25
Chapter 25
Speechless
For three years, naging tahimik at maganda ang pagiging mag-asawa namin ni Hale. Naging maayos na rin ang relasyon ko sa mga bata. We've been a happy family. At wala nang mga hindi pagkakaintindihan sa mga nakalipas na taon sa buhay mag-asawa namin at pamilya.
Our married life had been a bliss. At akala ko pa ay wala nang makakasira sa kaligayahan ko... Truth was I was afraid. I became afraid that my wonderful life with Hale and the twins will someday be taken away from me... I didn't know why I had such feelings and thoughts. But just thinking about it makes me scared.
Siguro dahil matagal din na pakiramdam ko ay wala akong pamilya. And when Hale gave me one it still felt surreal that it gave me anxiety, too...
Was it really my instinct? Maybe I knew even having no prior knowledge about it that this day would come...
"Nice!" Puri pa ng nakangiting photographer sa amin habang kinukunan kami nito ng ilang shots para sa graduation pictorial namin.
Hale and the kids are even here with me today. Sobrang saya ko lang. Makakapagtapos na ako sa pag-aaral. And I have a wonderful and supportive family. The four of us smiled to the camera.
I was well made-up for our graduation day. Inaayusan pa lang ako sa bahay nang umagang iyon ay pinasok na ako ni Hale at ng mga bata to congratulate me. May regalo pa sa akin sina Angel at Gelo that made me really happy. "Thank you, Angel, Gelo!" Niyakap ko silang dalawa.
Halos hindi na nga sila magkasya sa mga braso ko dahil ang lalaki na nila lalo. Parang kailan lang noong 10 years old pa lang sila nang una kong makilala. And now they're 13 turning 14 few months from now. They're already teenagers!
"Congratulations, Mommy!" Angel hugged me lovingly.
"Congratulations, Mom."
Ngumiti rin ako kay Gelo. "Thank you, mga anak." ngiti ko.
And both Angel and Gelo smiled.
"Congratulations, hon." Hale kissed the side of my head and handed me a bouquet of flowers.
I smiled to my husband, too. "Thank you, Hale."
Pagkatapos kong maghanda ay pumunta na rin kaming apat para um-attend na ng graduation ko.
Tapos na ang graduation ceremony at doon ko rin nakilala ang ate ni Aria... She's a beautiful woman. Tall and slender like a fashion model. She's taller than me even I was wearing a heeled shoes, too. Her hair was long and she's wearing a formal dress for her sister's graduation.
She was smiling at Hale after greeting him like friends who didn't meet for a long time...
"Hale..." tawag ko sa kaniya.
Mula kay Andreah ay binaling niya ang tingin sa akin.
"You know each other?" I asked him.
Hale nodded. And then I saw him gulped a bit.
My forehead creased at his little reactions that I can notice.
Bumaling naman ako ngayon kay Andreah. "Saan kayo nagkakilala ng asawa ko?"
"Oh." She looked at Hale, and then she smiled at me. "We..."
"She used to work at our company." Hale answered for her...
"Ah, yes." She smiled making her red lipstick more defined...
Ganoon pala... Nagkatinginan kami ni Aria. Aria seemed different from her older sister. She's more simple and always wearing her eyeglasses. But she's cute. While her sister, Andreah has a kind of a sultry beauty...
I was combing my long hair in front of the dresser. Tiningnan ko ang repleksyon ni Hale sa salamin sa harap ko. Dumaan siya sa likod ko at tumungo na sa kama namin. "Hale, pwede mo ba akong tulungan maglagay ng lotion sa legs ko?" I asked him.
Hale smiled mischievously and then he followed what I told him to do. Lumipat na rin ako sa kama at hinayaan si Hale sa paglalagay ng skin lotion sa mga binti ko. And I was still in my bathrobe at tinamad pang magbihis.
"Hale, ano ang trabaho ni Andreah sa kompanya mo dati?" I think I couldn't imagine Hale having the sexy Andreah as his secretary...
Nasa pagpahid lang ng lotion sa akin ang atensyon ni Hale. Hindi na siya nag-angat ng tingin sa akin nang sumagot. "She was my mom's assistant."
Tumango ako. "Naging close din ba kayo?"
Tumingin na sa akin si Hale sa tanong ko. Nagkatinginan pa kami, before he shook his head. "No..." And then he lowered his head back to my legs and the lotion in his hands.
Pagkatapos ay pumunta na siya sa harapan ko at nagsimula akong halikan sa mga labi ko. Pumikit na lang ako at hinayaan siyang halikan ako. Until his kisses went down to my neck...
I've met with Aria. Hindi pa kami nagtrabaho agad after graduating from college. Siya dahil mukhang hindi naman talaga niya kailangan magtrabaho dahil may kaya rin naman sa buhay ang pamilya niya at bunso pa siya. His older brother cares for her and promised to support her. Pero depende pa rin iyon kay Aria kung gusto niya pa rin magtrabaho. Habang ako naman ay nagpapahinga din muna bago sumabak na rin sa mundo ng pagtatrabaho.
Aria and I met on a cafe. It's her favorite cafe na naging paborito ko na rin noong nag-aaral pa kami. Na miss lang din namin ang isa't isa ilang linggo pagkatapos ng graduation saan kami huling nagkita. Kaya naisipan na magkita ngayon.
"Alam mo ba na nagtrabaho ang ate mo dati sa kompanya nina Hale?" I asked her.
She looked at me. And then she slowly shook her head. "My sister...was a rebel..." She sighed.
Hindi ko naman inasahan ang sinabi niya.
"Madalas siyang magrebelde noon sa parents namin. Pormal kasi talaga pareho sina Mommy at Daddy na parehong lawyers at medyo traditional din. And Ate Andreah was used to doing what she wants. She's hardheaded at hindi sumusunod sa parents namin. Even if it's Sunday and our family should be in the church...instead she used to go to clubs and party there. Inaabot siya ng madaling araw hanggang umaga bago makauwi."
"Napalayas din siya noon ng parents namin... At iyon siguro ang panahon na nagtrabaho siya sa company ng asawa mo..."
Nagkatinginan kami ni Aria. "Kaya pala pakiramdam ko talaga noong pinakilala mo sa akin ang asawa mo, I thought I've already seen him somewhere before...Siguro nga nakita ko na siya noon kasama ang kapatid ko... Nakalimutan ko lang. At hindi naman talaga namin alam ng pamilya ko noon kung nasaan ang kapatid nang mga panahong 'yon."
I just slowly nodded my head at Aria.
And at that time Hale was just starting to work at his family's business. Mag-asawa na rin sila noon ni Faye at nand'yan na rin ang kambal.
"Yaya Celsa?" tawag ko.
"Opo, Ma'am?" Maagap naman na tumugon ito sa akin.
I smiled. "May ginagawa po ba kayo?"
Umiling naman siya. "Wala naman po..."
Malalaki na ang kambal kaya hindi na rin sila ganoon ka dependent sa yaya nila. Especially Gelo na nagbibinata na talaga. More on si Angel na lang ang tinututukan pa rin ni Yaya Celsa ang mga needs niya dahil babae din ito.
"May gusto lang po sana akong itanong..."
"Ano po 'yon, Ma'am?"
"Tungkol po sana kay Faye..."
Nagkatinginan kami ni Yaya Celsa. Sa tingin ko ay siya ang talagang nakakakilala kay Faye dahil siya rin halos ang nagpalaki sa namayapa nang first wife ni Hale. Natahimik siya at hindi pa agad nakasagot. "Ano po ang tungkol sa kay...Faye?"
Nakitaan ko ng lungkot ang mga mata niya. She probably still misses Faye. And it surely hurt her when she died early...
Kami lang ni Yaya Celsa ang nandoon. Hale was at work as usual and the kids were in their school. At mamaya pa sila susunduin ng driver para makauwi.
"Paano po ba...naaksidente si Faye?" Ang alam ko ay sa isang car accident. But what really happened... I didn't know.
Nagbaba ng tingin si Yaya Celsa. Bago muli siya nag-angat ng mga mata niya sa akin. Tiningnan niya ako sa mga mata ko. Mukha pa siyang humugot ng lakas ng loob, bago matapang na nagsalita. "Ang alam ko ay pupuntahan niya si Hale noon... Iyon ang huli niyang paalam sa akin nang iwan niya sa akin ang kambal nang gabing iyon. Dahil pagkatapos noon ay hindi ko na siya uli nakausap dahil nalaman na lang namin ang nangyaring aksidente sa kaniya..." Muling nagbaba ng tingin si Yaya Celsa pagkatapos sabihin iyon.
I can still feel her sorrow kahit matagal na ring wala na si Faye... I bet she truly cared for her loved her like her real daughter.
Sandali na rin akong nagbaba ng tingin habang nakahalukipkip ang mga braso ko at halos niyayakap ang sarili na nakatayo doon sa harap ni Yaya Celsa. Natahimik kami pareho sa tahimik din na malaking sala ng mansion.
"Iniisip na kasi noon ni Faye na nambababae si Hale..." Yaya Celsa added.
Nag-angat ako ng tingin sa sinabi niya.
"Po..." My lips parted.
Nagkatinginan kaming muli ni Yaya Celsa. Pagkatapos ay mas matapang pa siyang nagpatuloy. "Wala akong patunay, pero tingin ko nang gabing iyon kasama ni Hale ang babae niya at sinundan sila ni Faye bago siya naaksidente." Yaya Celsa gave me a look na ngayon ko lang din nakita sa kaniya. Mukha talaga siyang galit pa rin... And I can see the frustration in her eyes. Na ngayon ay namumula na dahil din sa namuo nang luha...
Habang nanlaki naman ang mga mata ko sa nalaman. My lips parted and I became speechless...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro