Chapter 36: The Cause is Solicitous Heart
Chapter 36: The Cause is Solicitous Heart
Liezel Jami's Point Of View.
It's been a week since I got home and I returned to classes. I treated Yamato differently as I can't act normal in front of him.
After coming home from school. I laid on the bed after taking a shower, ngunit sakto rin na bumukas ang pinto sa kwarto kaya napasilip ako.
Ang aga niya yata nakauwi?
"Hi, honey. May dala akong favorite mo," nangunot ang noo ko at napabangon sa kama, sumampa siya sa kama at binuksan ang dala niyang food para sa akin.
"Ano 'yan?" Tanong ko, nakasilip.
"Chocolate muffins, with dragon fruit refreshments." He excitedly placed it on my hand and I tried not to smile.
"I'm sleepy, put it away." Masungit na tugon ko at ibinalik 'yon sa kaniyang kamay, ngunit sa paghiga ko, at pagtago ko sa mukha ko sa unan ay doon ko idinaing ng tahimik ang sakit ng dibdib ko.
"G-Ganoon ba, i-ilalagay ko na lang sa ref, hon. Kunin mo pag nagugutom ka na," ang tinig niya ay ayoko ng marinig.
Nakokonsensya ako, ngunit sa isang linggo na 'yon mas dumarami ang beses na ang sakit ng dibdib ko.
Kaya ko 'to, for Amato and Yamato.
I was standing in the kitchen, watching the dishes, but suddenly Yamato hugged me from behind. He placed his chin on my shoulders and I felt stiff.
"Honey," malambing niyang sabi, his hands were on my tummy and I could feel his breath on my neck.
"What?" Tugon ko.
"I love you." Sandali akong napapikit sa narinig, "Hmm." Tugon ko lang.
"Hon, galit ka pa rin ba sa akin?" Nang humiwalay siya sa yakap ay pinaharap niya ako sa kaniya.
Napatitig ako sa mukha niya, bahagyang nakatingala ang ulo ko. "About Crisanta?" I looked away.
"Hindi ko alam," mahinang sabi ko.
"Sorry," he was wearing a plain white shirt and a black shorts.
His hair were covering his forehead and his eyes were sad, nagsisimula na akong ma-konsensya. Hindi ko dapat ginagawa 'to sa kaniya eh.
I sighed, "Hindi ko na alam." Sagot ko at umiwas sa harapan niya, pumasok ako sa kwarto at naramdaman ko kaagad ang pagsunod niya.
"Let's fix this, hon. H-Hindi ko kaya ng ganito ka sa akin," nakikiusap niyang sabi at hinawakan ang kanang kamay ko.
Ang titig niya sa akin ay parang inaalam ang sikreto ko hanggang kaluluwa, "Mahal mo pa ba ako?" Alam ko kung gaano kakabado ang tanong na 'yon.
"Jami," huminga ako ng malalim.
"Bakit hindi?" Kwestyon ko.
"Mahal mo pa ba ako? Huwag mo akong sagutin ng tanong rin, hon." I sighed.
"Oo." Sagot ko.
Nakahinga siya ng maluwag, "Bakit ka cold?" Kwestyon niya.
"Baka patay na 'ko." Sarkastikong bulong ko dahilan para matigilan siya.
"Don't joke like that, pangit pakinggan." Bigla ay nawala siya sa mood.
"Hindi biro ang buhay ng isang tao," mahinang sabi niya.
Paano pa kaya pag nalaman mo yung sakit ko ngayon? Paano ka pa makaka-focus sa studies and work mo.
"Let's not talk about life," mahinang bulong ko.
A few weeks ago, tuloy tuloy ang pag-inom ko ng gamot na nakalagay sa isang vitamins container. Ngunit ang bilis ko mapagod, nakakairita.
Gusto ko sabihin kay Yamato ngunit nakikita ko na nag-fofocus rin siya sa pagre-review, nagluto ako ng dinner dahil busy siya sa study room.
Ngunit napansin ko rin ang pagtaas ng temperature ko, expected naman 'to siguro ay nasosobrahan na sa flow ng blood dahil may butas ang puso ko.
Naghugas ako ng kamay at bumuntong hininga, matapos ko magluto ay inayos ko na 'yon sa dining bago ko siya pinasok sa loob ng study room.
Napalingon siya, "Kain na." Yaya ko, he stretched his arms and lend me his hand, nagtataka ako lumapit ngunit hinila niya ako at niyakap habang siya ay nakaupo.
"Bakit?" Tanong ko.
"I love you." Sinabi niya muli, kaya napatikhim ako.
"Same." Matipid na sagot ko.
"Parang mainit ka yata, hon?" Hinawakan niya muli ang kamay ko tsaka niya hinipo ang noo at leeg ko.
"Nilalagnat ka nga, naulanan ka ba?" Tanong niya at tsaka siya tumayo at hinila ako ng maayos papalabas sa study room.
"I'm okay, let's eat." Aya ko pa, "May masakit ba sa'yo?" Hinawakan niya ang mukha ko, tinitigan 'yon na para bang sa titig niya ay malalaman niya ang sakit ko.
Bigla ay nakaramdam ako ng lungkot. "Meron," sagot ko.
"Masakit yung ulo ko, kaya nga nilalagnat ako." I pouted my lips and sat on the dining table, "Kain na."
Matapos namin kumain ay inabutan niya ako ng gamot at tubig, kaya naman ininom ko 'yon. "Pahinga ka na, halika." Dinala niya ako sa kwarto.
"Hilamos lang ako," paalam ko.
Matapos no'n ay humilata na ako sa kama, ngunit inilagay niya sa noo ko ang cool gel fever patches, nagtaka ako ng dalhin niya ang libro niya sa tabi ng kama.
Nangunot ang noo ko, "Madilim rito, makakabasa ka ba?" Ngumiti siya at tumango.
"Tulog ka lang, hon," wika niya at tsaka niya hinawakan ang kamay ko habang nakapatong ang libro niya sa unan dahil nakasandal siya sa headboard ng kama.
Pinigilan ko ngumiti, hindi niya talaga bibitiwan ang kamay ko?
Naalimpungatan ako ng magising, ngunit naramdaman ko na hawak pa rin niya ang kamay ko, "Ano oras na?" Inaantok na tanong ko.
"4am hon, matulog ka lang." Pabulong niyang sabi.
"Matulog ka na rin," I stood up.
"I'm going to pee, ba't ka sasama?" Singhal na tanong ko.
"Ah, sige." Matapos bumanyo ay nagmulumog na rin ako sa banyo ng mouthwash dahil nakakahiya naman.
Pagkabalik ko sa kama ay nakatabi na ang libro niya, nahiga ako sa kama sa tabi niya, kaya naman ng iyakap niya ang braso sa bewang ko ay tinitigan ko siya.
"Medyo mainit ka pa," bulong niya.
"Mag-aaral ka mabuti ha?" Panimula ko, napatitig siya sa akin.
"Naman," bulong niya.
"Ikaw rin, dapat maka-uno ka ng maraming beses para more wishes to come." Paalala niya kaya umirap ako.
"Naka-uno ako," sagot ko.
"Gusto ko tuloy maka-uno ngayon, honey." Napapikit ako ng dampian niya ng halik ang labi ko.
Ngunit nang halikan niya ako ay nalasahan ko ang vape, "Matapang yata juice mo?"
"Hindi ah," sagot niya.
"Sigurado ka?" Naniningkit ang mga mata ko ngunit ngumiti siya at humalik sa labi ko.
Sinapo ko ang pisngi niya at hinalikan siya pabalik, ang tagal na pala ng mahalikan ko siya ng ganito ulit, his hands instantly roamed inside my clothes, but on my back.
B-Baka mahawa siya?
Bahagya akong tumigil, "Baka mahawa ka," pabulong na sabi ko.
"Who cares?" Umawang ang labi ko sa sagot niya at muling hinalikan ang labi ko.
He stopped halfway, "I miss you." Malambing na bulong niya kaya napangiti ako at hinayaan siyang sakupin ang ibabang labi ko.
I miss you..
"Ang init mo," bulong niya naningkit ang mata ko.
"It's because your hand is there?" I pointed to my chest, he stopped and removed it.
"Gagi." Bulong niya.
"Tulog ka na nga, hindi kita bibinatin." Napangiti ako at yumakap tsaka nagtago sa dibdib niya.
A week later, umuwi ako sa bahay namin. I carried Amato in my arms and kissed his cheek. "Miss mo si mommy?" Nakangiting tanong ko.
He pouted his lips and nodded as if he understood me that well, nginitian ko sila lola at lolo.
"Pupunta ang doctor mo rito hija," ngumiti ako. Kaya nga ako pumunta rito dahil sa check up.
"Yes po lola," sagot ko.
Maya-maya ay tumayo sa gilid si lola, habang chinicheck ako ni Doctor Romeo. "Susunod ang parents mo rito, may operations lang sila na tatapusin." Sabi ni doc kaya ngumiti ako.
"Based on the results of your tests, Jami hija. Hang in there," wika niya kaya kinabahan ako.
"I know you can survive this, just like your mom." Pinakita niya sa akin ang results at nanlumo ako.
Sobra akong nanlumo, "The hole in your heart is now larger than before, maybe in a few months we can begin the operation." Pinilit ko ngumiti.
"It's getting risky po ba doc?" Kinakabahan ko na tanong, "Please let me know the situation po, don't lie, I am not scared of dying." I lied.
"Yes, it's getting risky and risky. The more that the hole become bigger and bigger mas bumababa ang chance na makaligtas ka sa operation." Ngumiti ako sa sinabi niya, napaghawak ko ang mga kamay ko.
K-Kaya ko pa ba?
"Whether there's an operation or none, it's risky as it is. Mas mabilis mag-expand ang puso ng adults kesa sa kids," tumango ako sa sinabi niya.
"I am not scared," ngumiti ako.
"Whether it's successful or not, I won't blame you doc. J-Just try to save me, I'll appreciate it." Tumango siya.
"Stay strong, I'll check you next week. Jami, yung mga gamot mo, continuous." Paalala niya kaya naman matapos ang araw na 'yon ay natulala ako.
Fuck.
Umuwi ako sa condo, wala pa si Yamato kaya napaupo ako sa kama at kinapa ang dibdib ko. Nang sunod-sunod na tumulo ang luha ko ay natakpan ko ang bibig.
Ayoko pa mamatay, hindi pa ako handa para doon. Nasapo ko ang buong mukha at sunod-sunod na lumuha ang mata ko.
Pag nalaman niya, hindi siya makakapag-aral ng maayos, baka mapabayaan niya pa ang board exams, shit!
Inayos ko na ang sarili ko at kinagabihan ay halos magsalubong ang kilay ko ng pagkapasok ni Yamato sa condo ay may pasa siya sa bandang cheekbones niya.
"Ano na namang ginawa mo, Yamato?" Masungit na tanong ko.
Lumapit ako at hahawakan na sana ang mukha niya pero wala siya sa mood na iniiwas ang sarili sa akin tsaka siya pumunta sa banyo.
Huminga ako ng malalim, nang matapos siya sa banyo at pumasok siya sa study room kaya iritable akong sumunod. "Yamato, ano ba? Tinatanong kita kung anong nangyar—"
"Jami wala, tangina naman." Natigilan ako ng galit niyang hinawi ang libro tsaka siya humahangos na naupo sa swivel chair sa harap ng study table.
Napalunok ako, "B-Bakit ba ang dami mong sugat? Sino ba gumagawa sa'yo niyan—"
"Please, stop asking for a while." Naitikom ko ang bibig.
"Fine." I hissed and left the study room.
He looks so messy, his uniform has dirty stains and his fist has wounds on it. After an hour, maingat akong sumilip sa study room but he's reviewing.
Pumasok ako sa loob, hindi siya lumingon, hindi niya ako pinansin. "Yamato.." Mahinang tawag ko sa name niya.
"Hmm?" Tugon niya.
"What happened?"
"Wala." Sagot niya.
"Ano nga?" Tanong ko.
"Wala, Jami." Ngumiwi ako at napairap.
"Umuwi kang may pasa at sugat, tapos sasabihin mo wala, ano bang tingin mo sa akin, tanga-tanga?" Galit na tanong ko.
"Jami, wala. Mamaya na tayo mag-usap—"
"Kung maghiwalay na lang kaya tayo?" Biglang lumabas 'yon sa bibig ko, natigilan rin ako. Bigla ay gusto kong baguhin ang sinabi.
Nagitla siya, nalingon niya ako kaagad. "Jami naman, anong hiwalay? Hindi ko lang masabi, hihiwalayan mo na ako?" Kwestyon niya. Salubong ang kilay.
"Parang bata naman," pagod na pagod niyang sabi.
"Bata?" Inis na sumbat ko.
"Yamato, nakakapagod. Hindi mo ba dama 'yon?" Kwestyon ko.
"Pagod na ako sa lahat, pagod na ako sa'yo, pagod na ako sa nangyayari sa akin, sobrang pagod na ako gusto ko na lang lumayo." Nakagat ko ang ibabang labi, pinipigilan ko umiyak.
"Gusto ko na lang tumigil, tumigil kakaisip sa bagay bagay, tumigil kaka-alala sa'yo. Wala akong ginagawa pero pagod na pagod ako," wika ko.
"Tingin mo ba ikaw lang ang may problema?" Sumbat ko.
"Ikaw lang ba ang nahihirapan? Yamato, mababaliw na ako kakaisip kung hanggang saan pa ba ako, kung bukas ba nandito pa ako, paano kung wala na?" Tumulo ang luha ko.
"Ano bang sinasabi mo, Hon?" Tumayo siya at hahawakan sana ako pero umiwas ako.
"Ayoko na." Mahinang sabi ko.
"Hon?" Pag-tawag niya sa akin.
"Ayoko na, Yamato. Tumigil na muna tayo dito, mas mabuti pa." Mariing sabi ko, mas mabuti na rin siguro na ganito, babalikan ko na lang siya kung buhay pa ako.
"Honey, huwag ka namang ganiyan. Sasabihin ko na, sasabihin ko na yung nangyari." Sa pagsabi niya no'n ay mas nalungkot ako.
"Hindi na, wala na akong pakialam." Mahinang sabi ko.
"Liezel Jami, huwag mo naman sana akong biglaang ganiyanin. Hindi ko alam yung dahilan kung bakit ayaw mo na—"
"Yamato, kasi pagod na ako. Pagod na akong nandito, pagod na akong mahalin ka, pagod na akong intindihin ka. P-Pwede bang maghiwalay na lang muna tayo?" Kwestyon ko.
"No," sagot niya.
"Ayoko."
"Hindi, p-please huwag ganiyan." Pakiusap niya.
"Pagod na talaga ako," wika ko.
"Hindi kailangan maghiwalay pag pagod, pag-usapan natin." Mahinang sabi niya, umiwas tingin ako.
Even if there's a hole in my heart, I won't stop loving you Yamato. Even if my heart stops beating, it will only beat for you.
Pinahid niya ang luha sa mata ko, "H'wag mo akong iwan, Jami." Nang yumakap siya ay pumikit ako.
Dahan-dahan ko siyang itinulak papalayo sa akin, "Gusto ko ng t-tumigil, Yamato." Mahinang sabi ko, "Gustong gusto ko ng manahimik."
"Then let's rest, l-let's just rest." Kalmadong sabi niya, ang mga mata niya ay nakikiusap habang nakatingin sa akin.
"If you're tired, please let's just rest. A-Ayoko ng hiwalayan." Bumuntong hininga ako.
"Focus on your study, mag-focus muna tayo sa sarili natin." Mahinahon na sabi ko.
"Hon, 'di mo na ba ako mahal?" A tear fell from his eyes.
"Yamato, let's break up." I calmly said, he stopped, his eyes were begging me to stay but I looked away.
"Please, n-not now, honey." Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
"I c-can't let you go, r-right now. Not this time, please." Pakikiusap niya.
"Ayoko na Yamato," I stated once again, "Tapusin na lang natin 'to, mas makakabuti pa na maghiwalay tayo." I tried to stand still, but my heart was very weak.
"P-Please, I'll do anything. Huwag ka lang umalis," sinubukan niya yumakap but I ended up pushing him away from me.
"Stop hugging me!" I irritatedly yelled.
"Paano kung sabihin ko sa'yong kaya gusto ko ng kumawala kasi nahihirapan na ako sa tabi mo?" Natigilan siya sa sinabi ko, tumutulo pa rin ang luha niya sa mata ngunit hindi niya na ako hinawakan.
"S-Seryoso ka ba hon?" Nalulungkot niyang tanong.
"Ayoko na, Yamato." Pabulong na sabi ko.
"Ano ka ba naman J-Jami. Three years na oh, maghihiwalay pa ba tayo? M-Magiging engineer na ako oh." Nang sabihin niya 'yon ay hindi ko kinaya.
Umiiyak akong napaluhod sa harapan niya, nasapo ko ang mukha at sunod-sunod ako na umiyak. "H-Huwag mo naman ako iwan sa kasagsagan na ikaw ang kailangan ko, Jami."
Ang mga salitang 'yon ay tuluyang sumira sa buong pagkatao ko, bumasag sa puso ko, emotionally. I wanted to stay, j-just give me a month.
I'll be back, I'll be back after the operation.
"I want to leave the condo," mahinang sabi ko.
"Jami.."
"A-Ayoko, please." Nang lumuhod siya ay napaiwas tingin ako, ang sakit lalo sa puso.
Hindi ko maintindihan kung dahil pa ba sa sakit ko o dahil sa kaniya, "Yamato, we're not growing t-together. W-We also need to grow s-separately. Alam mo naman 'yon, 'di ba?" Umiling siya, umiling siya ng ilang beses.
"Then go home, ihahatid kita, but not break up. I can't, I can't take it." Umiling ako.
"I am tired, if keeping me here wil—"
"I don't care about the consequences, hon. Whatever it takes, kahit pa magpahinga ka ng isang buwan, kahit hindi mo ako kitain. O-Okay lang," wika niya.
"B-Basta huwag break up," napakurap ako ng manlabo ang mata ko.
"Yamato, kailangan ba saktan kita? Kailangan ba sabihin ko pa sa'yo na hindi mo ako natutulungan? Nagiging pabigat tayo sa isa't isa?" Natigilan siya.
"I-I know you're lying," wika niya.
"Pwes n-nagkakamali ka," mariing sabi ko.
"Yung presensya mo nakakapagod, yung pagpapahintay mo sa akin nakakairita, hindi ako natutuwa." I tried to keep my voice from shaking.
"Y-Your efforts? I-It's not enough." Liar, Jami, fucking liar.
His gaze was on mine, his expression became dulled. "I-I'll do my best—" I slapped him, his face turned left because of my slap.
"Your best? We're done, Yamato. Be a professional, sampalin mo 'ko ng pagsisisi." Galit na sabi ko.
"Make me regret that I left you, make me regret that I was not beside you on your lowest!" His face went blank.
"B-By that way, b-baka mahiya pa ako. Prove your grandfather that he's wrong, prove that I am wrong." I hissed.
"Stop begging me to stay," masungit na sabi ko.
"Stop begging me to stay kasi I will not be swayed," I said and stood up, trying to catch up my breath as I'm having a hard time.
Lumabas ako ng study room at dumeretso sa kwarto, I locked the door and fell on my feet, I tried calming myself but my cries stifles.
Hindi ko kaya.
Kinaya kong kunin ang gamot ko, tsaka ako uminom no'n ngunit hindi ganoon kalaki ang naitulong no'n sa akin.
I called my brother, and after five minutes, there's a knock in my room. "Jami, ako 'to." Nang marinig si Kuya Laze at binuksan ko.
Nang lapitan niya ako ay yumakap kaagad ako sa kaniya, "Your breathing?" Mahinang bulong niya.
"N-Not good, oppa." Hirap na hirap ko na sabi, "Jami." Hindi ko nagawang tignan si Yamato.
"Yamato, sa susunod na lang ha? Sa susunod na lang kayo mag-usap." Inalalayan ako ni Kuya Laze kasama ang bag ko pati na ang cellphone at wallet ko tsaka niya ako inlalayan palabas.
"Yamato, palamig muna kayo." Rinig ko na sabi pa ni Kuya Laze at nang makalabas kami sa condo ay bago pa makapunta sa elevator ay mabilis akong binuhat ni Kuya Laze at itinakbo.
"Calm down, Jami. Dadalhin kita sa hospital," wika niya.
Pumikit ako at yumakap sa batok niya, hanggang sa magdilim ang paningin ko.
Pagmulat ko ay habol ko kaagad ang paghinga, takot na takot ako na baka hindi na ako magising. "Oppa," napatingin siya sa akin ng magising ako.
"Kumusta ang nararamdaman mo?" Kwestyon niya.
"Chinecheck na nila mommy yung test results mo ngayon," tumango ako.
"Oppa, c-can you always ask Ate Miran to check on him?" Natigilan si Kuya Laze, pinagkrus ang kaniyang braso.
"Jami, hindi naman kasi kailangang umabot sa hiwalayan eh." Napaiwas tingin ako.
"I-It's really complicated kuya, s-sinasabi ko po sa'yo. Once na malaman niya, mapapabayaan niya yung studies niya just to stay beside me." I explained.
"I've been living with him for like 2 years now, and I can read him. Kaya niyang iwan ang lahat para sa akin," ipinatong ni Kuya Laze ang palad sa balikat ko.
"Pero kaya ko siyang iwan, para sa i-ikabubuti niya. Remember a few years ago? Inuna niya ang handouts ko bago ang kaniya and that's the cause why he needed to rush for his grades." Naiiyak na kwento ko.
"Babalikan ko naman siya oppa," bulong ko.
"And you think after everything, he'll still accept you? I heard from Miran that their grandfather took everything away from Yamato." Nang marinig ko 'yon ay napalunok ako.
So 'yon ang dahilan niya kanina?
"Sa mga ate niya walang problema, may mga trabaho na sila, si Yamato? Paano si Yamato?" Nakonsensya ako bigla.
"I know he can do it," mahinang sabi ko.
"He's competitive enough to survive even without me," I tried to smile.
"You believe him, pero pinakita mong hindi. Dapat yata kayo ni Miran ang magkapatid," dismayadong sabi niya kaya umirap ako.
"Parehas naman kaming maganda," sagot ko.
Nang pumasok sila mommy ay napatitig ako nang umiiyak si mommy kahit pa anong pahid niya sa mga mata. "Huwag ka umiyak sa harapan niya," rinig kong bulong ni daddy.
"W-What? Am I really dying?" Peke pa akong tumawa.
"Jami, don't make it a joke." Banta ni daddy.
"I'd rather expect nothing, than expecting something dad. The pain is less when you expect nothing." I smiled.
"Can I talk to the patient alone?" Doctor Romeo asked, "Doc." Tawag ni daddy.
"Doctor L, she really needs to know her own condition." Bumuntong hininga sila at sinunod si Doctor Romeo.
"Your chance of surviving is now less than 50% Jami," sa sinabi niya ay napapikit ako.
"I understand doc," wika ko.
"Ngayon na po ba?" Tanong ko.
"No, not yet. Maybe next month, hija." Ngumiti ako.
Ngumingiti man ako ay alam ko sa sarili ko ang pangamba, ngunit kailangan ko lumaban, kailangan kong magpakatatag.
After that little discussion, umuwi ako sa bahay. Mabilis na dumaan ang linggo and I actually forgot that I am sick because I am worrying about Yamato.
Sa mga oras na 'yan ay hinahayaan ko ang mga parrot ko na bantayan si Yamato, one day, my grandmother called me downstairs.
Natigilan ako sa pagkababa ko ay nakita ko si Yamato, he's wearing a white polo shirt and a black slacks, may bag pa siya sa balikat at nakasuot rin ng salamin.
"W-What are you doing here?" Masungit na tanong ko.
"Let's talk, Jami." Mahinang sabi niya, huminga ako ng malalim.
"Wala naman tayong dapat mag-usapan pa," malamig kong tugon, naglakad kami papuntang garden upang maging pribado ang usapan namin.
"Jami, let's not do that.." Napaiwas tingin ako.
"Ano bang mahirap intindihin sa ayoko na sa'yo?" Iritableng tugon ko, ngunit gusto ko siyang yakapin ngayon.
"Honey, k-kakalimutan ko lahat ng narinig ko nang araw na 'yon. B-Bumalik ka lang," nang hawakan niya ang kamay ko ay nabawi ko 'yon, nakikita niya lamang ang mga bakas ng swero sa ugat ko.
His eyes looked so tired, his eye bags became darker and he looked so miserable. "Hindi ko binabawi ang mga sinabi ko," wika ko.
"Umalis ka na, Yamato. Tapos na tayo, 'di ba?" Bumuntong hininga siya, ang mata niya ay kumislap dahil sa luhang namumuo doon.
"Wala na lang ba sa'yo yung tatlong taon, hon?" Nakikiusap niyang sabi, mabilis na pinahid ang luha sa mata.
"Wala," bulong kong sagot.
"G-Ganoon ako mapagod, l-lahat kakalimutan ko." Sumbat ko.
"Honey, susundin na kita." Ngumisi ako at pekeng tumawa sa kaniyang harapan.
"Pwes mag-aral ka para sa exam mo, mag-aral ka mabuti, nakakatulong ba ako sa'yo? Hindi naman 'di ba?!" Huminga siya ng malalim.
"W-Wala akong pakialam kung may naitutulong ka sa tingin mo, para sa akin y-yung nasa tabi kita ang pinakamadali na paghihirap ko." Nangunot ang noo ko.
"Yamato, that's enough!"
"Aren't you tired of everything? Because I do! I am very affected by every situation I am in!" I yelled.
"Did I put you in that situation huh? Jami? Ako ba?" He pointed to himself, crying his eyes out.
"Did I? Am I the one to blame for that?" Tinaliman ko ang tingin sa kaniya.
"And what if I answered, yes?" Balik sumbat ko.
"Then I'll be sorry," napamura ako ng mahina sa sagot niya.
"I am done with this relationship, let's stop here." I stated, huminga siya ng malalim.
"A-Ayoko." Pabulong na sabi niya.
"Yamato ayoko na nga sa'yo!" Sigaw ko.
"Hindi mo ba nakikita? Hindi na ako yung Jami na patay na patay sa'yo! Para sa akin ngayon isa kang kahihiyan, ayoko na sa'yo, ayoko na!" Halatang nasaktan siya sa sinabi ko dahil nasapo niya ang mata at napahid 'yon.
"Tangina naman." Bulong niya.
"A-Ano bang ginawa ko sa'yo ha?" Mariing sabi niya.
"Ano bang ginawa ko para iwan mo 'ko nang ganito? Did I ever hurt you? Ang sakit mo, ang sakit mo sa puso Jami," his voice cracked and he was helpless.
"Ayoko na sa'yo." Pabulong na sabi ko, naiiyak.
"M-Makakahinga ka ba ng maluwag pag w-wala na ako sa tabi mo?" Sa tanong niya ay hirap na hirap akong tumango.
"P-Pag b-binitiwan ba kita, at pumayag ako sa h-hiwalayan Jami, s-sasaya ka?" Pinigilan niya ang pag-iyak niya kaya tumulo ang luha ko ngunit tumango ako.
I'm so sorry, I'm very sorry Yamato.
H-Hindi ko kayang panoorin ang reaksyon mo kung s-sakaling malaman mo na malabo pa akong magising kahit na ma-operahan ako.
"K-Kaya tama na, Yamato. H-Hindi ko na kayang dagdagan pa yung k-kasalanan ko, umalis ka na lang." Natakpan niya ang mukha gamit ang isang palad.
"Tangina, ang sakit." Hirap na hirap niyang sabi.
"S-Sige, h-hinding hindi na ako mangungulit." Napatitig ako sa kaniya dahil sa sinabi niya, ito ang gusto ko ngunit napakasakit marinig.
"T-Tapos na tayo, Jami." Matapos niya sabihin 'yon ay nagmamadali siyang tumalikod sa akin at umalis, nang makaalis siya ay napaupo ako sa sarili kong paa.
Doon ko lang napansin na nalaglag niya ang salamin niya na suot kanina, kaya pinulot ko 'yon at tsaka ako bumuntong hininga.
///
@/n: People get tired and the only thing they know for a rest is to quit, and end things that's making them feel tired. Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro