Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26: Her Kind Heart

Chapter 26: Her Kind Heart

Liezel Jami's Point Of View.


Me and Yamato were sitting inside a circle, yung sa play ground sa mismong subdivision nila, he secretly held my hand and smiled.

"Let's not argue over petty things, okay, hon?" Ngumiti ako at hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

"I hope I can bring the bond Kuya Yuno and I have, but I lost my trust in him." Matipid niyang sabi halatang dismayado hanggang ngayon.

"He's not supposed to do that you know," pabulong niya pa na dagdag.

"I'm sorry if I made you two uncomfortable because of me—"

"Gagi, hindi mo kasalanan 'yon, Jams. Desisyon niya 'yon, ginawa niya 'yon ng hindi niya ako naisip." He reasoned out, that is obviously true.

"My Ate Sierah likes him, what would my cousin feel if she finds out?" Pabulong na sabi ko.

"Jams, tell Sierah not to worry. You're mine." He whispered that made me bite my lips, trying not to smile.

But he stifled a chuckle, "Let's go back." Inalalayan niya ako tumayo tsaka niya pinagkrus ang braso.

"I thought you're a shy type, but you kiss well huh. You'll be better soon," napatigil ako sa paglalakad at napapahiyang napatitig sa kaniya.

"W-What were you saying," bulong ko at nagpaunang maglakad.

"Jams! Magaling!" Pahabol na asar niya kaya mas binilisan ko ang lakad, oh my gosh..

Tatawa-tawa siyang humabol kaya naman mas binilisan ko at nang makapasok sa bahay nila ay nagulat ang mga nasa kanila.

"Tumakbo ka?" Tanong ni Kuya Yuno.

"O-Oo." Sagot ko.

"Bakit?"

"Napano ka?" Tanong na nila.

"Inaasar p-po ako ni Kuya Yamato," ngayon ay tila nandiri ako sa pagtawag ng kuya sa kaniya.

"Ah." Napangisi na lang si Ate Janella kunyare ay wala siyang alam.

Mabilis na dumaan ang oras at napatingin ako kay Archery na nagwawala na sa gilid ng desk ko.

"W-What's wrong?" I woke up in the middle of the night, it's already 3am for pete's sake.

"Intruder, intruder, intruder!" She was rocking her head and I immediately grabbed my bow's arrow and ran out of my room barefoot.

And even before she ran away from my brother, I jumped from the railings of the stairs and showed up in front of her, while pointing her, the metal tip of my arrow.

"Abandon hope of escaping," I stated fiercely.

Tumaas ang kilay nito, "Sinong tinakot ng batang katulad mo?" Nang hawakan niya ang arrow ko ay mas mabilis kong itinutok 'yon sa leeg niya at gumasgas 'yon.

My lips rose, "You bumped into someone you just know it's name, stop this already." Pigil hininga niyang sinulyapan ang arrow ngunit mas pinaramdam ko sa kaniya ang lamig ng nguso ng arrow.

Kung ang kuya ko ay baril, kaya kong patagusin yung nguso ng arrow hanggang sa buntot nito sa katawan mo.

Huminga ako ng malalim, "Give up." I whispered.

Ngunit bago pa man ay biglang dumating si Yamato, gulat na gulat siya ngunit hindi ako nagpatinag at nanatiling nakatutok sa leeg ni Mrs.Bautista ang arrow.

"One wrong move, and it will pierce your neck like a wood." Dumudugo na ang leeg niya ngunit gulat na gulat pa rin si Yamato.

"Hindi niyo pwedeng gawin sa 'kin 'to!" Sigaw ni Mrs.Bautista.

"At pwede mong gawin sa iba yung kasamaang balak mo?" Gigil na sabi ko.

"We almost lost a member of the family because of your petty revenge!" I angerly said.

Nang lumaban siya ay si Kuya Laze na ang bahala sa kaniya kaya umatras na ako at agad naman na lumapit si Yamato sa akin, "Wala kang dapat ikabahala, hindi ako mapapahamak." Mahinang bulong ko.

Inagaw niya sa akin ang arrow tsaka niya hinawakan 'yon, "Don't hold this anymore," umiling ako sa habilin niya.

"Archer ako, ano ka ba," bulong ko.

"Hon, ang arrow ginagamit sa pana, hindi sa leeg—"

"May mamatay pag pinahawak mo sila sa 'kin ng sabay," his eyes widened on state of shock but I smiled, "Joke lang." I lied.

Nakahinga naman siya ng maluwag, "Anong hon?" Napatingin ako kaagad kay Kuya Laze.

"Hondog kasi 'yon kuya," pagrarason ni Yamato.

"Hmm, hondog?" Kwestyon ni Kuya Laze.

"Oo kuya, yung hawak na aso. Asar ko kay Jams." Pagrarason niya pa kaya pinigilan ko ngumiti.

"Ah."


"New year na bukas," mahinang sabi ni Yamato, tinakas niya ako sa kaniyang kwarto.

Puslit lang, kaya nakapasok ako sa kaniyang kwarto. "Should I buy a condo? Para nasosolo kita," he whispered his ideas and smiled.

"Nasosolo?" Tanong ko.

"Hmm, like anytime, we can have time with each other, bonding, something like that?" Nakagat ko ang ibabang labi sa kaniyang idea.

"Pwede." Sagot ko.

"I'm just 18," bulong ko.

"Turning 19 Jams," natatawang dagdag niya at tsaka niya naabot ang cellphone nang may tumawag rito.

Nakasandal siya sa headboard niya habang ang isang kamay ay nakahawak sa cellphone niya sa tenga niya while the other hand is on the top of his tummy.

"Senti, bakit? Anong oras pa lang gago." Napalunok ako at umiwas tingin kunyare hindi nakikinig.

"Huh? Ba't mo 'ko tinatawagan tungkol doon?" Dahil doon ay napatingin na ako sa kaniya ngunit nakatitig rin siya sa mata ko.

"Awit, hindi ko na kasalanan 'yan, pasabi kay prez problema niya kung hindi niya pa tapos yung kaniya. Huwag niya ma-delay delay yung pagpasa," he sat on his bed and stood up later on.

He look stressed, "Kingina naman kasi."

"Oh ano ngayon? Ako gagawa? Ako na naman. Last year pa 'yan ah, kung hindi lang babae 'yan— nakakabanas." Gigil siya halata 'yon sa tinig niya.

"Ako na, de puta." My eyes widened when he hung up on senti and threw his phone gently on his bed.

"Hon, napipikon ako." Bulong niya at naupo sa tabi ko.

"Magiging busy na naman ako, pasahan na sa January 3 tsaka pa pumalpak yung class president namin." Inis niyang maktol kaya naman hinawakan ko ang kamay niya at pinisil mismo ang palad niya na parang minamasahe.

"Calm down," I smiled a little staring at his eyes, natigilan siya tsaka siya napatitig rin sa mata ko at mabilis na umiwas tingin.

"You have a great voice," pabulong na sabi ko which made him glance and then he chuckled.

"Talaga ba?"

"It was my first time hearing you sing, hindi mo man lang sinabi sa akin." He raised a brow and then smirked.

"Can't you see those?" He pointed to the glass cabinet and then I saw a guitar, a ukelele and another guitar but different styles.

"Woah, can you play a song?" Ngumuso siya, "Sleepy na ako, hon, but sure." He stood up and grabbed his guitar.

Nang bumalik siya sa kama ay tinignan niya pa kung naka-tono ba 'yon, "What song?" He asked in monotone, waiting for my response.

But it took me a lot of time to think, "Ikaw bahala hon." Sa sagot ko ay pigil ngiti siyang umiling.

"Tell me the song ha?" Ngumiti siya at nagsimulang tumipa, "Far away, Nickelback." He stated.

"Mahina lang ano oras na eh," dagdag niya pa kaya napangiti ako.

"I keep dreaming~" Unang kanta pa lang niya ay nag-init kaagad ang pisngi ko, dahil nakatitig siya sa gitara niya at sumusulyap sa akin, "You'll be with me, and you'll never go, stop breathing~" I bit my lower lip.

He's voice, so manly and it makes me like the song even though it's not familiar to me.

Nang may kumatok ay natataranta akong napatayo, natigil si Yamato tsaka siya huminga ng malalim.

Ibinalik niya ang gitara tsaka niya ako sinenyasan, "Let's pretend to be sleeping," he opened the comforter to me so I laid beside him.

I was facing his chest, so I looked up when he hid me under the blanket and he even shushed my lips using his finger.

Dahil nahihiya ako ay nagtago ako sa dibdib niya, pumikit ako, ngunit halos manlaki ang mata ko ng maalimpungatan ako ay nasa sariling guest room ko na ako.

Napabangon ako, hindi naman 'yon panaginip 'di ba?

I washed myself, and then I went downstairs. As I saw them sitting in the entertainment area, I smiled but Yamato's serious face was making me anxious.

Panaginip ba na okay na kami?

"Good morning po," bati ko sa kanila.

"What's good in the morning?" He asked, brows raised. I pouted my lips, ang sungit.

"Good morning, huwag mo na pansinin 'yan, nireregla." Parinig ni Ate Miran kaya ngumiti ako.

"Kuha ka breakfast doon sa kitchen, Jami." Ngumiti ako at pumunta sa kitchen kung saan nandoon si Yamato.

Nang makaharap ko siya ay seryoso siyang nakatitig sa akin at napalunok ako nang i-abot niya sa akin ang plate, napatingin ako sa note doon.


'I'd believe if you said "Beautiful morning" instead if "Good morning" nakita kita, 'di ka naman good, maganda lang.'


Tumaas ang kilay ko, "Seriously? Is this a compliment or an insult?" I raised my brows on him that made him smirk.

"Whatever you believe," pabulong niyang sabi, "Kain na."

Umirap ako at pinigilang ngumiti tsaka ako sumunod sa sala, naupo ako doon tsaka kumain na.

"Umalis na si Archery oppa?" Tanong ko sa kuya ko, tumango lang siya sa akin dahil may laman ang kaniyang bibig.


Days passed by and our school started again, Yamato was the busiest and our schedules always conflicted.

Nasapo ko ang noo habang nakatitig sa natapos namin na computation para sa isang building.

"Okay na?" I asked Mandy, she scratched her head a little before turning to me, "I guess so, Jams. Mukhang kumpleto na, 'di ba Serina?" Tumango si Serina tsaka hinawakan 'yon.

"Ayos na 'to, ipasa niyo na." I stated, gave them my sign as I am the leader of the group.

And as a leader, kailangan ng confirmation ko if they all cooperate. Pagkatapos no'n ay ibinulsan ko na ang ballpen ko sa loose trouser na suot ko.

"Let's meet later, should we?" I asked.

"Sa cafe niyo, Jams." Tumango ako, maya-maya ay may tumawag sa akin kaya sinagot ko 'yon.


"Jami, yung baby ko." Halos manlaki ang mata ko ng umiiyak ang nasa kabilang linya, it was Athena.

"W-Where are you?"

"I-In my apartment, J-Jami ang daming dugo." Kinabahan ako at nagmamadaling lumabas ng school.

"Hintayin mo 'ko, pupunta ako." Nang makapara ng taxi ay tumawag na rin ako ng ambulance sa location niya, malapit lang naman siya sa school namin.


Pagkarating ay umakyat na ako, ngunit nakita ko na siyang naglalakad pababa, nilapitan ko siya kaagad.

Inalalayan ko siya, umiiyak siya at sobrang dami ng dugo sa legs niya, sakto namang nakarating ang ambulansya at pinahiga siya sa stretcher.

May kung ano silang ginawa at ako ang sumama, nang madala siya sa hospital ay nakahinga ako ng maluwag ng ligtas silang dalawa.

Kahit may klase pa ako ay sinamahan ko muna si Athena dahil wala pa rin siyang malay hanggang ngayon. Kahit pa masama siya hindi ko kayang pabayaan yung baby niya, wala na ngang daddy eh.

Nang tumawag sa akin si Yamato ay sinagot ko na lang 'yon at sandaling lumayo sa bed niya. "Hon, nasaan ka? Hinahanap ka sa 'kin nila Mandy at Serina." He started.

"Ah, Umuwi ako. Sumakit kasi tyan ko," I reasoned out, of course lying.

"Hmm, kumusta tyan mo? Masakit pa ba?" Naririnig ko ang background niya at alam ko na sila Cane at Senti ang nandoon.

"M-Medyo, but I'm okay hon." Nilambingan ko ang tinig, narinig ko ang mahinang pagtikhim niya sa kabilang linya.

"Uy pre, para ka na namang tanga diyan. Anong nakakatuwa halos bumagsak tayo sa report—"

"Tumahimik ka, may kausap ako." Rinig ko na sabi niya sa kabilang linya kaya mahina akong natawa.

"How's your report?" I asked and sat in front of the emergency room. I was waiting for his response when I saw Athena woke up.

"Hon, let's talk later. I-I need to use the toilet!" Paalam ko, natawa siya sa kabilang linya, sobrang gwapo tumawa.

"Sure, take your time, hon."

"I'll end the call now," matipid na sabi ko at tsaka naghintay ng limang segundo bago pinatay ang tawag, never niya akong
binabaan ng tawag.

Ako parati, "How do you feel?" Tanong ko kay Athena nang makalapit ako ngunit namumutla siya.

Bumuntong hininga ako, "My baby?" Nanghihina niyang tanong.

"It's safe, what happened ba?" Kwestyon ko.

"N-Nadulas ako, hindi naman ako sumalampak pero nagulat ako tapos dinugo na ako. H-Hindi ko na alam ang gagawin ko, ang hirap-hirap na." Napaiwas tingin ako nang maiyak siya.

"Hahanapin ko yung daddy ng baby, okay—"

"No, paano ko ipagkakatiwala yung anak ko sa walang kwenta niyang ama." Nakagat ko ang ibabang labi, nanlulumo.

"I told you to ask me for help already, even though I hate you, your baby is an exception." Naiinis na sabi ko, mahina siyang natawa.

"I also hate you, but I'm also thankful but I still hate you okay?" Umirap ako.

"Duh, same feelings." I irritatedly said.

"I'll sure to pay you in the future, sa ngayon utang na loob muna." Napairap ako muli, pala-desisyon.

"Huwag mo na kukulitin si Yamato—"

"Hindi na nga ako nirereplyan," sagot niya.

"Ay hindi talaga," ngiwing sabi ko.

Nang dumating yung doctor niya ay nagbigay ng dalawang reseta, "Ang mahal naman nito, doc. Wala bang mas mababa ang pre—"

"Thank you doc," kinuha ko na yung papel.

"Ito, para sa baby mo 'yan titipirin mo pa." Singhal ko.

"Eh ba't nakalagay vitamins for mommy?" Turo niya pa, halos hampasin ko siya sa likod pero dahil buntis siya ay suminghal na lang ako.

"Kasi nga ikaw yung magbibigay niyan sa anak mo, ano ba Athena." Ngumiti siya at pinigilan ang sariling tumawa.

"'De wow."

"Papabantayan kita sa parrot ko, magsabi ka kaagad. Mas mabilis pa 'yon sa text message mo," singhal ko.

"Anong parrot! Takot ako sa parrot!" Gitil niya.

"Edi pumikit ka," gitil ko.

"Huwag na! Wala na bang iba? Nanunuka 'yon eh—"

"Ipapatuka talaga kita pag ako nainis sa ugali mo," inis na sabi ko. Dahil doon ay wala na siyang nagawa, tsaka siya napasunod na lang sa akin.

I helped her financially so they could survive in this world full of cruel people, my lips pursed when the landlord of her apartment was way too harsh.

"Ospital ospital pa, hindi ka nga makabayad ng buwan-buwan, ano gastos gastos ka—"

"Ma'am, I guess you're being too much. She was hospitalized because her baby was in danger." I explained.

"Aba'y pakialam ko? Mamatay rin naman lahat ng tao." Ngumiwi ako sa sagot niya.

"You should go first," bulong ko, napipikon. Nanlaki ang mata ni Athena sa sinabi ko kaya napairap ako.

"Anong sabi mo ineng?"

"Ah sabi ko po magpapauna na ako ng rent, magkano ho ba?" Alanganin pa akong ngumiti at pekeng peke 'yon.

"Yung delay niya mahigit limang buwan, 2,500 kada buwan, ikaw na ang magbilang." Masungit na sagot no'n kaya napairap ako.

"Oh mag-compute ka," singhal ko kay Athena.

"Oh ba't ako, ikaw engineer, e." Napangiwi ako lalo sa tugon niya, 'yon na nga ang gagawin magrereklamo pa.

"12,500," bulong ko sa sarili at tsaka ko inabot ang wallet ko, nguniw napangiwi ako dahil kulang ang cash na hawak ko.

Limang libo lang ang natira sa hawak ko dahil bumili ako ng kailangan ni Athena, kawawa naman yung baby niya eh. "Withdraw muna ako," paalam ko.

"H-Huh? Hindi na, hiramin ko na lang yung meron ka tapos hihiram na ako sa iba—"

"Ako na muna, sino ba magpapahiram sa'yo? Tinalikuran ka nga ng kaibigan mo." Pagsasabi ko ng totoo, umawang ang labi niya.

"Aray ha? Bagay nga kayo ni Yamato, ang sasakit niyo magsabi ng katotohanan." Sa sinabi niya ay napangiti ako, tapos ay umalis na ako upang kumuha ng pera ngunit nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko at babaliin ko na sana 'yon but then he called me our endearment.

"Hon," nalingon ko siya sa gulat, ang hawak ko na pera ay natignan niya.

"I thought you're home?" He wondered, not letting go of my wrist, his hand slid and grabbed my hand.

"Ah, nag-withdraw lang ako, ito oh." Tukoy ko sa pera.

"Allowance?" He asked.

"Oo, ikaw bakit ka nandito?" Pag-iiba ko ng usapan, itinuro niya ang sasakyan na naka-park sa gilid.

"Daan ko pauwi, pero nakita kita." Seryosong sabi niya, inayos niya pa ang buhok niya ng hanginin 'yon at humarang sa mata niya.

"Uhm Yamato, pwede bang hintayin mo 'ko rito? Wala kasi yung service ko." Nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko, ngumiti siya sa akin.

"Sure hon, saan ka ba pupunta? Ihahatid na kaya kita? Samahan kita?" Lahat talaga ng pagkakataon na pwede kaming magkasama ay hindi niya pinakakawalan.

"No, mabilis lang ako. I'll just give this to a friend, tapos babalik na ako agad." Nakangiting sabi ko, sana ay hindi na siya magtanong.

"Ah ganoon ba, sige hon. Ingat," kumaway pa siya kaya ngumiti ako at nagmamadaling maglakad, nang makagilid ay nagmamadali akong pumunta sa pa-eskinita at pumunta sa apartment.

Nang makarating ay nag-advance na rin ako ng dalawang buwan, tapos yung delay niya tsaka ako pumunta kay Athena.

"Aalis na rin ako, baka makita pa ako ni Yamato." Paalam ko, "Yung parrot ko dadaan, daan rito." Paalala ko.

"Luh, huwag na. Ayoko sa parrot!"

"Bahala ka sa buhay mo, tawagan mo 'ko pag may kailangan ka. Yung anak mo tignan-tignan mo, pag 'yan talaga—"

"Hoy anak ko naman 'to, makapag-alala akala mo ikaw tatay ha." Umirap na lang ako, nag-iwan ako sa mesa niya ng pera tsaka ako umalis dahil malakas niya pa akong tinawag.

10 minutes lang ako nawala at nakabalik na rin ako kay Yamato, ngunit nakita ko siyang naka-sandal sa hood ng sasakyan niya habang kumakain ng ice cream.

Tinatanaw niya ang mga sasakyan na dumadaan kaya lumapit ako, ginulat ko siya dahilan para malagyan ang gilid ng labi niya pati ilong.

"Tanginang buha— h-hon." Gulat niyang sabi at napatitig sa akin, sumeryoso ang mukha niya at napailing sa ginawa ko.

"Baka ako ang magkasakit sa puso niyan, Liezel Jami." Ngumiti ako.

"Tara na?" I asked.

"Tara, oh kainin mo. Dugyot," singhal niya at pinunasan ang gilid ng labi niya, hinawakan ko naman yung cone at sumakay na ng sasakyan niya.

Kinain ko 'yon habang nagd-drive siya, "Hon, namiss kita. Nasa iisang school at city lang naman tayo pero hindi pa tayo madalas nagkakasama." Reklamo niya sa akin.

"Kasi nga busy tayo, hayaan mo, malapit na bakasyon." Pagpapagaan ko ng loob niya, but then he just pouted his lips like a damn child wanted to be babied.

"Sa kasal nila ate, umamin na kaya tayo hon?" Tanong niya.

"H-Huwag muna, baka magalit si Kuya Laze." Tumahimik siya at hindi na tumugon sa sinabi ko, nang makarating sa harapan ng bahay namin ay ubos ko na ang ice cream.

"Let's have a date, next week hon." Sinabi niya 'yon habang kinakambyo ang sasakyan niya, nang matapos ay inalis niya ang seatbelt niya.

"Sige po, text text na lang ha." Paalala ko.

"Yes honey," bulong niyang sabi.

"Aral ka mabuti, patapos naman na." Nakangiting paalala ko.

"Patapos na rin buhay ko, hon. Kaunti pa't baka sukuan ko na yung kurso k—"

"Huwag mong gagawin 'yan." Seryosong sabi ko, naitikom niya ang bibig at alanganin na ngumiti.

"Sabi ko nga eh," bulong niya, "Ako pa ba? Yamato, sa mata ng lahat gwapo." He gestured his hand to the pogi sign and then placed it on his chin.

"Baka gago," bulong ko.

"Ay, sure ka na?" He stated.

"Sige, alis na. Choo." Natawa kaming dalawa sa sinabi niya, humalik na siya sa pisngi ko.

"See you, hon." Paalam niya.

"See you," binuksan ko na ang sasakyan niya dahilan para hindi na siya makababa.

"Sa susunod ako magbubukas—"

"Pag hindi ka bababa, kahit huwag na, pagod ka pa." Paalala ko sa kaniya, tumaas ang kilay niya, pinagkrus ang mga braso sa dibdib.

"Pagod o hindi, bubuhatin kita." Tumaas ang kilay ko sa kaniyang sinabi, "Anong connect?" Naguguluhan na sabi ko.

"Ikaw at ako," sagot niya at ngumisi.

Nanlaki ang mata ko ng isara niya na ang bintana at paandarin ang sasakyan, g-ginagago niya ba ako?


A week later, we've been more busy, malapit na ang kasal nila Kuya Laze, 3 weeks to go and we're all excited.

But then, I remembered Athena's due date and I wanted to visit her, I mean we're not friends but her baby is not her.

Pagkarating sa apartment niya ay, natigilan ako ng walang tao. Sakto namang napadaan yung landlord nila na masama ugali, "Si Athena po?" Tanong ko.

"Aba'y nanganak na nang nakaraang araw, three days ago." Nangunot ang noo ko, napaaga yata siya?

"Saang ospital ho?" Kwestyon ko.

"Sa city," tumango ako at pumunta doon, pagkarating ko ay hinanap ko ang kwarto niya at nalaman ko na nasa incubator ang anak niya.

Anong nangyari? Wala namang update sa akin si Spy. Nang makita ko siyang nasa-wheel chair at nasa harapan ng nursery ay bumuntong hininga ako.

Nang makalapit sa kaniya ay naibaba ko sa katabi niyang upuan ang mga pinamili, nagulat siyang nakita ako. "Ang aga mo naman yata nanganak?" Nagtatakang sabi ko.

Ngunit nagsimula siyang maluha, "Kasalanan ko." Mahinang sabi niya.

"H-Huh?"

"N-Nakita ko kasi ang tatay ng anak ko, kaya kinausap ko at pinilit ko siyang tulungan ako pero itinaboy niya lang kami." Bigla ay nalungkot ako nang umiyak siya sa harapan ko.

Naka-swero pa siya, at para siyang nalosyang at wala pang suklay, napaiwas tingin ako dahil sobra akong naawa sa kaniya. "Jami, wala siyang kwentang lalake." Bumuntong hininga ako.

"S-Sana pinatay niya na lang kami, isinilang ko lang ang anak ko upang mahirapan." Nakagat ko ang ibabang labi at lumapit sa kaniya.

Pinasandal ko siya sa bandang tyan ko at tsaka ko hinaplos ang ulo niya, "I'm sorry." Bulong ko, hanggang sa sunod-sunod na siyang humagulgol.

"H-Hindi ko na alam, hindi ko kaya yung buhay na ganito." Pinigilan ko maluha sa pag-iyak niya, nakakaawa.

"H-Humingi ako ng tulong sa magulang ko na umampon sa akin ngunit wala na, tumawag ako sa kaibigan ko ngunit hindi raw nila ako kilala, tangina nilang lahat." Nakagat ko ang dila dahil naiiyak ako.

Ano ba naman kasi 'yan!

"H-Huwag mo na silang i-isipin, if that's the case then they're only your friend when you're on your ups." Ramdam ko ang galit sa sinabi ko, alam ko na nakakainis ang ugali ni Athena.

Alam ko na nakakairita siya at masarap sampalin, pero paano nila nagagawa 'yon?

Dahil nalulungkot ako para kay Athena ay ginawa ko ang lahat para matulungan siya, hanggang sa lumabas ang doctor sa nursery room. "Kaninong anak si Baby Barbara?" Tawag ng doctor sa apelyido.

"Sa akin po doc," itinaas ni Athena ang kamay habang nakaupo sa wheel chair.

"Mommy wala ng diapers ang anak mo, hindi pa naman lumalabas ang gatas sa breast mo. Anong plano?" Nang sabihin 'yon ng doctor ay mas nalungkot ako.

"H-Hintayin po natin yung milk—"

"Gugutumin mo ba ang anak mo? Tatlong araw na mommy wala pa rin, kailangan niya na munang mag-formula." Bago pa magsalita si Athena ay sumingit na ako.

"I'll buy it," I stated.

"Ano po ba yung mga kailangan?" Tanong ko.

"Kailangan niya ng nutrition through IV, kada pack mabibili sa mismong pharmacy rito sa hospital." Nakinig ako sa mga kailangan, para mabili ko ang mga 'yon.

"Bibili muna ako, babalikan kita." Paalam ko kay Athena.

"Thank you, Jami." Ngumiti na lang ako dahil namumugto ang mukha niya, lalake ang anak niya at nagkaroon lang ng problema dahil nakakain na yata ng poo-poo yung baby.

Matapos bilhin 'yon ay ibinigay ko na sa nurse, binilhan ko na rin ng kakainin si Athena.

"Babalik na lang ako bukas, tawagan mo 'ko. Huwag mo na muna isipin yung pera, ako na muna." Napatitig siya sa akin at naiiyak na naman, huminga ako ng malalim at binigyan siya ng cash.

Pilit ko na pinahawak 'yon sa kamay niya, "Please, take care of yourself." Mahinang sabi ko.

"O-Okay lang," mahinang sabi ko pa.

"Thank you."


Alam ko na kakailanganin niya 'yon ngayon, lalo na't nasa incubator ang anak niya, magastos talaga, ganoon pa man din ang mga ospital.

Umuwi na ako sa bahay ngunit pagkauwi ay nakita ko ang sasakyan ni Yamato, "Hmm? Bakit ka nandito ng walang pasabi?" Masungit ko kunong tanong.

Ngunit bigla siyang yumakap sa akin, natigilan ako, "B-Bakit?"

"Hon, I'm tired." Sa mahinang sinabi niya ay huminga ako ng malalim at niyakap siya pabalik, "What's the problem?" Malambing na tanong ko.

What's his problem? He's making me worry.

///

@/n: Any thoughts? Belated Happy Valentines!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro