Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

27

This story was Completed on my Patreon creator page Rej Martinez or join my Patrons private Facebook Group if you find it hard to subscribe on my Patreon page. Just kindly message my Facebook account Rej Martinez to join my Facebook group for 150 PHP monthly membership and have early access to the chapters in my ongoing stories and read my exclusive stories there. Thank you for your support!

Chapter 27

To Fight

Nanginginig pa ako nang makabalik sa condo ni Hale para kunin lang ang gamit ko doon. Nakakaramdam pa ako ng takot sa kaniya sa nalaman ko. Gusto kong umalis at tumakbo mula sa kaniya. Pero nang naisip ko sina Angel at Gelo, I realized that I couldn't leave them to Hale. Kaya naman pagkatapos ko lang makuha ang naiwang importanteng gamit ko sa condo ay umuwi na rin kami at bumalik ni Manong Lucio sa Vigan. Leaving Hale in Manila.

At mukhang hinabol pa niya ako pauwi sa condo pero hindi na niya ako naabutan doon. Nasa daan na kami ni Mang Lucio pauwing Vigan. Tumutunog din ang cell phone ko sa tawag sa akin ni Hale pero hindi ko rin ito sinasagot hanggang sa pinatay ko na lang ang phone ko. Tumawag din siya kay Manong Lucio at wala na akong nagawa nang sagutin nito si Hale dahil boss pa rin naman niya ito. I just heard Manong Lucio telling Hale na pabalik na nga kami ng Vigan.

"Mommy! Where's Daddy?" Sinalubong ako ni Angel pagdating ko sa mansyon nang umaga na.

Medyo mas natagalan pa kami sa biyahe dahil kailangang tumigil ng driver dahil sumama ang pakiramdam ko at nagsusuka pa ako sa daan. I cried while vomiting because I think I can't accept what Hale did to his late wife.

"Uh, pauwi na rin dito ang Daddy n'yo..." I looked at Gelo too who was just quietly standing there.

Base kasi sa narinig ko kanina kay Manong Lucio habang kausap niya si Hale ay mukhang pauwi na nga rin ito dito sa Vigan.

Tiningnan ko pareho sina Angel at Gelo. I felt like crying again while watching them both. Sumasakit ang puso ko para sa mga bata. I looked away because I might not be able to stop myself and my emotions and I'd cry in front of them.

"Are you okay, Mommy?" Angel promptly went to my side and held my arm to support me.

I looked at my daughter and she looked worried for me. I gave her a reassuring smile. "I'm fine, Angel. Thank you. Pagod lang ako sa biyahe at magpapahinga na muna ako sa kwarto..."

She nodded. "Okay, Mommy. Hatid na po kita sa room n'yo ni Dad."

Tumango na lang ako at inalalayan ako ni Angel sa hagdanan hanggang sa master bedroom.

And I fell asleep with the physical and emotional exhaustion. When I woke up, agad akong napabangon nang makita kong nandoon na rin si Hale sa kwarto namin. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog.

He looked regretful in front of me. At nakita ko ang sakit sa mga mata niya nang makita niya ang bahagya kong takot pa rin sa kaniya. "It's fine, Liz... I won't hurt you." He painfully said this...

Unti-unti akong kumalma at natahimik lang habang nakaupo sa kama namin. Tahimik ang kwarto namin na may dim din na lights. I looked out the window, at nakitang dumidilim na pala ang langit sa labas. Ang haba rin pala ng tinulog ko at hindi na nakakain...

May nakita akong pagkain na nakahanda na doon sa isang mesa sa kwarto.

"They said that you've been sleeping since you arrived here and that you haven't eaten anything yet..." Hale spoke.

Hindi pa rin ako tumingin sa kaniya. I heard him sighing.

"I'll leave the room now. Please eat the food." aniya at sunod na lumabas na nga ng kwarto namin.

Parang doon pa lang pala ako huminga nang nawala na siya.

I didn't know how to deal with Hale after what happened. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin at pakikitunguhan pagkatapos. What will happen to us now...?

Lumipas ang mga araw and Hale kept on working. Nanatili lang naman ako sa bahay at kiankalma pa rin ang sarili ko. Until one day I received an invitation from Aria...

"Wala na ba siyang ibang sinabi sa 'yo?" I asked through the phone.

"Wala naman. Ang sabi lang ni ate ay tanungin daw kita kung pwede raw ba kayong magkitang dalawa... Are you busy, Liz? Pwede ko rin naman sabihin kay ate—"

"Sige, Aria. Makikipagkita ako sa kapatid mo."

Ilang sandali pang natahimik si Aria sa kabilang linya bago siya nagsalita muli. "Okay... I'll tell her..."

And then after that we ended the call there. Walang alam si Aria. At pakiramdam ko ay gusto pa niyang magtanong sa akin. Pero mas mabuti sigurong manatili siyang walang alam... Let this be just between me and her sister...

Hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit gustong makipagkita ngayon sa akin ni Andreah. At mukhang nakabalik na rin siya dito sa Vigan.

Kaya nagkita nga kami sa isang Cafe...

"What is it?" Deretso ko na siyang tinanong sa pakay niya. Kahit may mga kape na rin sa harapan namin ay hindi ko na iyon ginalaw. I'm not here to plainly drink coffee with her like we are friends. Kaya dineretso ko na.

Nagkatinginan kami. "I didn't know that Hale got married again... And when I knew I was so broken-hearted. Dahil ang alam ko ay ako naman talaga ang mahal niya..." She looked hurt in front of me.

Hindi agad ako nagsalita. At hinayaan ko lang siya muna.

"You see, Hale wasn't really in love with his wife, Faye. Pinikot lang naman siya ni Faye kaya maaga rin itong nabuntis. It was all her own doings and selfishness. When Hale started working at his parents company, doon kami nagkakilalang dalawa. He made love to me. Alam kong ako ang mahal niya pero tinali na siya ng babaeng 'yon." Ngayon naman ay mukha naman siyang galit kay Faye kahit wala na nga iyong tao.

Tinitigan pa niya ako. "And when she died... Hale became so guilty. That he sacrificed his love for me and we broke up! Because of his too much guilt! Alam ko, sinadya rin ng babaeng iyon na patayin ang sarili niya para kahit patay na siya ay hawak pa rin niya si Hale! She knew that Hale's in love with me. At bago pa siya tuluyang iwan ni Hale ay inunahan na niyang patayin ang sarili niya, because she knew that Hale would be guilty of her death!"

Napatingin ako sa mga katabing mesa namin. Napapatingin na sa amin ang ibang mga customers din ng cafe. She's creating a scene... I sighed. Mukhang hindi nga siya gaya ng unang impresyon ko sa kaniya. She looked formal when we first met at our graduation. Pero ngayon ay mas nakikita ko na kung paano siya base sa sinabi sa akin ni Aria. Based on what Aria had told me her older sister was kind of a wild girl...

Nanatili lang ang tingin niya sa akin hanggang magsalita na rin ako. "If what you're telling me now is true... Bakit hindi ikaw ang pinakasalan ni Hale, when his first wife died? Kung talaga ngang ikaw ang mahal niya. Bakit ka pa niya pinakawalan gayong malaya na siya since Faye died..."

"Didn't you heard what I just said?" Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "It's because Hale's guilty of that woman's death!"

I shook my head. Pwede nga namang ganoon... Pero naririnig ba talaga niya ang sarili niya? Pinaparatangan niyang kusang nagpakamatay si Faye at hindi aksidente iyong nangyari sa tao. Why would Faye do that? How can she choose to end her life, gayong may mga anak na siya at bata pa sina Angel at Gelo noon. How could she leave them...? Except if she's too obsessed with Hale... I shook my head. Hindi ko siya pwedeng pag-isipan nang ganoon. Alam ko at mapapatunayan ni Yaya Celsa na mahal na mahal ni Faye ang mga anak niya. At sinong ina ba ang hindi mahal ang anak nila...? Kahit ako nga ay napamahal na rin sa akin ang mga bata kahit hindi naman talaga ako ang mommy nila. And it's hard for me too to leave them. Pagkatapos noong nangyari sa Manila nito lang naisip ko na kaya kong iwan si Hale... But I couldn't do it with his children...

"Kung ganoon... Ano ang gusto mong mangyari ngayon?" I asked her.

Parang may nakita akong umusbong na pag-asa sa mukha niya dahil sa tanong ko... "I want you to leave Hale immediately once he asks you to. Dahil nakapag-usap na kami noon sa Manila."

My lips parted. Nanatili ang tingin ko sa kaniya. She even smiled at me. "Huwag mo na sanang pahirapan din si Hale kagaya ng pagpapahirap sa kaniya ni Faye." She said this with disgust when she mentioned Faye.

"Talaga..." marahan kong nasambit.

She nodded.

And then I looked at her straight in the eyes. Parang natigilan naman din siya sa titig ko. I spoke. "Hindi ko alam kung ano ang napag-usapan ninyo ng asawa ko... Pero wala naman siyang nabanggit sa akin na iiwan niya ako at sasama siya sa 'yo... It's been more than a week since we left Manila after that what happened... Hinabol pa nga niya ako noon pauwi sa bahay namin. And instead of what you're saying right now, he asked for my forgiveness instead... He's the one who's scared na baka iwan ko siya." I said.

Ngayon ang labi naman niya ang umawang at hindi agad nakapagsalita pagkatapos ng sinabi ko.

Pinaglapit ko ang mga kamay ko sa isa't isa at tinukod ang mga siko ko sa mesa. I nonchalantly rested my chin on my hands as I looked at her. "What exactly did you and my husband talked about? Now I'm curious..."

Kumunot ang noo niya sa akin at mukhang nagalit pa. Magsasalita na sana siya pero inunahan ko pa. "Hindi bale na. I can also ask Hale about it. My husband just promised me that he'll be more honest with me when he asked for my forgiveness. So you can keep it to yourself and don't sweat it anymore." I gave her a smile.

Her eyes widened at me. "You..."

Tumayo na rin ako at handa nang umalis. "I bet ito lang naman ang pag-uusapan natin. Mauna na ako sa 'yo. You can finish your coffee. Pwede mo rin inumin na ang kape ko... Hindi ko pa naman nagagalaw iyan." I smiled again to her. "I must go now, dahil hinahanap na ako ng asawa ko at mga anak namin. Have a nice day, Miss Andreah." Huling ngiti ko bago iniwan na siya doon na halos hindi na rin nakagalaw sa kinauupuan niya.

And then I gritted my teeth nang natalikuran ko na siya at paalis na ako ng cafe. I've decided that I will stay especially for Angel and Gelo. Hindi ko sila kayang iwan lalo na pagkatapos ng mga nalaman ko.

I realized that I won't end up like Faye did... Hindi ako bastang iiyak lang at masasaktan. I won't be intimidated by Andreah and any other woman who might come in my way... Sisiguraduhin kong lalaban ako at hindi bastang matatalo.

I've been fighting for my life... And I'll continue to fight.

"Where have you been? You were not answering my calls..." Sinalubong ako ni Hale nang dumating ako sa bahay.

Nakauwi na pala siya. Ang aga niya rin umuwi ngayon. Dumeretso lang ako sa walk-in closet at nilagpasan siya.

"Liz, I'm talking to you," He followed me inside.

Nilapag ko doon ang bag na dala ko kanina nang umalis. Bago ko siya hinarap na. Kung may sasabihin siya sa akin, pwes, may mga sasabihin din ako sa kaniya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro