Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

22

Read up to Chapter 39 now on my Facebook VIP group and Patreon creator page Rej Martinez. Please message my Facebook account Rej Martinez to join my VIP group for you, readers! Thank you! Stay safe and healthy everyone.

Chapter 22

Party

"You're young and beautiful. You can still find someone else..."

Tumingin ako sa lalaking kaklase. "Bakit naman ako maghahanap pa ng iba? Kasal na nga ako."

Ngumiti pa siya. "I'm just saying..."

"Mahal ko ang asawa ko at mga anak namin." dagdag ko.

Hindi ko alam kung bakit siya ngayon nasa harapan ko at nagsasalita ng ganitong bagay sa akin. May ilang araw na rin niya akong kinukulit. Kapag hindi pa siya tumigil magsasabi na rin ako kay Hale. Hindi ko gusto na ginugulo niya ako nang ganito. Siya lang ang lumapit sa akin at kumausap. I was polite at first. But I'm only here to study. Wala akong panahon para sa mga bagay na sinasabi niya.

Mukha nga rin siyang anak mayaman, at spoiled brat... Parang wala siyang pakialam sa ibang bagay...at gusto niya lang na nasusunod ang gusto niya. I just tried to ignore him more.

He chuckled. "Fine. I'm sorry... But I really like you, Lizette..." Ilang beses na rin siyang lantarang nagsasabi ng gan'yan.

"Lizette Salcedo." sabi ko at seryoso siyang tiningnan. To remind him too that I'm already married.

He nodded. "Yeah, I know your husband..." And then he smiled more. "Maybe I'll see you outside the university soon..."

Kakilala rin ba siya ni Hale? Saan, sa negosyo ba? Family friend... Siguro ay tatanungin ko na rin si Hale...

"Allan, ginigulo mo na naman ba si Mrs. Salcedo?" another brat, his friend who's unfortunately my classmate too called him.

I sighed and started putting my things inside my bag. Nag-announce na rin naman na wala na kaming class ngayon sa panghuling klase dahil hindi na makakarating ang professor namin at may emergency ito.

Allan Peralta and his equally brat friend laughed together like they're crazy. Boys. Hindi man siguro ako nakakalabas sa bahay ng mga Chavez noon, but I've read too many books and that includes about the villains. At pakiramdam ko ang mga lalaking ito ay isa sa mga kontrabida sa buhay ko. I can't be innocent and let other people take advantage of my ignorance. May utak pa rin naman ako at mabilis din matuto sa mga bagay bagay dahil gusto ko rin matuto at magkaroon ng mga kaalaman. Kaya hindi rin ako papatalo sa mga lalaking ito. Akala ba nila patuloy lang akong tatahimik sa panggugulong ginagawa nila sa akin? Hindi.

"Hey, Liz—"

Tinawag pa ako ni Allan pero tuloy-tuloy na akong lumabas ng classroom namin at pababa pa ng building. Nakahinga lang yata ako nang nakita ko na ang sasakyan ni Hale na sumundo sa akin. Napangiti ko.

Palagi na niya akong sinusundo kahit busy pa siya at hindi na lang inaasa sa driver. Simula noong nakita niya akong hinabol at kinausap din ni Allan. Medyo matagal na nga iyon. Noong una ay patingin-tingin lang siya sa akin. Siguro rin dahil may palagi pa akong nakakasamang ibang kaklase noong una. Iyong akala ko rin ay magtatagal kong magiging kaibigan. But now we don't really talk anymore. At mukhang kaibigan niya lahat ng iba pa naming mga kaklaseng babae at mukhang ayaw na rin ng mga ito na makipagkaibigan din sa akin... And it's okay. Nandito lang naman ako sa university para mag-aral. Bonus na lang kung magkakaroon din ako ng kaibigan. Minsan ang hirap din talagang intindihin ng mga tao...

At doon din nagsimulang lumalapit na sa akin si Allan sa klase namin. At first I was still polite to him since he only asked about our school stuffs. And then later on I think he got too comfortable na kung ano-ano na ang sinasabi niya sa akin. Ang akala ko nga rin noong una ay magiging kaibigan ko rin siya...

I realized that people doesn't just come to you to be friendly... Palaging may dahilan ang tao kung bakit sila lumalapit sa 'yo...

Kagaya nang may dahilan din ako noong nilapitan ko si Hale. At ganoon din siya. Depende na lang siguro sa mga rason at kung ano ang magiging kalalabasan...

Pumasok na ako sa kotse ni Hale. Agad ko siyang hinalikan sa pisngi niya bago ako nagkabit ng seatbelts ko. Ngumiti rin ako sa kaniya. "Kumusta sa trabaho mo ngayong araw?" Kinumusta ko siya like what I usually do.

"Fine." He sighed. "I'm kinda tired... Can you give me a back massage later?" He smiled.

Napangiti rin ako lalo. Naglalambing na naman ang asawa ko. "Oo naman."

Nagsimula na rin magmaneho si Hale. Pagkatapos isang kamay na lang ang ang panghawak niya sa manibela at ang isang kamay niya ay inabot ang kamay ko sa lap ko at hinawakan ito. I smiled to my husband.

"Hale, do you know someone with the name Peralta?" I asked him. Nakadapa na siya ngayon sa kama at nakapuwesto naman ako sa likuran niya, and giving him a back massage like what he asked earlier.

"Hmm? Who? Peralta... We have a family friend by the name Peralta."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Totoo nga ang sinasabi ni Allan na kilala niya si Hale?

"Why?" Hale asked.

I pressed my chest on his back. Naglalambing akong niyakap siya. Ayaw kong masira ang gabi namin ni Hale kaya babanggitin ko na lang sa kaniya muli sa susunod ang tungkol sa nanggugulo kong kaklase sa eskwela. "Nothing..." I sensually whispered in his ear.

And Hale got distracted and forgot about what I just asked. Binago niya ang posisyon namin at humarap siya sa akin. Ngumiti na lang kami sa isa't isa habang pinupuwesto na niya ako sa taas niya. Bahagya rin siyang bumangon. Umawang ang labi ko nang maramdaman ko na agad ang naninigas na niyang pagkalalaki deretso sa panty ko. I was wearing a nighties and just my underwear. Wala na rin akong bra pa na suot. Mainit kaming nagkatinginan ni Hale. Pagkatapos ay yumuko ako para abutin ang labi niya at nagsimula na kami sa mainit naming halikan. Habang ang kamay niya ay inabot na ang dibdib ko, and grope my breast with the thin satin fabric of my short and skin revealing nighties...

Nagkaroon ng isang party na in-attend si Hale. Birthday ng isang family friend. And he brought me as his date. I wore a nice off the shoulder black with slit and elegant evening gown. Pagdating pa lang namin ni Hale sa venue ay marami na rin ang bumabati sa amin and we started socializing. May ilan ding nakakakilala kay Papa. May kaya rin naman sa buhay ang mga Chavez.

Hindi ko lang inaasahan na nandoon din sa party si Allan... I didn't know... I wasn't able to even take a look at the invitation... Busy lang kasi ako kanina sa pag-aayos at paghahanda para sa party ngayong gabi. Sasama lang din naman ako kay Hale... At nag-focus lang ako sa sarili ko na maging maayos para maayos din akong maiharap ni Hale sa mga tao bilang asawa niya. Ayaw kong mapahiya si Hale kaya nag-e-effort din ako kahit sa hitsura ko na lang.

May lumapit sa amin ni Hale na isang matandang lalaki. At sa tabi niya ay isang babaeng mukhang kaedad lang din nito na nakahawak sa braso niya. Ngumiti sa amin ni Hale ang mag-asawa... At ang husband pala ang may birthday... And beside the old couple was Allan Peralta...

"Good evening." Hale exchanged polite greetings with the couple. Binati niya rin sa kaarawan nito ang Papa ni Allan. And mentioned about his gift, too.

Bahagya pang tumawa ang matanda na mukhang natutuwa. "I'm really proud of you, Hale. Nakaya mong ipagpatuloy pa rin ang malaking kompanya at mga ari-ariang iniwan sa iyo ng parents mo, hijo. I can only hope that I have a brilliant child like you." Umiling-iling ang matanda.

Nagkatinginan kami ni Allan. But he only smirked at me. Mukhang hindi pa nakikinig sa sinasabi ng Papa niya. Kumapit pa ako lalo sa braso ni Hale. Napatingin din siya sa hawak ko sa asawa ko. Hindi ko na siya tiningnan at nag-focus na lang sa usapan nina Hale at ng parents niya.

"If only Migo became just like you." There was disappointment in the old man's eyes...

Tumingin naman ako kay Hale. Ang alam ko ay best friend niya si Migo na isang police detective... Nagpunta kasi siya sa bahay isang beses para bisitahin din ang kambal na inaanak din niya. Doon ko siya nakilala. Migo Peralta pala ang buong pangalan niya. I looked at the couple. And these are his parents. And Allan's his younger brother...

"Migo's doing fine, tito." sabi naman ni Hale.

Umiling pa rin ang matanda. Pagkatapos ay bumaling sa akin ang tingin ng asawang babae. She smiled. "You really have such a beautiful wife, hijo."

"Pasensya na nga rin pala at hindi na kami nakadalo sa kasal ninyo. We were abroad by that time, hijo, at nagpapagaling pa lang ang tito mo noon from his recent operation."

Hale just nodded and told them it's all right. And he smiled proudly and introduced me more to the couple. I smiled and politely greeted them, too.

"Allan," tawag ng daddy niya sa kaniya.

And Allan just smiled. "I already know Lizette, Dad, Mom. Right, Lizzie?" He smirked.

Gusto ko agad burahin ang ngisi niya dahil parang nanunudyo siya...

"Magkaklase po kami sa course namin..." I said.

"Oh." Allan's mother reacted.

Pagkatapos ay nagkatinginan din kami ni Hale na nasa tabi ko. He looked at me with serious eyes.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro