Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23: Arguments Leads Misunderstandings

Chapter 23: Arguments Leads Misunderstandings

Liezel Jami's Point Of View.

Nakagat ko ang ibabang labi ko ng kumatok ako sa room niya, ngunit dumaan yung bell boy at binati ako. "Ma'am, umalis na po kanina pa yung nandiyan." Nangunot ang noo ko.

"Huh?"

"Umuwi na po yata ma'am, dala-dala niya po yung mga gamit niya. Nagbigay pa nga po ng tip eh," napalunok ako at tumango.

"Thank you sa update," matipid na sabi ko at sinubukan siyang tawagan pero unreachable na.

Gosh, what did I do?

Nakagat ko ang ibabang labi at nag-iwan ng text message sa kaniya, online. Dahil pwedeng may wifi ang plane na gamit niya.

@jams.liezel: Yamato, umuwi ka na ba? If not, can we talk?

Bumuntong hininga ako at hinintay siya, but then three hours and still no reply. I tried calling him again, pero unreachable pa rin yung cellphone number niya.

Sana naman ay hindi na 'to magtagal, nakokonsensya ako ng sobra, nagsisisi rin ako na sinabi ko na nakakarindi siya.

Huminga ako ng malalim, a week later hindi pa rin kami nag-uusap dalawa, bumalik na kami sa city ngunit balita ko ay hindi pa rin tumitigil si Ate Miran sa paghahanap kay Kuya Laze.

Sobrang saludo ako sa kaniya, I took an exam yet hindi pa rin nagtatama ang landas namin ni Yamato, he's ignoring me, and I deserve it for hurting his feelings.

Sinabi ko pa na wala siya nang kailangan ko siya, gayung handouts ko ang hindi nagpapatulog sa kaniya ng tama at kaya siya wala dahil inuna niya ang mga 'yon.

Bagay na hindi niya dapat ginawa, natulala ako sa test papers ko tsaka ako bumuntong hininga. Pagkatapos ko masagutan 'yon ay ipinasa ko na.

"Serina, nakita mo na ba si Yamato sa school?" Tanong ko, natigilan siya at tsaka ako tinitigan.

"Away kayo?" Nangunot ang noo ko.

"M-Medyo?" Ngumiwi siya, "Oo, nakikita ko siya. Madalas sa library, pero bibihira lang sa cafeteria. Minsan nasa basketball court siya kalaro mga friends niya." Napatango ako.

"Pwede mo ba ako samahan? Titignan ko lang kung makikita ko siya sa library." Huminga siya ng malalim at nagulat ako ng biglang dumating si Mandy.

"Huwag na sa library, nasa basketball court siya. Pinagp-pyestahan ng mga babae," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"T-Tara." Nagmamadali ako na naglakad, halos nangunguna ngunit pag napapansin ko na napapasobra ay medyo binabagalan ko ang lakad.

Nang mapadaan sa basketball court ay natanaw ko siya kaagad, may mga kababaihan rin na nanonood.

Kalaban yata nila ibang course, tumayo ako sa gilid. Pawis siya ngunit dahil sa sweat bands na suot niya sa ulo niya ay hindi 'yon umaabot sa mukha niya.

Nakagat ko ang ibabang labi, they're wearing their PE uniforms, kasama niya si Senti at Cane pati na ang iba nilang kaklase.

"Agaw atensyon be, seselos ka?" Turo niya sa mga babaeng ang iiksi ng palda, bukas ang ilang butones sa polo na uniform namin.

Ngumuso ako, "Kasalanan ko naman eh." Bulong ko.

"Uy nakatingin sa'yo si engineer!" Hinanap siya kaagad ng mata ko at nakita ko siyang natigilan habang nagd-dribble ng bola tsaka siya umiwas tingin ng magtama na ang mata namin.

Bahagyang humaba ang nguso ko, napatingin ako sa hawak ko na water tumbler ko. Binasa ko ang labi ko tsaka ko hinanap ang bag niya, lumapit ako doon at iniwan 'yon doon.

"Tara na," anyaya ko.

Muli ko siyang sinulyapan, ngunit hindi niya na ako tinignan.

"Ang gwapo naman ni Yamato!"

"Sana pawis na lang ako!"

"Pwede ba maging bola na lang? Para mahawakan niya!"

Sinamaan ko ng tingin ang mga babaeng nagtitilian sa gilid. "Kung hampasin ko kaya mga ulo niyo parang bola," inis na bulong ko at tsaka tumalikod na.

"Tara na nga," bulong na sabi ko.

Matapos ko manlumo ay bumalik na ako sa klase ko, habang nakaupo ako ay biglang tumawag sa akin si mommy.

Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko 'yon ngunit sinagot ko dahil baka tungkol kay Kuya Laze.

"Hello po," Panimula ko.

"Jami, 'nak nandito kami sa prisinto. P-Punta kaming morgue, may nakita raw kasi sila na katawan at nakita ang gamit ng kuya mo." Napatitig ako sa kawalan.

Wala pa man, ay naluluha na ako, nakagat ko ang ibabang labi ko at tinakpan ang bibig ko.

"I-I need to go," sambit ko sa mga kaklase binaba ko na ang tawag.

"Bakit Jami?" Tanong ni Serina.

"N-Nakita raw nila si kuya eh, p-punta muna ako morgue." Natigilan sila sa sinabi ko ngunit halos mag-breakdown ako sa harapan niya nang yakapin niya ako.

"Kumalma ka, Jami. Sasamahan ka na lang namin—"

"H-Hindi na, k-kaya ko. M-Mas mabuti ng ako na lang," mahinang sabi ko.

"Hatid ka namin, sa gate sige." Hindi ko mapigil ang sarili na umiiyak.

Sana ay hindi si kuya 'yon, imposible. Habang naglalakad ay natigilan kami ng may humawak sa braso ko. Nang makita si Yamato ay mas lalo kong gusto maiyak.

"What's wrong?" Nag-aalala niyang tanong, nakagat ko ang ibabang labi tsaka ko natakpan ang mukha.

"Tell me, what's wrong?" Tinignan niya rin ang dalawang kaibigan ko.

Panay ang hikbi ko hanggang sa hilain niya ako papalapit at itago sa dibdib niya, nakahawak ang palad niya sa likuran ng ulo ko.

"Yung kuya niya raw po kasi, nakita yata. Kailangan po nila i-check sa morgue kung 'yon po talaga." Panay ako hikbi nang marinig ang sinabi ni Serina.

"H-Hindi si kuya 'yon, imposible." Hindi ko matanggap na sabi.

"Shit," rinig ko na mura ni Yamato. Nang bahagya niya akong ilayo ay bumuntong hininga siya at hinawakan ang kamay ko.

"I'll accompany her, bumalik na kayo sa klase niyo." Dinala niya ako sa sasakyan niya at nang paupuin niya ako ay inagapan niya pa ang ulo ko.

Nang makasakay siya ay natulala ako sa daan, hindi pa rin matigil sa pag-iyak. I wish this is just a dream, I should wake up.

I heard him sighed and drove his car, I held my face and cried on my palm. "Calm down," Paalala niya.

Inabot niya ang likuran ko at hinaplos 'yon, derederetso ang hikbi ko ay pinahihirapan na ako no'n makahinga.

Sobrang sakit ng dibdib ko at pakiramdam ko mahihimatay ako. Just keep my brother alive, I'll be a better person.

Nang makarating ay inalalayan ako ni Yamato, nang makarating ay nanlumo ako ng makita ang katawan at ang ibang kagamitan ni Kuya Laze.

Sobra akong nanlata, umaasa na sana hindi si Kuya Laze 'yon. Wala pang confirmation para sa DNA test ng body na 'yon, ngunit malaking palaisipan kung bakit nasa lalake na 'yon ang gamit ni Kuya Laze.

"Jami 'nak—"

"M-Mommy," umiiling iling ako ay parang bata na umiiyak ay yumakap sa kaniya.

Panay ang hagulgol ko hindi kinakaya ang sakit na dibdib, "My brother is alive right? He can't be dead." Pagpipilit ko.

"Get rest first anak okay? Babalitaan kita kaagad." Nanghihina akong inalalayan ni Yamato, hindi pa rin ako tumatahan at nang nasa parking lot na ay nararamdaman ko na para bang nabibingi ang tenga ko.

Tinitigan ko si Yamato, bumubuka ang bibig niya ngunit wala akong marinig, napapikit ako nang mahilo.

Nagising ako, sobrang sama ng pakiramdam ko, hindi ko wari kung bakit ngunit ang sakit ng lalamunan at ulo ko. Natigilan ako ng makita ko ang paligid.

S-Saan 'to?

Nang medyo maging pamilyar sa akin ang kwarto ay napalunok ako ag napaupo ng wala sa oras.

Kwarto ni Yamato.

Inabot ko ang cellphone ko na nasa side table, nang makita ko ang oras ay nanlaki ang mata ko ng makita ko ang oras. Tumayo ako kaagad, nakakahiya naman sa kanila.

Ngunit bigla ay bumukas ang pintuan kaya naman napaayos ako ng tayo ng pumasok si Yamato, nakakunot ang noo niya ng makita ako.

"Gutom ka na?" Kwestyon niya at naupo siya sa dulo ng kama, napaiwas tingin ako dahil nahihiya pa ako sa kaniya.

"Y-Yamato, h-hindi ko maalala yung nangyari sorry." Nahihiyang sabi ko, huminga siya ng malalim.

"Nawalan ka ng malay," sagot niya.

"Dito na muna kita dinala, nalaman ko kay Ate Miran na wala kang kasama sa bahay niyo ngayon." Napaiwas tingin ako at bumalik sa pagkakaupo.

"Can we talk? A-About what happened last time," Huminga siya ng malalim at pinagkrus ang braso niya, sinulyapan niya ako. "Sure." He answered.

Huminga ako ng malalim, "I'm really sorry for making you feel that way, If you think I don't value you, I'm sorry." Bahagyang tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.

"I'm not a jealous type of person, Jami. You can go and hug whoever you like, but Kuya Yuno is different because he likes you." Pagsasabi niya ng totoo.

"I was just tired at that time, My emotions came after me. Maybe it's better if you'll focus on yourself first, nandito lang naman ako." Natigilan ako sa sinabi niya.

"A-Are you asking for a break up?" Kinakabahan na tanong ko.

"Yamato, ayoko." Mahinang sabi ko, naiiyak.

"H-Huh? Anong break up? Wala naman akong sinasabi na maghiwalay tayo." Gulat rin na sabi niya.

"Nandito lang naman ako, hihintayin ko na lang na siguro maging okay ka. Baka mahalin mo 'ko—"

"M-Mahal naman kita," napaiwas tingin ako sa kahihiyan.

"Jami," bumuntong hininga siya at tsaka siya lumapit at naupo sa tabi ko.

"Ang pagmamahal, nakakakilig pag sinasabi. Pero nakaka-overwhelmed pag mas pinaparamdam, kaya focus on yourself. Kasi nakakahintay naman ako," wika niya.

"Ito lang yung bahay ko, alam mo yung classroom ko, alam mo yung phone number ko, alam mo yung instagram ko, madali i-reach out." Humaba ang nguso ko sa sinabi niya.

"Then why did you ask me how beautiful the sunset is?" Nagitla siya sa tinanong ko, napaiwas tingin siya.

"M-Maganda naman kasi talaga, 'yon lang naman ibig sabihin no'n. W-Wala ng iba," mahinang sabi niya. Pinagkrus niya ang braso habang makaupo siya sa tabi ko.

"Nasaktan lang ako," mahinang sabi niya pa.

"Kung naririndi ka sa akin, patahimikin mo na lang ako sa hindi masakit na paraan." Napatingin ako sa legs niyang mahaba na naka-deretso.

Naka-shorts lang kasi siya, "Ano sasabihin ko? Shh? Ganoon?" Inilagay ko pa ang hintuturo ko sa gitna ng bibig.

Bumuntong hininga siya, "Gan'to, hina mo naman." Reklamo niya at napapikit ako kaagad ng kabigin niya ako at mabilis na halikan sa labi dahilan para manlaki ang mata ko pagkalayo niya.

Napatitig pa siya sa mata at sa labi ko nang makalayo siya, "Pag nakita ko pa talaga kayo ni Yuno na ganoon na naman, Jami bahala ka." Pinagkrus niya ang braso.

"Nakakatampo, kingina." Bulong niya.

"Why did you finish my handouts?" Natigilan siya at napaiwas tingin, "H-Hindi ah." Bulong niya.

"Nalaman ko na, I am really thankful for what you did, pero ikaw yung naaragabyado. Mas nakokonsensya tuloy ako," nakangusong sabi ko.

"Hmm, sorry." Sambit niya.

"Ayoko lang mahirapan ka, I know how hard you're going through." Mahinahon niyang sabi.

"Sige na, dadalhin ko pagkain mo rito." Hinawakan ko ang kamay niya.

"I love you." Sobrang hina na sabi ko, hindi ko siya matignan kaya nakatitig lang ako sa kamay niya.

Nang tignan ko siya ay nakagat niya ang ibabang labi, "Kingina naman, Hon. Lugi naman ako pag ganiyan," napaiwas tingin siya sa akin.

"Nawawala kaagad yung tampo ko," napaupo siya sa tabi ko. Napahawak pa siya sa tapat ng puso niya sa dibdib.

"I didn't say that to make you feel good, I really do love you. I'm just stupid—"

"Hon, nadali mo. Hehehehe—"

"So I'm really stupid?" Natigilan siya at alanganin na umiling.

"Hindi, minsan lang." Nanlaki ang mata ko at sinamaan siya ng tingin.

"Hon, mahal rin kita. Pero seryoso ako sa sinabi ko na, isang beses ko pa makita o malaman na ganoon na naman kayo ni Yuno. Hindi ko na alam kung paano ko pa iintindihin," huminga ako ng malalim at napayakap sa kaniya.

"Okay, hon." Mahinang sabi ko, nayakap niya rin ako at tsaka siya huminga ng malalim.

Makalipas ang ilang araw, nagbubuklat lang ako ng libro hanggang sa biglang dumating si mom at dad sa sala. "Jami, 'nak." Nang yakapin ako ni mommy ay nangunot ang noo ko.

"Bakit po?" Naguguluhan na tanong ko.

"I-It's your brother's body." Nang sabihin niya 'yon ay natulala ako.

"P-Po?"

Hindi ko maintindihan..

"Yung sa DNA result, it's positive 'nak. I'm sorry," Natulala ako sa narinig. Halo-halo ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung paano ia-absorb 'yon ng sariling utak ko.

"N-No." Mariing sabi ko.

"You're lying mom, you're lying!" I yelled and pushed her away, nanginginig ng husto ang kamay ko at sobrang nahihirapan ako huminga.

Nararamdaman ko ang pagtulo ng luha, "I'm sorry anak." Yumuko si mommy at bahagyang lumayo, si daddy ang lumapit sa akin.

May kinausap si mommy sa cellphone niya ngunit hindi ko lubusang matanggap ang narinig, "It's a lie dad, tell me it's just a lie!" I held my chest, making it hard for me to breathe.

"Jami, kumalma ka." Hinagod ni daddy ang likod ko ngunit iniiwas ko ang sarili.

"Dad, tell me it's a lie. P-Please," pagmamakaawa ko at napayuko.

"I'm sorry." Bulong ni dad at niyakap na lang ako, hindi ko nagawang tumahan.

Pakiramdam ko ay sobrang nanghihina ako, pagkatapos no'n ay pinili ko na hindi kumain. Nagkulong lang ako sa kwarto ko.

Sinusubukan naman nilang buksan ngunit ayoko sila harapin, I reached for my phone and called Yamato but he didn't answer.

Mas naiyak ako lalo, I wanted to see him. This is driving me nuts, I covered my face using my pillow and then I cried.

Naligo ako at lumabas ng kwarto, nanghihina akong lumabas ng bahay mismo, Why is Yamato not answering right now?

I left a message that I wanted to get drunk, umalis ako ng bahay ng hindi nila alam at dumeretso ako sa bar sa kung saan madali ako mahahanap ni Yamato mamaya.

Napapikit ako at tinitigan ang alak sa harapan ko, kahit hindi ko ganoon kagusto ang lasa no'n ay nakapikit ko 'yon na nilunok at ininom.

Ngunit sa tuwing naaalala ko si Kuya Laze ay naiiyak ako kaagad, kung kaya't sa lakas ng tugtog ay panay pahid ko sa mga mata ko hanggang sa sobrang hapdi na no'n.

Tinawagan ko muli si Yamato, ngunit wala pa ring sagot, shit. Lumipas ang isang oras at alam ko na tinatamaan na ako ng alak, inabot ko ang cellphone ko at tinawagan siya muli.

C'mon pick it up.

Nang wala pa rin ay napamura na lang ako ng mahina at galit na ininom lahat ng nasa harapan ko, napasandal ako sa kinauupuan ko at sapo-sapo ko ang mukha dahil hindi ako tumatahan.

Ang sakit..

"Jami, itigil mo na nga 'yan." Nang may galit na humablot ng baso ko ay sinamaan ko ito ng tingin, "Huwag kang makialam!" Sigaw ko at binawi 'yon ngunit mas nagalit ako ng basagin niya 'yon.

"Ano ba Kuya Yuno!" Kumuyom ang kamao ko siyang tinignan, "Si Yamato yung kailangan ko! Bakit ba ikaw na naman yung nandidito!" Galit na sabi ko sa kaniya, huminga siya ng malalim.

Napasapo sa noo, "Tangina naman, kung iinom ka sa bahay niyo na lang, huwag dito delikado!" Galit na sabi niya rin, hanggang sa napansin ko na namumugto rin ang mukha niya.

"Hindi lang ikaw yung nasasaktan, kaya umuwi ka na. Itigil mo 'to," sermon niya kaya napaiyak na lang ako at napaupo sa sulok.

"Sakit ng ulo ko sa inyo ni Miran, dinadagdagan niyo pa yung problema!" Padabog siyang naupo sa harapan at tsaka niya nasapo ang noo.

"Sinabi ko bang problemahin mo 'ko!? Hindi naman 'di ba, kaya umalis ka na lang sa harapan ko!" Sumbat ko.

"Si Yamato yung hinihintay ko hindi ikaw!" Dagdag sigaw ko pa.

"Paano ka nga mapupuntahan ng tao! Ang taas ng lagnat Jami," sa sinabi niya ay natigilan ako.

M-May lagnat siya?

Okay pa siya nang huli kaming nagkita ah? Tatlong araw lang kami hindi nag-usap para hindi kami mas maging malabo.

Napapikit ako ng mahilo, "Umalis ka sa dito kuya, umalis ka." Mariing sabi ko.

"Jami, aalis ako rito kung uuwi ka." Pasinghal na sabi niya.

"Magpapasundo ako kay Kuya Laze—" natigilan ako sa sinabi, natulala na lang ako at tsaka ko natakpan ang mukha nang mabilis na gumuhit ang sakit sa dibdib ko.

"I-It's really impossible." Bulong ko, nasapo ko ang noo.

"You can find him, 'di ba po? I-If you manage to find him alive, kuya, I'll be good to you." Pakiusap ko kay Kuya Yuno.

"Please, look for my kuya." Pagmamakaawa ko.

"Jami!" Pagtawag niya sa pangalan ko.

"Paano ko nga hahanapin kung nakita na nila, nakita na nilang walang buhay!" Natulala ako sa kaniya at humagulgol na lang.

"No." Pagpilit ko.

"He's alive." Mariing sabi ko.

"My brother is okay, I know he's alive—"

"Jami, we all wished that.." Panay ang iyak ko sa harapan niya na parang bata na nawawala at iniwan ng kaniyang ina.

Panay ang pahid ko sa pisngi ngunit hindi ito natutuyo, "I'm sorry." Pilit kong itinutulak si Kuya Yuno papalayo sa akin.

"Huwag mo 'ko yakapin kuya," mahinang sabi ko at natulak siya. Hindi siya makapaniwalang tumitig sa mukha ko ngunit umiiling iling ako at derederetso pa rin ang paghikbi.

"Umalis ka na lang!" Galit na sigaw ko ngunit halos magulat ako nang sapuin niya ang mukha ko at halikan ako sa labi.

Nanlaki ang mata ko kahit na lumuluha ako, mabilis ko siyang itinulak kahit na nagtagal 'yon ng segundo, naikuyom ko ang kamao at sasampalin na sana siya pero narinig ko ang pinakamalakas na buntong hininga kahit na maingay sa paligid.

"Tangina naman," nang marinig ko ang tinig na 'yon ay kinabahan ako at hinanap kaagad siya. Nang makita ko siya ay kinabahan ako ng sobra, namumutla pa ang labi niya at halatang may sakit talaga siya.

"Shit," rinig ko na sabi niya. Nang mapaupo siya sa bakanteng upuan ay napatitig na lang ako sa kaniya naiiyak.

Nang tumayo siya at maglakad papaalis ay sumunod ako kahit nanghihina ang tuhod ko, "Yamato." Nang nasa parking lot na ay hinawakan ko ang kamay niya.

"I-It's not what you think it is," Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa kaniya at dahan-dahan na alisin 'yon.

Sobrang init ng kamay niya, "Yamato.." Nanlulumo kong tawag sa kaniya at mas kumapit.

Napaiwas tingin siya, "Sakit mo naman, Jami." Pabulong na sabi niya, huminga siya ng malalim at tsaka wala siyang nagawa kundi hayaan ako na hawakan siya.

"Hindi ko alam, hindi ko gusto 'yon. H-Hindi ko talaga ginusto 'yon." Umiiyak na sabi ko, "Yamato.."

"Alam mong hindi ko magagawa 'yon sa'yo, I-I'll explain and please listen—"

"Liezel Jami," sumeryoso ang mga titig niya sa akin, ang naluluha niyang mata ay pilit niyang ginagawang seryoso, "'Yan rin ang narinig ko noon." Napatitig ako sa kaniya.

Hindi makapaniwala, "B-But I'm telling the truth," nanlulumo ko na sabi.

"I'm telling the truth, I am not lying." Nakikiusap na sabi ko, nahihirapan na huminga dahil sa emosyon na nararamdaman ko.

Napaiwas tingin siya, "I can understand that, Jami. Pero masakit," matipid siyang ngumiti tsaka siya huminga ng malalim.


///

@/n: Any thoughts? Keep safe and study well, sana hindi kayo magtampo. ❤️

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro