Chapter 25: His Conlusions
Chapter 25: His Conclusions
Liezel Jami's Point Of View.
Nakaupo ako ngayon sa sala habang inaayos ang mga gamit ko sa school, nalulungkot ako sa kwarto ko eh masyadong malaki ngunit ako lang ang laman.
Si Kuya Laze ay nandoon kila Ate Miran ngunit wala pa silang alam, lumapit si mommy sa akin na may dala-dala na fruits, kumuha naman ako doon.
"Anak, I have a few operations left at the hospital. Can you attend the dinner in your Ate Miran's house tonight?" Natignan ko sila ni daddy.
"B-Both of you can't come?" May iniiwasan ako doon mommy eh kasi nakakahiya yung huling ginawa ko.
"Yes 'nak." Dad answered.
"Alright po." Matipid na sabi ko.
"Para makasama mo rin ang kuya mo doon," ngumiti ako at tumango.
"Sige po." Tumahimik na ako dahil sila na ni daddy ang nag-uusap, panay lang ako ayos at dahil sa susunod ay ayoko ng mapabayaan ang pag-aaral ko.
Dumaan ang oras na kailangan ko na pumunta doon ay nagbihis ako ng maayos, ilang araw rin kaming walang communications ni Yamato, 'yon rin ang huli ko na kita sa kaniya.
I made myself comfortable and fresh, nandoon si Yamato eh, pagkatapos no'n ay huminga ako ng malalim dahil kinakabahan ako.
I should go right?
Dahil hapon na ay pumunta na ako doon, pagkarating ko ay napatingin pa ako sa bahay nila sa lakas ng boses ng kumakanta ngunit sobrang ganda naman ng tinig niya.
Si Kuya Jeremy siguro, nakita ko na mag-girata si Kuya Jeremy eh. "Good afternoon po," humalik ako sa pisngi ni Ate Miran.
"Ang tangkad mo na," ngumiti ako sa sinabi ni Ate Miran.
Nag-usap pa kami ukol sa mga heights, ngunit napatingin kami sabay-sabay sa bahay ng may madamdamin na kumanta. "What a great voice," bulong ko.
"Didn't know Kuya Jeremy is a great singer," I smiled, complimenting Kuya Jeremy.
Naglakad na kami papasok, "Never thought not having you here, now would hurt so much~" rinig na rinig ko ang tinig na 'yon.
Amazing vocals.
He's singing the song Tonight by FM Static.
"Tonight I've fallen and I can't get up, I need your loving hand to come and pick me up.." Nang makapasok ay tuluyang nanlaki ang mata ko ng makita si Yamato.
Si Yamato yung kumakanta?!
"And every night I miss you, I can just look up, and know the stars are holding you, holding you, holding you tonight.." Natakpan ko kaagad ang bibig ng sinukin ako.
He's playing the ukulele, and he's not wearing anything on his top! Oh my gosh!
"Ang galing kumanta 'no hija?" Napalingon agad ako kay Tita Janine, Napatango ako kaagad.
Nang tignan si Yamato ay gulat na gulat siyang nakatingin sa akin, nayakap niya ang ukelele upang takpan ang maganda niyang katawan.
Nagtama ang mata namin, "Ah shit." Mahina niyang mura at nagmamadaling tumakbo papunta sa taas.
Pinaupo nila ako at nagkataon na dumating ang parrot ko ngunit halos bumuntong hininga ako ng isama nito si Bullet.
Nang bumaba si Yamato ay sinundan ko siya ng tingin, he's wearing a pastel black shirt and a shorts that is 5 inch above his knee. Ang ikse.
Basa pa ang buhok niya at sobrang gwapo niya tignan, mukhang towel lang ang ginamit niya upang patuyuin ang buhok. Ngunit hindi niya man lang ako tinignan o binati.
"Ma, yung wallet ko nakita mo po?" Natatanaw ko siya at nakikita ko rin ang wallet sa harap ng center table, nakapatong.
Kinuha 'yon ni Ate Miran, "Nandito Yamato!"
"Hindi scam?" Nang sumulyap siya sa gawi namin ay nagkatinginan kami ulit. Napalunok ako at umiwas tingin, "Nandito nga." Sagot pa ni Ate Miran.
"Maya na lang," biglang sabi niya at bumalik na sa kusina nila.
Galit pa nga siya sa akin, umiiwas eh.
"Yamato~" My eyes widened when Archery called him! Shit.
"Sino 'yon?" Gulat na sabi ni Yamato.
"I'm sorry, I-It's my parrot." Tumayo ako at bahagyang yumuko.
"Ah.." Naiilang niyang sabi, "Why did you call me then?" Nang tignan niya ang parrot ko ay napalunok ako.
Lintek kasi Archery..
Ngunit halos mataranta ako nang lumipad si Archery at pumunta sa balikat ni Yamato, Archery! Jusko.
Alam ko na alam ni Archery ang relasyon na meron kami at kinatatakutan ko ay hindi niya alam na sikreto baka masabi niya.
Alam pa man din ni Kuya Laze na hindi nagsisinungaling ang mga parrot ko, "I'm really sorry for her behavior." Napapahiyang sabi ko.
But then I noticed that Yamato is wearing little black earrings, hmm?
"Handsome, handsome." Hiyang hiya na ako kaya tumayo na ako, "Archery that's enough." Sita ko.
Lumapit ako kay Yamato at amoy na amoy ko siya, ang bango!
Pinigilan ko huminga dahil nag-iinit na ng husto ang pisngi ko lalo na ng magdikit ang balat namin at titig na titig pa siya sa mukha ko.
Huwag mo 'ko titigan ng ganyan, namimiss na kita..
Nang makuha ko si Archery ay ayaw niyang magpaawat, "Isusumbong talaga kita kay Spy, humahanap ka pa ng gwapo." Sermon ko.
"So gwapo nga ako?" Halos tumaas lahat ng balahibo ko at napatingin kay Yamato, "ah-Huh?" Naguguluhan na tanong ko.
Ngumiwi siya at umiling, bumalik na ako sa upuan ng tumalikod na siya.
"Good afternoon! I got us some cake and pork belly— anak ng parrot— nandito ka pala." Gulat na sabi ni Kuya Yuno kaya napangiti ako.
"Annyeong?" Manunuyo kasi siya kay Yamato.
"Hindi ka man lang nagsabi," napailing niya pa na sabi kaya lumunok ako.
Baka iba ang isipin ng iba..
Nang utusan nila si Yamato kumuha ng utensils ay dumeretso na rin siyang naupo sa single sofa kaharap si Kuya Yuno at parang ayaw niya talaga.
Nag-usap usap sila at hindi na ako nakisabat, kumain na lang ako ng cake na dala ni Kuya Yuno.
"Kumusta studies Yamato?" Sa tanong ni Ate Janella ay natigilan rin ako, ngunit pagtingin ko kay Yamato ay napansin ko ang pagsulyap niya sa akin.
"Okay naman ate," sagot niya.
"Kumusta nga? How's your grades! Is it good?" Nang maglapat ang labi ni Yamato ay alam ko na naghahanap siya ng isasagot.
"I'm still getting back on it, to be honest it was hard." I've never asked how his grades are and now it's making me feel bad.
"I got distracted." Sagot niya pa.
"Do you have failing grades?" Nang tumango siya ay napaghawak ko ang kamay ko, It's my fault this time right?
I sighed, "What really happened ba Yamato?" They asked.
"Nothing, I just got distracted." Walang gana niyang sagot.
"Pwede mo pa naman i-habol sa summer class?" Suhestyon ni Kuya Yuno.
"No need for summer class, I can do it this semester." He's being sarcastic because maybe, naiirita pa rin siya kay Kuya Yuno.
Maya-maya ay umakyat na si Ate Miran at kasunod si Kuya Laze, napatitig ako kay Yamato na tahimik lang.
"Jami, napasa mo na ba model mo?" Sa tanong ni Kuya Yuno ay dahan-dahan ako na umiling, "Ako na gagawa—"
"Paano matututo kung ikaw gagawa," sambit ni Yamato ay padabog na kinuha ang plato na naglalaman ng pork belly.
"Kuha pa ako," paalam niya.
Naitikom ni Kuya Yuno ang bibig, "Sungit."
"Kasalanan mo naman po." Bulong ko pabalik.
"Wow, makapanisi ha, damang dama ko talaga yung pagmamahal niyo sa akin 'no?" Napairap ako at ngumuso na lang.
Nang bumalik si Yamato ay napanguso ako dahil medyo matalim ang sulyap niya sa akin, kumain na lang ako ngunit nagtaka ako ng umakyat si Yamato.
"I'll just talk to him, cover for me." Paalam ko kay Kuya Yuno at mabilis na sumunod kay Yamato ngunit napalunok ako nang pumunta siya sa kwarto ni Ate Miran.
At mukhang nakita niya 'yon kaya wala pa man ay mabilis ko siya na tinulak sa loob, napa-lock ako ng pinto kaya naman gulat niya akong tinignan.
"Don't say a word," banta ko sa kaniya dahil doon ay naitikom niya ang bibig.
"What's the meaning of this?" He even stuttered asking us those questions, I came near my brother and slammed his arms.
"Hindi ka nag-iingat oppa," inis na sabi ko.
Panigurado ay mabibigla si Yamato, ngunit sana ay intindihin niya rin tulad ng ginawa ko. Natulala siya matapos maupo sa swivel chair, trying to process what he find out.
Ngunit tumayo siya at halos mapalunok ako ng kakaiba siya maglakad at yumakap kay Kuya Laze, nanghihina akong nakahinga ng maluwag.
Sakit sa puso ba ang ibibigay niyo sa akin sa pagpapakaba niyo, "How about you? When do you plan to have a girlfriend?" Sa tanong nila kay Yamato ay nagtama ang mata naming dalawa.
Ngumiwi siya nakatitig sa akin, "Naloko na ako, paano pa ako magmamahal?" Tumaas ang kilay ko sa kaniyang sinabi.
Niloko ko ba siya? Baka si Athena yung tinutukoy niya.
"Naloko ka?! Nino?" Nanlalaki ang mata ni Ate Miran, na-flip niya pa ang lahat ng kaniyang buhok sa likod.
"My first girlfriend?" Napangiwi ako, wow ha titled? First?
Edi ako ng second.
"Hindi si Jami?" Sa sinabi ni Ate Miran ay halos mabitiwan ko ang kung anong hawak.
Luhh?
"Ha? Okay ka lang ate?" Hindi makapaniwalang sabi ni Yamato, ngumiwi ako lalo.
"F-Friends kami ate," I answered. Lies..
"Crush niyo naman isa't isa ah?" My eyes widened, nasulyapan ko si Kuya Laze na salubong ang kilay.
"Ate," sita ni Yamato.
"Si Jami na lang kasi," ngunit halos mapaayos ako ng tayo nang suriin ako ni Yamato.
"Si Jami na lang?" Tanong ni Ate Miran.
"Ate, tama mo na 'yan." Umiling iling si Yamato at sinulyapan ako muli kaya napaiwas tingin ako.
Ngunit halos mapatingin ako kay kuya, "Labas na." Halos itaboy niya kami, ngumiwi ako.
After saving them? How rude.
"Sinisira niyo bonding namin, labas." Wala kaming nagawa ni Yamato at nang nasa labas na ng pinto ay nagkatinginan kami.
"Follow me." Seryosong sabi niya sa akin kaya nang talikuran niya ako ay napasunod ako sa kwarto niya.
Nang makapasok sa kwarto niya ay napatayo ako ng tuwid, deretso ang kaniyang titig sa akin kaya napalunok ako ng ilang beses.
Bakit ba ganiyan siya makatingin? Parang ang sama-sama ko.
"You're going to sleep here?" He asked, his tone was serious and I was very nervous.
"Y-Yes."
"Why are you calling Yuno?" Napalunok ako sa kaniyang tanong, "I-I did?" Nagtataka na tanong ko.
"Yes." Deretso na sagot niya.
"I know that we're not okay, but why are you close to him? Are you two having fun?" Napakurap ako ng maraming beses at umiling.
"G-Gusto niya lang mag-sorry sa'yo." Naiilang na sagot ko.
"Really?" He sat on his bed, "Bakit ikaw ang tinatawagan hindi ako?" Huminga ako ng malalim.
"Hindi ko alam."
"Aawayin mo na naman ba ako?" Tanong ko.
"Ako pa talaga? Ako ba nang-aaway rito?" Sumbat niya kaya napakuyom ang kamao ko.
"Inaaway ba kita?" Kwestyon ko pabalik.
"Ako ba yung nang-away sa'yo last week, hindi naman 'di ba?" Huminga ako ng malalim sa sinabi niya.
"H-Hindi na ako natutuwa sa'yo," seryoso na sabi ko kay Yamato, tumaas ang kilay niya.
"Ako ba natutuwa sa'yo?" He asked, glaring.
"Kanina, pagkarating niya ngiting ngiti ka pa, samantalang sa akin hindi ka makatingin." Ngumuso ako sa sinabi niya.
"E-Eh galit ka," bulong ko.
"Oh, pag galit ba sa'yo yung tao dapat ba galit ka rin?" Balik tanong niya kaya pinagkrus ko ang braso ko.
"H-Hindi."
"Oh naman pala, Liezel Jami. Parang hindi mo alam yung ginagawa mo bigla, nagsasawa ka na ba sa akin?" Gulat akong napatitig sa kaniya dahil sa sinabi.
"Are you making me leave you?" Napakurap ako ng maraming beses, nahihiya.
Kahit hindi masakit ang sinabi niya ay nasasaktan ako, "Hindi kita sinisisi, pero hindi ko maintindihan kung ano bang plano mo." Umiwas tingin siya.
Napayuko ako, "Plano mo pa bang ayusin natin 'to, may balak ka pa bang alamin yung mali mo, o ano pa ba?" Hindi ako makapagsalita, para siyang si daddy kung sermonan ako.
"Pag ba nakapanakit ka anong gagawin mo Jami? Dapat ba tignan-tignan mo lang ako?" Umiling ako bilang tugon sa sinabi niya.
"Oh hinihintay mo na ako na naman ang lumapit sa'yo?" Nakagat ko ang ibabang labi, naluluha na ngunit pinipigilan ko.
"Parang bumabalik ka sa parteng hindi mo na alam yung ginagawa mo, dahil ba nandito na ako?" Nangunot ang noo niyang nakatitig sa akin.
Napaghawak ko ang kamay sa likuran ko, "Jami. Sagot naman," mahinang sabi niya.
"N-No." Kinakabahan na sabi ko.
"Anong, no?" Napapahiya akong tumingin sa kaniya.
"Jami, what's the first step you should do if you made a mistake?" Napatitig ako sa kaniya ngunit hindi nagf-function ang utak ko ng maayos.
"Liezel Jami," huminga ako ng malalim.
"Hindi ko alam." Nahihilo na sagot ko.
"Nagugustuhan mo na ba si Yuno?" Sa tanong niya ay hindi ako makapaniwalang tumitig sa kaniya.
"A-Ano bang sinasabi mo—"
"Mahirap ba sumagot ng hindi?" Kinabahan ako ng husto sa kaniyang sinabi.
"Yamato, hindi. Hindi ko gusto si Kuya Yuno." Napatitig siya sa akin, pinagkrus niya ang mga braso.
Binasa niya pa ang ibabang labi, "Bakit hindi 'yon ang nakikita ko Liezel Jami?" Kumabog ang dibdib ko na para bang tinambol 'yon,
"Habang maaga pa Jami, sabihin mo na. Ayoko ng masaktan pa dahil may kaagaw na naman ako sa pagmamahal na dapat para sa akin lang." Naluha ako at tinitigan siya.
"Ngayon kita tatanungin Jami, nang halikan ka ba niya nagbago na rin ba ang nararamdaman mo para sa akin?" Deretso ko siyang tinitigan, nanlulumo ang hitsura niya.
"You're not believing what I say now, Yamato. Did I break the trust you have for me?" Seryosong tanong ko, napaiwas tingin siya tsaka huminga ng malalim.
"Sasagutin mo lang, hindi mo magawa. Itatanggi mo lang, nahihirapan ka pa." Sarkastikong sabi niya kaya napalunok ako.
"I liked you for years, Yamato. Hindi naputol 'yon, hindi natigil 'yon tulad ng sa'yo at tingin mo mababago ng aksidenteng halik ang nararamdaman ko para sa'yo?" Napipikon ko na sumbat.
"Ganoon ba ako sa tingin mo? Yamato, ni hindi nga nawala yung nararamdaman ko sa'yo kahit pa natatanaw ko kayo ni Athena maghalikan sa kung saan." Napatitig siya sa akin.
"Bakit tayo bumabalik sa nakaraan ko Jami?" Kwestyon niya, naguguluhan tila ubos na ubos ang pasensya sa akin.
"Gusto ko lang malaman mo na hindi ganoon kadali mawala ang nararamdaman ko," wika ko.
"Hindi tayo bumabalik sa nakaraan mo para isampal sa'yo yung pinagsamahan niyo ng ex mo." I sighed.
"Gusto mo nga siguro ako, Jami." Tumango siya kaya napatitig ako sa kaniya, ngunit sa pag-ngisi niya at tumingin siya sa akin ay kinabahan ako.
"Pero baka hindi mo 'ko mahal." Natigilan ako sa narinig, gusto ko umiyak, ngunit pinigilan ko ang nagbabadyang luha.
"Iba ang gusto, sa mahal Jami. Sana alam mo 'yon, pasensya na. Pwede ka ng lumabas ng kwarto ko," nasaktan ako sa pagtaboy niya sa akin.
Tumalikod siya sa gawi ko, nakagat ko ang ibabang labi, ikinuyom ko ang kamao upang hindi ako maluha but then I ended up shedding tears.
Ang sakit niya naman magsalita.
Napahid ko ang luha, "Umalis ka na Jami." Tumayo siya habang nakatalikod sa akin tila may lalapitan ngunit humakbang ako papalapit sa kaniya at yumakap.
Isinandal ko ang pisngi ko sa likuran niya, halata naman na natigilan siya sa ginawa ko. I was hugging him from behind, sobbing.
I heard him sighed heavily, "W-Why are you like this?" Humihikbi na tanong ko, kinekwestyon ang pantataboy niya sa akin.
"B-Bakit mo 'ko p-pinapaalis?" Nahawakan niya ang kamay ko na nakayakap sa kaniyang tyan, nang alisin niya 'yon ay hinarap niya ako at dahil matangkad siya ay pinili niya na lang maupo sa kama.
Hinawakan niya ang isang kamay ko at pinahid niya ang luha sa pisngi ko gamit ang isang kamay niya habang nakatitig sa mukha ko.
I noticed the redness of his eyes, it seemed like he cried silently. Napanguso ako sa harapan niya, huminga siya muli ng malalim.
Tila may gusto siyang sabihin sa pagbuka ng bibig niya ngunit itinikom niya na lang 'yon, "Mahal kita Jami," mahinang sabi niya.
"Lumayo ako upang paniwalaan mo ang nararamdaman ko sa'yo noon, i-ikaw Jami? Hindi ka ba naguguluhan sa nararamdaman mo?" Kalmado niyang tanong hawak pa rin ang kamay ko.
"Hindi mo ba ma-differentiate ang like sa love?" Ngumuso ako at tinitigan ang mukha niya.
"I can, so don't question how I feel about you, because I like you and I love you at the same time." Galit na sabi ko ngunit nakanguso, napatitig siya sa akin at huminga ng malalim.
"Fine," wika niya.
"Alright, there's stages of love. You can be infatuated with me, do you think that's love?" Ngumuso ako lalo sa sinabi niya.
"Yamato.." Nagmamaktol na sabi ko na.
"Hmm?" Tugon niya, lumamlam ang mata.
"I hate being questioned, I have one word, pag sinabi ko, hindi ako nagsisinungaling." Napipikon na sabi ko na.
"Can't you feel?" Nang umiling siya ay nabawi ko ang kamay sa kaniya.
"I am so mad right now," I stated. Huminga siya ng malalim at tinitigan ako, nakaupo lang siya sa harapan ko ngayon.
Nakatitig sa akin, nanlulumo, o nalulungkot hindi ko mawari. "Mahal nga kita," mahinang bulong ko.
"Hindi mo maramdaman, nakakainis na hindi ko alam kung paano ko ipaparamdam." Napipikon na sabi ko, napatitig siya sa akin kaya sumeryoso ako at tinitigan rin siya.
Nang napasulyap ako sa labi niya ay napansin ko na kinakagat niya ang ibabang labi niya kaya naman napaiwas tingin ako ng mag-init ang pisngi ko.
"I am tired," bulong ko.
"Tired of explaining, Yamato." Napatitig siya sa akin, hindi nagsasalita.
"I am, too," Napaiwas tingin ako, b-bakit niya ba kinakagat ang ibabang labi niya?
I-It's making me want to do something, napapikit ako, naiirita.
I probably missed him so much.
"Yamato," napipikon na tawag ko sa pangalan niya.
"Kung pagod ka na bakit hindi mo pa ako iniiwan?" Nalulungkot na tanong ko, "'di ba?" I asked.
"Kasi mahal kita," pabulong na sabi niya.
Umiwas tingin siya, ang bilis ng tibok ng puso ko, kanina pa 'to. Hindi ko maalis ang titig sa labi niya, mommy what's this feeling?!
Oh my gosh, it's driving me crazy.
"I'm sorry, Yamato." Seryosong sabi ko, ngunit pagkaharap niya sa akin ay inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at napapikit akong inabot ang labi niya gamit ang labi ko.
Did I just lose my self-control?
Sobrang kinakabahan ako sa ginawa ko, ngunit napalunok ako nang tugunan niya ang halik ko na smack lang, napapikit ako ng mariin nang pagpalitin niya ang pwesto naming dalawa.
Kahit nasa kama niya ako ay nagawa niya akong hapitin sa bewang, as he was kissing me I felt his tongue on my lips. Tasting my lip gloss, he sucked on my bottom lips and upper lips alternately.
He's kissing me good, I felt the softness of his lips, sucking mine unstoppable. What's this feeling?
He's making me excited and really nervous at the same time. He laid my back on his bed, on my top but not totally.
His elbows were like a stand, he's putting all of his weight on it, hands were on my waist.
I missed him..
Napapikit ako nang mariin sa kaniyang pagpisil sa bewang ko, habol namin ang hininga nang bitiwan niya ang labi ko.
Dahan-dahan akong nagmulat nakatitig sa kaniyang mga mata, "Hon, y-you shouldn't kiss me first, specially when we just argued." Pabulong na sabi niya, amoy na amoy ko ang pabango niya.
Sobrang pula na siguro ng mukha ko, nang masulyapan niya ang labi ko ay napapikit ako nang halikan niya ulit 'yon ngunit nainis ako ng ilang segundo lang.
Huminga siya ng malalim, napaupo siya sa gilid ko, nasapo ang sariling mukha. "Ah tangina." He frustratedly hissed.
"W-Why?" Kinakabahan na tanong ko.
"Hon, we're in bed. Delikado akong kasama," tumayo siya at tinitigan ako, "Let's go. Baka mahuli pa tayo," inalok niya ang kamay niya sa akin kaya tinanggap ko 'yon.
Yumakap muna ako sa kaniya, "I miss you." Bulong niya kaya hinigpitan ko ang yakap.
"I missed you too." Bulong ko.
"Tara na," anyaya ko at hinila siya papaalis doon dahil nawili ako sa paghalik niya at hindi pa nakaka-recover ang puso ko.
"Mahal mo nga ako," sa bulong niya ay nahihiya akong umiwas tingin. Ang gwapo niya masyado, dahil ba nag-away kami kaya mas gumwapo siya?
Kinikilig ako, pero sino ba sa parents ko ang mahina ang self-control? Bigla bigla tuloy akong nakagawa ng ikakahiya ko pagkatapos.
///
@/n: Any thoughts? Keep safe! Love lots ❤️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro