38
Join my Patrons now to read more chapters of my ongoing stories! And read first stories that are not yet published here in Wattpad. :) To join message my Facebook Author profile Rej Martinez. Thank you for the support!
Chapter 38
Father
"Papa..."
Nag-angat siya ng tingin sa akin. I visited him in prison. Sinamahan ako ni Hale pero hiniling ko sa kaniya na ako lang muna mag-isa ang haharap kay Papa.
"Lizette..." he called.
Siguro ay dala lang din ng pagbubuntis ko kaya parang nagiging emosyonal din ako ngayon habang kaharap si Papa. Umupo ako doon sa harap niya at sa gitna namin ay ang mesa. Nilapag ko rin doon ang pagkain na dala ko para sa kaniya. "K-Kumain na po ba kayo, Papa?" I asked him.
Nagkatinginan kami. Marahan siyang umiling. Anong oras na... Hindi pa ba siya dinadalaw nina Tita Olga? "Kung ganoon po...may dala rin po akong pagkain para sa inyo. Pwede po kayong kumain na muna..."
Isang maliit na ngiti ang gumuhit sa labi ni Papa. "Salamat, anak..."
Bahagya akong natigilan at parang may mainit na kamay ang humawak sa puso ko... Nanatili ang tingin ko kay Papa habang inabala na niya ang sarili sa mga pagkaing dala ko. Mukhang lumiit o pumayat din siya kung ikukumpara sa huling nakita ko siya...
Tinulungan ko na rin si Papa sa paglabas at pag-ayos doon ng mga pagkain para makakain na siya.
"Ikaw ba ang nagluto nito?" He smiled. And his smile looked genuine despite the wrinkles that are now showing at the sides of his eyes. And despite looking exhausted, too...
Tumango ako. Nagluluto sina Manang kanina sa bahay nang maisipan kong ipagluluto ko na si Papa. Kaya luto ko rin itong mga dinala kong pagkain ngayon dito sa kaniya.
"Kumusta po kayo dito, Papa? Maayos naman po ba ang trato nila dito sa inyo..." I knew that life in prison isn't all right. Expected na rin siguro natin iyon. And it made me worried too for my father.
Ngumiti lang si Papa sa akin. "Ayos lang ako dito, Liz." He gave me a reassuring smile.
Unti-unti na lang din akong tumango and let him eat his food.
"Hale, can you please help make sure that my father will just be all right while he's in prison?" Nasa loob na kami ng sasakyan ni Hale at pauwi na galing sa pagbisita kay Papa nang hingin ko ito sa kaniya.
And my husband just agreed and promised that my father will be fine while he's still in prison. I smiled and was grateful for his kindness to me and my family...
"Thank you, Hale."
Mula sa pagmamaneho ay sinulyapan niya ako at nginitian. "Anything for my pregnant wife..." He smiled.
Napatawa na lang din ako. Nagiging demanding din kasi ako sa asawa ko lalo at naglilihi na at kung ano ano'ng pagkain ang hinahanap ko at gustong kainin. And Hale was just ever patient with me.
Pagkatapos ay pinuntahan ko rin sina Tita Olga. Wala na sila sa dating mansyon ng mga Chavez dahil naibenta na rin iyon dagdag pambayad ng mga utang ng pamilya. They just now lives in a humble apartment. Walang trabaho si Tita Olga but Ella started working for herself and her mother. Pinatuloy naman ako ni Tita Olga sa tirahan nila.
"Kumusta po kayo, tita..."
She sighed heavily. "Wala si Ella rito at nasa trabaho pa." aniya lang.
"Saan po pala nagtatrabaho si Ella?"
"Nag-a-assistant siya ng isang kilalang designer..."
Tumango ako. Mabuting trabaho na rin iyon. And when I thought that my half-sister was just all about shopping before, mahilig din pala siya sa fashion at pagdedisenyo ng mga gowns... I can only hope and pray that she'll succeed in life, too. Hindi pa naman huli ang lahat para magbago...
"Ayos lang po ba kayo dito, tita?"
She just shrugged her shoulders. "We're fine..."
"Tita...kung may kailangan po kayo at makakatulong naman ako, pwede n'yo po akong pasabihan at tumawag lang po kayo sa number na 'to..." I gave her a contact number.
Tiningnan niya pa muna iyon ng ilang sandali bago niya tinanggap at tumingin sa akin at kay Hale. "Nagkausap daw kayo ni Ella noong nakaraan... Nagkaayos na ba kayo?"
"Hindi po naging maganda iyong huli naming pag-uusap ni Ella. Pero gusto ko rin na makausap pa siya muli."
Tumango siya. "Sige..."
I nodded, too. "Hindi na rin po kami magtatagal, tita. Tawagan n'yo na lang po ako..."
"Okay..." Tumango siya at tumayo na rin kasunod namin at hinatid na kami ni Hale sa pinto ng apartment nila.
And I felt happy after all the little talks I had with Papa and Tita Olga... At sana sa susunod na magkausap kami ni Ella ay mas maayos na rin.
Muli ko pang binisita si Papa. I always cook and brought him food. And it made him happy.
"Sorry, anak..." Papa said this without looking at me. He looked guilty, at mukhang nahihiya rin...
My lips parted and I was speechless for awhile. Pagkatapos ay ngumiti na lang ako. "Hihintayin ka po namin na makalabas, Papa..."
He smiled and nodded. "Oo, at sana makita ko rin ang apo ko..."
Ngumiti pa ako at humaplos ang palad ko sa tiyan ko. "Oo naman, po."
Papa smiled genuinely.
He's obviously asking for my forgiveness now. Hindi man siya naging mabuting ama sa akin noon... He's still may father at siya lang din ang Papa ko. He's the only one in this world. At ang mahalaga na lang sa akin ngayon ay ang nalaman kong na recognized niya pa rin ang mga pagkukulang niya sa akin noon at ang kagustuhan niyang makabawi... Sapat na sa akin iyon.
I hated my parents for a long time...to be honest. Si Mama dahil sobrang aga niya akong iniwan sa mundo. Si Papa para sa lahat ng mga pagkukulang niya sa akin. But I already came to a point in my life now where I got tired of hating. Gusto ko na lang na tanggalin ang mga hindi magandang pakiramdam sa puso ko at para sa akin din naman ito. Para sa sarili ko.
Nang makausap ko rin si Ella dahil sinasabihan din daw siya ni Tita Olga na kausapin na ako ay naging maayos din naman iyon. At least we're more civil now compared the last time. After all we're still siblings. Siya lang ang kapatid ko at ako lang din ang kapatid niya.
I'm happy of the change my family showed. Kinailangan pa nga lang na maghirap muna sila nang ganito...bago sila may matutunan at mamuhay na nang tama... Pero iyon naman ang mahalaga. Unti-unti na rin nakakabawi ngayon ang pamilya nila. Kahit paunti-unti. At masaya rin ako para sa kanila dahil siyempre pamilya ko rin sila pagkatapos ng lahat lahat.
And that's the thing about family. Nag-iisa lang ang pamilya. Kaya kahit ano at kahit sino pa man sila ay kailangan mo rin tanggapin... As long as they are willing to accept your flaws, too... We are all imperfect. Lahat tayo ay nagkakamali. We all have our both good and bad sides. And it's amazing to feel and know that there are people who will still accept you despite not being perfect or the best. Because at the end of the day we all just want to be accepted, including our flaws and imperfections, and our past and mistakes. At the end I think we should just accept and understand each other...
"I'm amazed of how much you can forgive your father, Liz..." Hale was hugging me from my back and he kissed my hair and temple.
Napangiti lang ako. Nandito lang kami ngayon sa labas sa balcony ng master bedroom namin ni Hale. It's nice to have a balcony like this connected to your room kasi madali na lang kung magpapahangin nang ganito...
"I hope someday our child would also forgive me for my shortcomings..."
Hinawakan ko ang mga braso ni Hale na nakayakap din sa akin. Pagakatapos ay bahagya ko siyang nilingon para mahagkan ko siya sa pisngi niya. "You're being too worried, Hale. I'll make sure that our child will love you... And that love will be enough, Hale, to understand both our imperfections as his or her parents..."
Muli pa akong hinagkan ni Hale sa gilid ng ulo ko. Ngumiti lang ako.
But I'm sure that Hale would be a good father to our child, too. Kahit siguro nga may mga pagkukulang din siya kay Angel at Gelo...pero hindi ibig sabihin noon na hindi siya mabuting ama.
"I love you." he sweetly told me.
Ngumiti pa ako lalo. "I love you." At muli ko pa siyang hinagkan sa pisngi niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro