Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3: Agony of Heart

Chapter 3: Agony of Heart.

Liezel Jami's Point Of View.

Gusto ko na lang biglang magsisi dahil ngayong nakikita ko siyang nasasaktan ay nasasaktan rin ako.

"Hindi lang ba halik ang binibigay mo sa kaniya? Pati ba yung katawan at pangangailangan niya?" Napaiwas tingin ako noong tumulo ang luha sa mata niya.

"No, Yamato. Please liste—"

"Anong no?! Kitang kita ko na oh! Tangina naman!" Napaiwas tingin ako lalo, bigla ay binalot ako ng konsensya dahil sa pambibigla ko sa kaniya.

"Kailan pa? Kailan niyo pa ako ginagagong dalawa?" Hinahawakan siya ni Athena pero pilit niyang iniiwasan ang mga 'yon.

"Huwag mo 'kong hawakan!" His tears fell as he yelled, "Huwag mo 'kong hahawakan, A-Athena. Kingina, ang baboy niyo!" Umiyak yung babae kaya napairap ako.

"Iniiyak iyak mo?" Inis na sabi ko.

"Isang taon na kayo 'di ba?" Kwestyon ko.

"Ano bang alam mo ha?" Sumbat niya sa akin, galit.

"Nalalaman ko lahat, kahit hindi ko tinatanong." Pagsasabi ko ng totoo.

"Ikaw ang may kasalanan nito eh! Kasalanan mo! Ano pinaghihiwalay mo kami kasi may gusto ka sa kaniya?!" Natigilan ako sa sinabi niya.

"H-Huh! Huwag mo nga akong idamay sa kahibangan mo, ikaw 'tong two timer! Kung ako man ang lalake kahit halikan ka sa labi masusuka ako!" Inis na sabi ko at tsaka ko sinamaan ng tingin yung lalake.

"What do you take from doing this huh? You filthy woman." Galit na sabi ko.

"That's enough!" Malakas na sabi ni Kuya Yamato.

"Kailan mo pa ako ginagago?" Seryosong tanong ni Kuya Yamato.

"L-Love.." Kinakabahan na tawag sa kaniy ni Athena.

"Sagutin mo yung tanong ko," kahit kahit siya ay nanaig ang sakit sa tinig niya.

"W-Wala ka bang balak aminin na niloloko mo 'ko? H-Hindi ka ba nakaramdam ng konsensya Athena?" Tumahimik na ako dahil nagsalita na si Kuya Yamato.

"Sabi mo wala lang 'yon, nabigla ka, hinalikan ka niya bigla, Athena kahit masama yung loob ko tinanggap at pinaniwalaan kita." Bumuntong hininga ako, tanging si Kuya Yamato lang ang nagsasalita ngayon.

"I already had this feeling, hindi pa sinasabi sa akin, pakiramdam ko may mali. Parati ko na lang nararamdaman na may mali," hirap na hirap niyang paliwanag.

"Minahal naman kita ah? Hindi ba ako sapat para makuntento ka? Gaano ba ako kakulang?!" Napapikit ako sa huling sinabi niya, hindi man ako ang nasasaktan at naloko ngunit dahil gusto ko siya ay nasasaktan na rin ako.

"Piloto ba gusto mo? Sana sinabi mo, Athena kaya kong palitan lahat ng ayaw mo huwag mo lang akong palitan, pero ang gago mo rin 'no?" Tumulo ang luha ko dahil nag-break down siya sa harapan nila.

"I'm so sorry Yamato, p-please—"

"Ah tangina, ang sakit pala. Ayokong paniwalaan eh," gitil niya.

Nasulyapan niya ako at ganoon ako napalunok ng hilain niya ako papaalis doon, "Yamato!"

"Please let's talk!" Natigilan ako dahil dinala niya ako sa sasakyan niya, kinakabahan naman akong naupo at pinaghawak ang kamay ko sa ibabaw ng kandungan ko.

"You'll come with me," naitikom ko ang bibig sa sinabi niya. Mabilis siyang nag-drive, lumunok ako dahil wala akong masabi ngayon.

Nang malaman kung nasaan kami ay napalunok ako, "Wala pa akong 18 kuya.." Kinakabahan na sabi ko sa kaniya.

"So?" Napatitig ako sa kaniya at huminga ng malalim.

"Hindi po ako makakapasok, para samahan ka.." Tumango siya, bumaba siya ng sasakyan kaya naman nagulat ako nang buksan niya ang pinto.

"Come out." Napalabas ako ng wala sa oras, halos mapigil ko ang hininga ng hawakan niya ang kamay ko.

"Forgive me for this," bahagyang itinaas niya ang kamay ko na hawak niya kaya naman nang nasa harapan na kami ng entrance ay pinigilan si Kuya Yamato.

"Minor?" Nasulyapan ako ng guard.

Huminga ako ng malalim, "She's 18."

Kinailangan niya pa talagang magsinungaling? Inilabas ko naman ang kwintas na suot at nang matanaw nila 'yon ay pasimple silang yumuko at gumilid.

Pumasok na kami, sa pagpasok ay mausok kaagad na galing sa vape ang naamoy ko. They forbid cigarettes here and allow vape only.

Naupo kami sa gilid, he ordered hard drinks. Bumuntong hininga ako, tahimik lamang na naupo sa hindi naman kalayuan sa kaniya.

"Tell me, everything." Nalingon ko siya sa sinabi, seryoso ang mga titig hawak ang baso ng alak at mukhang umisang shot na siya.

"You won't believe me anyway," pabulong na sabi ko.

"I'm asking you now because I believe you," bahagya akong lumabi, humingi ako ng malalim.

"Alam mo naman na yung sa bookstore, about how I found out her relationship with that man is because of I was with Kuya Yuno last week, sa bahay ng friend ko." Mahinahon kong sabi, tumango naman siya.

"Client ni Kuya Yamato, they were live-in partners. 6 months ago, but started a relationship a year ago now." Nakita ko ang pag-iwas tingin niya kasabay ng mabigat niyang paghinga.

Uminom na lamang siya, "Isang taon.." Hindi makapaniwalang sabi niya, "H-Hindi mo ba alam na may bahay siya doon?" Umiling si Kuya Yamato bilang sagot.

"I tried trusting her, hindi lang naman ikaw ang nakapagsasabi." Natigilan ako dahil namuo ang luha sa dulo ng mga mata niya.

"But then when you're the one who admitted, I get nervous. Because I know that you won't lie.." Mabilis niyang napahid ng mabilis ang luha niyang tumulo.

"Tangina," bulong niya sa sarili kaya nalungkot ako.

"Dalawang taon, minahal niya ba ako ng totoo sa loob ng dalawang taon?" Napatitig ako sa kaniya sa tinanong.

"K-Kuya, sorry po." Nahihiya akong yumuko, "H-Hindi ko po alam kung papaano kayo matutulungan sa nararamdaman niyo ngayon."

Hindi siya umimik at umiling lang, napatitig siya sa kawalan. "Just accompany me for tonight, I don't want my sister to get worried if I get into an accident." Napalunok ako.

Iniisip niya talaga yung mga ate niya na paniguradong mag-aalala sa kaniya kung sakali, tinitigan ko lang siya. "Order anything you want, bukod sa alcohol." Nanlumo ako at sumulyap sa mga food.

"Sige po." Matipid na tugon ko, as usual I ordered my food but I insisted on paying.

"She's a good girl, but I didn't know when did she fucked up her life, maybe it's my fault?" Natigilan ako at umayos ng upo.

"H-Hindi naman po siguro kuya, k-kasi po yung cheating po ay choice niya. Hindi naman po tatagal ng isang taon kung kayo po may kasalanan." Pagpipilit ko.

"Maybe she's not content with what I have, she's a future flight attendant and I'm an engineer who barely survived my course." Muli siyang uminom, mabilis nga siyang uminom kaya nag-aalala ako.

"I'm not enough for her, that's why she wants someone who's reliable." Napahawak ako sa pisngi ko, ganito yung ayaw ko sa mababait.

Hindi nila magawang manisi ng tao.

Hindi na siya nagsalita at uminom na lang kaya pasimple akong kumain, hanggang sa dalawang oras na pala kami rito at nakakarami na rin siya.

Namumula na ang mukha niya, dahil siguro ay lasing na siya. "Kuya Yamato, k-kaya mo pa po ba?" Kinalabit ko siya sa braso.

Nalingon niya ako, tumitig siya sa akin. "I'm so troublesome, I even took you here." Mahina siyang natawa, tila malakas na ang tama.

"Ganito kasi 'yan Jami, mahal ko siya 'di ba? Mahal ko siya sobra, tapos ang gagawin niya sa akin ipagpapalit niya ako sa iba." Ngumiti siya, ngunit napakurap ako ng maraming beses ng sunod sunod na siyang umiyak.

"Ayoko na magmahal—" iniiwas niya ang sarili sa akin at tinakpan ang mga mata niya.

"Ayoko na magmahal, ayoko ng magtiwala." Lumabi ako dahil naiiyak na ako sa hitsura niya, sobrang naawa ako sa kaniya.

Nakagat ko ang ibabang labi ng bahagya pa niyang itinalikod ang sarili sa akin, "Ano bang kulang ko? Kulang ba ako sa height? Sa ganda ng katawan? Sa ka-gwapuhan? Sa acads?" Umiling ako bilang sagot.

"W-Wala po."

"Kuya wala pong mali sa inyo," pabulong na sabi ko.

Mahina siyang natawa at tinitigan ako, "Don't mention that I got cheated." Tumango tango ako ng tatlong beses.

"Opo."

"I believed you from the start, Jami. I swear, It's just that I can't accept it. It hurts me a lot." He wiped his tears, got his glass and drank the alcohol in it.

"This liquor will kill my throat," nahawakan niya ang lalamunan kaya ngumuso ako.

Grabe naman siya magmahal, pero niloko lang ang sama sama talaga ng babae na 'yon.

"Huwag kang iinom, masama sa kalusugan 'to." Natitigan ko siya ng matagal sa paalala niya sa akin, namumula ang mga mata.

Halatang gusto pang umiyak ngunit nahihiya, "B-Bakit mo po iniinom?" Pabulong na sabi ko.

"Jami, if you're going to love someone. Love someone who'll love you more, and love someone who will respect you despite any reason." Bumuntong hininga ako sa kaniyang habilin.

Ikaw sana, ikaw nga yata, pero ngayon pa lang nasasaktan na ako sa'yo.

Ngumiti ako, "Opo kuya," tumango tango pa ako.

"Good." Ngumiti siya at nalunok ko ang sariling laway nang guluhin niya ng bahagya ang buhok ko.

"Huwag ka muna mag-boyfriend, men are now players." Lumabi ako sa habilin niya.

"Love the right person, because if you love the right person they'll love you the same way as you did." Ngumiti pa siya, uminom ulit.

"Lasing na yata ako," bulong niya sa sarili.

Kawawa naman siya. Nakakainis talaga yung babae na 'yon, budburan ng sama.

Muli na namang lumipas ang isang oras ay nasusulyapan ko si Kuya Yamato na inaantok na ang mga mata, naka-tatlong bote na siya.

Buti hindi pa siya nagsusuka? "Kuya Yamato." Pagtawag ko ngunit nangunot ang noo niyang iniiwas ang sarili.

"Taken." Turo niya sa sarili niya at pumikit kaya naman ngumuso ako.

"Kuya Yamato ako 'to," mahinang sabi ko.

Nagmulat siya ng mata, "Huh?" Napakamot ako sa pisngi.

"Jami, kuya. Jami po."

"Yummy? Hindi, hindi yummy." Umiling iling siya at aabutin pa sana ang baso ngunit inawat ko siya.

"Kuya uwi na po tayo, literal na lasing ka na po." Kinuha ko ang wallet at ibang gamit niya tsaka ko itinago sa maliit kong bag.

"Kuya tara na po." Tumanggi siya at pinagkrus ang braso na parang bata.

"Kuya Yamato!" Malakas na tawag ko sa pangalan niya.

"Tsk, taken nga." Reklamo niya at nakapikit na nagmamaktol.

"Ah, niloko pala ako." Biglang sabi niya, halos mapalunok ako nang sunod sunod na naman na tumulo ang luha sa mga mata niya.

"Ang sakit talaga, tangina." Napatayo ako ng deretso dahil hinampas niya ang sariling dibdib at hinawak hawakan 'yon na para bang mababawasan no'n ang sakit.

Dahil narinig ko ang luha niya ay nawalan ako ng pag-asa kundi maupo na lang at titigan siya, napansin ko ang pagtulo ng sariling luha dahil sa nakakahawa niyang pag-iyak.

"A-Alam mo yung pakiramdam na, girlfriend ko siya pero live-in partner siya ng iba. P-Paano na ako?" Turo niya sa sarili, umiiyak.

"Parati kaming nagkakasama, lumalabas pero pagkauwi niya may naghihintay pala sa kaniyang iba. Parang ang epal ko lang sa relasyon nila," he covered his face and tried to calm himself.

"I don't know. But I know that I don't deserve this kind of pain, tangina." Pinaghawak ko ang kamay ko at yumuko na lang habang nakikinig sa hinanakit niya.

He really don't deserve this kind of pain, kahit na gusto ko siya ay hindi ko hiniling na maghiwalay sila ng girlfriend niya o hindi kaya ay masaktan siya ng ganito.

Because it hurts me too.

Nang matapos siyang umiyak ay natigilan ako dahil tumigil siya at nang tignan ko ay halos bumuntong hininga ako dahil nakatulog na siya kaiiyak.

Iniiwas ko muna ang tingin sa kaniya ngunit pagkalingon ko ay nanlaki ang mata ko ng makita ang naghahalikan sa kabilang table, napapikit ako at umiwas tingin.

I will only let someone kiss my lips, if I'm 18 already I swear.

Sinuot ko na ang bag ko tapos ay sinubukan kong kunin si Kuya Yamato, sobrang bigat niya dahilan para sandali akong sumuko.

Sa pangalawang subok ko ay napasalampak lang ako pabalik sa upuan namin, ngumuso ako at iniakbay sa balikat ko ang braso niya ngunit nagmaktol siya.

Nang makatayo kami ay napabalanse ako dahil sa bigat niya, "Kuya Yamato." Pagtawag ko sa kaniya ngunit bahagya lang siyang nagbukas ng mata.

Ngunit halos tumili ako dahil sa nawala kami sa balanse at siya ang unang bumagsak sa upuan pero dahil sa hawak ko siya sa kamay dahil nakaakbay siya ay sumunod ako.

*tug-dug-tug-dug*

Napakurap ako ng maraming beses dahil sobrang lapit ng mukha at katawan namin sa isa't isa, napadaing pa siya dahil tumama ang ulo sa matigas na parte ng sofa hindi naman ganoon ka-solid.

"K-Kuya." Pagtapik ko ngunit halos manlaki ang mata ko ng dahan-dahan na magbukas ang mga mata niya.

Normal na itim na pinaghalong kayumanggi ang mata niya, ngunit dahil para itong inaantok at kitang kita ko ang paglaki ng itim sa mata niya.

Kumurap siya at napatitig sa mukha ko, halos pigilan ko ang paghinga nang haplusin niya ang pisngi ko.

Awtomatikong umawang ang labi ko nang hapitin niya ang pisngi ko at pagdikitin ang labi namin.

Para akong nahirapang huminga lalo na ng gumalaw ang labi niya, kumabog ng sobrang bilis ang puso ko.

K-Kuya Yamato..

Pumikit ang mga mata niya at halos tumaas lahat ng balahibo ko sa paghaplos ng hinlalaki niya sa mismong parteng sinasabitan ng hikaw sa tenga ko.

Mariin akong napapikit dahil sa pagsakop niya sa ibabang labi ko, hindi ako makagalaw, hindi ko alam kung papaano ako tutugon.

Dahan dahan ang halik na 'yon ngunit nagkaroon lang ako ng lakas na itulak siya dahil sa pagtigil niya, natakpan ko ang bibig.

Ngunit nanghihina akong napaupo dahil sa bilis ng tibok ng puso ko, hinayaan ko siyang humilata sa sofa na 'yon tsaka ko nanginginig na kinuha ang cellphone ko.

Nag-iinit ang mukha ko at hindi ako makapaniwala sa ginawa niya, kakasabi ko lang kanina na 18 years old ako magpapahalik sa labi!

Hindi ko alam kung sino ang tatawagan para lang mai-uwi si Kuya Yamato, ngunit pumasok sa isip ko si Kuya Yuno kaya agaran ko siyang tinawagan.

Ilang rings muna bago niya nasagot, "Engineer Marshall talking, who is this?" Kinakabahan kong sinulyapan si Kuya Yamato.

"Kuya Yuno, pwede mo ba akong sunduin?" Nahihiyang sabi ko.

"Ha? Sundo? Teka— Jami, ikaw ba 'to?" Gulat niyang sabi.

"O-Opo kuya," narinig ko amg matunog niyang paghinga sa kabilang linya.

"Drop location, on the way." Nanlaki ang mga mata ko.

"Nearest bar sa ice cream parlor kuya," pabulong na sabi ko.

"BAR?!" gulat niyang tugon.

"May pinuntahan po kasing party, tapos n-nandito rin po si Kuya Yamato pero lasing po. Hindi po ako uminom," kalmadong explain ko, napatikhim siya.

"S-Sige, hintayin mo 'ko." Ibinaba niya na ang tawag kaya naman naibaba ko rin ang cellphone ngunit tumulala lamang ang diwa ko sa kung saan.

Para akong nabibingi dahil hindi na kumalma yung puso ko mula kanina, limang minuto ay nakita ko na sa entrance si Kuya Yuno at agaran niya naman kaming nakita.

"Tsk," singhal niya at sinubukan gisingin si Kuya Yamato pero daing lang ang isinagot.

"Ang dami namang nainom nito," nadidismayang sabi niya kaya nang alalayan siya ay hindi gaano mahirapan si Kuya Yuno.

Sumunod ako sa kaniya, "Kuya. I-drive mo na lang po siya sa car mo, susunod ko po yung car niya." Natigilan siya ng maihiga si Kuya Yamato sa likuran ng sasakyan niya.

"A-Alam mo ba mag-drive?" Tanong niya.

"Opo," tugon ko at sumakay na.

Mukhang nag-adjust si Kuya Yuno na bagalan ang takbo ng sasakyan niya upang makasabay ako, nang makarating ay ni-lock ko ang sasakyan niya tsaka ako bumaba at tinulungan si Kuya Yuno.

Nag-bell ako sa bahay mismong gate nila at nang buksan 'yon ay nagulat yung mommy nila.

"Hala kang bata ka, bakit ka naman lasing 'nak." Alanganin na natawa si Kuya Yuno.

"Tita, nawili yata. Ngayon lang ba 'to umuwi na lasing tita?" Magalang na tanong ni Kuya Yuno.

Nang madala siya sa kwarto niya ay napalabas rin ng kwarto si Ate Janella.

"Napano 'yan? Amoy na amoy ang alak ah." Napatitig ako kay Kuya Yamato na dumapa sa kama niya at nagkumot.

Lumabas naman na kami, "Salamat sa paghatid ha, gabi na rin Jami. Yuno hijo, hatid mo na sa bahay nila." Tumango si Kuya Yuno at ngumiti.

"I will tita, we'll be off." Dahil doon ay nahihiya kaming umalis ni Kuya Yuno, iniwan ko naman ang susi sa kwarto ni Kuya Yamato kaya sumakay na ako sa sasakyan ni Kuya Yuno.

"Late na Jami, hindi uwi ng 17 years old 'yan." Ang nanenermon niyang tinig ay pinahaba ang nguso ko.

"Nagpaalam ako sa lola at lolo ko, kuya." Huminga siya ng malalim ay nagmaneho na, pagkarating sa bahay namin ay bumaba rin siya.

"Pahinga ka na," seryosong sabi niya.

Ngumiti ako, "Thank you sa paghatid kuya, bawi ako sa'yo sa susunod." Sandali pa akong kumaway.

"Goodnight." Ngumiti ako muli sa sinabi niya, "Goodnight kuya, ingat sa daan." Tumango siya kaya pumasok na ako sa bahay namin.

Nang nasa kwarto ko na ay nag-alis na ako ng damit at pumasok sa banyo, ngunit muli akong natulala at napahawak sa labi ko.

Napagkamalan niya sigurong ako yung girlfriend niya sa sobrang kalasingan. Bumuntong hininga ako at napayuko.

Be strong Liezel Jami.

Hanggang sa pagtulog ko ay kumakabog ng mabilis ang dibdib ko sa tuwing naalala ko ang paghalik niya sa akin, hanggang ngayon nga ay ramdam ko pa rin ang labi niya sa labi ko.

Siguro nga'y ganoon talaga pag first kiss?

Kalaunan ay napabangon ako sa pagkakahiga dahil nakita ko na tumatawag sa akin si Ate Janella, sinagot ko 'yon inaantok.

"Po?"

"Kagigising mo lang?" Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ni Kuya Yamato sa kabilang linya.

"O-Opo." Nag-init kaagad ang mukha ko.

"I wonder if you have my phone and wallet, I had a blackout last night, I'm sorry.." Napalunok ako ng maraming beses, ibig na sabihin no'n hindi niya naalala?

Nakagat ko ang ibabang labi, "N-Nasa akin po Kuya Yamato, nakalimutan ko po iwan kagabi." Napakamot pa ako sa leeg ko sa kahihiyan.

"A-Alright, thanks. I'll meet you in school?" Tanong niya.

"Parking lot na lang po," kagat labi akong naghintay ng reply.

"Okay Jami, ingat." Napatay ko ang tawag sa sobrang kaba ko, napabangon ako at nagmamadaling naligo.

Kinuha ko ang gamit at tsaka ako lumabas ng kwarto, "Lola late na po ako, babye!" Paalam ko at mabilis na humalik sa mga pisngi nila tsaka ako patakbong lumabas.

"Manong tara na po!" Dahil sa pagmamadali ko ay nabalisa si manong driver na ilabas ang sasakyan kaya naman pagkarating sa parking lot ay natanaw ko kaagad siya.

Mabilis na nawala ang pamumugto ng mga mata niya, ngunit mapapansin mo kaagad na hindi siya okay. Ang puti niyang sapatos ay napanood kong pinagpag niya.

Itim na slacks at puting buttons up long sleeve na naka-tucked in at bukas ang dalawang butones sa itaas.

Suot niya rin ang ID ng school, lumapit na ako ngunit bumalik na naman ang mabilis at malakas na tibok ng puso ko.

Nang makita niya ako ay huminga siya ng malalim, inabot ko naman 'yon. "Thank you Jami, about last night thank you rin." Nang ngumiti siya at bahagyang nawala ang mata niya.

Ngunit napaiwas tingin ako dahil nag-init ng husto ang mukha ko, "O-Opo." Naiilang kong sagot.

"U-Una na ako," paalam niya kaya napatitig ako sa kaniya.

"Opo." Sagot ko ulit, ngunit ako ang nauna at nagmamadaling umalis sa harapan niya.

Nang makalampas ay nasapo ko ang dibdib na nagwawala dahil sa presensya niya.

Hindi ko maalis sa isip ko ang halik niya! Nakakaasar.

Natigilan ako nang marinig ang matunog na sampal, nalingon ko ang pwesto ni Kuya Yamato pero nakagilid na ang ulo niya ng bahagya at kaharap niya si Athena.

Natulala ako, "Ang pakiusap ko sa'yo kausapin mo 'ko. Pero anong nalaman ko kasama mo umuwi 'yon." Kumabog ang dibdib ko pinanonood kung paano niya ipahiya si Kuya Yamato.

Hindi ko maihakbang ang paa ko sa gulat, "Yamato, will you answer me?" Galit na sabi ni Athena.

Ngunit nang tignan siya ni Kuya Yamato ay matunog na huminga ng malalim si Kuya Yamato. "I don't understand your anger, Athena." Mahinang sabi ni Kuya Yamato, naitikom ko ang bibig dahil napansin ko ang pagkuyom ng kamao niya.

"Why would it bother you if Jami took me home?" Ngunit halos magalit ako kay Athena ng matapos magsalita ni Kuya Yamato ay malakas niya muling sinampal ang kabilang pisngi.

Ang kapal ng mukha niya!

///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro