Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

17

Read up to Chapter 30 now on my Patreon creator page Rej Martinez and/or my Facebook group (just message my  Facebook account Rej Martinez to join). For 150 PHP monthly membership read the latest updates in my ongoing stories, and read complete and exclusive stories there. Thank you for your support! It will able me to continue writing you more stories to read, and keep me doing what I love. God Bless. Stay safe!

Chapter 17

Social Climber

I gave Hale a kiss on the cheek after I went in his car. Sa university ako ngayon pumasok at si Hale mismo ang sumundo sa akin pagkatapos ng klase ko at hindi ang driver.

Hale smiled. "How was your class?"

"Okay naman, konti lang kami na pumasok kanina. Pero may ilang classmates akong nakakausap na." I smiled happily.

Bahagya namang kumunot ang noo ni Hale habang nagmamaneho. "Boys?"

Bahagya rin kumunot ang noo ko. "Hindi, mga babae ko lang na kaklase."

Hale smiled. "Good."

Ngumiti na lang din ako.

"Uh, Hale...?"

"Yes, hon, what is it?" Hale looked relaxed as he drives.

"Uh...ayos lang kaya kung..." Medyo nagdadalawang-isip pa ako na sabihin sa kaniya. Kasi baka hindi siya pumayag. Kasi nakakapag-aral na nga ako. At okay din naman sa bahay na pinupuntahan lang ako madalas ng profs ko at minsan lang ang ganito na pumapasok din ako sa university. Pero kasi...parang nakakatuwa rin kanina na mag-aral tapos may mga kasama ako at nag-aaral kami ng sabay.

"What is it?" Sinulyapan na ako ni Hale nang medyo natagalan na ako sa pagsasabi ng gusto kong sabihin.

"Uh! Kasi...ayos lang kaya kung huwag na lang akong puntahan ng mga professors sa bahay natin... 'Tapos sa university ko na pag-aaralan ang lahat sa course ko..."

Hindi agad nakasagot si Hale hanggang sa makarating na kami sa Casa Salcedo. Malapit na rin naman kami sa bahay. Naunang lumabas ng sasakyan sa akin si Hale. Pagkatapos ay umikot siya para pagbuksan ako ng pinto ng kotse niya.

Hinawakan ni Hale ang kamay ko habang papasok na kami ng bahay. "You mean...you want to go to your university regularly?"

Bumaling ako kay Hale at marahang tumango. "Ayos lang ba...?"

Hindi agad tumango si Hale pero kalaunan ay unti-unti rin siyang tumango and I smiled widely. He smiled too seeing my smile.

Pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa pagpasok sa bahay. Sinalubong din kami ni Hale ng kambal na pinangunahan ni Angel. "Mommy!"

"Angel!" Bumitiw ako kay Hale para salubungin din si Angel.

"Daddy." Angel kissed Hale's cheek, too, pagkatapos niya rin humalik sa akin. She's really a sweet child.

"Dad...Mom." Gelo greeted us, too.

I smiled to him.

Since then I entered the university regularly.

One time a classmate noticed and saw me with Hale. Nakita nito na sinundo ako ni Hale sa university.

"Lizette, boyfriend mo ba iyong sumundo sa 'yo kahapon?" She asked me. Aniya sa akin noong nakaraan pa ay scholar daw siya dito sa university.

"Uh, hindi ko boyfriend... Asawa ko iyon." I smiled.

Nanlaki naman ang mga mata ng kaklase ko. "Kasal ka na?!" Mukhang nagulat siya.

"Oo," ngiti ko pa rin.

"Hmm." Mukha siyang nag-iisip. "Halatang mayaman iyong asawa mo, ah..." Pagkatapos ay parang pinakatitigan pa niya ako.

"Ang sabi mo sa bahay ka lang noon nag-aaral." aniya.

Nasabi ko nga iyon sa kaniya isang beses na nagtanong siya kung bakit ngayon lang ako pumapasok na talaga sa klase namin.

"Ang dami ninyong pera, ha, para professors pa mismo ang pumupunta sa bahay n'yo para lang turuan ka. Ang yaman siguro talaga ng asawa mo!" Tiningnan niya akong muli. "At ang bata mo pa para magpakasal... Para sa pera ba?"

"A-Ano?" Nagulat ako sa tanong. Hindi ko akalain na pag-iisipan ako ng ganoon...

Ngumiti siya sa akin. "Ayos lang, huwag ka nang mahiya! Magpakatotoo ka na! Parang normal na lang din naman ang maging social climber ngayon!"

Umiling ako. "Pero hindi naman kasi ganoon..."

Ngumiti lang siya sa akin.

"Hindi talaga..."

Pero parang hindi na niya ako papakinggan. At nakipag-usap na rin siya sa isa pa naming kaklase.

Mahirap na ring magpaliwanag sa taong ayaw na rin namang makinig sa 'yo at kontento nang naniwala sa kung ano na lang din ang tingin niya sa 'yo...

I never had friends before... Ang akala ko nga ay tuloy-tuloy ko na siyang magiging kaibigan... Kasi siya ang unang nakipag-usap sa akin...

But I didn't like what she thinks of me... I don't think a friend would have such thoughts for her friend...

Kahit na...siguro, oo nga naman, noong ginusto kong magpakasal kay Hale gusto ko lang din noon na iligtas niya ako mula sa panganib na sigurado akong dadalhin sa akin ng nakatatandang kapatid ni Tita Olga. I knew that Hale has the money and means to save me...

Pero ngayon ay halos nakalimutan ko na nga iyon. Dahil ngayon ay mahal ko na ng tuluyan si Hale at masaya na ako sa kanila ng mga bata.

I sighed.

"Gusto n'yo raw po makipagkita sa akin..." I sat face to face with Hale's mother-in-law.

Si Yaya Celsa ang nagsabi sa akin na gusto nitong makipagkita sa akin at sa lugar na ito na isang restaurant. We ordered food but we immediately talked about her reason to see me now while waiting for the food we ordered to be served.

"The doctor who checked you used to be my daughter's doctor, too."

Saglit akong napaisip at nakuha rin naman agad na siguro iyong doctor na tumingin at nagbigay sa akin ng pills noong nakaraan iyong tinutukoy niya.

Hale didn't mention it to me, siguro ay dahil iyon na rin ang nakilala niyang doctor kaya iyon na rin ang pinagkatiwalaan niya sa akin.

"I was informed that you're taking some pill, para hindi ka mabuntis..."

Unti-unti akong tumango. "Opo..."

She smiled like a story villain... "Ayaw pa ni Hale magkaanak...o ayaw niyang magkaanak sa 'yo..." She smiled more.

Kumunot naman ang noo ko.

"He's the one who brought you to the doctor, I see. Kasi siguradong kung ikaw lang gugustuhin mo talagang magpabuntis na agad sa kaniya para magkaanak na rin kayo." She looked displeased this time.

"Ano po...ang ibig ninyong sabihin?"

Umawang ang labi niya na parang nagugulat pa siya sa tanong ko. Was she thinking that I was being stupid? Dahil parang iyon ang nasa mukha niya... "Hindi pa ba obvious, hija? Siguro ay ayaw magkaanak ni Hale sa 'yo dahil nand'yan na naman sina Angel at Gelo. May tagapagmana na siya. And you're just his second wife. Hindi ko nga alam kung bakit nag-asawa pang muli si Hale. But I get it that he's still a man and he has needs..." Tiningnan niya ako.

"Naiintindihan ko si Hale at mahihirapan pa kung magkakaroon pa ng kahati sa mamanahin nila sina Angela at Angelo."

I don't quite get what she's talking about... It seemed as if she's being too fast to conclude... "Pasensya na po...pero, desisyon ko na huwag muna kaming magkaanak ni Hale sa ngayon... At kung iniisip po ninyo sina Angel at Gelo, para rin po sa kanila itong naging desisyon ko. Ayaw ko rin biglain ang mga bata lalo na at nag-a-adjust pa lang din sila sa pagdating ko sa buhay nila... And I don't think it would be just fine if bibigyan po namin ni Hale agad ng kapatid ang kambal." I smiled a bit to her.

Her lips parted. At hindi kaagad siya nakapagsalita. Pagkatapos ay bahagya siyang tumikhim, and composed herself.

Nauna na rin akong magpaalam sa kaniya kalaunan na may pasok pa ako sa university. Wala na rin siyang sinabi at hinayaan na ako.

I understand that she may not like me. Second wife nga lang naman ako ni Hale at nanay siya ng first wife. At hindi rin siguro talaga maiiwasan na mapag-isipan niya ako ng masama—she's seeing me as a threat to the twins' inheritance. At naiintindihan ko naman iyon. But I'm no evil stepmother to Hale's children. Napamahal na rin sa akin ang mga bata. At hindi naman ako mukhang pera.

I remember what my classmate just called me that other day—a social climber.

Parehong may rason siguro iyong kaklase ko at ang lola ng kambal para umakto sila ng ganoon sa akin. May rason sila para mapag-isipan din ako ng masama. But it's still not okay to just judge one person. No matter what your reasons are... Lalo na kung hindi mo pa rin naman ganoon kakilala ang isang tao. Ano ang karapatan mo para manghusga? Kung ikaw nga hindi rin kita hinuhusgahan at hindi natin alam kung mas may kasalanan ka pa pala sa akin...

They have their reasons to judge me that way... But they don't have the right to conclude that I am the person who they already think I am despite not really knowing me. I think I can't allow that.

"Lizette!"

Sinenyasan ko ang bodyguard na nagbabantay din sa akin dito sa university. Tipid itong bahagyang tumango sa akin at mabilis nang hinarangan iyong kaklase ko na akala ko ay magiging kaibigan ko rin...

Kaya hindi na siya nakalapit pa sa akin. I also don't converse with her anymore in our classes. Ayaw kong umakto pa rin na maayos kami kahit hindi na. Ayaw ko sa ginawa o sinabi niya.

Respect begets respect, they said. At huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin din sa iyo... And I think it's the same as showing people how they should treat you... Maging mabait ka at marunong rumespeto. At dapat ipakita mo rin sa iba na dapat ay respetuhin ka rin nila. Ngayon kung naranasan mo na ngang na mistreated ka...'tapos aakto ka pa rin na parang wala lang iyon... You just give other people the right to continuously treat you unfairly... Kaya dapat turuan mo rin sila sa kung paano mong paraan na gusto kang tratuhin...

Wala nang nagawa iyong kaklase ko at tiningnan na lang akong pumasok sa sasakyan na sumundo sa akin sa university matapos din akong pagbuksan ng pinto ng sasakyan ng driver na pinasundo sa akin ni Hale. Hindi niya kasi ako masusundo ngayon dahil busy siya sa trabaho at may dinner meeting pa sila ng business partner niya.

Sinabi ko rin kay Hale iyong tungkol sa pagkikita namin ng lola ng kambal at si Yaya Celsa ang nagsabi sa akin noon.

"You can't just command my wife to go and see anyone, and even without my knowledge. If it concerns my family you should let me know. I get it na mas sinusunod mo pa ang Mama kahit dito ka naman nagtatrabaho sa akin at ako nagpapasweldo sa inyo."

I just kept quiet beside Hale. And I did not interfere anymore... Habang pinagsasabihan niya si Yaya Celsa. I remember how the twins' nanny just told me to go and meet with the twins' lola because she wanted me to. They did not even ask me if I want to or if I could. Dahil parang kailangan na sumunod na lang ako at makipagkita.

"Hindi naman po sa ganoon, Sir Hale..." She looked really apologetic and scared of Hale now.

Nag-iwas na lang ako ng tingin.

"I already told Mama. You can go back and work to their house if she'd allow you to."

"S-Sir..."

Tinanggal ni Hale sa trabaho niya dito sa Casa Salcedo si Yaya Celsa.

And I did not stop him.

I think I'm still kind. Pero wala rin magandang maidudulot sa iyo kung masyado kang mabait. Maybe Yaya Celsa thought that I was kind to the point that she can just act that way towards me... And I can't allow that.

Kung hahayaan mo ang mga tao sa kung paano ka nila tratuhin masasanay sila at iisipin nilang ayos lang kung paano ka nila tingnan at gagawin pa nilang normal na lang iyon...

Hindi ko gagawan ng kasamaan ang ibang tao. Hindi rin ako maghihiganti... But I won't let people treat me unfairly...

Kaya nga nagawan ko ng paraan na para matulungan ako ni Hale at maialis ko ang sarili ko doon sa bahay nina Papa. Because I can't allow something horrible to happen to myself.

Sometimes we are just also the ones who cause ourselves misery...

"Yaya!" Angel cried when Yaya Celsa leave Casa Salcedo.

And when my eyes turned to Gelo...he looked at me with hatred in his eyes...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro