"You got the wrong person, darling." I smiled.

Nagulat siya ng makita ako, "Ate Jami!" Masayang sabi niya.

"Nakabalik ka na? Kailan pa?" Napaayos siya ng tayo, pinakapit niya ako sa braso niya.

"Ang bango mo naman masyado, marami kang babae 'no?" Inalalayan niya ako papalapit sa table namin,

"Ate, secret lang pero ha. Syempre, one at a time." Natawa ako at halos batukan siya.

"Ang gwapo mong bata, asan si Arkeb?" Taas kilay na tanong ko.

"Saan pa ba lulugar 'yon, ate? Alagang study room 'yon," natawa ako at umiling.

"Tularan mo," gitil ko.

"Ate mo nasaan?" Tanong ko.

"Broken?" Sagot niya kaya napailing ako.

"Sige na, doon ka na. Ingat sa babae, baka ikaw maka-buo!" Inambahan ko siya ng suntok dahilan para matawa siya.

"Wala pang ganoon," tumawa ako at kinawayan na siya.

Ang tangkad niya na lalo, pagkabalik ko sa table ay naniningkit ang mata ni Senti na nakatitig sa akin. "Sino 'yon, Jams?" Nangunot ang noo ko.

"Saan?" Tanong ko pabalik kay Senti.

"Be, may lalake raw na humalik sa'yo sa bathroom?" Nanlaki ang mata ko.

"Hoy ang fake news mo, Senti! It's not a kiss!" I hissed.

"Weh? Hinapit ka nga sa bewang, tapos rinig ko tinawag mo pa na darling?" Natawa ako at nasapo ang mukha.

Nasulyapan ko si Yamato na busy sa cellphone niya, tumitipa ng tumitipa ang mga daliri. Girlfriend niya kaya nirereplyan niya?

"He's Zian." Sagot ko.

"Oh! Meron nga, sabi na eh, matinik si Jams oh." Siniko pa ni Senti si Yamato dahilan para mapalingon si Yamato na salubong ang kilay.

"Kilala mo 'yon boss master?" Tanong ni Senti kay Yamato.

"Alin?" Naglapat ang may hindi kanipisan na labi ni Yamato at medyo basa pa 'yon, oh my ghad!

"Yung Zian boss master, yung humapit sa bewang ni Jami na tinawag niyang darling?" Ang daldal ni Senti, wala akong masabi jusko.

"Sino?" Tanong ni Yamato at nasulyapan ako muli.

"Zian nga boss!" Singhal ni Senti.

"Ah, oo." Sagot niya lang.

"Sino? Kilala mo na noon pa man?" Tanong ni Senti, halatang chismoso.

"Oo nga, ba't ba ang kulit mo." Iritableng sabi ni Yamato, ngumiwi ang labi niya kaya napaiwas tingin ako doon.

"Sino nga boss?" Kwestyon ulit ni Senti.

"Pucha, si Zian nga 'di ba?" Napipikon na sabi ni Yamato kaya pinigilan ko ngumiti, natakpan ko pa ang bibig.

"Eh sino nga 'yon boss!?" Sumbat ni Senti.

"Ang gago mo, huwag mo 'ko kausapin." Singhal ni Yamato at inis na kinuha ang baso ng kaniyang alak.

Ang cute niya pa rin, kay gandang inisin. "Goods ba kayo, boss? May closure na?" Natigilan ako sa sinabi ni Senti dahilan para magkatinginan kami ni Yamato.

Sa sobrang hiya ko ay napainom ako ng alak, "Ba't ba invested ka? Chismoso." Mahinang sabi ni Yamato.

Nang malasing ang apat ay halos maghalikan na sila sa harapan namin ni Yamato dahilan para mapaiwas tingin ako, nang umalis si Mandy at Cane ay hindi na namin sila hinanap.

Ngunit halos maawat ko si Serina at Senti, "Get a room!" I hissed and smacked their backs.

"Huwag na! Kwarto-kwarto pa kiss lang eh!" Maktol ni Senti kaya napairap ako.

"N-Nakakadiri kayo!" Gitil ko.

"Inggit si Jams! HAHAHAHAHAHA!" Umirap ako sa sinabi ni Senti.

"Mga lasenggo," bulong ko at inis na bumalik sa kinauupuan ko.

Dahil nasa bandang tabi at harap lang namin si Senti at Serina ay napayuko na lang ako at napatakip ng mata. "If you're uncomfortable let's leave them here," nagulat ako at napatingin kay Yamato.

"H-Huh?"

"Sa stand table," turo niya.

Nang ilahad niya ang kamay niya matapos niyang tumayo ay inabot ko ang kamay ko ngunit tumikhim siya. "Yung alak," turo niya.

Nanlalaki ang mata ko sa kahihiyan tsaka ko nabawi ang kamay, "U-Ugali mo talaga 'yan 'no!" Nahihiyang singhal ko ngunit tumikhim lang siya at nang makuha ang alak ay nauna na siya at sumunod ako dala ang kupita.

Sobrang init ng pisngi ko dahil sa ginawa niya, nakakahiya! Hindi pa ba ako natuto? Ganoon na siya doon pa man, kahit 5 years ago!

Tumayo kaming dalawa sa circular table na kasing taas ng mga siko namin, sakto lang para dantayan, nilagyan niya ang baso ko and its so awkward.

The silence is so loud, tahimik lang siyang umiinom. "How are you?" Tanong ko, nasulyapan niya ako.

"Good," matipid na sabi niya.

"How about you?" Sa balik tanong niya ay umayos ako ng tayo.

"Okay naman, naging mahirap yung last year ko in engineering. A lot of discrimination and criticism, alam mo na, pag babae ka." Tumango siya, nang humipak siya sa vape niya ay pinigilan ko ngumiti.

I miss you. I want to say it badly.

"Ikaw ba? May work ka na ngayon?" Kwestyon ko.

"Head," sa sagot niya ay napangiti ako.

"Wow, congrats. That's a great deal," I smiled.

Tumango lang siya hindi man lang ako ngitian, "Are you on site work, or company?" Kwestyon niya.

"I can do both," wika ko.

"Great," wika niya at uminom na sa kupita niya.

Sobrang kinis ng mukha niya, parang pag tinusok ko ang pisngi niya ay tatalbog ang daliri ko sa kinis at lambot no'n.

Inilapag ko ang cellphone ko sa mesa nang sumakit na ang paa ko, hindi naman kami gaano nag-usap na. Nang mag-ring ang cellphone ko ay napalingon siya doon, at napalunok ako nang mabasa ang pangalan ni Amato.

Nakuha ko 'yon agad at sinagot, "What is it again?" I sighed.

"Mommy, get home na po. It's late na," pinigilan ko ngumiti.

"You're giving me curfew now huh? Are you my dad?" Pagbibiro ko at narinig ko ang cute niyang tawa sa kabilang linya.

"I am your one and only son, mommy. Pasalubong po?" Ngumisi ako.

"Are you with my daddy po?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya.

"A-Anong daddy, don't say that again okay? I'll be home later, don't worry. Hindi ako umiinom ng marami—"

"She drank a bottle already," nang sumingit si Yamato ay nanlaki ang mata ko.

"It's not marami, sige na, babye!"

"Okay mommy, bye."


Hindi na kami nag-usap pa ni Yamato at nang mag-madaling araw na rin ay naisipan na naming umuwi. "Let's hangout again next time!" Paalam ko sa kanila.

"Thank you for today!" I waved and I almost fell on the floor, glad there was a poll to stand on.

"May car ka ba?" Tanong ni Serina, lasing na.

"Wala, I'll just take a cab!" Napailing ako at pinilit tumayo ng deretso.

"Delikado ano ka ba! May car ka bang dala babe?" Tanong ni Mandy, umiling si Cane.

"Nakainom rin ako, magpalipas tayo sandali. Ako na maghahatid sa inyo," tumayo kami sandali sa parking lot.

Ngumuso ako at napasandal sa isang sasakyan, hindi ko alam kung kanino pero bahala na. Nang may lalake na dumating ay sinuri ako nito, "Oh is this your car? I'm sorry." Umayos ako ng tayo.

"You're interested?" Sa tanong niya ay nangunot ang noo ko.

"In what?" I asked.

"One night stand?" My eyes widened a little, napatingin sa akin ang mga kasama.

"Of course not, I'm sorry. I was just dizzy," wika ko at umayos ng tayo.

"Hatid na kit—"

"Taken 'yan pare," Panimula ni Senti.

"'Yon boyfriend niyan oh, galit na sige ka." Nasulyapan namin ng sabay si Yamato na magkakrus ang braso.

"Ah, yeah sorry." Paalam no'n.

"Tara na sa sasakyan ko," anyaya ni Yamato.

"Number 1 rule, walang susuka sa kotse ko." Paalala niya ay nang makita ko ang pick up na sasakyan ay ngumisi ang labi ko.

"Level up?" I touched his car.

"Tatlo sasakyan niyan, Jams." Ngumisi na lang ako at nang buksan niya ang sasakyan niya ay napaupo ako sa harapan kaagad at pumikit.

"Sa likod na kayong apat," usal ni Yamato.

Sobrang bagal niyang nag-drive, pagmulat ko ay napanguso lang ako sa antok, "Tangina niyo, huwag kayo maglaplapan sa tabi ko!" Nanlaki ang mata ko at nalingon si Senti at Serina na hindi maawat ang mga labi.

"Parati na nga kayo magkasama," bulong ko.

"Kiss lang! Hindi naman gumagawa ng bata," sa sinabi ni Senti ay napailing na lang ako at sumandal.

"Huwag kayo maingay," sita sa amin ni Yamato na nagfo-focus sa pagmamaneho.

"Sa condo lang kami, boss." Turo ni Cane, I pouted my lips.

Nang makababa sila ay halos mahiya ako ng sunod-sunod silang maibaba at ako ang mahuling ihatid. "Saan kita ihahatid?" Kwestyon niya.

"S-Sa bahay ni lola."

"Huwag ka matulog," wika niya kaya napalingon ako, "Bakit?" Kwestyon ko.

"Para pag sakaling may mangyari gising tayo," kinabahan naman ako sa sinabi niya.

Naka-survive nga ako two years ago, Yamato, kumalma ka naman jusmiyo ayoko pa mamatay!

Nang makarating sa bahay nila lola ay napahikab ako, "Salamat!" I thanked him.

Hindi na siya bumaba, tumango na lang. "Ingat!" Malakas na sabi ko.

"Yeah," inayos niya ang buhok niya at tsaka niya isinarado ang sasakyan. Tumalikod na ako sa gawi niya at deretsong naglakad papasok sa bahay.

Pagkapasok ay tumaas ang kilay ko ng gising pa si Amato, "Mommy!" Masayang salubong niya.

"Why are you not in bed, yet?" I asked, I was about to carry him but he stopped me.

"Your wound in your heart will open, mommy." Dahan-dahan na sabi niya kaya ngumiti ako.

"Matulog ka na, let's go." Inaya ko siya at sabay kami umakyat sa itaas.

Mula ng dumating si Amato rito ay may harang na ang hagdan namin upang hindi siya malaglag, pagkapasok sa kwarto niya ay inayos ko na ang higaan niya.

"Goodnight," ngumiti ako.

"Goodnight mommy," hinalikan ko siya sa noo bago ako tumayo at lumabas ng kwarto niya.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay humilata ako at napapikit ng mariin, shit. I don't know what to feel now that I met him after a few years.


Totoo pala? Na pwedeng kahit lumipas na ang ilang taon, mahal mo pa rin ang isang tao.



Three days later, the company called me for a contract about one project that I will handle, on site and company site. Kita niyo 'yon? I proved myself outside the country and now I'm being liked very much.

"So I should see if the head engineer of this project will be fond of me?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Why? Is he that picky?" Sumbat ko.

"I never experienced this kind of trait when I was in the States, and now I even need the consent of someone?" Napayuko 'yon, huminga ako ng malalim.

"Should I just turn down this project?" I hissed.

"Please, Engineer Garcia, maybe we can talk about this? Mabait naman yung head engineer, we just need his consent." Umirap ako sa sinabi niya.

"Then don't make me wait, what if he disagrees with me?" Umiling 'yon.

"He will not, tumitingin siya sa skills ng isang engineer, Engr. Garcia." Hindi na ako sumumbat pa, nakakainit ng ulo.

Ang daming project ang kaya kong kunin, and they would do this to me? This is the company I've settled for, after so many opportunities.

"Don't make me wait," paalala ko.

"He's on the way, Engineer Garcia." Tumango na lang ako, maya-maya ay sunod-sunod na pumasok sa conference room ang mga kailangan sa meeting ngayon.

"He's really on the way, traffic lang." Pinagkrus ko ang braso at nanatiling naghintay.

After 10 minutes, punong puno na ako. "If he doesn't have a plan to take me on this project, I'm done." Mainit ang ulo ko na sabi, napapahiya silang yumuko.

"Na-traffic lang po talaga," nahihiyang sabi ng coordinator.

"Grabe, you made me wait for 20 minutes, when I have a lot of meeting—" Natigil ako sa pagsasalita ng bumukas ang conference room.

Natigilan ako, bahagyang nanlaki ang mata ngunit tinaliman ko ang tingin sa kaniya. "I'm sorry, I was late, ang haba kasi ng traffic on my way here to Tagaytay." His voice were calming, saan napunta ang galit ko?

Kahit yata mag-disagree siya sa akin ay ipipilit ko makasama lang siya, nang makita niya ako ay nagulat rin siya.

"Oh, it's you. Did I make you wait that long?" Ngumuso ako.

"Sanay na 'ko," sarkastikong sabi ko sa kaniya dahilan para magtaka ang mga tao na halos kinse sa loob ng conference room.

Bahagyang tumaas ang kilay niya, he's wearing a simple polo shirt, color black and the company logo was on the side of his chest.

Naupo ako at naupo naman siya sa kabilang dulo, "So yeah, ikaw yung exclusive engineer of this big project." He started, he looked through my papers.

"What an excellent work, sino ba ako para tumanggi?" Inilapag niya ang folder sa desk, pasimple akong umirap.

"'Yan lang naman pala—"

"Number 1 rule, no matter how good you are. Don't forget that I am the head engineer of this company." Tumango lang ako na para bang wala akong gana.

"Can we end the meeting already, then?" I asked, tumaas ang kilay niya sa akin.

"Yeah, as we should." Huminga ako ng malalim at tumayo na, "Turo mo yung office ko," wika ko sa kung sino man.

"Tara, engineer." Nginitian ko ang isang babae tsaka ako sumunod sa kaniya, hinila ko pa pababa ang tela ng dress ko papunta sa gitna ng legs ko tsaka ako naglakad.

Hindi ko na sila pinansin, ngunit tumaas ang kilay ko ng makita ang pagiging madikit ng isang babae kay Yamato.

Feeling close or they're just close?

I sighed, nang makita ko ang office ko ay nakahinga ako ng maaliwalas dahil solo ko ito. Napaupo ako sa swivel chair ko at pumikit.

"Thank you." I smiled.

Mula nang araw na 'yon ay hindi ko muling nakita si Yamato, busy siguro talaga siya dahil balita ko may on site project siya ngayon, I mean as a head engineer kahit pumirma pirma na lang siya okay na pero he's really on hands.

A week later, they announced a meeting and I came, wishing to see him, pero tumaas ang kilay ko ng kasabay niyang pumasok yung babae, nag-uusap rin sila.

Pasimple akong umirap, the meeting began and I yawned at a boring representation of that girl. "So Engineer Garcia, what are your ideas for adding a lot of workers to fasten the construction?" Huminga ako ng malalim tsaka ko inilapit ang mic sa bibig ko.

"It depends on the head, if he thinks we lack manpower, we should add at least 10 workers per section of the building." Sinulyapan ko pa si Yamato.

"Or we can make it 24/7 construction, salitan if ang dapat ay mabilisan pero maayos pa rin." Suhestyon ko.

"What about this part of the building engineer, based on Engineer Cariño she wanted to stop the construction here and began at the first part." Itinuro pa ang harapan, nangunot ang noo ko sa sinabi nito.

"What?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"What kind of engineer will begin at the first part and skip this important part? Do you even know how to balance a building?" Sumbat ko, nang tumayo ang babaeng katabi ni Yamato ay tumaas ang kilay ko.

"I am that kind of engineer, Engineer Garcia." She proudly announced.

My lips parted in disappointment, "Are you that proud that you don't even know the basics?" Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.

"Basics? Engineer Garcia, mind your words on me. Pare-parehas tayong engineer rito, at on-site engineer ako, what about you?" Tumaas ang gilid ng labi ko sa naging sagot niya.

"And you think just because I am a company engineer, I don't know about on-site work?" Sumbat ko, nasulyapan ko si Yamato na tahimik na pinaiikot ang ballpen niya sa daliri.

Ang layo niya ngunit sa tuwing tinitignan ko siya pakiramdam ko ay naamoy ko siya, "It's because it seems like you're embarrassing me with your words." Umawang ang labi ko sa nirason niya.

"Pinapahiya kita? Hindi ba dapat ay mahiya ka sa sarili mo?" Kwestyon ko.

"Kung uunahin mo 'yon at may lalampasan ka na procedure, anong mangyayari sa workers? Accidents, on-site accidents at alam mo kung sino ang malalagot?" Tanong ko.

"The head engineer," paalala ko sa kaniya.

"Yes, I am a company engineer and what about it?" Mainit ang ulo ko dahil sa kaniya, how dare she?

"Tingin mo wala akong alam? Tingin mo mas magaling ka sa akin? Bago pa man ako maging company engineer, I was an on-site engineer, nabibilad ako sa araw, nagh-handle ako ng maraming construction workers." I explained.

"Edi magpalit tayo," sa sarkastiko niyang sumbat ay natawa ako.

"Unprofessional," mariing parinig ko sa kaniya.

Tumaas ang kilay niya, "Nakakahiya naman, hindi mo ba pwedeng sabihin ng maayos? As far as I know I am your senior?" Tumaas ang kilay ko sa kaniyang isinumbat.

"Hindi ka ba nagkaroon ng masungit at matapobreng head engineer?" Sarkastikong sumbat ko.

"Kung hindi ka sanay sa ganitong industriya, alam mo ikaw yung isa sa dahilan kung bakit may discrimination among lady engineers." Seryosong sabi ko sa kaniya.

"Because you made them see you weak and sensitive because you're a lady, hindi ka pa ba nabastos on-site? Because I was once a victim of that." Nakataas ang kilay kong sabi, napapahiya siya ngayon.

"Hindi ka nasigawan ng mas mataas sa'yo? Hindi ka napahiya? Hindi ka ba sinabihan na babae ka lang bakit ka ba nag-engineer, mababastos ka lang, mahina ka, have you never heard of that para masaktan ka sa sinabi ko?" Huminga ako ng malalim pagkatapos no'n.

"Pinaiinit mo ang ulo ko," seryosong sabi ko tsaka ako iritang lumayo sa mic at sumandal sa swivel chair.

"Next time don't hire someone who's as sensitive as her, I hate it." Iritang sabi ko.

"Is the meeting done?" I added.

"Y-Yes engineer, you may go." Naunang umalis ang iba, kaya tumayo na ako at inayos ang gamit ko.

Naiiyak naman 'yon na umalis, nang kunin ko ang bag ko ay natigilan ako ng humarang si Yamato sa daraanan ko.

"Don't mix emotion with work," tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"This is how I work," mariing sabi ko.

"Especially if someone made a mistake. Why? So they will be scared of doing it again," nilampasan ko na siya tsaka ako pumasok sa office ko.

Nakakainit ng ulo, totoo naman ang sinabi ko.


///

@/n: Thank you for support, any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro