24
Chapter 24
Candlelight
Simula noon ay hindi na ako ginulo ni Allan sa eskwelahan. Tahimik na ang pag-aaral ko sa university hanggang sa makapagtapos na ako. I also gained few friends while studying and finishing my course. I realized that people are not all the same. May mga nakilala pa rin ako na naging totoo sa akin at naging kaibigan ko rin hanggang sa nagtapos na kami.
"Mabuti pinayagan ka ng husband mo, Liz! I'm so happy and excited for us today!" Aria entwined our arms. She's also my classmate. And she said that I looked intimidating at first for her so we didn't became friends sooner. Pero nakita at nalaman din niya kalaunan na friendly pa rin naman ako.
Maybe I just became a little distant with my classmates too after what happened with the first classmate I've known who talked ill about me, and then there's also Allan. I'm just glad that I still welcomed friendship, because Hale also told me to give other people and myself a chance...
"You're almost done with your course, Liz. Next year will be your last year in college. Pero parang wala ka pa yatang napapakilala o nabanggit na kaibigan mo sa university sa akin..."
Tumingin ako kay Hale galing sa nirereview namin para sa exams ko. He's been helping me a lot too in my studies. Ang talino rin ni Hale. Of course he wouldn't be able to run a big company if he's not this clever. Kaya lalo rin talaga akong natutuwa at proud sa kaniya. "Wala..." I answered. Nagkatinginan kami. And then I just told him what happened, what were my first experiences with friendship...
"It's all right, I mean what they have done to you is not okay. But it's okay to continue and look for friendship, too... Not all people are the same, Liz." Ito ang sinabi ni Hale sa akin.
Nanatili lang ang tingin ko sa kaniya. Until he smiled. At napangiti na rin ako. And then he sighed. "Sometimes I feel like I want you all to myself..." He shook his head. "But I just realized that I wouldn't also want to rob you of your youth..." He sighed again. "Manang and I talked, and I realized that she's right. You're still young, Liz. Sometimes I just tend to forget about that fact because you can be mature for your age. But, yeah, Manang Lucille's right. Bata ka pa, and I want you to experience things other than being my wife, things like friendship..." Hale smiled to me.
Niyakap ko na lang siya pagkatapos ng sinabi niya. Hindi pa ako nakontento at naupo pa ako sa lap niya habang niyayakap siya sa leeg niya at nakaupo siya doon sa harap din ng study table ko sa tabi ko. Hale chuckled for a while at my reaction before he spoke again while hugging me back gently. "I'm sorry for my shortcomings, Liz. I just hope na makabawi ako sa 'yo at makagawa ng tama sa 'yo... Sana ay hindi palaging mali..." marahang aniya, at hinagkan din ako sa buhok ko.
Umiling naman ako habang nakayakap pa sa kaniya. "Huwag ka nang masyadong mag-isip, Hale... Para sa akin ako na ang pinaka maswerte dahil ikaw ang asawa ko." sabi ko at pumikit sa yakap niya.
Muli pa akong hinagkan ni Hale.
Ngumiti na lang ako sa kaibigan. Excited din ako na makasama siya ngayon. Dahil graduating na kami at naghihintay na lang sa graduation ay may time din kami ngayon para mag self pamper. Pinayagan din ako ni Hale nang magpaalam din ako. Tapos na rin ang thesis namin at magkasama rin kami ni Aria. Kaya wala na kaming masyadong gagawin at aalahanin para sa eskwela.
Una kaming pumunta ni Aria para magpa-massage. Ang sarap. Gusto ko ring gawin ito kasama si Hale. Tingin ko ay mawawala rin ang konting stress niya sa trabaho when we go for a massage. Nakaka-relaxed din talaga. Pagkatapos ay sunudsunod na iyon na nag-bubble bath pa kami ni Aria at manicure and pedicure. Nagawa ko na rin ang ilan nito noong bago ang araw ng kasal namin ni Hale noon. Naalala ko pang kasama ko noon ang secretary niyang babae dahil wala pa naman akong ibang kaibigan noon.
And then we also did facial. Na pakiramdam ko pagkatapos ay ang linis-linis ko pa at ang gaan din ng katawan ko dahil sa massage. At nagpa-treatment din kami ni Aria sa buhok kaya lalo rin kumintab at buhay na buhay ang buhok ko pagkatapos.
They say that money cannot buy happiness... But I just realized now, with all these things that I can do with money, that the things and services that money can afford can also bring happiness to a person...
Aria and I also shopped for some clothes and shoes at the mall. Dumaan kami bago umuwi. And I really enjoyed my day out with a friend. Ito siguro ang sinasabi ni Hale na gusto niya rin ma experience ko. I smiled.
"What did Hale said?" Aria asked after I finished a phone call with my husband.
I smiled. "Mag-d-dinner date daw kami mamaya. Kaya siya na rin ang susundo sa akin dito sa mall ngayon at pauuwiin na lang ang driver."
Nakisakay lang din si Aria kanina sa sasakyan namin. May driver din naman sila pero wala pa siyang sarili niyang kotse dahil ayaw pa raw siyang ipag-drive ng sasakyan ng parents niya at nakatatandang mga kapatid. Mas bata rin sa akin si Aria ng mga dalawang taon dahil medyo na late na nga rin ako sa pagpasok sa college dahil ang dami ko pang hinabol noon para ma qualified lang din at makapag-enroll. Mabuti na lang din at may pera at maraming connections si Hale kaya makakapagtapos na rin ako ngayon ng pag-aaral. At dahil din sa pagsusumikap kong makatapos.
And I also think that it's really a good thing that I asked Hale to let me study regularly at the university than just homeschooling as how I used to study before. Iba ang experience na may kasamang mga kaklase habang nag-aaral kami ng sabay, and I've met Aria who's such a good girl. And she's really good to me. Kaya gusto ko rin na maging mabuting kaibigan sa kaniya.
Pero kahit medyo mas bata sa akin si Aria ay naging close pa rin kami sa isa't isa. Hindi pa ganoon kahaba ang panahon ng pagiging magkaibigan namin pero magaan na rin talaga ang loob ko sa kaniya. Naipakilala ko na rin siya kay Hale and my husband also liked my friend. Good girl din kasi si Aria at masunurin sa parents. She even told me before that she might bore me because of her boring lifestyle. Na halos bahay at eskwela lang din. Pero hindi naman ganoon. Para sa akin ay mas nagustuhan ko nga siya kasi simple lang at walang kung ano anong ginagawa sa buhay niya... I think there's nothing wrong when we also live our life simpler than other people.
Aria's eyes widened a fraction. At mukhang kinilig pa. Napailing na nangiti na lang ako sa kaibigan. "Ang effort talaga ng asawa mo! Mukhang mahal na mahal ka talaga niya. Natutuwa ako para sa 'yo, Liz. Hay!" She gasped and sighed. "Kinikilig na naman ako sa relasyon ng iba." She chuckled.
Napatawa na rin ako sa sinabi niya. No boyfriend since birth din si Aria at mahilig lang sa anime o Korean popular music or K-pop. At masaya na siya sa ganoon. Aniya ay pakiramdam niya hindi pa rin daw siya handa na magka-boyfriend. At nakikita ko na masiyahin din naman siya. I think people just live their lives differently.
Sinundo na nga ako ni Hale at naghiwalay na rin kami ni Aria pagkatapos. Sinundo na rin siya ng driver nila. Nakapagbihis pa ako sa mall ng mga bagong biling damit namin ni Aria kaya mas naging ready pa ako para sa date namin ni Hale.
"Did you enjoy?" Hale asked after we got in his car.
Malaki ang ngiti ko. "Yes! Thank you, Hale."
Umiling naman siya. "It's nothing. I'm just glad that you enjoyed."
Ngumiti kami ni Hale sa isa't isa at nagsimula na siyang mag-drive papunta sa restaurant na kakainan daw namin ngayon.
Nagulat pa ako na candlelight dinner pa ang pinahanda niya para lang sa aming dalawa. "Hale..."
But he only smiled. "I want to congratulate you in advance for your coming graduation. I know that we will celebrate with the kids on your graduation day, and I know that you'd also want to celebrate with Angela and Angelo. So I'll take this opportunity to first celebrate your achievements with you alone."
"Hale..." I looked at him lovingly.
Pagkatapos hawak kamay pa kaming lumapit na sa mga upuan namin. Una akong pinaupo doon ni Hale matapos niya rin akong pinaghila ng chair ko. And then he followed and sat across me. In front of us was our lovely table for two.
"Thank you, Hale." I sincerely thanked him. I really appreciate his efforts every time.
He smiled. "You're welcome, my love."
I just smiled more.
Hale and I enjoyed our candlelight dinner date that night, too.
And then of course when we got home we usually end on our bed making love with Hale enjoying my newly pampered skin... And he just loved it very much. Parang panggigilan pa niya ako...
I feel like my life have been perfect. Isang beses lang iyong hindi namin pagkakaintindihan ni Hale na nangyari noon dahil lang din naman kay Allan na hindi na rin ako ginulo pa simula nang sabihin ko ang tungkol doon kay Hale. Pagkatapos noon ay bumalik lang din sa ayos ang relasyon namin ni Hale at maganda na ang buhay namin kasama ang mga bata. Pakiramdam ko ay wala na akong mahihiling pa.
Pero ganoon talaga. Hindi perpekto ang buhay. At wala namang perpekto sa mundo... It happened on the day of our graduation. I was with Hale and the kids. And Aria was with her family, too...
"Hale..." Aria's older sister smiled at my husband.
I looked at Hale dahil mukhang magkakilala sila ng ate ni Aria. "Hale?" I called him. Hindi pa niya agad naalis ang tingin niya kay Andreah. My forehead creased a little bit at my husband's reaction.
And Andreah just continued to smile at him. "It's been a long time, Hale." she said in her calm and more womanly manner.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro