30
This story was already Completed in my Patreon creator page Rej Martinez or join my Patrons private Facebook group if nahihirapan po sa Patreon. For 150 PHP monthly membership read up to the latest chapters in my ongoing stories and read exclusive stories there. Just message my Facebook account Rej Martinez to join my private group. Thank you for your support!
Chapter 30
Depend
"Hale, please answer..." I also became worried for Hale. I was waiting for him to pick up his phone.
Nasa tainga ko ang phone ko at binalingan din sina Angel at Gelo na nandoon sa kwarto namin ni Hale kasama ko. Kanina pa umalis si Hale at hindi namin alam kung saan siya nagpunta. Pagkatapos lang ng sagutan nila ni Gelo kanina ay bigla na lang umalis si Hale sa bahay. And now I'm worried.
"Hindi pa rin ba sumasagot?" Pumasok si Manang Lucille ng kwarto at kasunod niya sina Yaya Celsa at isa pang matagal na ring kasambahay sa Casa Salcedo.
Tumango ako. Binaba ko na lang din muna ang phone ko at hindi rin naman sinasagot ni Hale ang tawag ko... Nag-aalala pa rin talaga ako. Of course, Hale's my husband and after what happened here earlier and not knowing where he's at right now makes me worried, too.
"Sige, kami na muna ang bahala sa mga bata... Magpahinga ka na rin muna... Uuwi naman iyon dito mamaya si Sir Hale..." Manang tried to reassure me.
Tumango lang ako pero hindi pa rin nabawasan ang pag-aalala ko. Aminadong aminado na ako ngayon na may mali rin ako... Bumaling ako sa mga bata. "Angel, Gelo, sumama na muna kayo kay Yaya Celsa. May pasok pa kayo bukas sa school. Magpahinga na kayo, and it's getting late..." I told the kids.
"How about you, Mommy...?" Angel worriedly asked me.
Ngumiti pa rin naman ako sa anak ko. "I'll be fine, sweetheart. Ako na lang ang maghihintay sa Daddy ninyo na makauwi...okay?" Tumingin din ako kay Gelo na tahimik.
"Huwag na po kayo mag-away ni Daddy..." mahinang sinabi ni Angel.
Nagkatinginan kami at nakita ko ang pamamasa ng mga mata niya sa nagbabadyang luha... And before she could cry I brought her to my chest and hugged her. "Shush...it's all right..."
"It's Daddy's fault..."
Tumingin ako kay Gelo habang yakap ko si Angel.
"Tama na, Gelo." Si Manang na ang sumaway sa kaniya. Pagkatapos ay tinawag na rin nito si Angel. "Tara na, Angel. Sa kwarto na kayo ninyo ng kapatid mo at magpapahinga na rin ang Mommy ninyo."
Pagkatapos ay sumama na rin naman ang mga bata sa mga kasambahay. I was left alone sa tahimik na naming kwarto ni Hale... Nakaramdam ako ng kalungkutan. Tumulo ang luha ko nang mapag-isa at humawak ako sa dibdib ko.
It must be the exhaustion that brought me to the bed. Ilang beses ko pang sinubukan tawagan si Hale hanggang sa namatay na lang ang phone ko. At nakatulog na rin ako sa kama sa pagod...
When I woke up the morning after, I was still alone in our bed. Agad akong napabalikwas at bumangon nang maalala ko si Hale at para hanapin siya. Nakatayo na ako sa gitna ng kwarto namin ng bumukas ang pinto ng bathroom at lumabas doon si Hale.
Nagkatinginan agad kami. He just looked away and busied himself drying his dark hair with the smaller towel. Isang puting tuwalya lang din ang nakapalibot sa baywang niya. Nilampasan niya lang din ako. I also turned my body to follow him. "Hale, saan ka kagabi? Ano'ng oras kang umuwi?" sunod ko sa kaniya.
"You were already asleep when I came home..." he just answered. At bahagya ding kumunot ang noo niya na parang hindi rin siya sigurado sa sinagot niya sa akin.
I sighed. "I was worried with the kids last night, Hale." I said.
Sinundan ko siya hanggang pumipili na siya ng mga damit niya. "Papasok ka ngayon sa trabaho?" I asked.
He did not answer. He removed the white towel from his hips. Sunudsunod siyang nagsuot hanggang ang slacks niya para nga sa trabaho. Nakatingin lang naman ako sa kaniya habang nagbibihis siya. "Hale," I called.
"Kausapin mo si Gelo." sabi ko sa kaniya. "Iyong nangyari sa inyo kagabi... Hindi dapat iyon nangyari. May mali rin ako. At ayaw kong may ganoon sa pagitan ninyo ni Gelo. You are still his father and he is your son."
"I'll talk to him later." sagot naman niyang hindi pa rin tumingin sa akin at abala lang sa pagbibihis.
I sighed.
At doon lang siya bumaling sa akin nang marinig niya ang bigat na siguro ng buntong-hininga ko. "I'll talk to Angelo. Don't worry about it..." Pagkatapos ay muli siyang nagbaba ng tingin sa pagpipili naman ng necktie niya ngayon.
"Wear this." Tinulungan ko na siya. I also helped him tie his necktie for him. Gaya lang ng madalas ko rin gawin para sa kaniya.
Hinayaan lang din naman ako ni Hale. Tahimik lang kaming dalawa at nasa gilid lang din namin ang mga mata niya, hanggang sa matapos ako sa pag-aayos ng necktie niya.
"Nag-breakfast ka na ba, Hale?" I asked him.
Umiling naman siya. "I'll see what the maids prepared for breakfast downstairs." he said.
"Sige, mag-b-bathroom lang ako sandali. Pagkatapos ay susunod na rin ako sa baba." sabi ko at nagmadali na rin pumasok ng banyo para makapaghilamos din sandali at toothbrush.
Wala na si Hale sa kwarto namin nang lumabas ako ng banyo.
Dumaan pa ako sa kwarto ng mga bata para tingnan din sila. Wala na rin sila doon at ang sabi ng isang kasambahay na umakyat doon para maglinis ay nasa baba na ang mag-aama. Sumunod na lang ako.
"Good morning, Mommy!" bati sa akin ni Angel.
Napangiti naman ako at una na siyang nilapitan at hinagkan siya sa ulo niya. "Good morning, Angel."
"Morning, Mom..." bati rin sa akin ni Gelo.
Ngumiti rin ako sa kaniya. "Good morning, Gelo."
"Have your seat now and start eating breakfast, too." Hale said.
Tumango ako sa kaniya at naupo na rin doon. Tiningnan ko pa siya na tahimik lang naman nagpatuloy sa pagkain. Nang tingnan kong muli ang mga bata ay nagpatuloy lang din sila sa pagkain. Wala namang pasa si Gelo o ano. Agad din namin siyang inasikaso nina Manang kagabi pagkaalis ni Hale. At tingin ko ay hindi rin naman talagang sinaktan ni Hale ang anak niya. Dala lang iyon ng emosyon niya...pero hindi pa rin niya tuluyang nasaktan ang anak niya.
Unti-unti na rin akong kumain. Until we finished eating and they already have to go to their school for the twins and work for Hale.
"Take care!" bilin ko kay Hale at sa mga bata.
Tingin ko ay naging okay na lang din kami ni Hale pagkatapos noon dahil at para sa mga bata...
Ayaw ko rin na pag-alalahanin pa sina Angel at Gelo. Bata pa sila at dapat pag-aaral lang muna ang iniisip nila at hindi problema sa pamilya...
I sighed.
I prepared dinner the evening of that day for Hale and the kids. Sabay-sabay muli kaming nag-dinner sa maayos naming hapag gaya ng nakasanayan. But unlike the past days, ay mas maayos na kami ni Hale ngayon...
"Thank you for the delicious dinner, Mommy!"
Ngumiti ako kay Angel. "You're welcome, love."
She smiled, too.
Pagkatapos ng dinner ay nauna na si Angel sa kwarto niya at mukhang makaka-video call pa ang kaibigan niya para sa isang project daw nila sa school.
Habang tumulong naman ako kanila Manang sa kusina. Pero sinabihan din ako nito na sila na doon. Wala na akong gagawin kaya sinundan ko na lang din sina Hale at Gelo na nagpunta naman sa garden...
I miss walking in the garden after dinner with Hale and the kids. Ngayon ko lang mas na appreciate iyong mayroon kami noon ni Hale at ng mga bata. Parang wala kaming problema noon, until this happened...
"I'm sorry..." I heard Hale saying this to Gelo.
I did not anymore hear their whole conversation. At huli na rin akong dumating doon. Mukhang tapos na rin silang mag-usap. Ang importante ay mukhang okay na rin naman ang mag-ama.
Tahimik na rin akong napangiti habang nakatayo doon medyo malayo sa kinaroroonan nilang dalawa at pinagmamasdan lang sila na hindi ako makakaistorbo rin sa usapan nila.
Days passed by. Maayos naman na kami ni Hale at okay lang din ang mga bata sa school nila. And one day I spoke to Hale about my concern...
"Hale, gusto ko na sanang magtrabaho..." panimula ko.
Nagkatinginan kami ni Hale.
I thought that what if Hale's just guilty of Faye's death? At na bumabawi na lang siya ngayon sa pamamagitan ng pagiging mabuting asawa niya sa akin?
What if he's not really in love with me like what he said...?
Maybe he's just confused with his feelings, too... He might have realized how much he loved Faye but she's already gone. And he only thought that he love me, too... But truth was he's still in love with his late wife, at siguro parang nakikita na lang din niya sa akin si Faye... O iniisip niya na lang siguro na ako pa rin ang dati niyang namayapa nang asawa...
Maybe all he can see was still Faye all along...
And I realized that I didn't want to be too dependent on Hale anymore... So I've decided to start standing on my own two feet, too...
"Alright, you can start working in the company—"
"Hindi sa kompanya mo ako magtatrabaho, Hale." putol ko sa kaniya.
Nagkatinginan kami.
"What..."
Humugot ako ng hininga. "I'll try working in another company... I want to be independent, Hale... Gusto ko rin tumayo sa sarili kong mga paa..."
Nagkatinginan kami. He opened his lips to say something, pero naunahan ko siya.
"I can't just depend on you forever..." mahina kong sinabi.
"But I am your husband..." Hale weakly said.
I gently looked away. I have made up my mind.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro