Chapter 16: Her's
Chapter 16: Her's..
Liezel Jami's Point Of View.
"Ma, hello, sorry. Pauwi na rin ma, nakita ko kasi si Jami." Rinig kong sabi niya.
"Isama ko ma? Sige, wait. Tignan ko po kung sasama siya, opo." Nang patayin niya ang tawag ay napalunok ako ng tignan niya ako.
"Sama ka? Sama ka na." My lips parted as he asked me but decided on his own, he smirked and wore his seatbelt before driving.
Ngunit ngayon ko lang napansin ang suot niya, sobrang iksi ng cotton shorts na suot niya at oversized naman ang shirt niya. Suot niya pa rin ang relos niya na nasa left wrist.
Ngunit slides in slipper lang siya ngayon, Adidas pa ang brand. "Muntik ko na makalimutan, kumain ka na ba?" Sinulyapan niya pa ako at muling tumutok sa kalsada.
"Hindi pa po, nag-rereview po ako para scan na lang sa examination day." Sagot ko.
"That's great, sinamahan ko si mama nagluto." Nakangiting sabi niya kaya naman nang makarating sa kanila.
Iniwan ko na ang gamit ko sa sasakyan niya tsaka ako sumunod, pagkapasok ay napalabi agad si Ate Janella.
"Ermmmm," lumunok ako.
"Hi Jami." Bati ni Kuya Jem.
"Ma! Dito na Jami!" Malakas na sabi ni Kuya Yamato at inilagay ang cake sa center table.
"Dito mo dalhin 'yan!" Napangiti ako nang damputin uli ni Kuya Yamato yung Cake at dalhin doon sa dining.
Naupo na kami sa hapag kainan, "Nagkita kayo sa cafe ng lola niya, anak?" Tanong ni Tita Janine.
"Yes ma," sagot lang ni Kuya Yama— niya at kumain na.
"Mama, oh! Hindi nag-dasal muna!" Sigaw ni Ate Janella kaya naibaba ko bigla yung spoon.
"Ay, sorry. Gutom lang," wika ni Kuya Yamato at umayos.
"Bakit ka ba kasi hindi kumakain ng tama last few days? Wala ka namang exam sa 4th quarter ah." Sa pag-open up ni Ate Janella ay natignan ko si Kuya Yamato na alanganing tumawa.
"Diet." Sagot niya.
"Weh? Ba't kakain ka ng marami ngayon?" Hindi naniniwalang sabi ni Ate Janella.
"Cancelled na yung diet ko," pinigilan ko matawa sa sagot ni Kuya Yamato.
"Talaga ba?"
Kumain na kami nang kumain hanggang sa matapos na ay may tumawag sa cellphone ko kaya sinagot ko 'yon.
Unknown number kasi, "Hello?" I excused myself and answered the phone.
"Miss Garcia?" Tumikhim ako sa panimula niya.
"Yes po," I waited for a response not until I heard a familiar voice in the background.
"Ah, your boyfriend got drunk, can you please fetch him? Medyo nagsisimula na siyang kumulit eh." Lumunok ako muli, nasulyapan ko si Kuya Yamato.
"S-Sino po?"
"Yuno Marshall," napalunok ako lalo.
"Okay po." Sagot ko.
Lumapit ako kay Kuya Yamato at pasimpleng humawak sa braso niya at tinangay siya paalis sa dining, "Si Kuya Yuno raw, lasing na naman." Nangunot ang noo niya.
"He called you for help again?"
"May girl po na tumawag sa akin, lasing raw po," I explained.
"Ah, sige. Let's go," anyaya niya at huminga ng malalim.
"Kunin ko lang wallet ko," paalam niya sandali.
Nang makabalik siya ay nagpaalam siya kay mama niya tsaka niya ako tinangay sa sasakyan niya.
Nagmadali kami pumunta ngunit pagkarating ay nakikipag-away na si Kuya Yuno, "Stay." Paalala ni Kuya Yamato at tsaka siya mabilis na umawat.
"Gago ka ah! Singit singit ka!" Halos matakpan ko ang bibig ng muntik na masuntok si Kuya Yamato.
"Boss, kalma. Umaawat lang ako," malakas na sabi ni Kuya Yamato.
"Kuya, ano ba!" Sita niya kay Kuya Yuno nang mas magwala pa 'to, may pasa sa bandang panga.
"Yamatooo!" Sinapo ni Kuya Yuno ang mukha ni Yamato.
"Kingina, awat na!"
Nang maawat si Kuya Yuno ay inis siyang ini-upo ni Kuya Yamato, "Iinom inom, tapos walang kasama!" Sermon niya pa kay Kuya Yuno.
"Ikaw ba yung girlfriend ni Yuno Marshall?" Nagulat ako at sabay naming natignan ni Kuya Yamato yung babae.
"H-Hindi niya po ako girlfriend, kaibigan po." Paglilinaw ko.
"Ah, ikaw kasi yung wallpaper niya kaya hinanap kita sa contacts niya pero kabisado niya naman yung number mo." Lumunok ako at tinignan si Kuya Yamato.
"Ah, hehe. Hindi ko alam."
Hindi ko alam isasagot!
"We'll go ahead, thank you." Extra ni Kuya Yamato at inakay na si Kuya Yuno, tumulong naman ako kaagad.
"Let's go!" Pinigilan ko tawanan si Kuya Yuno.
Isinakay siya sa sasakyan, ngunit nang kunin ni Yamato yung cellphone ni Kuya Yuno. Halos manlaki ang mata ko ng makita na wallpaper niya ang picture naming dalawa.
He sighed, "May kaagaw na nga, kadugo pa." Bulong niya kaya naman lumunok ako.
Gusto ko kiligin, "Sinabi mo ba sa kaniya?" Umiling ako bilang sagot.
"Sabagay, panigurado aabot kay Kuya Laze. Mapagalitan ka pa," tumango siya at ibinalik na yung cellphone ni Kuya Yuno.
"Maiwan ka na rito, bye." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kuya Yamato.
"Huh?"
"Hakdog, joke lang. Sakay na aba," dahil doon ay napasakay ako sa sasakyan niya, tatawa tawa pa siya.
Nang makasakay ay nauna na akong hinatid ni Kuya Yamato sa bahay namin, bumaba rin siya at pinagbuksan ako. "Goodnight, sleep ka na. Bukas na mag-review," paalam niya at sumandal sa sasakyan niya.
"Ingat po kayo," ngumiti siya sa akin.
"Salamat, see you tomorrow. Huwag mo na akong tatakasan," ngumiti ako muli.
"See you po, pag ginugulo niya po kayo sabihin niyo lang. Para—"
"Nako, Jami. Ginugulo niya ako, pwede bang itago mo muna ako sa puso mo?" My eyes widened to what he just said.
"Ku—"
"Isang kuya mo pa, tatawagin na kitang bunso.. pero pwede rin baby," nakagat ko ang ibabang labi dahil kahit siya ay nagpigil sa ngiti niya.
"Yamato, tama na." I calmly said that made him smile widely, napaayos pa siya sa relos niya at sinulyapan 'yon.
"Ganda, literal. Ang ganda ng pangalan ko, huwag mo dagdagan ng kuya." Pasimple akong umirap at kinawayan na siya.
"Goodnight," kumaway rin siya sa akin.
Pumasok na ako sa bahay na punong puno nang kilig, dumeretso ako sa kwarto at tumalon sa bed.
Wala naman akong dapat ipag-alala, kailangan ko lang talaga magtiwala sa kaniya.
Tiwala Jami.
Makalipas ang ilan pang mga araw ay mas nalalapit na ang examination day, habang naglalakad ako sa hallway, inaantok pagkatapos ko mag-review.
Bigla na lamang may umakbay sa akin, kaya naman natingala ko ito at ngumuso ako ng makita si Kuya Yuno. "Nandito ka na naman po?" Maktol ko.
"Ay sawang sawa, hindi pa nga tayo nagkikita." Mahina na lang akong natawa sa sinabi niya, bahagya akong lumayo sa kaniya at hinarap siya.
"Ayaw mo po sumuko?" Kwestyon ko.
"Ayoko. Kahit pa gusto niyo isa't isa, mawawala rin 'to." Huminga ako ng malalim.
"Kuya Yuno, pag masakit na po ng husto tumigil na po kayo. Kasi po hindi ako makakatulog ng maayos, knowing nasasaktan ko kayo." Tinitigan niya ako, bigla ay sumeryoso ang mukha niya.
"Hayaan na," tumahimik siya.
Isinabit niya ang bag na dala sa balikat, tsaka niya ako sinabayan sa paglalakad. "Hindi mo pa nga ako nabibigyan ng chance, basted na." Karagdagang sabi niya pa.
"Sorry po."
"Pero ayos lang, malay mo mawala rin 'to." Tumawa pa siya ngunit peke, bigla ay nakaramdam ako ng konsensya.
Habang naglalakad kami ay tumunog ang cellphone ko, kaya dinampot ko kaagad 'yon at sinagot ng malaman na si Yamato.
"Hello po?"
"Jami, can you come to me?" Napakurap ako ng maraming beses sa sinabi niya, "P-Po? Bakit? Saan?" Naguguluhan kong tanong.
"Sa emergency hospital," wika niya.
"O-Opo." Nag-aalala na sagot ko at nang mamatay ang tawag ay natignan ko si Kuya Yuno.
"Kuya, maiwan na po kita rito ha." Paalam ko at mabilis na tumakbo papaalis sa harapan niya, dumeretso ako sa labasan at sumakay ng taxi.
"Emergency hospital po, sa city. Pakibilisan po," minadali ko pa ang driver.
Ngunit pagkapasok ko sa emergency room ay natigilan ako nang makita ko siyang may dugo sa damit at kamay, halatang balisa siya at nag-aalala kaya lumapit ako sa kaniya.
"W-What happened?" Nang makita niya ako ay tumayo siya kaagad at napansin ko ang mga tingin niyang puno ng pangamba.
Ngunit yumakap siya sa akin, wala akong nagawa, wala akong maintindihan sa sinasabi niya at hindi ko ininda ang dugo na dumikit sa suot ko ngayon.
"A-Ano po nangyari?"
Nang lumayo siya at kumalma ay pinaghawak niya ang mga kamay, "H-Hindi ko sinasadya," mahinang sabi niya.
"Hindi ko naman alam na ganoon yung mangyayari," kahit na ang relos niya ay nabahiran ng dugo.
"Ano nangyari?" Tanong ko muli.
"U-Uuwi kasi sana ako, to change my clothes. For our date later," tumango ako sa explaination niya, "Pero pumunta kasi si Athena sa harapan ng sasakyan ko." Nagulat ako nang banggitin niya si Athena.
O-Okay lang kaya siya?
"Ano a-ang nangyari?" Tanong ko muli.
"N-Nag-usap kami, a-ang kulit niya kasi. H-Hindi ko naman alam na kahit sumbatan lang ay mapapahamak yung baby niya." Nag-alala ako bigla nang sabihin niya 'yon.
"N-Nasaan na siya? Okay na ba?" Tanong ko.
"Hindi ko pa alam. Jami, hindi ko talaga sinasadya, s-sinabi ko lang na layuan niya na ako. N-Nasigawan ko siya," bumuntong hininga ako at tsaka ko inabot ang likuran ng ulo niya tsaka kami naupo.
Isinandal ko ang noo niya sa balikat ko, "Let's pray that her baby and her will be safe," I whispered.
Napapikit ako, sana ay wala ring masamang nangyari sa kaniya.
Kawawa naman yung baby niya.
Makalipas ang sampung minuto ay umayos kami nang upo, hinihintay ang resulta. Hanggang sa lumabas ang doctor, "Guardian of Ms.Barbara?" Tumayo kami kaagad.
"Are they safe?" I asked.
"Kaano ano ka miss?" Tanong ng doctor, "K-Kaibigan po," napipilitan ko na sagot.
"Wala ba yung father ng baby—"
"Huwag niyo na pong hanapin ang wala, kasi kung nandito siya ang haharap." Sa iritableng sagot niya ay napapahiya ang doctor na tumikhim.
"They're fine, pero one more loss of blood, luluwag na ng tuluyan ang kapit ng bata sa sinapupunan." Bumuntong hininga ako sa narinig.
"Bawasan ang stress, sana kumpleto ang vitamins at gatas niya. Hindi niya rin naiinom ang gamot na prescribed ng ob-gyn niya." Bigla ay nakaramdam ako ng awa kay Athena.
Naawa rin ako sa baby niya, husto.
"Makabubuti sana kung nadadagdagan ang timbang niya ngunit mas nagbabawas, paki-tignan rin sana ang mga kinakain niya. Healthy dapat," marami pang sinabi ang doctor.
At nauunawaan ko na maselan ang pagbubuntis niya dahil first baby, napaupo ako sa labasan ng emergency at natulala.
Nasulyapan ko si Yamato, "Sorry," mahinang sabi niya.
"Sorry if I'm a bad person, hindi ko naisip." Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang wet wipes.
Tinignan ko ang mukha niya, kumuha ako ng wet wipes at pinunasan ang napahiran ng dugo. Hindi na ako nagsalita sa sinabi niya, nakagat ko ang ibabang labi.
Kumuha pa ako ng panibago at nilagyan ko rin ng alcohol ang wipes para mas mapunasan ko ang pulsuhan at braso niya.
Napatitig lang siya sa akin, "Hugas tayo?" Pagbabakasakali ko.
"Tara," anyaya ko at hinila siya, nang makarating sa banyo ay tinulungan ko pa siyang hugasan ang kamay niya.
Hanggang sa magsalita siya, "A-Ako na."
Naghugas rin ako ng kamay ko, inayos ko ang sarili at nang matapos siya ay nilagyan ko ng alcohol ang kamay niya.
"Can I be your boyfriend?" Napalunok ako sa tanong niya, nalingon ko siya at natitigan ng seryoso.
"H-Ha?"
"Can I be your boyfriend Jami?" Hindi ko maalis ang tingin sa kaniya, hindi ko bigla alam ang isasagot dahil nandito kami sa sitwasyon na 'to.
"O-Okay lang kung hindi mo muna masagot, I just don't want you to worry, and overthink." He explained and looked away.
"Ayoko lang isipin mo na kaya tayo nandito ngayon dahil gusto ko pa si Athena, wala na Jami—"
"O-Okay." I answered.
Natigilan siya sa sagot ko, nalingon niya ako. "Oo nga, o-okay lang talaga—"
"Be my boyfriend." His eyes widened, nang hindi ako magsalita ay umawang ang labi niya.
Napalunok, "T-Tangina." Nangunot ang noo ko nang mahina siyang magmura, at halos mapalunok ako noong maghilamos siya.
Nagtataka ko siyang pinanood, "Ah, sorry. Inaantok na yata ako, kaya namamali ako ng rinig. Akala ko—"
"Be my boyfriend, seriously." I stated once again that widened his eyes more, natakpan niya ang bibig at hindi makapaniwala akong tinitigan.
"Shit," bulong niya sa sarili. Natulala pa sa sink, tsaka muli akong tinignan.
"Wait, hindi ko pa ma-sink in— b-boyfriend— boyfriend mo na ako?" Napakurap ako ng maraming beses ng tignan niya ang relos.
"September 18, 3:18pm." Natakpan niya muli ang bibig, nanlalaki ang singkit na mga mata.
Natulala ako sa reaksyon niya, not until his lips parted and he smiled, "C-Can I celebrate— wait, kingina, wait." Nasapo niya ang dibdib.
"O-Okay ka pa po?" Halos manlaki ang mata ko ng hilain niya ako at yakapin, ang higpit no'n at halos malito ako sa tibok ng mga puso namin.
Akin ba yung malakas? O sa kaniya?
Nag-init ang pisngi ko nang ma-realize na boyfriend ko na siya, boyfriend ko na?!
Oh my gosh! Kuya Laze, forgive me for I am a sinner.
"Thank you, Jami. Thank you so much," halos mag-init ang pagmumukha ko noong halikan niya ang bandang gilid ng ulo ko sa sobrang saya niya.
"Ano ba 'yan, girls restroom 'to oh." Nang may pumasok ay napahiwalay ako kaagad, alanganin na tinignan ang babaeng buntis.
"Tara na," kinuha niya ang bag ko at hinawakan rin ang kamay ko.
Napatitig ako sa kamay naming dalawa lalo na nang magsabay kami, ang pagkakahawak no'n ay intertwined na, hindi na basta hawak lang.
"Saan tayo, girlfriend ko?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya na narinig ng iba, ngunit pinakikilig no'n ng husto ang puso ko!
Jusko ka!
"Si Athena pa," sagot ko.
"Kilala mo ba friends niya? Tsk, tayo na nga maghatid. Kawawa naman," reklamo ko.
"Hayaan mo na—"
"Just help her this time, okay?" Huminga siya ng malalim at tumango.
"Masusunod, girlfriend ko." Umawang ang labi ko at hindi siya makapaniwalang tinignan.
"Ayusin mo nga kuy— ayusin mo." Naitikom ko ang bibig, kuya pa ha? Kuya pa Jami.
Nang makita si Athena ay namumutla pa siya, huminga ako ng malalim, lumapit ako. "Saan ka nakatira?" Tanong ko.
"B-Bakit ka nandito?" Masungit niyang tanong.
"Saan ka nakatira? Magalit ka sige, pag napahamak baby mo kasalanan mo," inis na sabi ko rin.
"Kaya ko na umuwi," gitil niya.
"Saan nga?" Tanong ko.
"Basta."
"Saan nga?"
"Sa isang apartment malapit sa school," napipilitan niyang sagot at nahipo ang tyan.
"Sige," sagot ko at bumalik sa labas sa kung nasaan si Yamato.
Yamato.
Yamato.
Yamato.
What a unique name, pangalan pa ng boyfriend ko.
Pinigilan ko mangiti sa naiisip, pagkalapit sa kaniya ay tumayo siya kaagad. "Sinabi niya ba?" Tanong niya.
"Hmm, apartment raw malapit sa school." Tumango tango siya, maya-maya ay lumapit na ang nurse upang ibigay ang reseta.
"Ayusin ko na yung bills niya," paalam ni Yamato. Tumango naman ako at tinignan ang reseta.
Ako na muna siguro ang bibili nito, lumabas ako at humanap ng pharmacy. Matapos ko bilhin ang vitamins at ibang medication niya ay humanap ako ng gatas na sinasabi ng doctor niya.
Nang mabili 'yon ay hirap na hirap akong binuhat 'yon pabalik, "Jami, ano 'to?" Tinulungan ako kaagad ni Yamato, nag-aalala.
"Ah, binili ko lang yung bigay na reseta." Matipid akong ngumiti.
"You don't have to do this, Jami." Ngumiti ako.
"It's fine, it's for the baby." He sighed heavily and then put the things I bought on the chair in front of the emergency room.
Nang i-discharge si Athena ay sumakay na lang siya sa likuran ng sasakyan ni Yamato at ako sa harapan. Pagkarating sa apartment na sinasabi niya ay napalunok ako nang makita kung gaano ka-kipot 'yon.
Pagkapasok niya ay natigilan ako nang hindi ganoon kalinis sa loob, ang daming kalat na damit. "Makakaalis na kayo, salamat." Mahinang sabi niya.
Kinuha ko ang reseta at pinakita sa kaniya, "Drink the milk three times a day, cold or warm. This vitamin is for you and the baby, drink it once a day." Huminga siya ng malalim.
"Alam ko na," gitil niya.
"Inaapakan mo naman yung pride ko, kaya umalis na kayo." Mahina akong natawa sa sinabi niya.
"Stop doing anything, Athena. Focus on yourself, and your baby." I sighed.
"Kawawa naman yung baby mo, yung baby lang yung concern ko rito. Kaya sana mag-ingat ka sa ginagawa mo, aalis na kami." Paalam ko.
Pumunta ako sandali sa kusina niya tsaka ko iniwan ang cash na kaunti upang makabili naman siya ng food niya, nang umalis na kami ay huminga ng malalim si Yamato.
"You're so kind," bulong niya.
"Gusto ko mahiya," natawa ako at nasiko siya.
"She's already lucky enough having you, pero baka naligaw siya ng landas." Pabulong na sabi ko, napatitig siya sa akin.
"Nanghihinayang ka rin ba sa relasyon niyo?" Natigilan siya.
"Nang una oo, pero nang ma-realize ko na natiis niyang lokohin ako ng isang taon ay wala na." Tumango ako sa sagot niya, kahit ako nga ay nanghinayang.
"Maybe this is enough for her to learn her lesson, by the mistakes she made." He added, nang makarating sa sasakyan niya ay natakpan ko ang bibig ng humikab.
"Uwi na po tayo—"
"Okay po." Idiniin niya ang po kaya natawa ako.
"Hindi natuloy yung plano ko na tanungin ka every month," natatawang sabi niya at tinutok sa akin ang aircon dahil namamawis ako.
"Pero okay lang, iibahan ko na lang." Nang mapansin niya ang damit niya ay bumuntong hininga siya.
"Pikit ka, I mean cover your eyes. Magbibihis ako, pero kung gusto mo naman makita sige lang." Nanlaki ng husto ang mata ko sa sinabi niya, awtomatikong uminit ang mukha ko kaya umiwas tingin ako at nagtakip ng mata.
I heard him chuckled that made me pout, inaasar niya na naman ako.
"Tapos na?" Tanong ko.
"Hindi pa," natatawang sagot niya.
"Tapos na?" Tanong ko muli.
"Wait hon," mariin akong napapikit sa tugon niya.
Heart, kumalma ka okay?
Nakagat ko ang ibabang labi sa sobrang kilig at gusto ko mang-hampas ngunit anong hahampasin ko? Yung bintana niya?
Wait hon..
Oh my god, stop.
Nang umandar na ang sasakyan ay huminga ako ng malalim, "Tapos na." Paalala niya kaya sumandal ako sa sandalan at pumikit.
"Inaantok ako," mahinang bulong ko.
"Exam ko na next week, I hope for the best." I claimed, nilingon ko siya ngunit tahimik lang siyang naka-tutok sa daan.
"You can do it, saan ka mag-aaral?" He cheered me up and asked me at the same time.
"Oo."
Natigilan ako sa sagot ko, "I mean sa school library pag may pasok pa ako, at night naman pwede naman sa cafe ni lola or sa room ko."
"Ah," tugon niya at sandaling natigil dahil paliko ang daan.
"Pag sa cafe ka tell me, I'll join you. Pag gabi, pag sa library and school hours, I'll try visiting you." He cleared his throat and glanced at me.
"Sorry, ang daming mabibilis na sasakyan pag ganitong oras. Ayoko namang dalhin ka sa aksidente," he explained.
Napatitig lang ako sa kaniya, nang wala akong tugon ay bumagal ang pagmamaneho niya at nalingon ako.
Pinigilan ko mangiti, "Lagot ka po kay kuya," his eyes widened.
"Shit, oo nga pala." Sumeryoso ang mukha niya.
"Sabihin ko na kaya?" Nanlaki ang mata ko at umiling iling.
"Not a good idea, magagalit 'yon for sure." Nakangusong sabi ko na mahina niyang ikinatawa.
"Alright, alright, tell me when you're ready. Willing ako saluhin yung sapak ng kuya mo," natawa kaming dalawa sa sinabi niya.
"Today's our first day, I wanted to be with you for a long time. Bawi na lang tayo bukas, okay?"
"Sure," sagot ko at natignan ang phone ko lalo na ng tumawag si Kuya Yuno.
"Si Kuya Yuno," tukoy ko, nalingon ni Yamato.
"Sagutin mo," sandali niyang nakamot ng braso kaya isang kamay lang ang nasa manibela.
"Hello kuya," panimula ko.
"Is everything alright? You hurried a while ago, are you safe?" Rinig ko ang pag-aalala niya sa kabilang linya.
"I'm safe kuya, I'm okay."
"Saan ka ngayon?" Kwestyon ni Kuya Yuno sa kabilang linya.
"Pauwi po sa house, bakit?"
"Punta ako mamaya, ingat sa daan. Bye." Nang patayin niya ay hindi ako nakapagsalita, ngumuso ako.
"Bakit raw?"
"Pupunta raw siya mamaya sa amin eh," wika ko.
"Hmm, kay Kuya Yuno hindi mo ba sasabihin?" Sa tanong niya ay ngumuso ako.
"Hindi ko nga po alam, baka isumbong ako kay Kuya Laze." Mahinang natawa si Yamato at napalunok ako nang abutin niya ang kamay ko sa lap ko ngunit kinuha niya 'yon at ipinatong sa kandungan niya.
Nakagat ko ang ibabang labi, pinipigil kumawala ang mga ngiti. Kailan lang hinilimg ko rin ito ah, nasapo ko ang mukha gamit ang isang palad ko.
Nang sulyapan niya ako ay ibinaba ko agad 'yon, pagkarating sa harapan ng bahay namin ay pinagbuksan niya akong muli.
He's now wearing a plain blue shirt, kinuha niya ang gamit ko. "I'll see you," paalam niya at hinawakan ako sa dalawang balikat ko.
Napatitig ako sa mukha niya, "Ingat ka sa pagmamaneho, s-sabihin mo kung nakauwi ka na." Nahihiyang sabi ko na ikinangiti niya agad.
"Shet," natawa ako sa sinabi niya.
"Thank you for today Jams," awtomatiko akong pumikit ng halikan niya ang pisngi ko.
"I'll be your boyfriend, solemnly. Call me when you need me, anytime." He reminded me and made me smile and nod.
"Take care po," I waved my hand a little.
He waved back, smiling and gestured to me to go inside.
Nagbihis na ako at nag-shower, pagkalabas ko ay dinampot ko kaagad ang cellphone ko.
Nakita ko kaagad ang notification from instagram.
@yummito.lapiz: I just got home, Jams.
@yummito.lapiz: Cute naman ng username mo, parang ikaw.
@jams.liezel: Yung name mo nga po weird, parang yummy.
@yummito.lapiz: Parang ako.
@yummito.lapiz: HAHAHAHAHA joke lang, so what are you up to? What are you doing my Jams?
Umawang ang labi ko, my Jams?
@jams.liezel: I'm about to study pa lang, I just finished showering. Ikaw ba?
@yummito.lapiz: Plates, hiniling ko na sana taga-hugas na lang ako ng plato.
@jams.liezel: Okay lang po 'yan, yung iba nga po walang makain.
@yummito.lapiz: Luh..
@yummito.lapiz: Ako lang 'to, idol mo.
Natawa ako ng husto kaya naman naibaba ko ang cellphone but then I accidentally tapped the video call icon that made my eyes widened as he answered it immediately.
Nakita ko siyang nakasandal sa headboard ng kama niya, seryoso akong tinititigan ngunit pinipigil niya ngumiti.
"I accidentally tapped it po," nahihiyang sabi ko. Nag-iinit ang pisngi.
"Ah, okay." Pinipigilan niyang matawa kaya ngumuso ako.
"Study ka na, tawag ako mamaya. Baka gusto mo pa ako makita," pang-aasar niya which made me pout and looked around my room.
"Have you seen my room?" I asked.
"Not yet," inilibot ko ang camera at pinakita sa kaniya, dinala ko siya sa study table ko.
Nang makita niya 'yon ay ngumiti siya, "What an expensive, alcohol pens." Nakagat niya ang ibabang labi kaya napaiwas tingin ako doon.
"Let me see your first plate, na sa'yo pa 'no?" Tumango ako at sandaling itinayo ang camera ko at kinuha sa folder na malaki ang first plate ko.
"Ito po, very basic." I showed him.
"Great art, aral ka na. Mamaya na tayo mag-usap ulit, para maka-focus ka." Naupo siya at kumaway, ngunit napalunok ako noong malaglag ang kumot sa dibdib niya.
Natakpan niya kaagad ang katawan, "Sorry, biglaan." Natawa siya at sumandal na lang.
"Later po," I waved my hand again.
"Later, hon." He smiled and waved back. I didn't want him to see my face so I ended the video call instantly.
Kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko, kaya naman hindi ko mapigilang mangiti hanggang sa tumalon ako sa kama at niyakap ang unan na may pasipa sipa pa sa ere.
I can't believe it, he became my boyfriend!
Yamato Romero Lapiz, ang lakas ng dating. Pangalan pa lang, parang kahuhumalingan na ng kababaihan.
Paano pa kaya pag nasa tabi na ng pangalan niya ang ENG?
How lovely.
///
@/n: Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro