33
Read up to Epilogue now on my Patreon creator page Rej Martinez or join my Patrons private Facebook group by sending a message to my Facebook account Rej Martinez. Thank you!
Chapter 33
For Better For Worse
Nagsuot ako ng roba at yakap ang sarili habang hinihintay na matapos sa pag-uusap sina Hale at ang kaibigan niyang pulis na si Detective Migo Peralta. Ang nakatatandang kapatid din ni Allan. Their father was now training Allan to lead their company. At hindi rin gusto ng Dad nila ang piniling trabaho ng panganay na si Migo.
"Why are you here this late at night?" Salubong ni Hale sa kaibigan niya.
Habang nakatayo naman akong tumigil doon at hindi na tumuloy sa living room dahil nakanipis na pantulog na lang ako ngayon. Gabi na rin kasi talaga at mukhang napasugod lang dito ang kaibigan ni Hale...
"Hale, I'm sorry. I didn't mean to tell it to my brother or to anyone. But we were drinking and he kept on asking about your wife..."
Natigilan ako.
"What did you do?"
Migo sighed an exasperated sigh. "Nasabi ko iyong tungkol sa pagpapakasal ninyo... But I was just about to explain more and the bastard already assumed everything!"
"Kaya ka pumunta dito nang ganitong oras?" Hale asked his friend in a relaxed manner...
"Well, yeah. I know you'll get mad..."
Hale sighed. "I am really pissed at your brother. What does he know?"
"About you and your wife having a deal before you two got married... But I did not tell him more about the deal! Ang alam lang ni Allan may deal kayo pero hindi na niya alam kung ano iyon."
Hale shook his head. "You're terrible when you're drunk. Iwasan mo 'yan at baka 'yan pa ang magpahamak sa 'yo sa trabaho mo. You're being careless."
Nagbuntong-hininga muli si Migo. "Yeah..."
Tinapik na ni Hale ang balikat ng kaibigan niya. "It's all right. I can deal with your annoying brother. You are being panicky, man. May problema ba? Sa trabaho?"
"Nothing..."
Nakita kong tumango lang si Hale sa kaibigan niya. Nakatalikod naman sa direksyon ko si Migo kaya hindi na niya ako nakita hanggang sa makaalis na siya.
Sinalubong ko si Hale nang makabalik na siya akin. Hinawakan naman niya ako, and he caressed my arms. "That Allan might bother you at work." he said to me.
"Maybe you should stop working at their company. May sarili naman tayong kompanya at pwede kang magtrabaho doon, if that's what you really want—if you really want to work. Although you don't really have to."
"Pero gusto kong magtrabaho, Hale..." At first I told myself that I wanted to be independent that's why I wanted to work. Pero noong nagsimula na akong magtrabaho ay nagustuhan ko rin na may iba pa akong ginagawa bukod sa pagiging ina sa kambal at asawa kay Hale...
Hale sighed and nodded his head.
Nag-angat ako ng tingin sa mga mata niya. "Pero, sige, susubukan ko na rin magpaalam kanila Allan at kay Aria..."
Nakita ko ang unti-unting pagliwanag ng mukha ni Hale.
Pinag-isipan ko na rin ito. Maayos naman na kami ni Hale. At nakikita kong nahihirapan siya kapag kailangan niyang manatili sa Manila dahil sa trabaho at mag-isa lang siya doon. Naisip kong mas makabubuti nga siguro na lumipat na lang muna ang pamilya namin.
"Really?" He smiled like he's been waiting for this.
I smilingly sighed and then I nodded my head. "Oo..."
Niyakap ako ni Hale at hinagkan. Pagkatapos ay bumalik na rin kami sa kwarto namin.
"Did you really want to marry a man who's already with children, Liz?" Allan asked me this at work.
Binalingan ko siya. "Ano naman ang masama, o may problema ba sa ganoon...?"
He was looking at me. Before he looked away...
I sighed. Wala akong nakikitang mali for being with someone who already have children. Wala naman sigurong masama sa lalaki o babae na may anak na kung pakakasalan mo ito. Kung willing ka lang din naman na maging magulang din sa anak nito. If you love someone then I think you would accept everything about the person you love... Kasama na ang mga anak niya.
And then I finally realized something...
Habang iniisip ko ang bagay na ito, may naisip din ako sa tungkol sa amin ni Hale. I just realized that maybe Hale was too perfect in my eyes... And that I wanted him to stay that way... At first I failed accept that he's not really perfect... He's flawed, too. Just like me, and everyone else... And loving someone means loving the good...and the bad... Naalala ko iyong pinangako namin noon ni Hale sa altar nang kinasal kami... For better...for worse... Bakit ngayon ko lang naalala at naiisip ito...
I realized that people have both good and bad sides. At ganoon lang din si Hale. We don't love a person only on his good times but also the bad. Because the person we love is not perfect...
"I just think that you deserve someone better, Liz."
Seryoso kong tiningnan si Allan. And he looked taken aback by my stare. "My husband is the best, Allan. He is the best father to his children. And the best husband to me." Hale may not be perfect but he's the best for us. Because he is enough.
I realized that you don't really have to be perfect or to be the best, you just have to be enough to the people who truly cares and loves you... Napangiti ako sa mga realizations ko.
Tinigilan na rin ako ni Allan at pinatawag na rin siya ng daddy niya na agad din naman niyang pinuntahan. Kahit mukhang may sasabihin pa rin yata siya sa akin...
Nagpaalam na rin ako kay Aria na aalis na sa trabaho ko rito sa company nina Allan. Madali na lang din akong nakapagpaalam sa dad ni Allan at mukhang nakausap na rin siya ni Hale. Nakakahiya pa nga dahil halos kakasimula ko lang din sa trabaho... Humingi na rin ako ng paumanhin...
"I will miss you, Liz. Sa Manila na kayo titira ni Hale at ng mga bata?"
Tumango ako kay Aria. "Oo. Mamimiss din kita, Aria. Pero uuwi pa rin naman kami dito sa Vigan. At magtatawagan naman tayo, may social media naman na ngayon." I smiled to her.
She smiled, too. And she hugged me. Ngumiti na lang ako at niyakap din siya. Aria has already become my best friend. At alam kong ganoon din ang tingin niya sa akin. And I'm glad that I met her.
Ngunit hindi pa man kami nakakaalis sa Vigan ay sinabi muli sa akin ni Aria na gusto na naman daw akong makita at makausap ng kapatid niya. Aria was still clueless. But I knew that she already noticed something and that she wanted to know about it... At naisip ko na if she's my best friend then ayaw ko na rin magtago pa sa kaniya ng bagay kahit involved din ang kapatid niya... At para malaman na rin niya ang ginagawa ng kapatid niya... I didn't want them to fight... But I don't want my friendship with Aria to suffer if she'll know about this someday and already late... Gusto kong mas maaga ay malaman na rin niya at kung hindi rin ba magbabago ang tingin niya sa pagkakaibigan namin...
So I told Aria that she can come with her sister. Na makikipagkita lang ako kung kasama rin siya sa pagkikita namin ng kapatid niya... I still don't know Andreah well enough to say that she's harmless... Hindi ko pa alam kung ano ang magagawa niya... Kaya mas mabuti na rin na nag-iingat ako. I didn't want to recklessly act brave that can bring harm to myself and my family...
Wala pa akong sinasabi kay Aria. Mas mabuti rin siguro na siya na lang ang maka-witness mismo sa kapatid niya...
Andreah found out through Allan and from Migo that I and Hale had a deal before we got wed. I can only sigh. Why was this such a big deal...
"I had you investigated, Lizette Chavez. Napulot ka lang naman ni Hale sa inyo at mukhang hindi ka rin mahalaga sa pamilya mo. What was your deal all about? Your father was frequent with gambling at the casinos. Pinambayad utang ka ba? Magkano ang utang ng pamilya mo sa kay Hale? You are the lowest of low!—" Tuloy-tuloy lang si Andreah sa mga sinasabi niya habang tahimik lang naman akong nakinig lang din muna sa mga sasabihin niya.
"Tama na, ate! Ano ba'ng sinasabi mo? At bakit mo pinaimbestigahan si Liz?" Mukhang hindi na napigilan ni Aria ang sarili niya habang nakikinig sa mga sinasabi ng nakatatanda niyang kapatid.
I was sitting across them at magkatabi naman sila ng upuan na magkapatid.
Bumaling si Andreah sa kapatid niya. "Shut up, Aria! I told you na huwag ka nang sumama!"
"At mabuti na lang na sumama ako dahil hindi ko naiintindihan ang ginagawa mo kay Liz ngayon..."
Andreah just ignored her sister and turned her attention back to me. "Nakausap ko si Allan Peralta. Your boss at work? I saw you two talking. So I approached him and confirmed that he likes you. Siya rin ang nagsabi sa akin ng kasunduan n'yo lang ni Hale sa pagpapakasal."
I sighed thinking about Allan. Hindi ko alam kung kakausapin ko pa ba siya tungkol dito o hahayaan na lang... Nakakapagod na rin kasing magpaliwanag sa ibang tao... And... I looked at Andreah? Was she stalking me? Na pati sa trabaho ko ay may alam siya...
Mukhang hindi nga ako nagkamali na pwedeng maging mapanganib din siya. Because I've read this in books, too. Iyong mga baliw na babaeng nagkakagusto sa bidang lalaki... Hindi naman sa iniisip kong bida kami ni Hale sa kung anong libro o palabas sa TV. Ang akin lang, I guess reading books can also save my life now, huh?
Dahil tingin ko ay nababaliw na itong si Andreah...
"What? Were you also stalking Liz yourself? Nababaliw ka na, ate..." Aria just said what's on my mind...
Pinandilatan naman ng mga mata ni Andreah si Aria. While Aria looked at her older sister with fright and pity at the same time in her eyes for her sister.
Ako man ay alam na may pinanggagalingan din si Andreah sa mga inakto niya ngayon... But it shouldn't be tolerated for her own good, too.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro