Chapter 14: Veracity
Liezel Jami's Point Of View.
I woke up in bed, having headaches. I wanted to sleep so bad last night, but I ended up staring at my ceiling till dawn.
A knock on my door totally woken me up, I sat on my bed staring at my grandmother who's beautifully staring at my messy hair and face.
"Lola, morning." I greeted.
"Apo, get ready for dinner later. You'll come with us," ngumuso ako at tumango. Mabuti pa nga't sasama na lang ako sa kaniya.
Para makalimot sandali, pumasok muna ako sa school since half day lang naman kami. Ibibigay lang yung reviewer for 4th quarter, stress uli next month.
Hindi na ako gaano nag-ayos ng buhok, hinayaan ko na lang na nakalugay 'yon kahit basa pa kaunti, "Jams!" My friend hopped to my back and that made me pout.
"You're not heavy, I just hate those hops." She instantly smiled at me, "Congrats. Mukhang sa'yo ang top 1 thus first year tayo." Ngumiti ako.
"Sana nga," bulong ko.
"Ikaw 'yan, ipusta ko pa buhay ng aso ko. Ibig sabihin no'n hindi mo pwedeng hayaan na iba ang maupo sa trono mo!" Banta niya kaya mahina akong natawa.
"By the way, okay ka lang? You look tired," ngumiti ako sa tanong niya.
"Kaya pa," sagot ko.
"Broken ka be?"
"Hindi," pagsisinungaling ko.
Pagkatapos ko ma-compile ang pointers, kinuha ko ang libro ko at tsaka ako umalis ng school. Nag-stay ako sa cafe ni lola, I typed a lot for my reviewer.
I summarized it, rephrased it, so I can understand it and not just memorize it, kasi malaki ang possibility to forget if I memorize lang.
I ordered a coffee to lessen the sleepiness I'm feeling, after I compiled everything I stood up not noticing the time, I only have 1 hour left.
Ah, I called Ate Miran, "Yes Jami?"
"Ate, kumusta po? Are you doing well?" Mahina siyang natawa sa kabilang linya.
"Oo naman, go kayo later sa dinner right?" Natigilan ako sa sinabi niya.
"S-Sa inyo po yung dinner mamaya?" Paglilinaw ko.
"Ah oo, natapos kasi ni Ate Janella yung isang big project niya sa Batangas." Huminga ako ng malalim sa narinig.
"Since sa inyo naman po pala, may I ask if you have printer at home po? Mahuhuli na po kasi ako sa dinner at 6pm hindi pa rin ako nakakapagpa-print." I explained.
"Sure, gamitin mo na lang. Pero check if I have extra papers there." Napangiti ako sa sinabi niya.
"Thank you, ate, I'll just buy you an extra ink."
"Nako, huwag na."
"Sige na po, babye po! See you later!" Nagpaalam na rin siya kaya naman nagmamadali akong lumabas ng cafe to go home, mag-aayos pa ako.
Wala rin naman yung gusto kong makita, mukhang comfort nga lang talaga ako. 'Di bale na, makakalimot rin siguro ako.
Umuwi ako sa bahay, inilagay ko na sa bag ko ang ipad na gagamitin ko for printing mamaya, I even grabbed a bunch of paper and ink.
Mabilis lang akong naligo ulit, tapos ay nagbihis na ako ng simple lang. Hindi na ako nag-dress, I just wore a cargo pants and a plain top.
Comfortable outfit, I tapped a peached blush on my cheeks and nose, para hindi ako maputla tignan.
I even wore a coffee flavored lip gloss and tint, I better be like this than so elegant, umaasa naman ako sa wala.
After that, I made lolo carry my things for me, sanay naman si lolo. Pagkasakay sa car ay inopen ko na ang documents, "Don't drink a lot of wine, magagalit kuya mo Jami." Lola reminded me.
"Yes 'la," I replied.
Editing my docs, i-print ko pa 'to later. Padilim na kung kaya't nang umandar ang sasakyan ay napansin ko na may dala rin sila lola na wine at nakalagay 'yon sa isang magandang kahon.
They even got a cake and a chocolate, chocolate from M's? M Cosmetics?
Huminga ako ng malalim, maganda rin ang make ups and skin cares nila. I even got their fridge for makeup and skin care, kaya natutuwa ako.
Pagkarating sa harapan ng bahay nila Ate Miran ay makikita ko kaagad kung gaano kaliwanag sa loob, bumaba na ako.
"Jami, mamaya na ang gadget." Paalala ni lolo.
"Yes po 'lo."
Itinago ko na ang iPad sa bag na dala ko ngayon, medyo may kalakihan pero okay na rin, parati namang maliit dala ko.
Pagkapasok sa bahay nila ay humalik ako sa pisngi nila upang bati, "Ate Janella, congrats po." Ngumiti siya at bumeso rin.
"Ganda mo naman," nakangiting sabi niya pa.
"Ikaw rin po ate, wala pa po si Ate Miran?" I asked.
"Hinihintay pa namin, baka late lang." Pagsagot niya naman, dahil hinahanda pa ang sa dining ay luminga linga ako.
"Ate Janella, saan po yung printer niyo?" Hinanap pa ng mata ni Ate Janella bago siya tumuro sa itaas.
"Yung sa pang apat na room, makikita mo naman pagka-akyat mo ng hagdan, pasok ka na lang doon." Ngumiti ako at nagpasalamat.
Umakyat na ako dala ang bond papers for my reviewers. Binuksan ko ang kwarto at derederetso ako sa loob, ngunit pagkapasok ko ay nanlaki ang mata ko ng may nakayuko sa harap ng computer at wala pa siyang suot na damit pang-itaas.
"Uy gago, sorry. Dito ka pala," napatitig ako kay Kuya Yuno.
"Sige lang kuya," sagot ko.
"Balik na lang ako mamaya," paalam ko at nagmamadaling lumabas.
Bumaba muna ako ulit, mamaya na ako magp-print. Pagkaupo ko sa sofa ay tinawag na rin kami sa dining.
"Wala pa ba sila?" Tanong ni Tita Janine, "Ma, baka late lang. Hintayin na natin," nakangiting sabi ni Ate Janella.
"Contact them if they can come or not," Tito Alejandro reminded, naupo na kami sa dining at bago pa man ay bumaba si Kuya Yuno. Nakabihis na.
"Tita, tito, I can't stay for dinner. I have an emergency on the site, I'm sorry." Halata naman na nagmamadali siya kaya pinanood namin sila mag-usap at nagmamadali siyang umalis.
Ngumuso ako at hinintay pa namin sila Ate Miran hanggang 7pm, hanggang sa may bumusina na sasakyan sa labasan.
"Siya na siguro," rinig kong sabi ni Tita Janine.
"Let's wait for them, papasok naman 'yan." Ate Janella said and sat beside Kuya Jem, even Ate Crizel is here.
Nang bumukas ang pinto ay saktong nahulog ko ang table cloth kaya naman yumuko ako at dinampot ko 'yon.
"I miss youuuu!" Tumayo si Ate Janella at lumapit na sa nasa pinto, nakatalikod kasi ako sa pinto.
Hindi ba sila nagkita ni Ate Miran, "Jami, apo. Ang kalat ng nasa lap mo, ayusin mo." Sita ni lola kaya ngumuso ako at mas inayos 'yon.
"My plane got delayed, I'm sorry. I miss you, too, Ate Janella. Congratulations," nang marinig ang boses niyang 'yon ay halos mabitiwan ko ang pinaglalaruan na kutsara.
Kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko, bigla ay parang nanlamig ako. H-He's back.
"Okay lang, maupo ka na, let's go!" Excited si Ate Janella kaya kinuha niya ang brown LV travel bag ni Kuya Yamato.
Ibinaba 'yon ni Ate Janella sa sofa, "How's your flight?" Nakangiting tanong ni Tito Alejandro sa kaniya.
Hindi ako makalingon, hindi ko pa siya nakikita. "It was good dad," he replied to his father, "Good evening po," I almost got stunned when I felt his hand on my shoulders, and then left to greet my grandparents.
Oh my god.
"Kay gwapong binata, good evening apo." Bati ni lola, nakagat ko ang ibabang labi ko not expecting his interactions with me.
"Good evening," halos mapapikit ako ng maramdaman ko ng husto ang presensya niya sa likuran ko, nang maramdaman ko ang paghinga niya sa pisngi ko ay pilit ko na pinakalma ang sarili.
"You smell good," sa bulong niya matapos dampian ang pisngi ko ay gusto kong sumigaw at mangisay!
Mommy!
Oh my goodness!
Nang lumayo na siya ay pumwesto siya sa katapat ko ngunit hindi sa mismong tapat ko, hindi ko siya magawang tignan at sunod sunod ang malalakas na kabog sa dibdib ko dahilan para kinakabahan kong inabot ang glass to drink a water.
"Miran can't come," nang sabihin 'yon ni Ate Janella ay napalunok ako.
"Baka magkasama sila ni Laze," dagdag ni lola.
"Baka nga po," sangayon niya naman.
"Then let's eat?" Sumangayon na sila ngunit hindi ko magawang itaas ang tingin ko dahil paniguradong magtatama kaagad ang mata namin.
Nang mabitiwan ko ang kutsara ay napapahiya kong kinuha 'yon, "I'm sorry."
But then I heard his low chuckles! Stop it, oh my god..
Kumain na kami, kahit yata pag-nguya sa food ay manghihina ang panga ko dahil sa hindi ko inaasahan na presensya niya. Really kung kailan naka comfortable clothes ako?
Sana nag-dress ako.
He's wearing an aesthetic brown shirt and trousers, on the top of that he's also wearing a long sleeve darker brown polo that is longer than his shirt.
"How's your training in Cebu, Yamato?" Ate Janella curiously asked, "Well, I've learned a lot, ate. Lalo na sa manuals? Mahirap pero madali na lang pag nagamay." Sinulyapan ko siya at napalunok ako nang bagong gupit pa siya.
"Magaling rin yung mga professionals mag-guide, they even let me do other works. Plus wala na kaming exams because of that training." Mukhang masaya siya dahil doon.
"Sobrang busy mo nga eh, nakalimutan mo na kami tawagan. Sa loob ng dalawang buwan mo doon, limang beses ka lang tumawag," napangiti si Kuya Yamato sa sinabi ni Tita Janine.
"Sorry ma, ikaw lang nga tinawagan ko eh." Nakagat ko ang ibabang labi at ngumuya na lamang.
"Ate Miran mo tinatawagan mo naman ba?"
"Hindi ma," mahinang sagot niya.
May alitan ba sila?
"May girlfriend ka na?" Sa tanong ni Ate Janella ay napalunok ako ng ilang beses, Kinakabahan sa magiging sagot niya.
"Wala, busy nga sa training ate. Paano pa ako maghahagilap ng sakit sa ulo," doon ay nakahinga ako ng maluwag.
"Wow, sakit sa ulo. Hiyang hiya nga naman yung babae sa'yo ha," asaran pa nila kaya kumain na kami.
"So when you're in third year, Jami. Pupunta ka rin Cebu?" Sa tanong ni lola ay napalunok ako.
"Ganoon ba 'yon?" Paglilinaw niya pa.
"It depends on her po, kung saan niya gusto mag-training. Pwede po, outside the country or pwede rin po near the city lang." Sagot ni Kuya Yamato.
"Matagal pa naman po 'la, sa susunod ko na po iisipin." Nakangiting sabi ko pa.
"Kung sabagay," nang sa dessert na ay kumain ako ng cake while drinking the wine, it taste better naman.
"Doon na muna kayo, may pag-uusapan lamang kami." Sa sinabi ni Tita Janine ay tumayo ako dala ang wine glass ko dahil mag-aya si Ate Janella mag-celebrate sa sala dinala nila doon ang isang wine.
"Crizel, pakuha ako ng chocolate dali." Naupo ako sa gilid not until I remember my reviewers.
"Ate Janella, can I use the printer na po? Nandoon po kasi kanina si Kuya Yuno." Ngumiti siya, "Sige na, umakyat ka na."
Inubos ko na ang nasa glass tsaka ko kinuha ang bond paper at ink, kasama na ang bag ko. Umakyat na ako, at pagkaderetso sa kwarto na 'yon ay na-Bluetooth ko na ang ipad.
I open the docs, and inserted the papers, nang magsimula na mag-print 'yon ay kalagitnaan naubusan ng ink kaya naman sinubukan kong palitan ngunit hindi ko kabisado ang printer nila.
Not until someone opens the door and I'm nervous to glance, baka si Kuya Yamato. "Hi," nang marinig ang boses niya ay sobra akong nanibago!
Nilingon ko na siya, ngunit sinubukan ko pakalmahin ang sarili. Nagtama ang mata namin at 'yon pa lang halos manghina na ang tuhod ko. "Is everything alright?" Sinulyapan niya ang hawak ko.
"H-Hindi ko po mapalitan yung printer— I mean it's ink." Nakagat ko ang ibabang labi ng pasimple, huminga siya ng malalim at tumango.
Sa paglapit niya ay inilahad niya ang kamay, "A-Ano po?" Tanong ko na, baka mapahiya na naman ako.
"Yung ink," inabot ko 'yon tsaka ako gumilid at pinanood siya.
"Hmm, for your reviewers?" He asked, he was so calm while I'm here, palpitating hard.
"Opo."
"Ah, next month na pala 4th grading." Hindi na ako makasagot at nang mai-kabit niya 'yon ay pinindot ko na muli ang print.
Nakatayo siya sa gilid ko at pinanonood rin 'yon, "How have you been?" Natignan ko siya kaagad sa tanong niya.
"I'm good, I'm doing well. H-How about you po?" Tinitigan ko ang mukha niya gayung nakatitig rin siya sa akin sa isang pulgadang distansya namin ay naamoy ko siya.
"I'm doing well," sagot niya.
"A-Ah, t-that's great!" I tried making myself sound excited but I'm so nervous in front of him.
His presence, it's making me a big mess inside my head and heart!
Bigla ay wala na akong masabi, napaiwas tingin ako. "I just got back and I got to see you agad, paano ba 'yan?" Sa sinabi niya ay napalunok ako.
"'Di ba po d-dapat kahapon ang uwi niyo?" Nang masabi 'yon ay huli ko na, naunawaan.
His lips rose and he crossed his arms over his chest while staring at me, "So you waited for me?" Nanlaki ang mata ko, umiling iling.
"H-Hindi po—"
"Then why do you know the exact date?" His siren eyes became more siren that made me sighed heavily.
"I-I just remembered," bulong ko.
"Ah uhm, you remembered." I know he's teasing me, "Late ka po ibig po sabihin no'n comfort lang ako." Derektang sabi ko.
Nagulat pa siya ng bahagya ngunit tumitig siya sa akin at ngumisi, "Ah ganoon ba 'yon?" Naasar akong tumitig sa kaniya dahil sa nang-aasar niyang tanong.
"Opo."
"I told you, my flight got delayed because it rained heavily on Cebu. It got delayed," napatitig ako sa kaniya, bahagya pang naguguluhan.
"I'm back, Liezel Jami." Nang banggitin niya ang dalawang pangalan ko ay umawang pa ang labi ko.
"Y-Yeah," naiilang na sagot ko. "I'm back," pag-uulit niya.
"Welcome back," bulong ko.
"I missed you a lot, even though I'm busy, you always had a part of my mind. Always," nang sinukin ako matapos niyang sabihin 'yon ay nasapo ko ang bibig.
"Are you single?" He asked, my eyes widened.
"Bawal po ako mag-boyfriend," bulong ko, nag-iinit ang pisngi.
"Ah—"
"Bakit niyo po na tanong?" Ngumiti siya sa response ko, "I want to ask you out," nanlaki ang mata ko.
"Out? Out?"
"Yeah, out, I want to take you out on a date. Are you available tomorrow?" Nakagat ko ang ibabang labi at tsaka huminga ng malalim at tumango.
"Okay po."
Napangiti siya, "That's great."
"Namiss mo ba ako?" Bahagyang nanlaki ang mata ko sa tanong niya.
"Hindi—"
"Ah seryoso?" Dismayado niyang sagot, "Sayang naman."
"Po?"
Ang gwapo niya, ang gwapo niya lalo. "Jami," natuod ako sa kinatatayuan ko ng yumakap siya.
"The truth is I was scared," bulong niya sa akin, hinaplos niya ang likuran ng ulo ko. "I am scared that my feelings would go away if I don't see you for two months." Natingala ko siya sa sinabi niya, yumuko naman siya upang ngumiti sa akin.
"But I was so glad that I'm always fond of you," nakagat ko ang ibabang labi nang sabihin niya 'yon.
"Kuya Yamato naman eh," nakangusong sabi ko.
"Like me or not, I will make you love me. Bahala ka," nanlaki ang mata ko at kasabay no'n ay ngumiti siya ng sobrang gwapo.
"Our date tomorrow, don't forget. It will be 4pm to 6pm onwards, I'll fetch you at school?" He confirmed.
"Yes po." Sagot ko.
"Good, can I get your number?" Inilahad niya at napansin ko na bago yung cellphone niya.
"My phone got broke, nadaganan ng hollow blocks." Alanganin siyang tumawa, kaya naman inilagay ko ang number ko ngunit tinawagan niya 'yon at saktong tumunog ang cellphone ko.
Kinuha niya rin ang cellphone ko at napalunok ako ng i-text niya ang sarili. Pagkabalik no'n sa akin ay dumeretso na 'yon sa bag ko kaya napatitig ako sa kaniya.
"Okay, tapos na reviewer mo, tara na sa baba." Nakangiting yaya niya sa akin.
Kinuha ko 'yon at inilagay sa bag ko, bumaba na kami. Pagkatapos no'n ay umuwi na rin kami, pagkarating sa bahay ay dumeretso ako sa kwarto ko.
Pagkaupo ko sa kama ay natulala ako, hanggang sa mag-sink in na sa akin ang nangyari ay napahiga ako at umikot ikot sa kama.
Oh my god!
Date? He asked me out on a date?
Nang tumunog ang cellphone ko ay napaupo ako kaagad, hinablot ko 'yon. Ngunit nanlaki ang mata ko ng makita ang text message niya sa akin at ang kaninang tinext niya sa sarili niya.
Me: I like you.
Yamato: I like you more, goodnight.
Napaubo ako, nagreply ako kaagad dahil nakakahiya!
Me: I didn't say that, goodnight.
Yamato: It says, huwag mo na itanggi.
Me: Kuya Yamato naman, ikaw po nag-text niyan sa self mo.
Yamato: Ah ako ba? Hindi ko maalala.
Me: Kuya Yamato.
Yamato: Oo na, oo na, bukas wala ng tatawag sa akin ng kuya, hindi kita kapatid.
Me: Eh paano po kita gagalangin?
Yamato: Edi, Hon? Darling? Babe? Whatever, you pick.
Me: Hibang ka ba?
Me: Ang abusado mo po.
Yamato: Slight.
Me: Sleep na po ako. Goodnight.
Yamato: Goodnight, see you tomorrow.
Ibinaba ko na ang cellphone ko dahil nasosobrahan na sa ngiti ang mga labi ko, nag-shower ako at humilata na rin, I was excited for tomorrow.
Mapapagalitan ako ni Kuya Laze, pero bahala na.
Kinabukasan ay maaga pa lang nasa school na ako, ang isa sa mga kaibigan ko ay lumapit at nagpatulong sa definition ng isang gamit sa subject namin kaya itinuro ko na.
Para lahat kami pumasa, para walang maiwan. "By the way nakabalik na si Engineer Lapiz," wika niya kaya tumango ako.
Alam ko, may date nga kami mamayang hapon eh.
After my classes, pumunta ako ng banyo upang i-retouch yung sariling mukha ko, I even sprayed some perfume para amoy fresh pa rin.
Lumabas na ako at iniwan ko ang ibang books ko sa locker, pumunta na ako sa parking lot dahil 3:55pm na din.
Ngunit nanlaki ang mata ko nang makita ko na siyang naghihintay sa harapan ng sasakyan niya habang tumitipa sa bago niyang cellphone.
Lumapit na ako sa kaniya, lakad takbo. Nang makalapit ay napangiti siya kaagad at umayos ng tayo, "You're early."
"Ah, nakakahiya naman po ma-late." Pagsasabi ko na lang, he opened his car and waited for me to be seated, "Ingat." He even placed his hand on my head to avoid bumping.
Pagkasakay namin ay naamoy ko kaagad yung sasakyan niya, jusko. Ang bango, ang bango bango. (Huwag kayo kumanta diyan.)
"I have plans," he smiled at me, he's wearing a white polo shirt and a thin black longsleeve and a black pair of pants and shoes.
Ang gwapong nilalang, ang bango pa. Bumyahe kami for almost 10 minutes tapos ay napatingin ako sa labas ng bintana niya.
"We're here," mahinang sabi niya. Bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ako, pagkababa ko ay napatitig ako sa mala-fairy tale na restaurant.
"Saan mo po nahanap 'to?" Nakangiting sabi ko.
"Hinanap ko lang online," sabay kaming naglakad papunta sa restaurant. Pagkapasok ay namangha ako sa disenyo sa loob, may vines and plants pa na nakasabit at nakapaso sa gilid.
Full of oxygen.
"Reservation for who sir?" Magalang na sabi nito sa amin, "Yamato Lapiz," dahil doon ay dinala kami sa table.
"Yung food," utos ng babae na nagdala sa amin sa table at pagkaupo namin ay napangiti ako ng makita ang mga umuusok pa na pagkain.
After that, we both ate. Nagkwento rin siya tungkol sa Cebu ngunit mas pinagkekwento niya ako.
"How about Kuya Yuno?" He asked, naitikom ko ang bibig ko nang maalala si Kuya Yuno.
"Ah.. Okay naman po kami, s-siya rin po kasi yung kasama ko parati kasi siyang nasa school for his project." Tumango tango siya bilang sagot.
"Sir, cake for dessert." Nakangiting dumating ang waiter kaya naman ngumiti rin ako sa kaniya.
"Thank you," nagtaka ako ng naka-box pa 'yon.
"Isang box? Ang dami naman," mahinang sabi ko kay Kuya Yamato ngunit ngumiti siya.
"That's because I like you, wholeheartedly." Sumeryoso ang mukha niya, the waiter opened the box but then something was written on it.
"Ako na, thank you," Kuya Yamato insisted and carried the cake to place it in front of me.
Nang makita ko ang nakasulat sa cake ay bahagyang nanlaki ang mata ko, nagulat ako ngunit ikinabahala ko ang pagbilis ng tibok ng puso.
He licked his lips a little and stared at me, "Can I?" Napakurap ako ng maraming beses sa tanong niya.
Binasa ko ulit ang nakasulat sa cake, kinagat ko ang ibabang labi. Mukha siyang kinakabahan pero hindi ko matiis pigilan ang pag-ngiti.
Can I court you, Liezel Jami?
///
@/n: Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro