Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27: Changes Of Time

Chapter 27: Changes Of Time

Liezel Jami's Point Of View.



Hindi pa siya nagsalita ng ilang segundo bago siya humiwalay sa yakap at tinitigan ako, "Ang baba ng marka ni sir sa report ko, ginawa ko naman lahat." Napipikon at nahihirapan niyang sabi.

"Nagpuyat ako ng isang linggo para doon, pero binigyan ako ng 54, kingina." Nayayamot niyang sabi kaya naman tinitigan ko lang siya.

"Sandali, hintayin mo 'ko rito." Matipid akong ngumiti, nagtaka siya.

Ngunit pumasok ako sa bahay at kinalkal ang report ko na halos ibuhos ko lahat ng makakaya ko.

Bumalik ako sa kaniya dala 'yon, naka-folder pa at mahigit 25 pages 'yon. "Ano 'to?" Natigilan siya.

"Buklatin mo, reporting ko rin 'yan. 25 pages—"

Nanlaki ang mata niya at napaubo pa, "Seryoso ba 'to?" Gulat niyang sabi.

"Binuhos ko rin lahat," mahinang sabi ko.

"Inang 'yan, sabi na eh may galit talaga sa 'tin yung professor hon. Ang baba magbigay. Ba't 49? Maayos naman ah," galit niyang sabi.

Bigla ay nawala ang malungkot na aura niya kanina, "Akin nga 15 pages lang." Bulong niya pa.

"'Di ba? 'Di naman masakit," sagot ko.

"Dahil diyan, tara, libre ko, maglasing tayo." Natawa ako at sumama sa kaniya, nang makasakay sa sasakyan niya ay dinala niya ako sa samgyeopsal.

"Tara, mag-soju." Inirapan ko siya sa sinabi.

Akala ko sa club niya ako dadalhin, sa samgyeopsal park pala. "Hon, ano na? Tara chibog." Ngumiti ako at kumain na lang, kahit kailan talaga ay pag may problema kami sa school nawawala na lang dahil idinadaan namin sa kain.

Matapos naming kumain ay umuwi na ako, hinatid niya ako dahil raw may aaralin pa siya at gagawin, as always, we parted with a smile in our lips.

Ever since that day, I always visit Athena in my free time. The baby's getting healthy every day because of the nutrient supplements.

Wala ring araw na hindi kami nagka-inisan ni Athena, pero kahit na ganoon ay natitiis namin ang presensya ng isa't isa.

Isang linggo na lang ay kasal na nila kuya nang may tumawag sa akin, and it was Senti. "Madam, yung bebe mo bagsak na madam." Nangunot ang noo ko.

Anong bagsak? Sa grades?

"What do you mean?" I cleared my throat.

"Lasing madam, lasing na kami, hindi ko na siya kaya ihatid." Napatayo ako kaagad at kinuha ang wallet ko.

"I'm going, what really happened ba?" I was irritated and worried at the same time, narinig ko ang music sa kabilang linya at kahit malakas 'yon ay hindi naman masakit sa tenga.

"About studies madam," sagot niya ay huminga ako ng malalim.

"Tignan niyo ha, baka dikitan ng ano 'yan, papunta na ako." Pinatay ko na ang tawag tsaka ako nagmamadaling pumara ng taxi.

Pagkarating ko doon ay napabuntong hininga ako ng pawis na pawis ang noo niya pati na ang leeg niya, pagkalapit ko sa kaniya ay naamoy ko ang pabango niya at ang matapang na amoy ng alak.

"Yamato," mahinang sabi ko.

"Madam, kaya mo na ba? Tataxi na lang kami pauwi ni Cane." Natignan ko si Senti tsaka ako tumango.

"Sure, dala ba niya sasakyan niya?" Tanong ko.

"Oo Jams," wika niya.

"Sige, ingat kayo. Text niyo ako pag safe kayo na nakarating," mahinang sabi ko.

"Yes madam, ingat rin Jams." Kaway nila at inalalayan ang isa't isa, bumuntong hininga ako dahil nakita ko ang report card ni Yamato na hindi ganoon kalaki.

Hindi pa naman ito yung final? Bakit stressed na siya? Kinuha ko 'yon at tinignan habang hinahagod ang likuran niya.

Nakagat ko ang ibabang labi ng may pinakamababa siya, yung sa professor namin sa terror. Ito talaga siguro ang pinoproblema niya.

Ang grading system naman sa school namin is pag uno, mataas, pag kwatro mababa na, 'yon kasi ang nakagisnan namin.

May uno naman siya, ngunit may tres at mukhang hindi siya natuwa kasi yung subject talaga na 'to ang problema niya at inaayos niya mula't sapul.

He did great, hindi dapat siya nag-aalala dahil alam ng lahat kung gaano kababa magbigay ng grade yung prof na 'yon.

"Hon," mahinang pag gising ko sa kaniya.

"Gising na hon," mahinang sabi ko pa.

Tila naalimpungatan naman siya at naibangon niya ang ulo at tinignan ako, naningkit ang mata niya. "May girlfriend ako," sobrang singkit ng mata niya ay feel ko wala na siyang makikita.

"Yamato, tara, iuuwi na kita." Napalayo ang mukha niya sa akin, "May girlfriend nga ako." Galit ngunit lasing niyang sabi.

"Kaya nga, iuuwi na kita."

"Ang kulit mo, I'm t-taken," He gently pushed me away from him, and it made me smile how conscious he is of distance.

"Yamato," tinapik ko pa ang balikat niya ngunit iniiwas niya 'yon at nagmamaktol na yumuko sa mesa.

"Hon!" Gitil ko.

"H-Huwag mo 'ko tawagin niyan, sa bebe ko 'yan." Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya dahil galit at nakakunot ang noo niya habang nakangiwi ang labi niya.

Inom-inom tapos sabog.

"Hon, ako 'to." Malambing na sabi ko.

Nangunot ang noo niya, pilit iminumulat ang mata, napansin ko naman na nabuksan ang butones ng polo niya mukhang nainitan siya kanina at binuksan niya 'yon.

Napaiwas tingin ako nang mag-init ang pisngi, "Oh my beautiful girlfriend," ngumiti siya ng malambing.

"I didn't get to see you, My Liezel." Nanlaki ang mata ko at napalo siya sa braso dahil natawa ako sa pagtawag niya sa akin, napaka-landi!

Gusto ko matawa ng husto, naningkit ang mata niya at sumandal siya sa balikat ko. "Hon, should I stop doing my best? I expected a lot this time," ngumuso siya at yumakap ang braso niya sa bewang ko.

Parang bata.

"Hmm?" I responded.

"Ayoko na," bulong niya nagmamaktol ang tinig.

"It's okay hon, keep on doing your best. It will be noticed soon, okay?" Nakangiting sabi ko, ngumuso siya tapos ay yumakap.

"Uwi tayo?" Tanong niya.

"Oo, uwi na tayo." Matipid na sabi ko.

"Tara," inabot niya sa akin ang susi niya kaya napangiti ako. Inalalayan ko na siya at buti na lang kaya niyang maglakad at tumayo.

Hindi ako nahirapan, nang makarating sa sasakyan niya ay ako na lang ang magmamaneho, sinuotan ko siya ng seatbelt.

"Hon," pagtawag niya kaya natignan ko siya.

"Mahal kita," ngumiti ako lalo sa sinabi niya, kinikilig.

"Mahal rin kita, kaya huwag ka na iinom ng hindi nagsasabi sa akin, okay?" Sermon ko.

"Opo boss," nakapikit siyang ngumiti.

Sinarado ko na ang pinto ng sasakyan niya at pumunta ako sa driver's seat. Nang makarating sa bahay nila ay nanlalaki ang mata ni Kuya Jem na nakita si Yamato.

"Anak ng pitong tupa naman oh, Ma! Lasing si Yamato!" Malakas na pagtawag niya kay Tita Janine.

"Ay jusko, kunin mo. Sino naghatid? Umuwi bang lasing? Nag-drive? Jusko naman." Naririnig ko na natataranta si Tita Janine.

"Tara, Jami. Pasok ka," tinulungan ako ni Kuya Jem, nang makapasok ay nagulat ako ng yumakap sa akin si Yamato.

Nanlaki ang mata ni Kuya Jem, "Gago 'to, papahuli ka pa." Mahina na hinampas ni Kuya Jem si Yamato.

"Oh, jusko pasensya ka na Jami. Ganyan talaga 'yan pag lasing," nahihiyang sabi ni Tita Janine at pilit kinukuha si Yamato.

Kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko dahil sobrang higpit ng yakap niya, "Ang ganda ng girlfriend ko ma, 'no?" Lasing na sabi niya dahilan para mapaubo si Kuya Jem.

"Ma, lasing oh kung ano-ano sinasabi," pagdadahilan ni Kuya Jeremy trying to cover him up.

"Nakooo, Jami pasensya ka na, kalimutan mo yung mga sinasabi niya, lasing siya eh alam mo namang crush ka nito." Nanlaki lalo ang mata ko sa sinabi ni Tita Janine.

"Okay lang po," Girlfriend niya naman talaga ako hihi.

"Ayaw bumitaw, Yamato!" Napalo ni Tita Janine ang likuran ni Yamato.

"Ma, girlfriend ko pala." Lasing na sabi niya at ngingiti ngiti pa, nag-init ang pisngi ko.

"Huwag mo na pansinin ang sinasabi niya, Jami ha." Alanganin na ngumiti ito kaya mahina akong natawa.

"Okay po."

Nangunot ang noo ko ng akbayan ako ni Yamato, muntik pa mawala sa balanse. "Anak naman, nakakahiya o— ay jusmiyo!"

Tuluyang nanlaki ang mata ko nang maglapat ang labi naming dal'wa ngunit mabilis siyang nahila ni Tita Janine.

"Hala, anak!"

"Jami, pasensya ka na talaga. Jeremy hatid mo na si Jami pauwi," nahihiyang sabi ni Tita Janine ngunit ako ay natulala.

Did he just kiss me in front of his mom?!

"T-Tara na Jami, hehehehe." Kuya Jeremy's awkward laugh made it more awkward. He insisted on taking me home, I sighed as I remembered Yamato's way of kissing me in front of his mom.

"Thank you kuya, take care po." I waved my hand and he smiled, "Sure, thank you."

Bagay talaga sila ni Ate Janella, parehas na magkakalat ng magandang lahi, napangiti ako sa naisip ko at pumasok na ng bahay not until my brother raised his brows as I met his gaze.

"O-Oppa."

"Hinatid ka ni Jem? Bakit?" He strictly asked.

"It's because I took Kuya Yamato home, because he's drunk. A friend of a friend called me," I explained.

"Ah, ba't lasing?" He curiously asked.

"Ewan ko po?"

"Jami, may tinatago ka ba sa akin?" Natigilan ako at dahan-dahan siyang nilingon.

"O-Oppa wala," sagot ko. Naningkit ang mata niya at napalunok ako ng ilapit niya ang mukha at tinitigan ako sa mukha.

"A-Ano oppa, wala." Naningkit ang mata niya muli.

"Oppa wala nga," mahinang sabi ko.

"Hmm, I don't think so. I'll find it out, whatever it is." Ngumuso ako at napairap.

"Wala nga po." Bulong ko.

"Go to your room, simula ngayon huwag ka ng lalabas ng gabing gabi—"

"Kuya Laze." Napipikon na sabi ko.

"What?" He fired back.

"You think because you're of legal age, you are allowed to leave this house without saying goodbye?" His sermons that made me pout.

"Bakit ikaw oppa?"

"Nagpapaalam ako, Jami." Matipid niyang sabi.

"Edi magpapaalam na po ako." Napipikon na sabi ko.

"Bahala ka," dismayado niyang sabi kaya ngumuso ako lalo.

"Oppa."

"Nakakainis ka po." Bulong ko.

"Ako pa talaga? Pinag-aalala mo ako parati. Alam mo namang may history ka sa kidnap kidnap na 'yan, dahil 'yon sa sobrang bait mo." Napaiwas tingin ako.

"I can take care of myself—"

"With those bow and arrow, but without those, how?" Natigilan ako sa kaniyang sinabi, naiiyak ako kaagad.

"Y-You're being unreasonable."

"How?" Pag-uulit niya.

"Alam mo kung ano ang papatay sa'yo sa labanan? 'Yang puso mo, 'yang sobrang kabaitan mo." Kumuyom ang kamao ko.

"You're underestimating me kuya!" I hissed, his eyes widened as I yelled out in anger, mentioning him.

"Wow, so you know better now?" Kwestyon niya pabalik, napatitig ako sa kaniya, sinamaan ko siya ng tingin.

"I wish you were just emotionless." Galit na sabi ko na ikinatigil niya, "Liezel Jami." Seryosong tawag niya sa pangalan ko kaya iniiwas ko ang tingin sa kaniya.

"Jami, mali 'yon." Pumagitna na si lola sa amin kaya nang tumulo ang luha ko ay umiwas tingin ako.

"Lola, tignan mo 'yan oh. Umiiba ugali," tinignan ko si Kuya Laze ng masama.

"Just because you have the upper hand you think you're the best," wika ko na mas ikinatigil niya, halatang nasasaktan sa sinabi ko.

"Jami, tama na 'yan. Mali na ang sinasabi mo," lola get in between and held my hands.

"Para kang mommy mo, walang preno ang bibig." Sermon ni lola kaya binawi ko ang kamay ko at tsaka ako naglakad papaalis doon.

"What's wrong with her? Lola, sanay naman na 'yon sa akin ah?" Rinig ko na nagtatakang tanong ni Kuya Laze kaya dumeretso na ako sa kwarto ko.

Naiiyak akong nagsarado ng kwarto at naupo sa sulok ng pinto, yumuko ako sa sarili ko na tuhod at doon naglabas ng sama ng loob.


Malapit na ang kasal ni Kuya Laze ngunit masyadong masama ang loob ko sa kaniya, at dahil sa nabanggit niya ang pagbabago ng ugali ko ay minabuti kong walang makausap.

Masyado akong naapektuhan sa sinabi niya, hindi ko maintindihan kung bakit kailangang ipaalala?

"Jami, kanina pa tumatawag si Engineer Lapiz." Inaabot sa akin ni Serina ang cellphone ko ngunit umiwas tingin ako at derederetsong nagsagot.

"Jami," ngumuso ako.

"Ayoko ng kausap," bulong ko.

"Jami, mali 'yang ginagawa mo. Ano ba?" Natigilan ako at huminga ng malalim, "May problema rin siguro si Engineer Lapiz huwag mo naman siyang paisipin." Nasapo ko ang mukha ko.

"I am not okay, Serina. Talking to him will only worsen my feelings, nagsasawa na akong pakinggan yung mga sermon ng tao." I licked my lips because of frustration.

"But it's not alright to ignore him, at least tell him." Ibinaba ni Serina ang cellphone ko sa mesa at umalis na.

Mas lalo tuloy sumama ang pakiramdam ko, tumayo na lang ako at kinuha ang mga gamit ko, lahat na lang.

Bago pa man ako makalampas ng parking lot ay natigilan ako ng sumulpot sa harapan ko si Yamato. "What's wrong hon?" Napatitig ako sa kaniya.

Huminga ako ng malalim, pinilit ko ngumiti. "Wala naman, busy lang." Hinawakan ko ang kamay niya tsaka ko siya tinangay.

"Where's your car?" I wondered.

"Doon tayo mag-usap," I added, nang makarating sa sasakyan niya ay matipid akong ngumiti.

"Kumusta ka?" I asked.

"Hon, may ginawa ba akong mali?" Umiling ako sa sagot niya.

"May problema ba tayo hon?" Ngumiti ako tapos ay inabot ko ang batok niya tsaka ako yumakap sa ganoong paraan.

"I miss you," bulong ko.

"Hon, what's our problem?" Pumikit ako at nanatiling nakayakap.

"Honey." He tapped my back gently, "Honey.." he softly called.

"Kuya Laze and I had a fight," mahinang sabi ko.

"And I don't know whose fault it is, I am confused by my actions hon." He sighed and caressed my back.

"Siblings tend to fight, but they always have each other's back." Pagpapagaan niya sa loob ko.

"Look at me and my sisters, just because I'm the youngest they thought they're always right. But they'll understand it," nang humiwalay ako sa yakap ay ngumuso ako.

"Then, should I say sorry?" Mahinang natawa si Yamato.

"Pwede, kung gusto mo. Pero kung ayaw mo na magkaayos kayo, ay ewan ko na lang." Humaba ang nguso ko sa sagot niya.

"Ang gwapo mo," nakangusong sabi ko.

I noticed that his hair was pushed back and he's only wearing his tracksuit and jacket we're unzipped. "Hon, huwag ganiyan. Kinikilig naman ako," natawa ako nang mangiti siya ng labas ang ngipin.

"Nag-pe kami," tukoy niya sa shirt ng PE na nasa panloob niya.

"Halata," sagot ko.

"Nag-basketball ka lang 'yata." Ngumisi siya, "Medyo, so paano? Hatid na kita? I'll see you tomorrow at the beach." He excitedly said.

"Sure," bulong ko.

"May gusto ka ba?" Umiling ako bilang sagot, "Hon." Pagtawag niya muli.

"Oh?"

"Hondog." Napairap ako sa hirit niya, natawa siya at halos malunok ko ang dila nang ipatong niya ang kamay niya sa mismong legs ko malapit sa tuhod.

G-Ganito yung ginagawa ng iba na boyfriend 'di ba?

Napaghawak ko ang kamay, kinakabahan, pero kinikilig rin!

Nang makarating sa bahay ay dinampian niya lamang ang labi ko ng halik, sobrang bilis at nabitin ako kaya ngumuso ako.

"Bilis," bulong ko sobrang hina.

"Matagal ba gusto mo?" Nanlaki ang mata ko at bago pa man ay nagmamadali akong bumaba ng sasakyan niya at tumakbo papasok ng bahay.

Ang gagi!

KINAUMAGAHAN hinanap ko kaagad si Kuya Laze so I could apologize before his wedding, dala-dala ko ang regalo ko for him, dahil iba pa yung for his wedding gift.

Nang makita ko siya ay nagulat siya ng makita ako, "Oppa." Pagtawag ko sa kaniya, bahagyang tumaas ang kilay niya at seryoso akong tinignan.

"Why are you here?" He asked.

"Why are you not saying sorry to me?" Tumaas lalo ang kilay niya sa sinabi ko, "Oh ba't ako?"

"Dahil ikaw yung nags-sorry palagi, just because you're about to get married." Nakangusong sabi ko, umawang ang labi niya.

Sinuot niya ang tuxedo niya, pinagkrus ang braso sa harapan ko. Nakataas ang kaniyang buhok at ang makapal niyang kilay at pilikmata ay nalulugi ako.

"It's not because of that, you should know your limit when you're speaking—"

"Nasanay lang ako," umiwas tingin ako.

"Because before, whatever I rant, whatever I say, it doesn't hurt you." Huminga siya ng malalim.

"Sige na, ayoko lang ng may nililihim ka. You started keeping secrets on your brother," yumakap ako sa kaniya.

"Sorry, oppa." Malambing na sabi ko.

"Hmm, sige na." Tugon niya at hinaplos ang buhok ko, matangkad talaga si Kuya Laze, ngunit mabilis lang siyang napantayan ni Yamato.

"Bati na tayo?" Nakangiting sabi ko.

"Ano pa nga ba?" Natatawa niya akong inakbayan at dahil doon ay sabay kaming pumunta sa simbahan.

Hindi ko pa nakikita si Yamato, nauna kasi sila Ate Miran at Kuya Laze pumunta sa Palawan, pero hindi sila magkasabay.

Habang hinihintay si Ate Miran ay natanaw ko si Yamato, napalunok ako ng husto, nasiko pa ako ni Kuya Yuno dahil kinakausap niya ako.

He's wearing a black suit, and his silver watch was so hot because it suits him so much, his hair was also pushed back.

Napalunok ako muli, ngunit nang tignan niya ako ay naningkit ang mata niya dahil kasama ko si Kuya Yuno, eh dito yung hintayan eh.

His shiny black shoes was everything, mas nagmukha siyang matangkad dahil sa sapatos niya at pati ang medyas niya ay kulay itim, I saw him licked his lips after checking me out from head to toe.

W-What was that for?

Umiwas tingin ako dahil naramdaman ko ang pag-init ng pisngi, ngunit habang nag-uusap sila ni Kuya Laze ay tumawag sa akin si Athena.

"Oh, bakit?" Kwestyon ko.

"Jami, yung baby ko kasi hindi tumitigil kakaiyak, tapos ayaw niya na rin dumede. Hindi ko alam gagawin ko, Jami." Ang naiiyak niyang tinig ay nagbigay kaba sa akin.

"Y-Yung temperature niya, kunin mo." I advised.

"O-Okay, wait." Ilang segundo ay narinig ko ang mahinang mura ni Athena.

"Ang taas ng lagnat niya, a-anong gagawin ko?" Nasapo ko ang noo.

"Kumalma ka, okay? Kumuha ka na ng mga gamit niya, ilagay mo sa bag, tapos pumunta ka ng ospital." Paalala ko.

"S-Sige," wika niya.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, natatakot ako." Naiiyak niyang sabi kaya nakagat ko ang ibabang labi.

"Sabihin mo ang pangalan ko sa ospital pag naningil sila kaagad, I'll wait then to contact me," I stated.

"Pupunta ako diyan, pagkatapos ng kasal ng kuya ko." Naririnig ko siyang umiiyak sa kabilang linya pati na ang baby niya, sobra akong naawa dahil yung iyak ng baby niya ay parang may dinaramdam talaga.

"Pupunta na ako, mamaya na lang Jami." Paalam niya, pinatay ko na ang tawag.

At mukhang napansin ni Kuya Laze kaya nag-aalala siya na lumapit sa akin, nag-aalala tuloy ako lalo.

Nang makarating si Ate Miran ay doon kami nagkaroon ni Yamato ng dahilan para makapagtabi dahil best man siya at maid of honor ako.

"Ang ganda mo, hon." Sa sobrang hina ng bulong niya ay napalunok ako, nalingon ko siya tsaka ako matipid na ngumiti.

"Ikaw rin," bulong ko pabalik.

"Alin? Maganda?" Nanlaki ang mata ko at umiling.

"G-Gwapo." Ngumisi siya at umiwas tingin na.

"Aalis ako mamaya, babalik rin pero ako." Paalam ko.

"Saan ka?"

"May aasikasuhin lang na importante," bulong ko.

"Oh, pwede tanungin kung ano 'yon hon?" Naningkit ang mata niya.

"Hindi," bulong ko.

"Ge." Tugon niya, matipid akong napangiti.

"Hon, Happy Valentines." Tila naalala niya bigla kaya natawa ako, "Happy Valentines." Tugon ko.

After Kuya Laze's wedding, he called a chopper for me and I got straight to the hospital, nang makita ko si Athena ay hawak niya ang anak niya na nakahiga sa kama habang siya ay nasa gilid nito.

"Kumusta ang lagay niya?" Nag-aalala na tanong ko.

"Binigyan na siya ng pampababa ng lagnat," nag-aalala na sabi ni Athena.

"Ano raw problema?" Nilapitan ko ang bata at hinaplos ang manipis na buhok nito.

"Urinary Tract Infection," bumuntong hininga ako at napahinga ng malalim.

"Jami, tama pa ba na ako ang nanay niya? Dahil sa wala akong alam ay mas nagkasakit lang siya." Umiling ako.

"Mali," ngumuso siya sa sagot ko.

"Mali magkaanak ng hindi ka pa handa, yung baby ang kawawa." Ngumuso siya lalo kaya mahina ko siyang nahampas sa braso.

"Kaya, ayusin mo at gawin mong tama ang mga mali mo. Kawawa naman yung baby mo," gitil ko.

"Ang gwapo niya pero 'no?" Sa sinabi niya ay napangiti ako.

"Gwapo siya kasi maganda ka, pero sana hindi niya makuha ang pangit na ugali niyong magulang niya." Tumaas ang gilid ng labi niya sa pamemersonal ko.

"Kay gago naman nito," natawa kami ng mahina sa sinabi ko.

"Ikaw na lang ang meron siya, kaya huwag mo na siyang pabayaan." Nakangiting sabi ko pa at hinayaan ang baby niya ha kumapit sa daliri ko.

"Hello baby," mahinang tawag ko rito.

"Ganda niya 'no?" Nalingon ko si Athena ng kausapin niya ang anak at tukuyin ako.

"Siya yung pinalit sa akin ng lalakeng minahal ko ng sobra anak," naningkit ang mata ko, maiinis na sana ngunit ngumiti si Athena.

"Tama rin naman yung desisyon niya, 'di ba anak? Kasi masisira lang ang buhay niya sa akin, parang ikaw." Gusto ko batukan si Athena sa kaniyang sinasabi.

"Hindi pa huli ang lahat, kaya mo pang maayos yung buhay niyo ng baby mo." I advised.

"He needs a mom, more than a dad. Kaya be both for him," ngumiti si Athena.

"Gagawin ko naman ang lahat para mabuhay siya hanggang sa huling hininga ko, Jami. Kahit ano pa ang kapalit no'n," ngumiti ako at tumango.

"Dapat lang," wika ko.

"Oo na, sinasabi ko na nga 'to naman, walang alam kundi barahin ako, pipe ba ako?" Umirap ako nang mag-ingay siya, dahilan para umiyak ang anak niya kaya natakpan niya ang bibig.

"Tabi nga," singhal ko at sinubukang buhatin ang baby niya at halos tumaba ang puso ko dahil sa pakiramdam na napakaganda.

"Naks, pwede na maging mommy ah?" Ngumiti ako kay Athena at hinele ang anak niya.

"What's his name again?" Tanong ko.

"Yamato," matipid niyang sagot kaya nanlaki ang mata ko.

"Ang gaga mo." Nakangusong sabi ko, napangiti si Athena.

"Biro lang," dagdag niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Ano nga?" Napatitig siya sa akin.

"Amato Zeil." Nangunot ang noo ko.

"Bakit? Yung Amato alam ko kung saan mo nakuha eh, sa boyfriend ko," ngiwing sabi ko ngunit napangiti siya.

"Amato tama ka, kay Yamato, and Zeil, galing sa pangalan mo." Tumaas ang kilay ko.

"B-Bakit?"

"Because of Yamato, he was saved when I bled a lot, and because of you, he gets to live and to be born." Sa sinabi niya ay napaiwas tingin ako.

"Isinunod mo dapat siya sa pangalan mo dahil mommy ka niya," bulong ko.

"Wala naman akong magandang dulot sa kaniya, hirap pa ang dala ko." Seryosong sabi niya kaya ngumuso ako.

"Huwag ka nga mag-isip ng ganiyan, oo tanga ka, oo masama ugali mo—"

"Gago nito, wala naman akong sinabing tanga ako, anong oo, oo ka diyan." Napangiti ako dahilan para mapairap siya at matawa.

"Sige na, dahil love ko si Amato, libre ko na yung hospital bills niya." Nanlaki ang mata ni Athena.

"Huy babayaran ko na lang—"

"Ako na, kailangan ko pa bumalik kaagad." Ngising sabi ko, I left her a cash for her baby, of course, wala rin naman siyang kukuhanan ngayon dahil walang tumutulong sa kaniya.


Mabilis na dumaan ang araw, at buwan sa aming lahat, hanggang sa hindi ko na namalayan na isang taon na kami ni Yamato.

He was always sweet and he never failed to forget little details in our relationship, specially monthsaries, and we always celebrated our little achievements together.

Lalo na ngayong isang taon na kami, excited rin siya dahil may condo na siya, actually it's a pay to rent hanggang sa ma-fully paid niya 'yon.

He's on his 4th year college in engineering and I'm in my second year, excited na kaming dalawa.

Isinama niya ako to open and designed his condo, hinihintay ko lang siyang sunduin ako sa ibaba ng lobby.

Sana all may condo, ano ba 'yan. "Jami," nang marinig siya ay napalingon kaagad ako.

Ngumiti kaagad ako, "Happy Anniversary hon!" Lumapit siya sa akin at yumakap kaagad.

"Happy Anniversary hon," malambing na bulong ko habang nayakap sa kaniya.

"So, let's go?" Ngumiti ako at tumango, magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa elevator.

[@/n: Idea purposes]


Nang makarating sa floor niya ay hindi naalis ang ngiti sa labi niya hanggang sa buksan namin 'yon ay napangiti na rin ako. "Designed by me," nagpa-pogi pa siya.

"Kulang pa," seryosong sabi ko.

"A-Ano pa kulang hon?" Nagtataka niyang tanong.

"Ako," nanlaki ang mata niya.

"Kingina." He smirked.

"'De joke lang, wala ka pang center table." Tukoy ko sa maliit na entertainment area niya.

"Tapos wala ka pang shelf hon," ngumisi siya.

"Ikalma mo naman, hindi ko kaya bilhin ng sabay-sabay 'yon aba." Naupo siya sa sofa niya, napansin ko naman na wala pa siyang aircon.

"Wala ka pang aircon sa sala hon?" Umiling siya, "Sa kwarto pa lang." Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko, pumunta kami sa kwarto niya at nakita ko ang kama niya na bagong palit ng bed sheet.

May carpet at doble ang kurtina, "7th floor." Bulong ko nang sumilip ako sa glass walls.

"Yup, okay na ba?" Ngumiti ako at tumango.

Napahawak siya sa baba niya habang sinusuri ang kaniyang kwarto, split type yung aircon niya sa kwarto at naka-full 'yon.

"Lamig ah," gitil ko.

"Hon, pwede na mag-baby time ng walang istorbo." He smirked, crossing his arms over his chest.

"Ikaw naman, kung ano-ano sinasabi mo." Napansin ko na nilipat niya na sa kwarto na 'to ang glass cabinet niya na ang laman ay music instrument.

"Hon, halika." Napasunod ako sa kaniya, tinititigan ang binuksan niyang pinto at napagtanto ko na may bathroom rin siya sa kwarto at walk-in closet.

"Bakit ang dami mong storage sa walk-in closet hon? May shelves pa." May salamin rin at may parang vanity rin ngunit built in.

"Gawa mo 'to?" Tanong ko, namamangha.

"Sino pa ba hon? The one and only." Nag-pogi sign na naman siya dahilan para makita ko ang silver watch niya na parati niyang suot.

"Bakit marami? Marami ka ba gamit?" Kwestyon ko.

"Sa'yo 'to, sa akin dito." Natigilan ako at napalunok.

"H-Huh?"

"Syempre, just in case." Nakangiting sabi niya.

"Ano ka ba naman," bulong ko ngunit ngumiti siya sa akin at natingala ko siya ng yakapin niya ako.

"I love you, hon." Napapikit ako nang matapos niya sabihin 'yon ay yumuko siya upang bigyan ako ng halik sa labi.

"Tara sa furniture depot, I'll give you a split type aircon, para sa entertainment area mo." Nanlaki ang mata niya, "Gagi hindi na."

"Gagi ka rin, tara na! Anniversary gift ko sa'yo." Excited ko siyang hinila.

Dahil doon ay bumili kami at siya ang nagbuhat no'n, "Hon, bili rin tayo ng iba pa." I suggested, naningkit ang mata niya.

"Hon, this is enough, tsaka ka na bumili-bili pag sasamahan mo na akong tumira doon." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Then, can I sleep over?" Natigilan siya.

"No, not yet. It's not yet fully renovated." He said, napanguso ako.

"Gagawin ko pa yung study room nating dalawa," nang sabihin niya 'yon ay pigil na pigil ko ang ngiti.

"Porket disinuebe na, gusto ng mag-sleep over, mapagsamantala ang Strawberry Jami." My brows raised.

"What strawberry jam?" Natigilan siya, but then he smirked and leaned closer.

"You taste like it," he whispered, and it gave me shivers.

"M-Manyak," bulong ko, his eyes widened and his lips pursed.

"Anong manyak, anong manyak doon?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Because you said I tasted like it," sumbat ko.

"Oo nga, your lips taste like it—"

I covered his mouth with my bare hand, "A-Ang lakas ng boses mo," singhal ko, tumaas ang kilay niya sinesenyas ang kamay ko kaya inalis ko na 'yon.

"Kakagatin ko 'yan," banta niya at masungit akong nilampasan kaya napangiti ako.

"Arte mo ha," asar ko.

"Syempre," we decided to go back to his condo to put on his new aircon.

Pagkabalik ay halos mapakapit ako sa braso ni Yamato ng mabilis na pumutok ang confetti sa amin.

"Uy gago, ba't niyo naman tinutok." Dahil sa hawak ni Yamato yung aircon ay binunggo niya na lang sila Cane.

"Tanga, wala ka sinabi." Bulong ni Cane.

Natulala ako sa malaking teddy bear sa sofa, may dalawang box pa at isang paper bag.

Nakalagay rin ang banner na, Happy 1st anniversary, napakurap ako ng maraming beses.

"A-Ano 'to? Wala 'to kanina ah," naguguluhan na sabi ko.

"Jams, tawag rito, surprise." Mahinang natawa si Yamato sa sinabi ni Senti, ibinaba lang ni Yamato ang aircon tsaka siya humarap sa akin.

"Happy anniversary honeeeey!" Para siyang bata na humakbang at yumakap sa akin.

"Kingina mo, Yamato. Sana— sana kami rin!" Hinila na ni Cane si Senti dahil nagd-drama na.

"Bye! Enjoy! Maayos na yung kama! Pwede guluhin!" Sa sigaw ni Cane ay nag-init ang pisngi ko.

"Tarantado!" Pahabol ni Yamato tsaka sumarado ang pinto.

Nang tignan ako ni Yamato ay ngumiti siya, "Check my gifts for you honey." Malambing niyang sabi.

"A-Akin lahat 'yan?" He smiled at me, and nodded.

"C'mon check it, ayusin ko lang yung aircon." Napapunta kaagad ako sa sofa at inabot ang flower.

Inamoy ko 'yon ay napangiti ako, tapos ay niyakap ko yung teddy bear.

"Dito lang yung teddy bear sa condo mo ha." Nalingon niya ako tsaka siya mahinang natawa at ginawa ang inaayos niya.

Excited kong binuksan ang mga regalo niya at may bag pa kaya nayakap ko 'yon, "Hon, mahal kaya 'to. Dapat bumili ka na lang ng kailangan sa condo," I sugested, staring at the 100k bag.

"Minsan lang 'yan hon," sagot niya inilalagay ang aircon.

I set it aside after seeing his gifts for me, habang nakatayo siya sa tapat ng aircon at binubuksan 'yon ay yumakap ako sa kaniya dahilan para mayuko niya ako, napangiti siya.

"Why are you like that? May gusto ka?" Halos mapalunok ako nang humawak ang palad niya sa mismong bewang ko, bahagya siyang yumuko kaya naman pumikit ako ngunit napamulat sa kahihiyan dahil sa noo niya ako hinalikan.

His lips smirked, I looked away and sighed but then he held my face and turned it on him, he gently pressed his lips on mine.

Making our lips meet for like 2 seconds, as he made me look up more, my lips kind of parted to his kiss.

He kissed my lips, gently sucking my lower lip, I closed my eyes and held onto his wrist, I tiptoed trying to reach his lips better.

But then he let go of my chin and almost carried me when he pulled me closer to his body, I almost died when he carried me on my waist and he sat on his sofa.

Not making our lips separate, and that means I'm sitting on his lap again, our faces facing each other, tasting each other's mouth.

I squeezed his shoulders as he slid his tongue on my mouth, making me gulped that stopped him and smirked in between our kisses.

I felt him caressing my back, and waist, halos makurot ko siya nang pumasok ang palad niya sa loob ng shirt ko ngunit sa bewang lang naman.

Nakakapanibago dahil ang init ng palad niya ay nararamdaman rin mismo ng balat ko, mas nakakakaba. Nang sandali siyang humiwalay ay tinitigan niya ang mukha ko.

Ngunit sa mas paghapit niya sa bewang ko ay nanlaki ang mata ko sa gulat, "Yamato!"

He smirked, ngunit nang alisin niya ang palad sa bewang ko ay nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang labi ko gamit ang hinlalaki niyang daliri.

"Hon," bulong ko.

But after that, he went in for a kiss again, I tried kissing back but he's like in a kiss competition, not letting me kiss him like he do..

What an anniversary..


///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro