Chapter 32: Left Alone
Chapter 32: Left Alone
Liezel Jami's Point Of View.
Since that day, we've been okay, nagkakaroon na siya ng time sa akin, minsan na lang siya umuwi ng late, hanggang sa isang buwan ang nakalipas ay malungkot siyang umuwi.
Itinigil ko ang pagbibilang ng pera, tsaka ako lumapit. "What's wrong honey?" Malambing na sabi ko at kinuha ang gamit niya.
Yumakap lang siya sa akin, "Pagod na ako hon." Huminga ako ng malalim at hinagod ang likuran niya.
"Pahinga ka muna, I'll cover for this month." Naupo kami sa sofa, sumandal siya at pumikit.
"K-Kukuha ako ng damit mo, para makaligo ka na ha. Kumain ka na ba ng dinner?"
"Hmm, I already ate." Tumango ako sa sinabi niya.
Matapos ko siya kuhanan ng damit ay dinala ko 'yon sa banyo, I even prepared warm water for him. Sobrang lamig kasi sa condo.
Habang naliligo siya ay hinati-hati ko yung kita ko sa commission para sa babayarin, inilagay ko sa puting envelop ang fifteen thousand for monthly of our condo.
Kinuha ko ang bills namin, inilagay ko sa other envelop ang lilibuhin para sa kuryente at tubig namin, medyo mataas ang kuryente dahil dalawa ang aircon at parating naka-sindi ang mga ilaw.
May ref and heater rin kami kaya normal na 'yon, matapos ko itabi ang mga 'yon ay sinulatan ko sila ng label.
Nang tignan ko ang wifi bill namin ay napalunok ako at binuksan ang wallet ko ngunit isang libo na lang ang natitira sa akin, hindi ko pa man din ginagamit ang allowance ko for our bills, magagalit siya.
Nasapo ko ang labi, paano kaya? Nang bumukas ang pinto ay naitago ko ang wallet. Pinupunasan niya ang buhok niya using his little towel for his hair, he sat beside me.
"Pahinga ka muna kaka-work, okay? Kahit 1 week lang, kailangan mo 'yon." Napatitig siya sa akin.
"Ako muna magbabayad sa lahat, okay?" Hindi siya makasagot.
"I can still make it fifty-fifty," he stated kaya umiling ako.
"Just this month, honey." Sumandal ako sa dibdib niya, pasimpleng suminghot dahil sobrang bango niya, grrr!
"Then I won't call this my condo, this is our condo now." Napangiti ako at natuwa sa kaniyang sinabi, tumango tango ako.
"Great!"
"Okay, you have the right to change everything in this condo." Yumakap ako sa kaniya sa sobrang tuwa.
"But don't touch my comics, my shoes, and my figurines collection, especially my instruments." Umawang ang labi ko sa sinabi niya, yeah right.
"Then don't touch my books, I love them as much as I love you." Natawa siya sa sinabi ko, "'Yung nga sandals and bags ko, huwag mo gagalawin ha? Pero pwede naman basta huwag yung libro ko." Ngumiti siya at tumango.
"Yupiin ko lang kaunti—"
"Aapakan ko sapatos mo—"
"Joke lang," bawi niya kaagad.
And that goes on, I paid everything for the month as he took a rest from work for a week.
Naging busy ako sa studies ko at ganoon rin siya, nang bumalik siya sa trabaho ay hindi ko rin gaano namalayan ang pag-uwi niya ng late dahil busy rin ako.
Habang nagbabasa ako ay naalala ko tignan ang mail dahil nakita kong may naghulog doon kanina, habang wala pa si Yamato ay binuksan ko ang lahat doon.
Ngunit natigilan ako nang makita ko ang isang mail, natulala ako habang napapalunok.
To Mister Yamato Lapiz,
You have 100,000 pesos left to pay as you've paid 80,000 a few months ago. The painting you damaged cost 180,000 pesos. Pay the rest next month.
Kumuyom ang kamao ko, he needed to pay that big? Kaya ba siya halos hindi matulog dahil may ganiyan siyang problema bukod pa sa lolo niya?
Nasapo ko ang sariling mukha, H-He should've ask me for help!
Hinintay ko siyang makauwi that night, and he arrived at exactly 10:10pm. "Good evening hon," nang lumapit siya sa akin para humalik ay umiwas ako.
Nagtaka siya, "Are you mad?" Natignan ko ang dala niyang bulaklak at cake, "Para saan 'yan?" Tukoy ko.
"Suhol?" Tumaas ang kilay niya sa pagkabigla.
"It's our monthsary," sa sinabi niya ay ako ang nagulat.
"Then can you explain to me, what's this?" Nangunot ang noo niya, ibinaba ang cake at flowers sa center table.
Inabot ko sa kaniya yung envelope, natigilan siya nang mabasa 'yon. "Kaya ko na 'to," mahinang sabi niya.
"I-Is that one of your reasons?" Huminga siya ng malalim tsaka dahan-dahan na ibinaba 'yon.
"H-How did you end up damaging a painting? Kailan pa?" Napatitig siya sa akin, ang pasimple niyang paglapag ng kamay niya sa tuhod niya ay napaiwas tingin ako.
"Lahat na lang kasi itinatago mo sa akin," bulong ko.
"Maliit lang naman yung damage, pero hindi na maayos kaya ganoon yung nangyari." He explained, "Hindi ko naman gustong itago pero pag nalaman mo kasi ikaw na naman—"
"Ikaw na naman yung tutulong sa akin, pera mo na naman yung mababawasan." Matalas ko siyang tinignan.
"Then what the fuck do you expect me to do? Watch you break a spine from working hard?" Galit na sumbat ko.
"Kaya ba hindi mo magawang umalis sa pinagtatrabahuan mo dahil sa nasira na painting?" Napayuko siya, hindi makasagot.
"I have 50 thousand next week, bayaran mo yung kalahati. Gagawan ko ng paraan yung kalahati tapos umalis ka na sa pinagtatrabahuan mo." Natigilan siya.
"Hindi na kailangan, ako na bahala—"
"Yamato naman!" Galit na tawag ko sa kaniya, "Ako yung napapagod sa ginagawa mo! Pag sinabi ko yung solusyon! Tanggapin mo na lang!" I yelled.
"Jami hindi na nga." Mariing sabi niya.
"Ayoko sa solusyon na ikaw ang namomroblema, ikaw na nga nagbayad ng bills for the month, ikaw pa ba dito?" He tried to explain but I ended up tearing up in anger.
"Kaya ka nila inaabuso, kasi hawak nila yung pangalan mo dahil sa nasira mo na painting, kaya nga wala kang nagagawa sa tuwing may over time work!" I'm tired of explaining myself.
"Tanggapin mo yung tulong ko, Yamato. Wala akong pakialam kahit pa parehas tayong mag-hirap huwag lang ganyan!" Napayuko siya sa palad, hindi na alam ang gagawin.
"Pagod na pagod na ako, Jami." Mahinang sabi niya, hanggang sa marinig ko ang iyak niya ay kumuyom ang kamao ko at napatitig sa kaniya.
"Kaya hayaan ko ako, ako aayos sa problema ko. Please, huwag mo na akong talakan ng talakan kasi— sobrang naiirita na ako sa lahat ng bagay pero hindi ko magawang magalit sa'yo." He wiped his tears and glanced at me.
"Huwag mo ng galawin yung pera mo, kaya ko bayaran 'to." Tumayo siya at umalis sa entertainment area tsaka iniwan ako, pumasok siya sa kwarto at dahil doon ay inis kong nalukot yung papel.
Hindi ako pumasok ng kwarto, hanggang sa siya ang lumabas. "Matulog ka na," matipid at mahinahon niyang sabi sa akin.
"Ayoko." Mariing sabi ko at tsaka ko kinuha ang wallet ko at pumasok ako sa study room.
Gusto kong hawakan ang bulaklak na ibinigay niya, gusto ko buksan yung cake pero hindi ko magawa dahil pag ginawa ko 'yon alam kong pagbibigyan ko na naman siya sa kagustuhan niya.
I grabbed an envelop and opened my wallet, inilabas ko lahat ng pera doon, binilang ko at tsaka ako napabuntong hininga nang hindi pa saktong 50 thousand ang hawak ko.
Itinabi ko 'yon tsaka ako lumabas ng study room, natigilan siya sa pagbukas ng cake at natignan ako, "Lalabas muna ako." Matipid na paalam ko.
"S-Saan?" Nangunot ang noo ko at napatigil.
"Diyan lang," wika ko.
"Samahan na kita diyan lang naman." Singhal kaagad ang naging tugon ko, "Ako na nga, mukha bang hindi ko kaya ang sarili ko?" Inis na sabi ko at lumabas na nang condo.
Nang makarating sa malapit na ATM machine ay nag-withdraw ako doon, habang nakatayo ako ay umawang ang labi ko ng biglang may bumangga sa akin.
"A-Ano ba— oppa." Gulat na sabi ko nang makita si Kuya Laze na naka-sunglasses pa kahit ang dilim-dilim na.
Nang alisin niya 'yon ay umiling iling siya, nang makita ko ang kamay niya ay ngumuso ako. "Oh?" Inabot niya sa akin 'yon.
"Oppa." Naiiyak na tawag ko sa pangalan niya, ngumuso ako at yumakap kaagad sa kaniya nang hindi ko pa tinatanggap 'yon.
"I miss you."
Yumakap siya pabalik, tinatapik ang kamay sa likuran. "Kunin mo na yung pera, sa inyo tayo mag-usap." Tumango ako at kinuha ang pera tsaka ko inilagay sa wallet ko.
Nang umakyat kami ay napapasulyap ako sa dala niya, "Galing ka, Korea?" I asked, nakita ko kasi ang korean snacks and ramen.
"Hmm, kasama ko si Miran." Napangiti ako.
"Wala pa kayong baby?" I asked.
"Hindi pa siya handa," mahinang sabi niya kaya napangiti ako.
Nang makarating kami sa condo ay natigilan ako, hindi nga pala kami okay ni Yamato. Binuksan ko na ang pinto tsaka ako dahan-dahan na nagbukas.
Nang wala si Yamato sa sala ay nakahinga ako ng maluwag, "Maupo ka muna doon, oppa." Turo ko sa sala.
But he sighed, "Dapat yata nag-engineer na lang ako. Ganda ng condo ah?" Napangiti ako, "Ate Miran decided about the floor plans and interior." Tumaas ang kilay ni Kuya Laze.
"Kaya pala, familiar."
"Si Yamato nasaan?" Tanong niya, ngumuso ako at nagkibit balikat. I opened the room, but no one was there.
Sa study room ay wala rin siya, nasaan 'yon? "Nasaan 'yon?" Kwestyon ko.
"Nawawala?" Tanong ni Kuya Laze kaya nakanguso akong tumango, "Inaway ko, nawala naman na oppa?" Tumaas kilay ni Kuya Laze.
"Mga babae nga naman," bulong niya.
"Wait, I'll call him." Paalam ko.
I grabbed my phone to give him a call but his phone ended up ringin on the sofa, beside Kuya Laze. "Hala." Natataranta na sabi ko.
Nang biglang bumukas yung nasa balcony ay nanlaki ang mata namin nang may usok pa na lumabas sa bibig ni Yamato na nagulat rin.
"Kuya Laze," bati niya kaagad.
"Sup? Didn't get to see you for a month huh?" Tumaas ang kilay ko sa narinig.
A month? So they meet without me?!
"I just gave her a visit, I was out of town for a week. Lagay mo na sa ref yung sakura ice cream, Jami." Sinunod ko si Kuya Laze.
Hindi kami nagpansinan ni Yamato, nang maayos sa ref 'yon ay kinuha ko ang pwedeng meryendahin ni Kuya Laze. Naupo kami sa harapan niya, naniningkit ang mata niya.
"Hindi kayo goods?" Napalunok ako sa panimula ni Kuya Laze.
"Balik na lang ako sa susunod, Jami. I'll contact you," lumapit ako kay Kuya Laze at yumakap.
"Ingat oppa, love you." I sweetly said and he planted a kiss on my forehead,
"Alright, love you." Nang umalis na siya ay naiwan kami ni Yamato kaya bumalik ako sa study room to count the money.
After compiling the fifty thousand worth of money, lumabas ako ng study room at sakto nasa entertainment area siya, nasundan niya ako ng tingin.
Inilapag ko naman sa center table ang envelope, "Accept my help." Nangunot ang noo niya at inabot ang envelope nang masilip niya ang laman ay mabilis niyang ibinalik 'yon.
"Jami, no." Bumuntong hininga ako.
"Why not?" I asked.
"I don't need it, I can still pay it. Kaya ko pagtrabahuan." Tinaliman ko siya ng tingin.
"Ano? Papa-control ka sa boss mo dahil lang sa walang kwentang painting?" Pabalang na sabi ko, napayuko siya.
"It was my fault, okay? I damaged the painting and I am paying for it now. H-Huwag mo ng ilabas ang pera mo, tabi mo 'yan." Napaiwas tingin siya.
"Ang tigas naman kasi ng ulo mo, Yamato." Mariing sabi ko.
"Dahil ayoko na maubos ang pera mo para sa 'kin." He replied back, "Then should I let you?" Napapagod na tanong ko.
"Should I just let you get tired? Every time? Isang buwan na lang, tatlong taon na tayo." Nasapo niya ang mukha.
"Sa tatlong taon na 'yon, do we even grow together? Or you just hid your fucking problems on me?" Napatitig siya sa akin dahil sa malutong na mura ko.
"It's because I will just be a burden to you," he fired back, holding back his anger.
"Burden? Sinabi ko naman sa'yo na wala akong pakialam kung ano man ang mangyari sa akin, maubos na kung maubos basta hindi ka hirap!" Umiling siya sa sinabi ko.
"Kaya ko na 'to, kung hindi ka makikinig Jami, hindi kita pipilitin," bulong na sabi niya kaya ngumuso ako.
"You're taking me as an uncompetitive man, how disappointing." Sa sinabi niya ay lubusang umawang ang labi ko.
"Why would you take it that far?!" I yelled, he stopped from walking out.
"Lahat ba ng help ko sa'yo mamasamain mo ha?!" He glanced at me, "I am trying my very best to survive this life, Jami. Let me survive in my own ways." He explained, he even walked near me.
"Because you're now looking at me, like how my grandfather does. Hurts me," malamig na sabi niya kaya nang talikuran niya ako ay naiiyak akong napaupo pabalik sa sofa nang pumasok siya sa kwarto.
I have no intention of making him feel that way, but he's pushing himself way too far and it worries me.
What if he got tired of everything? Paano na ako?
I held my chest as it's making it hard to breathe, I covered my face and cried on my palm.
Kinaumagahan ay nagising akong nasa kama na, mukhang binuhat niya na naman ako, naligo na ako at nang natapos ay saktong kapapasok niya ng kwarto.
It supposed to be his day off, bakit siya nakabihis? "Saan ka pupunta?" Kwestyon ko, taas kilay. Napatigil siya bago niya ako nilingon.
"Diyan lang." Bumuntong hininga ako sa sagot niya, nang may tumawag sa akin ay sinagot ko 'yon dahil si Kuya Yuno.
"Yes, Kuya Yuno?" Pinarinig ko talaga sa kaniya and in my rear view his brows literally furrowed, while he seems like
eavesdropping.
"Commission Jams, I heard from Sierah that you're doing that as your sideline."
"Ah you want a commission for yourself? How boring, wala ka bang girlfriend?" I noticed how Yamato walked a little near me.
"Meet up? Sure, saan ba—" halos naputol ang tawag nang kunin ni Yamato ang cellphone ko, masama ang tingin niya sa akin.
"Inom tayo, mamaya." Tumaas ang kilay ko sa pagyaya niya kay Kuya Yuno.
"Sure, mamaya. Sige ba. Kita na lang tayo sa lobby, bye!" Nang i-abot niya ang cellphone ko ay umirap ako.
"Seloso." Bulong ko.
"Yeah, huwag mo 'kong pagselosin." Seryosong sabi niya, umirap ako.
"Mamatay ka sa selos— h-hey!" I was shocked when he grabbed me by the waist.
"Make yourself ready, later when I get home." Napakurap ako ng maraming beses, nag-iinit ang pisngi kong umiwas tingin sa kaniya.
H-How insolent.
By just that, he left me, bakit siya pa galit? I pouted my lips and just decided to visit Athena and Amato. As I arrived there, I bought them a brunch of course.
Dahil doon ay magdamag ko na naman buhat si Amato hanggang sa may mag-text sa 'kin, tumaas ang kilay ko ng makita ang message ni Yamato.
@yummito.lapiz: Psst, dito na 'ko.
@yummito.lapiz: Uuwi ako 9pm, ka-date ko si Kuya Yuno kasama sila Cane at Senti.
@jams.liezel: Who asked?
@yummito.lapiz: Grabe siya. Nag-uupdate lang, e.
@jams.liezel: Eh nakakainis ka eh.
@yummito.lapiz: Oh? Mas mainis ka dapat pag inuubos ko pera mo, 'to baliktad. Gusto mo 'ko gastusan, bakit ka pa nakipag-live in sa akin? Sana naging sugar mommy na lang kita.
@jams.liezel: I don't care, whatever you say, I just don't like you doing heavy work when you're still a freaking student.
@yummito.lapiz: Hehehehe I should do that in order to be your sugar daddy, paano ako yayaman kung natatakot ka mahirapan ako?
@jams.liezel: Whatever..
@yummito.lapiz: Oh, 'di ba? Maganda sa pakiramdam na pag makikita mo yung isang bagay, papasok sa isip mo na. Ah pinaghirapan ko 'to, and then you'll value that more.
@jams.liezel: Let's talk when you get home.
@yummito.lapiz: Talk raw, sisigawan mo lang ako eh. - -
I ended up rolling my eyes and putting down my phone, "Amato." I used my baby voice and immediately I made Amato laugh.
I glanced at Athena who's been busy typing on her laptop. "Is Yamato really like that?" Nalingon niya ako kaagad.
"Why? What happened?" Nag-aalala na sabi niya, bahagya akong lumapit sa kaniya tsaka ako huminga ng malalim.
"Well he has problems, pero ayaw niya ako patulungin." Tumaas kilay ni Athena, "Huwag ka ng umasa na papayag 'yon, kasi as long as kaya niya yung problema, siya aayos." Ngumuso ako.
"Ganoon rin ba siya noon?" Kwestyon ko.
"Medyo, madalas kasi ako yung may problema, specially financial." Napanguso ako, "I mean, I could be a big help, but he's turning me down." Ngumiwi si Athena, she even patted me on my back.
"He's really responsible, since you guys were living together, he's acting like a husband, for sure he wanted to pay for everything." I nodded on what she said, may point.
"'Di ba? Kay tanga ko lang talaga at iniwan ko siya pero alam mo? Tatay lang ni Amato ang pinagsisihan ko pero yung anak ko hindi. Bahala yung tatay niya diyan, mambabae." Napangiti ako at tumango.
"Ang gwapo ba naman ng baby, sinong magsisisi rito?" I tickled Amato that made him laugh and smile at me.
"Close na close kayo 'no?" Nakangiting sabi ni Athena.
"Ang laki na nga niya, 2 years old right?" Tumango si Athena sa tanong ko.
"Hindi ako makapaniwala, naging kaibigan kita." Napairap ako sa kakornihan na sinabi ni Athena.
"Stop that, si Amato ang gusto ko hindi ikaw, tse." Natawa siya lalo, at halos napalunok ako nang yumakap siya sa akin.
"H-Hoy! Kadiri!" Gitil ko.
"Thank you for helping us survive." Napatigil ako at tsaka ngumuso.
"Alam mong ayoko sa sweet eh, si Yamato lang sweet na tatanggapin ng katawan ko." Halos mapalo ko siya sa likod ng ulo niya nang kurutin niya ang tagiliran ko.
Matapos niyan at umuwi na rin ako kasi anong oras na, pero hindi ako sa condo dumeretso kundi sa grocery store.
Bibili lang ng kaunti, matapos ko mag-grocery ay 8pm na kaya naman umuwi na ako at isinalansan ang mga 'yon.
Naligo na rin ako and everything, I tried making a snack, because I really want to wait for Yamato. Kahit pa kasama niya si Kuya Yuno, I want to see him get home safe and sound.
And he arrived exactly on time that he mentioned, Senti and Cane were hardly carrying him to stand straight.
"Iinom inom, hindi naman kaya," singhal ko.
"Hi honeeey," my lips parted when he hugged me tightly, but Cane and Senti eventually looked away when Yamato kissed my lips, umiwas ako kaagad.
"Sorry! Thank you for taking him home!" I stated, ngumiti sila at kumaway tsaka nila kusang sinarado ang pinto.
Dinala ko sa kwarto si Yamato at pabagsak na binitiwan sa kama, umiiling-iling kong inalis ang suot niyang damit. Bahala na.
"You reek!" I hissed, but he smiled and hugged the pillow beside him tightly.
"Parang bata," bulong ko tsaka ako kumuha ng pang-banyos at pamalit niya.
Nang mapunasan ko siya ay sinuot ko sa kaniya ang shirt na maluwag tsaka ko inabot ang shorts niya na madali isuot, he's only wearing his boxers and it's a little awkward for me.
"Yamato!" I slapped his legs when he started pulling me closer, he stopped and tried opening his eyes to glance.
"Ah, you are Jami?" I tapped his hand when he pointed to my nose, "Yes. You'll be dead when you wake up tomorrow." He smiled at what I said, he even yawned so he covered his mouth.
"Ah you are my stubborn girlfriend," sa sinabi niya ay umawang ang labi ko.
"My naughty, naughty girlfriend." Napalunok ako nang hawakan niya ang kamay ko at hilain ako papalapit sa kaniya.
"Do you want to have a sex with me?" Nanlaki ang mata ko, kasabay ng pag-init ng mukha ko but I stayed fiercely.
"Yes." I answered, his eyes widened and smiled.
"Kidding," sa pagbawi niya ay umirap ako.
"'Di 'wag," bulyaw ko.
Hindi na siya nakasagot dahil nakatulog ja siya, umiling-iling ako at lumabas muna ng kwarto upang may tapusin.
While I was thinking about it, my phone rang and I grabbed it to answer immediately. "Athena, bakit?" Sagot ko.
"P-Punta ka sa apartment, Jami." Nangunot ang noo ko sa garalgal niyang tinig, bakit?
"N-Ngayon? Bakit? Ano nangyari?" Tumayo ako nang maayos.
"J-Just come, please." Huminga ako ng malalim.
"Alright, stay there. Ano mang problema, maayos, okay?" Pagpapakalma ko sa kaniya dahil naririnig ko ang iyak niya.
"Jami, thank you so much for being a true friend even though we hated each other at first." Nangunot ang noo ko, hawak ko ang cellphone at nakatapat sa tenga ko habang kinukuha ko yung jacket.
"I still hate you," bulong ko.
She laughed a little, "I can't feel your hate towards me, Jami, but you'll really hate me." Mahina rin akong natawa.
"Hindi kita maintindihan, ano ba problema? On the way na ako." Paalam ko sa kaniya, I even left a note for Yamato.
"Ang daming problema, hindi ko na maintindihan." She whispered, "It's just the pain won't end whatever I do." Kinabahan ako sa sinabi niya.
"W-What should we do then?"
"Yamato will take care of you, I know it, you're lucky that he'll be there with you through ups and downs. So you won't have to worry about him leaving you, because he won't." Napairap ako sa advice niya.
"Of course, he will take care of me." I replied.
"Thank you, Jami." Pabulong niyang sabi, pagkatapos no'n ay namatay na ang tawag kaya naman bumuntong hininga ako.
Nang malapit na sa apartment niya ay naglakad ako papunta sa mismong harapan ng apartment nila, ngunit ang naririnig ko lang ay ang pag-iyak ni Amato, I was about to knock but the door is unlocked.
Nag-aalala akong pumasok ngunit sobrang dilim at tanging sa tabi lamang ng kama ang may ilaw, malapit sa crib ni Amato.
Nang makalapit ako ay nagwawala ang anak niya sa kuna nito, nangunot ang noo ko at mabilis na binuhat ang bata. "Where's your mommy?" I asked Amato.
But the kid won't just stop crying, pointing over something, but I saw a paper beside the bed table. Ibinaba ko si Amato at kinuha 'yon.
Tumahan naman si Amato nang hawakan ko ang kaniyang buhok at tsaka ko inabot ang laruan niya. I opened the paper, and my eyes widened.
Hey there Jami my hated friend,
I know you'll curse me out for doing this, but you're the only person I could trust. You're my only friend that cared for me, and my child. I'm sorry for doing this to you, but I can't do it anymore Jami. I'll only cause him danger, and sickness, please take care of him.
I don't know what to do anymore, Jami. I don't want to take him with me, I can't dig his own grave so please look at him like your own, love him like your own, because I can only love him. I can't be a good mother, not even enough for a mother.
So I am begging you to be his mom, don't introduce me to him when he grows up, make him think like you are his mom. Please, I can't do this anymore. If ever his dad wants to take him, don't agree. I am begging for his life, his dad won't be a good father just like me.
This letter will legalize you to be his mom, if he ever took him, sue him as he deserves it. I'm so sorry, I'm in debt, forever. Thank you so much.
Tears fell from my eye, I glanced at Amato who's staring at me. I carried him as I hugged him tightly. "I'm s-so sorry, Amato." Bulong ko sa bata.
Napaka-inosente, I held him as close as I want to, hindi ko alam ang gagawin ko sa sinabi ni Athena sa letter niya.
I hope she's safe. I hope she'll come back and take back her words, dahil ako ang nasasaktan para kay Amato na iniwan ng dalawa niyang tunay na magulang.
///
@/n: Any thoughts? Keep safe everyone, love lots. ❤️😚
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro