Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

21

Up to Chapter 38 is now available to read on my Facebook VIP group and/or Patreon creator page Rej Martinez. Just message my Facebook account Rej Martinez to join my VIP group. Daily story updates there! Wattpad updates every Tuesday and Saturday. Thanks!

Chapter 21

Pamilya

"Angel, Gelo, can I talk to you both?"

Tumango naman sa akin ang dalawang bata. Ngumiti ako at nagpatiuna na. Sumunod naman silang dalawa sa akin. Pinag-isipan ko rin ito. I thought that maybe I could also talk to the children.

Tumigil ako sa gitna ng garden. Hapon na kaya hindi na mainit dito. At kanina lang din dumating ang mga bata galing school. But I made sure that they had enough rest first, at nakapag-snacks na rin muna kanina.

Hinarap ko sila pagkatapos nang nasa gitna na kami ng tahimik na hardin. Maayos pa rin ang tubo ng mga bulaklak na tinanim ko rito kaya maganda tingnan. Ngumiti ako. Naghintay lang naman sina Angel at Gelo sa sasabihin ko.

"Angel, Gelo...gusto ko lang ipaalala sa inyo na...hindi ko papalitan ang Mommy ninyo." Nasabi ko rin.

I've been thinking about this, too. Naisip kong baka ito rin ang iniisip ng mga bata. They were young when their mother died... Pero nakilala pa rin nila ito at nakasama. Kaya naiintindihan kong mahirap din para sa mga bata na tumanggap ng pangalawang ina...

I watched their reaction. Gelo's lips parted. While Angel did not say anything as well... I sighed a little. "Gusto ko lang na malaman ninyong hindi ko intensyon na alisin sa buhay ninyo ang Mommy ninyo... Kahit wala na siya dito... At ako ang nakakasama ninyo, hindi ibig sabihin na pinapalitan ko na siya..." I tried to explain it to them.

"I'm just here for your Dad and for you both, too. Alam kong iniisip lang ng Daddy ninyo that you still need someone to look after you aside from him."

"Your Mom will forever be your mother. At hindi ko siya pwedeng palitan. And aside from being your Dad's wife now... Pwede n'yo rin akong maging kaibigan." Magaan akong ngumiti sa dalawang bata.

And then slowly, Gelo nodded his head. My lips parted, watching him. Mabilis naman na pumunta sa akin si Angel at yumakap. Bahagya pa akong nabigla pero niyakap ko na rin siya. Ngumiti naman ako kay Gelo. I was just trying to make them understand... And I think they understand now.

"I really like your, Mommy Liz..." Angel said.

Uminit ang puso ko sa sinabi ng bata. Niyakap ko pa siya, hanggang niyaya ko na rin silang dalawa ng kapatid niya na bumalik na kami sa loob ng mansyon.

Simula noon ay umayos na ang relasyon ko sa kambal. At wala rin kaming problema ni Hale sa isa't isa. Maayos at tahimik lang ang pagsasama namin bilang mag-asawa. At masaya ako sa pamilya na mayroon ako ngayon. At iyon ay si Hale at ang mga bata. Kasama na sina manang na naging mabuti rin sa akin simula pa lang noong dumating ako dito sa Casa Salcedo.

Pagkatapos ng birthday ng kambal ay birthday naman ni Hale dahil halos magkasunod lang ang mga kaarawan nila. Kaya si Hale naman ang pinaghanda ko.

"Sana ay hindi ka mapagod kay Hale at sa mga bata..." Manang told me one time.

Bumaling ako sa kaniya at ngumiti lang. Pagkatapos ay pinagpatuloy ko lang ang ginagawang birthday cake ni Hale. In a bowl, I was mixing the softened butter together with the sugar using a wooden spoon. Kumuha na rin ako ng mga itlog. And then I added flour to the mixture. I was trying to bake a cake for Hale's birthday.

Ayaw na ni Hale na maghanda pa kami sa birthday niya. At busy rin siya sa kompanya kaya naghanda na lang ako ng dinner sa bahay. At saktong pagdating niya ay handa na ang lahat. Hale smiled the moment he saw me and the kids prepared this dinner to celebrate his birthday. Kahit kami lang ng mga bata at sina manang ay alam kong na appreciate na ni Hale. Kita ko ang tuwa sa mga mata at ngiti niya kahit simple lang naman ang hinanda namin.

"Happy birthday, Daddy!" Angel greeted.

"Happy birthday, Dad." si Gelo naman.

Pagkatapos ako na hawak ang cake at nilapit ko sa kaniya para mahipan na rin niya ang mga kandila doon. "Happy birthday, Hale. Birthday wish mo muna." I said.

Hale just smiled and closed his eyes to make a wish like what I told him. I chuckled a little and then went quiet immediately to let Hale make his birthday wish. And then he blew the candles after. We greeted him once more.

"Happy birthday, Sir Hale!" Binati rin si Hale nina manang at iba pa naming mga kasambahay.

I just smiled. At tinabi na muna namin ang cake para makakain na muna ng dinner. Simple celebration lang pero ang saya namin sa gabing ito.

And then of course that night too of Hale's birthday I can only give him myself and my love. Bukod kasi sa b-in-ake kong cake niya ay wala na akong maisip na ibang pwede ko pang ibigay kay Hale... Parang nasa kaniya na kasi ang lahat. So we made love that night and I made sure that I made him feel my love for him.

"Happy birthday." I greeted him again after making love and we're both sated.

Hale chuckled a bit. "Thank you." Pagkatapos ay hinagkan niya pa ako sa noo ko.

I just giggled. And we ended the night happily.

Pagkatapos noon ay naghanda naman kami para sa parating na pasko. Ito ang unang pasko ko kasama si Hale at ang mga bata. At wala nang mas sasaya pa sa pasko kung kasama mo ang pamilya mo...

Naisip ko sina Papa. Pamilya ko pa rin naman sila nina Tita Olga at Ella. Pero hindi ko naramdamang pamilya rin ang tingin nila sa akin noong nandoon pa ako sa bahay nila... They celebrate Christmas, too, but I did not feel included... Nandoon lang ako para tumulong sa paghahanda ng mga pagkain at magsilbi sa kanila... Pero ayaw ko na lang isipin pa iyon. Gusto ko na lang maging masaya ngayon kasama ang pamilya namin ni Hale. Dahil naniniwala rin akong kung hindi nangyari sa akin ang mga bagay sa nakaraan, o kung iba ang naging sitwasyon ko baka hindi ko rin nakakasama si Hale ngayon...

"Wow!" Angel's eyes shined with the reflection of the lights from the Christmas tree we just finished decorating.

Earlier today lumabas kami ng mga bata para mamili sa mall ng para sa Christmas tree namin ngayon. Walang pasok ang mga bata dahil Sabado, while Hale was still at work. Naiintidihan naman namin ng mga bata si Hale. Kailangan niyang magtrabaho para rin naman sa pamilya namin. Kaya ayos lang kung minsan hindi siya namin nakakasama at kami lang ng mga bata. Mas lalo na rin akong napapalapit sa mga bata dahil kami rin ang palaging magkakasama.

"It's nice." Gelo also commented.

Ngumiti ako sa mga bata. Ilalagay na lang namin sa taas ng tree itong star. Tinabi namin sa grand staircase ang mataas naming Christmas tree kaya hindi na mahirap ang paglalagay ng star sa tuktok gamit lang din ang hagdan.

"It's so pretty!" Angel looked really happy about it. Our Christmas tree was decorated with red and gold ornaments.

Ngumiti pa ako at binigay ang phone ko sa isang kasambahay para kunan kami ng pictures nina Angel at Gelo. Magsesend din ako kay Hale para lalo siyang ma excite na umuwi ngayon sa amin.

Pagdating nga ni Hale na maaga rin nakauwi ay nag-picture din kaming apat ng mga bata sa mataas at malaki naming Christmas tree. Ang ganda ng mga ngiti namin sa pictures. Uminit ang puso ko sa tuwa.

And when December 24th came, tulong-tulong kami nina manang at ng mga kasambahay namin ni Hale sa pagluluto para sa handa mamaya sa Noche Buena. Hindi na muna nagtrabaho ngayon si Hale kaya kasama niya ang mga bata, and they're now spending time together here in our home. As I prepare for our food later tonight. Nakakatuwa lalo. I smiled contentedly while preparing the ingredients for what we will be cooking for this evening.

"Handa na ito, Ma'am Liz. Pwede nang ipatawag sina Sir Hale at mga bata." Ngumiti si manang. Tulong-tulong na sila sa paghahain ng mga pagkain sa mahabang mesa sa dining room. Tapos na rin ang table decorations ko doon.

Ngumiti rin ako. "Tatawagin ko na po sina Hale, Manang." Pagkatapos ay tumuloy na ako para tawagin sila ng mga bata.

And we had our delicious Noche Buena and waited until it's the Christmas day. Habang namigay din kami ni Hale ng regalo sa mga kasambahay namin at iba pang mga kasama namin sa bahay pati na rin ang bodyguards. Bilang pagpapasalamat na rin namin sa serbisyo nilang lahat sa pamilya namin. At nandito pa sila ngayon kasama namin kahit pa pasko at sana ay nasa mga pamilya nila sila ngayon.

Hale and I also exchanged gifts with the kids. Tumatawa kami at masaya sa regalo ng isa't isa sa amin. And then we said our thank yous. "Thank you, Hale. Thank you, Angel, Gelo." I smiled to them. Nagpapasalamat sa mga regalong natanggap ko rin galing sa kanila ngayong pasko. And I will surely cherish it.

Ngumiti rin si Hale at nagpasalamat din sa amin ng mga bata. Ganoon din ang kambal sa aming dalawa ni Hale. Nagkatinginan kami ni Hale at masayang ngumiti sa isa't isa.

Pagkatapos ng pasko ay New Year naman. Pinili namin ni Hale na magpalipas sa isang tower hotel at sa restaurant nito kumain kasama ang mga bata. Maganda kasi itong location para sa fireworks display din mamaya. Nasa malapad na balcony kami ng restaurant pumuwesto ni Hale at ng mga bata. Maganda rito lalo na mamaya.

"Do you like it here, kids?" Hale asked his children, too.

"Yes, Daddy! I'm excited for the fireworks later!" ani Angel.

Tumango naman si Gelo.

Ngumiti lang din ako.

Pagkatapos ngang kumain at nagsisimula na rin ang mga paputok ay tumayo na kami doon ni Hale para mag-abang at manood kasama ang mga bata. Yumakap sa baywang ko ang isang braso ni Hale habang nakatayo kami doon at pinahinga ko rin ang ulo ko sa balikat niya. Hale kissed my forehead. At nasa tabi lang din namin ang mga bata.

"Happy New Year, hon."

Nag-angat ako ng tingin kay Hale at ngumiti. "Happy New Year."

Mabilis na lumipas ang panahon. At 1st wedding anniversary na namin ni Hale. Parang ang saya lang ng mga nakaraang pangyayari sa pamilya namin. At walang problema... At ngayon nga isang taon na kaming mag-asawa ni Hale. It's been a year since we got wed. At wala na akong masabi sa maayos na pagsasama namin ni Hale...

Pero hindi pala talaga palaging madali ang buhay...

"Ah...Hale..." I moaned his name.

Earlier this evening we went to eat out and have a date for our anniversary. Nag-effort si Hale sa kinainan namin na pina-reserved niya at may music din.

Pagkatapos ay medyo na late na rin kaming umuwi sa bahay at tulog na ang mga bata. Dumeretso na rin kami ni Hale sa kwarto namin. And ended the beautiful night making love to each other again.

"Who was that?" Hale asked as soon as I got inside his car.

"Ikaw pala ang susundo sa akin ngayon, akala ko ipapasundo mo lang ako kay Manong Lucio?" Tinutukoy ko ang driver namin.

"Answer my question."

Natigilan ako sa inakto ni Hale. Nanatili ang tingin ko sa kaniya. "Uh, kaklase ko lang..."

He sighed and then started maneuvering his car. Tinapos ko na rin ang paglalagay ng seatbelt ko. Nagsalita muli siya habang nagmamaneho. "I'm sorry. Akala ko kasi kung sino..."

"Wala lang iyon, Hale. Kaklase ko lang at may tinanong lang sa akin."

"Do you often converse with your male classmates?" he asked. His eyes were on the road.

Umiling naman ako. "Hindi...kanina lang, uh, may tinanong nga lang about sa isang subject namin..."

He just nodded while his eyes were still focused on the road. Bumaling na rin ako sa harap namin. And then we both went quiet until we reached home... Wala na rin kasing sinabi si Hale pagkatapos.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro