29
Chapter 29
Angry
Hale started kissing me. Tinulak ko naman siya. He can't just kiss me now that we're not okay. And it doesn't help that all I could think about was him also kissing Andreah on her lips. Lalo ko pa siyang tinulak at umatras din ako palayo mula sa kaniya.
"Liz..."
"Huwag ngayon, Hale..." I said. Hindi ko pa siya natatanggihan kahit kailan sa ganitong bagay hanggang ngayon. I just couldn't make love to him in our situation right now. I can't even let him touch me...
"Liz, please..." Muli siyang ambang lalapit sa akin pero umatras pa ako. His shoulders fell. "I can't continue with us being like this, Liz..."
Umiling ako. "Bigyan mo muna ako ng panahon, Hale..." I said.
Ilang sandali kaming nagkatinginan pero nag-iwas din ako ng tingin sa kaniya. Ang hirap niyang tingnan ngayon na parang dati pa rin. I feel like it's different now... He's different...
I kept on thinking about his past mistake...
I kept on thinking about Faye... About Andreah...
"Boyfriend ni Faye noon si Hale high school pa lang sila. Nakikwento niya sa akin noon na may gusto raw siya sa eskwelahan nila. Ang alam ko ay sikat din sa eskwelahan nila noon si Hale at marami rin babae ang nagkakagusto."
I remember talking to Yaya Celsa about Hale and Faye again the other day. Parang gusto ko pang may mas malaman tungkol sa kanilang dalawa. Kung paano sila nagsimula at bakit humantong sa ganoon ang lahat...
"Habang si Faye naman at tahimik lang iyon at mahinhin din. Istrikto rin kasi ang mga magulang at maraming pinagbabawal sa kaniya. Mga bata pa sila noon ni Hale. Akala ko ay crush lang niya pero nagulat na lang ako at ang mga magulang ni Faye na isang araw umiiyak na lang siyang humarap sa amin dahil buntis na pala siya..." Yaya Celsa sighed.
"Iyon pala ay matagal na rin daw na naging sila Hale at tinago lang sa amin. Natutong maglihim, kahit sa akin, si Faye dahil kay Hale..." ani Yaya Celsa.
Nagkatinginan kami. Pagkatapos ay muli siyang nagbuntong-hininga na lang.
Inamin naman ni Hale na hindi rin siya naging mabuting halimbawa kay Faye... I can think of a young and innocent girl, Faye, and then the bad influence Hale...
Then I wonder why there are some girls who like the bad boy type... Iyong alam mo na ngang hindi naman magandang halimbawa sa iba at sa 'yo na rin pero parang gustong-gusto mo pa rin... But then...I realized...that maybe Faye still found something in Hale... Something different and good despite his bad side... At siguro ay ganoon lang din para sa ibang babae.
I sighed.
Pero hindi ko pa rin maiwasan sa sarili ko na medyo nag-iba pa rin ang tingin ko kay Hale... O siguro ay hindi ko lang din matanggap...
"Bakit hindi na lang si Andreah ang pinakasalan mo nang mawala si Faye..." I said this. I wasn't looking at Hale while saying this to him again...
We were already inside our bedroom. Pagkatapos namin mag-dinner kanina pinili kong samahan muna ang mga bata at tumulong na rin sa assignments nila sa school. I didn't want to spend so much time with Hale lately... Kaya hinayaan ko lang siya na mauna nang umakyat sa kwarto namin.
Pero nang pumasok ako at dumeretso sa bathroom para maligo paglabas ko ay nakitang gising pa rin siya at mukhang hinihintay pa ako. I sighed and sat down the bed beside him. Nakahiga na siya doon habang nanatili naman akong nakaupo lang muna doon at sinabi na lang sa kaniya ang mga gumugulo pa rin talaga sa isipan ko.
Bumangon si Hale sa sinabi ko. Bahagya pa niyang hinilot ang sintido. "What is this again this time, Liz?" aniyang parang pagod pa sa akin.
"I'm just wondering, kung bakit ako pa ang pinakasalan mo at hindi si Andreah?"
He looked like he's having a headache already because of me. "And why would I marry her?" Seryoso niyang balik na tanong sa akin.
Bahagya naman akong natigilan sa kaseryosohan niya pero nagpatuloy pa rin. Tumayo ako at naglakad ng ilang hakbang palayo sa kama namin. Humalukipkip din ako ako habang tinatalikuran na siya. "Kasi siya naman ang babae mo. Nakakapagtaka lang na hindi mo pa siya pinakasalan when Faye died—"
Tumigil ako sa pagsasalita at nanlaki ang mga mata sa gulat nang mabilis na nasa tabi ko na agad si Hale at mukhang galit na hinawakan ang braso ko paharap sa kaniya. "Hale—" I gasped.
"Why do you keep on bringing that up? Gusto mo ba talaga ng away, Liz?" aniya sa aking parang nauubusan na nga ng pasensya.
Nakaramdam naman ako ng takot sa kaniya pero nagpatuloy pa rin ako. Ang dami kong saloobin sa mga nalaman at nangyari. At parang hindi ko kakayanin na hindi maipalabas ito. "Because I don't understand you, Hale!" Nakapagtaas na naman ako ng boses. It's because of my frustration...
"That's because you don't try to understand me at all!" He shouted back at me.
Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa galit niya. Nakatayo na kami ngayon sa gitna ng malaki naming kwarto at mariin niya pa ring hawak ang braso ko. Ininda ko naman iyon. "Ano ba, Hale! Nasasaktan ako!" Pilit kong binawi ang braso ko sa kaniya.
I can see him gritting his teeth and his jaw clenched before he let go of my arm. And then he just attacked my lips with his hungry kisses. Habang nabibigla naman ako at hindi agad nakakilos sa pag-ataking ginawa niya.
"Hale!" Napasinghap ako nang sandaling nakakawala ang labi ko sa kaniya.
But Hale held me firmly and held me close to his body. Pagkatapos ay may pag-iingat naman niya akong niyakap pero parang ayaw na rin pakawalan. "I don't know what to do with you..." aniya sa boses na parang nasasaktan habang yakap niya ako. "Parang gusto mo na lang na palagi tayong mag-away... Why, Liz? Do you want to leave me... What do you want? I will do everything! Just not that..." He kept on hugging me.
My tears fell. Hindi ko na rin alam kung ano ang iisipin ko... Haluhalo ang mga nararamdaman ko ngayon sa kay Hale. Natatakot ako sa kaniya...nagdududa—hindi ko na siya mapagkatiwalaan... I feel like I don't know him anymore... Even if he's my husband...
Hindi ko na maayos ang mga nararamdaman ko para sa kaniya.
He resumed kissing my lips. Nanghina naman ako. "I hate you, Hale." sabi ko pa, and I glared at him for a while before he captured my lips again. Napapikit na lang ako at hinayaan siyang halikan ako.
Until he carried me up in his arms and brought me back to our bed. Napapulupot naman ang mga kamay at braso ko sa leeg niya as we kissed. Binaba niya ako sa kama and he joined me on our bed immediately. At wala na akong nagawa kung hindi ang hayaan na lang siya at hayaan din ang sarili ko... Hindi ko na talaga alam ano ang iisipin o gagawin ko...
I was angry at him... But I still made love to him...
Pero ganoon pa rin sa mga sumunod na araw. Madalas pa rin ang mga pag-aaway namin ni Hale. Hanggang isang araw ay bigla na lang din kaming pinasok sa kwarto namin ni Gelo...
"What do you want this time, Liz? Aren't you tired of reminding me of my past mistakes? Don't worry I won't ever forget about it! I'm an asshole! I'm a jerk! Hindi ko nakakalimutan ang mga ginawa ko noon... But...am I not allowed to change...?" He looked frustrated and hurt at the same time on his last sentence...
Nagkatinginan kaming dalawa.
"I regret what I did to Faye, alright... At habambuhay ko na sigurong pagsisihan 'yon... But, please, Liz... Ayaw kong ikaw at ang relasyon natin ang maging kapalit sa nagawa kong kasalanan noon... Iba na lang... Please stop doing this to me..." he said. He looked exhausted.
Alam ko naman...that he's been trying and really doing his best para maayos lang kami... He would bring me home flowers and other gifts that he can think of... He's still acting sweet and caring to me although I'd just act cold towards him and ignore him... Hale was actually patient with me... Pero inuubos ko lang din ang pasensya niya... At ayaw ko pang tumigil...
"Pagod ka na ba, Hale? At ano ang sunod mong gagawin? Find comfort in another woman? Pupuntahan mo si Andreah because you're already tired of me being like this—"
"Damn it!" Halos bayolente niyang pagpuputol sa akin. "Can you hear yourself, Liz? You're overthinking already! If you think that I'm different? No! It's you who's changing! Because of your damn overthinking!" Malakas na ang boses niya.
I cried.
Nasasaktan din naman ako. Kung nahihirapan siya ngayon sa sitwasyon namin... Akala ba niya ay madali lang ito para sa akin? Hindi. Gulong-gulo na ang isipan ko...
Lumambot ang mga mata niya nang makitang umiiyak na naman ako. At dahil sa kaniya! Sinubukan niyang lapitan ako at hawakan pero tinampal ko lang agad ang kamay niya.
"Dad! What are you doing with Mom?!" Gelo went inside our room and rushed to my side. "Are you okay, Mom?" He gritted his teeth after seeing me crying.
I think we forgot to lock the doors...
Pagkatapos ay matapang na hinarap ni Gelo ang daddy niya. He stood protectively in front of me, as if shielding me from Hale through his tall bigger frame now...
"I already knew that something's wrong with Mom. With you!" Gelo bravely faced Hale.
"What are you doing here, Angelo?" Hale seriously and dangerously faced his son, too.
Hinawakan ko na si Gelo. "Gelo, please go back to your room." Ayaw kong mag-away sila ni Hale. He's still his father! "Gelo, please."
"You've already done this to Mommy before!" Alam kong tinutukoy niya agad si Faye. "You did nothing but make her cry! And now you're doing it again with Mommy Liz?!"
"Angelo!" Galit nang sigaw ni Hale sa anak niya.
Mas natakot at kinabahan naman ako para kay Gelo. Hinawakan ko pa siya lalo sa braso niya para patigilin na. "Gelo, enough please... Lumabas ka na muna. Nag-uusap lang kami ng Daddy mo—"
"He's hurting you!" Ayaw din magpaawat ni Gelo. "You really know nothing but hurt the people around you!" He shouted at Hale!
Napasigaw na lang ako nang nasuntok na ni Hale si Gelo! "Gelo!" I immediately rushed to his side. Napaupo siya sa sahig dahil sa suntok ni Hale. Maagap din akong lumuhod sa tabi ng bata. Pagkatapos ay galit akong nag-angat ng tingin kay Hale. "Hale! Tama na! Pati ang anak mo ay sinasaktan mo na! Ano ba ang gusto mong mangyari? Na lahat kami dito ay saktan mo na?" Tumulo ang luha ko.
Hale's eyes widened as he looked at me and Gelo on the floor now. While he stood tall in front of us. He looked shocked too of what he had done.
And then he just walked out of the room...
I cried and turned to Gelo and hugged him while I just continued crying beside him...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro