Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2: His Devastation

Chapter 2: His Devastation.

Liezel Jami's Point Of View.

Mula ng araw na 'yon ay hindi pa rin ako mapakali, dahil alam kong kailangan niyang malaman 'yon. Ngunit lumipas ang isang linggo ay hindi ko ma-tsambahan dahil sa parati ko silang napapanood na magkasama at masaya pa.

Napailing na lang ako, pumasok ako ng library na tahimik balak ko sanang ayusin yung plates namin.

May computations pa na magulo ang formula, naupo ako sa sulok dahil ayoko sa mataong parte. Isa-isa ko na inilapag ang malalaking notebooks ko sa subject.

Abala ako sa pagsusulat, lumipas ang trenta minuto ay tsaka lang ako napasandal dahil sumasakit na ang ulo ko idagdag pa natin ang kakaisip ko sa girlfriend ni Kuya Yamato.

Napatitig ako sa kawalan, lutang.

Ngunit naalimpungatan ako noong nakita ko ang iniisip ko sa harapan ko, nakakunot ang noo niya habang nakasabit sa iisang balikat niya ang bag na dala.

Napakurap ako nang maraming beses lalo na noong napansin ko na nakaputing sapatos siya at itim na pants pero puti rin ang suot na polo shirt.

Ang relos niya ay hindi nawawala, parating suot sa left wrist niya.

Napalunok ako nang mag-snap siya ng fingers sa harapan ko, "Fully loaded?" He asked, smiled a little.

"Po?"

"Ang dami namang subject ang pinagsasabay mo," naibaba niya ang bag sa kaharap na upuan at sinulyapan ang inaaral ako.

Girlfriend mo nga po dalawa kayo pinagsasabay..

"Do you need help?" Kwestyon niya at naupo sa harapan ko, napatitig ako sa kaniya mga ilang segundo bago ako umiwas tingin.

"Kuya, how much do you trust your girlfriend?" I stated, natigilan siya at napatitig sa akin.

"My girlfriend?" Paglilinaw niya, nakatitig sa akin kung kaya't tumango ako.

"I trust her of course, more than anyone. We're already 2 years," mahinang sabi niya pa at napaayos ng upo kaya huminga ako ng malalim.

"Kuya Yamato, I'm sure and I'm guessing she wants you to stay away from me?" Muli siyang natigilan.

"W-What are you talking about Jami?" Umiwas tingin ako, pansin ko naman 'yon dahil ilang beses ko siyang nakasalubong ngunit hindi niya ako pinansin.

Maybe that kiss was a mistake and it will never happen again? Should I let it slide?

"Wala po," pagbabago ng isip ko.

"Hindi nga Jami, bakit?" Kinabahan ako sa pagiging seryoso niya, nasapo ko ang noo at tsaka ako bumuntong hininga.

"S-She's cheating on you, kuya." Kabadong sabi ko, sa pinakamahinang boses ko. Napaghawak ko sa ilalim ng mesa ang dalawang kamay ko.

Napayuko, nang tahimik lang siya ay dahan dahan ko na sinilip ang mukha niya ngunit nakatitig lang siya sa akin hindi makapaniwala.

Napaiwas tingin siya at tsaka siya mahinang natawa, "What do you know about cheating?" Sa kwestyon niya ay nangunot ang noo ko.

"Huh?"

"How is she cheating? In our relationship?" Kwestyon niya, nakangisi ngunit alam ko naman na sa ngisi na 'yon ay malaking kaba sa dibdib niya.

"T-The cousin she mentioned about, i-it's not her cousin. K-Kuya I saw them kissed," kinakabahan na sumbong ko.

Ngunit sumeryoso ang mukha niyang nakatitig sa akin, "Kiss?" Kwestyon niya.

Natigilan ako noong tumayo siya, seryosong nakatingin sa akin. "K-Kuya.." Kinabahan na sabi ko dahil sa paglapit niya sa akin.

"What kiss?" Nagsimulang kumabog ng malakas ang dibdib ko, umatras ako ngunit wala akong maatrasan.

Napalunok ako ng sobra noong hawakan niya ang baba ko sa maayos na paraan, "Kuya Yamato." Sambit ko ngunit napapikit ako kaagad noong lumapit siya ng sobra at mas kumabog ang dibdib ko noong dumampi ang labi niya sa pisngi ko.

"If the kiss is planted here, it might not be considered as cheating Jami." Nag-init ng husto ang mukha ko sa paghalik niya sa pisngi ko.

B-Bakit niya ginawa 'yon?

"Kuya She's really cheating on you," mariing sabi ko at tinignan na siya.

Nakatitig lang siya sa akin, deretso at hindi gaano kumukurap. "I-If it's just a kiss in lips then I will forgive," mahinang sabi niya at kinuha ang bag niya tapos ay naglakad papaalis.

He's so pitiful.

Of course, he trusts her more than me.

Kinaumagahan ay nagbihis ako, yung classmate ko kasi nag-turn 18 pero a little party in her apartment lang raw.

Yung kasama ko rin sa group reporting, nanlulumo akong sinuot ang kwintas na lahat ng myembro ng pamilya namin ay meron.

Bumaba ako ng kwarto, "Boo!"

Nangunot ang noo niya na hindi man lang ako nagulat, natural ay narinig ko na ang yabag ng kaniyang mga paa. "Kuya Yuno, nandito ka na naman." Reklamo ko.

"Wow, nakita lang naman kita. Dinalaw ko lang kuya mong mas torpe pa sa torpe." Napatitig ako sa kaniya, napairap.

"Saan lakad mo?" Kwestyon niya at ibinulsa ang isang kamay niya sa pantalon na suot.

"Party po, 18th birthday ng classmate ko." Naglakad ako at sumabay naman siya, "Ah may inuman?" Tumango ako bilang sagot.

"Huwag ka munang iinom, minor ka pa." Nasulyapan ko siya sa sinabi niya, natigilan rin siya kaya pinagkrus ko ang mga braso ngunit umawang ang labi ko nang gayahin niya ang ginawa ko.

"W-What?" Kwestyon niya.

"Hindi nga po ako pinagbabawalan ni dad—"

"You're not allowed," natigilan ako sa pagsulpot ni Kuya Laze sa likuran namin.

"Lumayo layo ka nga sa bahay namin," sita niya kay Kuya Yuno kaya mahina akong natawa at inunahan sila.

Sa muli ay nagtalo na naman silang dalawa, "Ang sama ng ugali mo," natatawa ako kay Kuya Yuno dahil para siyang pikon na pikon kay Kuya Laze.

"Punta ka kay Miran?" Tanong ni Kuya Yuno pagkalabas nila sa pintong kinatatayuan ko.

"Stop asking and leave," inis na sabi ni Kuya Laze. Lumapit sa akin si Kuya Laze kaya naman humalik ako sa pisngi niya, "Ingat oppa."

"You too," he calmly said.

"I'll drop you off—"

"Oppa, hindi na. Malayo masyado—"

"Ako na maghahatid sa'yo," Kuya Yuno insisted dahilan para walang masabi si Kuya Laze.

"Go ahead and drop her off, make sure not to drink alcohol." Paalala ni Kuya Laze kaya kinawayan ko siya, he waved his hands and smiled.

Nang makaalis si Kuya Laze ay natignan ko si Kuya Yuno, "Ang gwapo gwapo mo kuya tapos service ka lang?" Pang-aasar ko na ikinalaki ng mata niya pero tumawa siya.

"For your safety, tangi." Tumaas ang kilay ko.

"Anong tangi?" Kwestyon ko.

"Tinatawag mo ba akong tanga kuya?" Pinanlakihan ko siya ng mata pero ngumiti siya at isinenyas ang kaunti lang sa daliri niya.

Ngumuso ako at sumunod na sa kaniya, pagkasakay sa sasakyan niya ay mabilis lang siyang nagmaneho matapos kaming mag-suot ng seatbelts.

"Saan ka?" Kwestyon niya.

"Sa subdivision kuya, dito.." Bahagyang bumagal ang takbo niya at sinulyapan ang pinakita ko sa cellphone ko.

Napatango siya, "Yung katapat na bahay niyan, isa sa naging project ko. Exclusieve subdivision ah." Ngumiti ako at tumango.

"Oo kuya, gusto mo sumama?"

"Paano ka mag-eenjoy kung kasama mo ako? Tangi." Nangunot ang noo ko sa kaka-tangi niya.

"Kuya I'm not tangi, I'm quite smart naman." Ngumisi siya kaya humaba ang nguso ko at sampung minuto bago kami nakarating doon.

Bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan pa ako, nang makita ako ng friends ko ay nanlaki ang mata nila. "Engineer! Want to come and have fun?" Natigilan si Kuya Yuno at naningkit ang mata.

"Hmm.." Nang tignan niya ako ay napalunok ako, ako ba tinatanong niya?

"If she'll agree?" Natignan ako ng classmate ko na babae na may birthday at nag-pout siya at pinagdikit ang mga palad.

"Stop it nga, you look like a puppy. Oo na," ngumisi si Kuya Yuno sa sagot ko.

"Yieee! Thank you Jami!"

"Ang ganda ganda mo talaga parati, pasok ka na." Hinila niya ako papasok kaya napangiti ako, hawak ko ang gift ko ay inilagay ko 'yon sa table for gifts.

Sobrang daming red cups at mukhang masaya nga talagang tumira mag-isa, marami ring foods and may bartender na nagmi-mix ng drinks.

Ala sais na ng gabi ay napahikab ako dahil hindi naman ako umiinom, while Kuya Yuno is drinking a little. Chinichika siya ng lahat, about our course, his life and especially his love life.

Tumayo ako upang magpahangin, "I'll just sniff some fresh air." Paalam ko, tumango sila kaya pagkalabas ko sa apartment ay napa-stretch pa ako.

After 5 minutes ay nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Kuya Yuno, "Look at the project I did," turo niya pa kaya napangiti ako.

"Kuya you're indeed great," I gave him a thumbs up that made him give a little chuckle.

Tumitig ako sa bahay na 'yon not until someone opened the door and water the plants, wala kasing bakod ang mga apartment rito.

Napatitig ako sa babae noong makilala ko na siya yung girlfriend ni Kuya Yamato. Nang mas lumabas ay akala ko si Kuya Yamato but then it was the guy she kissed at the bookstore.

The guy hugged her from behind, "Oh my client. Athena Barbara, ang ganda 'no?" Nalingon ko si Kuya Yuno ngunit nanghina ang tuhod ko dahilan para bahagya akong matapilok at napahawak sa braso niya.

"Are you drunk?" Tanong niya at sinuri ang mukha ko.

"H-Hindi kuya," mahinang sabi ko.

"Y-Yung lalake kuya kaano ano niya 'yon?" Kwestyon ko, kinakabahan. Natigilan siya at itinayo ako ng maayos tapos sinulyapan yung lalake.

"Ah, 1 year boyfriend niya, that man is studying and learning to be a pilot. Bagay nga sila kasi future flight attendant si Athena." Napapikit ako sa narinig.

1 year, 1 year na niyang niloloko si Kuya Yamato?

She got the nerve? Woah.

"Kuya Yuno, may girlfriend ba si Kuya Yamato? Close kayo ni Ate Miran 'di ba?" Natigilan siya sa tanong ko.

"Ang dami mo ng tanong ha," natatawang sabi niya.

"May gusto ka ba kay Yamato?" Sa tanong niya ay umiling ako, umiling ako bilang sagot.

"Siguro meron? 'Yon rin yung tingin ni Miran pero hindi namin alam. Secretive eh," sagot niya.

Napatango ako, "Ms.Barbara," nang kumaway si Kuya Yuno ay nanlaki ang mata ko at napatalikod upang makaharap siya.

"Lasing ka ba—"

"Papalapit na siya?" Tanong ko, tinutukoy yung girlfriend ni Kuya Yamato.

Tumango si Kuya Yuno kaya naman mabilis kong hinila si Kuya Yuno sa mga sasakyan, hinapit ko siya. "Act like I'm kissing you kuya dali!" Singhal ko nanlaki ang mata niya.

"B-Bakit? Sasakalin ako ng kuya mo sa ginagawa m—"

"Kuya!"

"Oo na," reklamo niya at halos manlaki rin ang mata ko noong hapitin niya ako at ilapit ang mukha.

"Acting pa kasi," bulong niya at tsaka nagpanggap.

Napapikit na lang ako dahil naiilang ako sa sobrang lapit niya, pagkatapos no'n ay pinasilip ko kay Kuya Yuno.

"Lumapit pa?"

"Wala na," sagot niya.

"Tara na nga sa loob, kakawayan mo pa kasi. Hindi kami friends ng babae na 'yon, malandi kaya 'yon." Singhal ko pa.

"Judgemental," natatawang bulong ni Kuya Yuno.

Natulala ako buong party, nagtataka naman sila ngunit hindi ako mapakali. Nasapo ko ang noo, are they good already? Or they broke up? Pero sabi ni Kuya Yamato he'll forgive.

What a sore in my head.

Dahil doon ay napainom ako ng kaunti, naii-stress na ako. "That's enough, let's go. I'll take you home." Kuya Yuno insisted.

"Sige na Jami, thank you for coming! Next week ulit ha," ngumiti ako at kumaway.

"Happy birthday," ngumiti siya at magpaalam din kay Kuya Yuno.

Nang makasakay sa sasakyan ay napapailing siyang hinatid ako, pagkababa ay hindi ko na siya nilingon at derederetso akong pumasok sa bahay.

"Apo, what's with the face?" Natitigan ko si lola tsaka ako ngumuso at yumakap sa kaniya.

"What happened apo? Did someone bully you ba?" Lumabi ako kay lolo

"I'm just stress lang po sa studies," pagsisinungaling ko at ngumiti.

"I'll shower na po and rest lola," ngumiti si lola at inayos ang buhok ko.

"Go ahead apo, take a rest." Dahil doon ay umakyat na ako sa kwarto ko.

Ngayon, pakiramdam ko ay sa akin nakasalalay ang puso ni Kuya Yamato.

Isang taon na panloloko? Hindi ba siya nandidiri sa sarili niya kababae niyang tao.

Ilang araw ay normal akong pumasok, bigla ay hiniling kong sana nasa malayo na lang ako at pinanonood siya dahil mula noong sabihin ko na nag-cheat yung girlfriend niya ay kahit tignan ako hindi niya na magawa.

Galit siya sa akin, sigurado.

Habang naglalakad ako sa school dahil nag-iisip ako ng iguguhit for plates, paikot ikot ako at tila malilibot ko ang buong eskwelahan ngunit natigilan ako noong makita si Kuya Yamato.

Napatitig ako sa kaniya noong hablutin niya ang kwelyuhan ng isang lalake na tila mas malaki at hamak na mas mabigat sa kaniya.

"Hindi ka ba naiiritang kanti ka ng kanti ng payat?" Nasulyapan ko ang isang student na payat at tila takot na takot doon sa mataba.

"Sino ka ba," sinubukang itulak ng lalake na mataba si Kuya Yamato pero napaayos ako ng tayo nang malingon ako ng mataba.

"Fan ka ba nito?" Malakas niyang tanong kaya napakapit ako sa libro na hawak ko, nalingon rin ako ni Kuya Yamato pero iniiwas niya kaagad ang tingin sa akin.

"I don't do body shamings, but at least be ashamed of who you pick. Are you a maggot?" Nanlaki ang mata ko sa pagiging savage niya.

"M-Maggot what?!"

"Mukha kang busog na maggot," nakagat ko ang ibabang labi at tsaka napatitig kay Kuya Yamato na kalmado.

Dahil ayoko na isipin niyang may show ay tumalikod na ako at umalis, makalipas ang ilan pang araw ay pumunta ako sa party ng friend ko na 'yon.

Sa totoo lang late na nga ako, dahil 7pm na. Dumeretso ako sa loob, "Jami! Hindi mo kasama si Kuya Yuno?" Pabulong niyang sabi kaya mahina akong natawa.

"Sana sinabi mo na siya yung gusto mo rito at hindi ako—"

"Gusto rin kita rito 'no!" Natawa ako.

"Pumasok ka doon, may drinks. Light lang," utos niya kaya tumango ako at dumeretso sa drinking section.

I grabbed a cup and chose my drink, inalis ko rin ang suot kong cardigans showing off my back.

Pagkatapos kumuha ay sumandal ako sandali at uminom, napapikit pa ako dahil gumuhit 'yon. "Are you allowed to drink?" Gulat akong napamulat.

Narinig ko ang boses niya sa likuran ko hindi ba?

Dahan-dahan ko siyang nalingon, nagtaka ako noong makita siya rito. "A-Anong ginagawa mo rito kuya?" Akala ko ay ligtas na ako dahil wala si Kuya Yuno pero..

"I was invited," sagot niya at ibinaba ang cup.

W-What if makita niya yung girlfriend niyang cheater? Malapit na ang semester papaano kung makagulo 'yon sa kaniya.

"O-Okay po." Nahihiya kong ibinaba ang cup, sana ay may tumawag sa akin dahil kinakabahan ako sa presensya niya.

"O-Okay na po kayo ng girlfriend niyo?" Umiwas tingin siya, sinulyapan ang relos niya at tsaka niya inayos ang pagkakaayos ng sinturon niya.

"We're good, it was a mistake." Naitikom ko ang bibig.

"S-She's not good for you," mahinang sabi ko na ikinatigil niya.

"Really Jami?" Sarkastiko man ang tinig niya ay tumayo ako ng deretso.

"To be honest, kuya, yes. She liked the kiss, pero wala po akong magagawa kung tanga ka." Naiiritang sabi ko at kinuha ang cup ko.

Siya na nga 'tong concern ko.

Bago pa man ako makaalis ay hinuli ang pulsuhan ko at ibinalik sa kinatatayuan ko, "Have you ever liked someone?" Naitikom ko ang bibig sa tanong niya.

"Kung isang halik lang ang sisira sa relasyon niyo, kung kulang kayo sa tiwala, para lang kayong bata." Tumaas ang kilay ko at mahinang natawa.

"That's nonsense," sambit ko.

Binawi ko ang pulsuhan, "To tell you the truth, kahit nga walang kiss, kahit pagsisinungaling lang hindi ko papalampasin. Because a faithful person, won't lie, won't keep, won't hide things from you." Napatitig siya sa akin, seryoso at nakataas ang kilay.

"And to answer your first question, yes I like someone." Nagitla siya sagot ko.

"Was it a mistake? Talaga? Sinabi niya 'yon sa'yo? At naniwala ka naman?" Naningkit ang singkit niyang mata.

"What do you know," pabulong niyang sabi.

"I never realized na madali kang maloko kuya," seryosong sabi ko.

"I can kiss that guy, and say it was a mistake but I like it for real. I can cheat with you and say it's a mistake, but I like it for real." Naiinis kong gitil sa kaniya.

"Kaya kung hindi ka maniniwala sa akin, wala akong dahilan para magsinungaling po." Idinagdag ko ang po at tinalikuran na talaga siya.

Naiintindihan ko naman na hindi niya matatanggap yung katotohanan na 'yon, pero nakakainis lang.

Ang tanga-tanga niya.

Nasa katapat lang namin yung girlfriend niya na manloloko, naupo na ako sa gilid at uminom ng pa-konti.

Isang oras ang lumipas ay tumayo muna ako sa labas upang magpahangin, habang nakatayo ay nadismaya ako noong makita muli ang dalawa.

I'm sure the man she's dating is aware that they're cheating and why are they doing it?

Masama ko silang tinitigan, really? Sa labas pa talaga sila naglalampungan dalawa?

Tutal badtrip na rin naman ako kay Kuya Yamato ay pumasok ako sa apartment at hinanap siya, nang makita siya ay natigilan pa siya ng derederetso akong lumapit sa kaniya.

"Uuwi na kami," paalam ko.

"Ano?" Gulat niyang sabi, nahablot niya yung jacket niya at tsaka nagtataka na sumunod sa akin.

Nang matapos ay tumawid kami papunta sa kabila, Sinigurado ko na walang makakakita. "Anong ginagawa natin rito Jami? Lasing ka na ba?" Kwestyon niya.

"You'll hate me for this kuya, but I hate someone who plays someone's heart." I rang the bell.

"Jami ano ba?" He frustratedly stopped my hand on pressing the doorbell, inayos niya ang buhok kaya naman ng bumukas 'yon ay pinagkrus ko ang braso noong makita ko yung lalake na naka-boxershort.

Tapos yung babae ay naka-bathrobe lang, magulo ang buhok at mukhang naistorbo pa namin ang ginagawa nila.

Natigilan si Kuya Yamato, "A-Ano 'to?" Naguguluhan niyang tanong.

"L-Love," umawang ang labi ko sa pagtawag ng girlfriend niya.

"The audacity," bulong ko.

"Athena, ano 'to?" Natignan ko naman yung lalake na natahimik sa tanong ni Kuya Yamato.

"Akala ko ba mistake lang 'yon? Pero ano 'to?" Bumuntong hininga ako sa dagdag niya.

Hindi ko na nilingon pa si Kuya Yamato ngunit rinig ko sa tinig niya ang sakit. "Let me explain love," the voice of her girlfriend shakes out of nervousness?

"W-Woah.."

Nilingon ko si Kuya Yamato na hindi makapaniwalang tumitig sa loob ng bahay, tapos ay hindi niya makapaniwalang tinignan ang girlfriend niya.

"L-Love let me explain please—"

"Explain to me what, Athena? Are you gonna explain how you fucking disrespect me in our relationship?" His sarcastic voice was scary.


///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro