10
Read up to the latest chapters now on my Patreon creator page Rej Martinez and/or join my Facebook VIP group! Send a message to my Facebook Rej Martinez to join. For 150 PHP monthly membership you will have access to the latest chapters in my ongoing stories on both Patreon and Facebook VIP! You can also read my exclusive stories there! Thank you for your support!
Chapter 10
Or So I Thought
Ilang araw bago ang kasal ay pinasamahan ako ni Hale sa babaeng secretary niya na magpaayos ng buhok ko at iba pang bagay. I had my hair trimmed and treated why it became more shiny. Unang beses ko rin naayusan ng kilay. Ang sabi pa nga nila ay maganda na raw ang kilay ko kaya inayusan nalang ng konti. Nagpa-manicure at pedicure din ako pagkatapos ay nagpa-massage pa pagkatapos din magpa-body scrub.
"Note po ba 'yang sinusulat ninyo para sa groom, Ma'am?" Tanong sa akin ng nag-p-pedicure na ngayon sa paa ko.
Malinis at maganda itong Salon and Spa. At ang dami rin nilang inooffer na services. First time ko lang sa ganito at mukhang nakaka-relax pala. Nakakatuwa naman. Kung marami ka lang pera ay pwede mong dalasan ang pagpunta sa mga ganito. Lalo na siguro kapag stressed ka sa trabaho. You can do this sometimes to treat yourself, too, after working hard. You also deserve a reward. And I think this is a good reward for women.
"Ah, opo..."
Ngumiti ito sa akin bago muling nag-focus sa ginagawa niya. Mukhang nakikinig din pala siya sa pinag-uusapan namin ng sekretarya ni Hale.
Ang sabi kasi ng secretary ni Hale sa akin ay naghahanda raw ng letter si Hale na ibibigay niya sa akin sa araw ng kasal namin. Kaya naisipan ko na ring gawan din siya. Inuunti-unti ko na ngang isulat ngayon habang narerelaxed ako dito. At agad na rin akong may naisip na mga sabihin kay Hale sa letter ko para sa kaniya.
Mabait ang secretary ni Hale at nakakatuwa. Mas matanda siya sa akin ng ilang taon pero mabilis naman kaming nagkagaanan ng loob. May isa pang secretary si Hale na lalaki. Kung ganoon ay dalawa ang secretaries niya. Isang lalaki at isang babae.
"Ngayon ko lang nagawa ang ganito..." Nasabi ko habang tinitingnan kung paano maingat na inaasikaso ng manikurista ang mga kuko ko.
Nasa tabi ko lang ang secretary ni Hale habang inaayusan ako sa lahat mula sa buhok ko hanggang sa paa. "Naku, dalasan mo ang ganito, Ma'am. Kapag mag-asawa na kayo ni Sir Hale dapat ay palagi kayong fresh at maganda! Dahil kung hindi..."
Nakuha noon ang atensyon ko at mabilis na bumaling sa secretary ni Hale. Natigilan din naman siya sa pagsasalita at awkward na ngumiti sa akin.
"Ang ibig ko pong sabihin... Gwapo si Sir Hale, at marami ang ibang mga babaeng naghahabol sa kaniya..."
Mukhang natataranta siya sa mga sinasabi. She looked like she's in trouble. "Naku! Sorry, Ma'am. Hindi ko po maayos ang mga sinasabi ko. Kanina pa kasi ako nagdadaldal! Sorry, po..."
Mahilig nga siyang magsalita. At nakakatuwa naman. Kanina pa nga ako tumatawa sa mga kwento niyang kung ano-ano lang. Tungkol sa mga tita niyang palagi siyang tinatanong kung buntis ba siya dahil tumaba raw siya kapag nagkikita sila sa reunion ng pamilya. Pati tungkol sa nangangagat na aso ng kapitbahay nila at kung ano-ano pa.
"Pero huwag po kayong mag-alala! Alam ko namang kayo ang pinili ni Sir dahil kayo ang pinakamaganda!"
Hindi ko alam kung binobola niya lang ba ako dahil bumabawi sa mga nasabi kanina. Ang alam ko ay bagong secretary lang siya ni Hale. Kasi nag-resign na iyong dati dahil may edad na rin at secretary pa rin iyon ng Daddy ni Hale noon.
Alam kong kinuha siya ni Hale dahil magaling din siya sa trabaho at base pa sa kwento niya kanina ay mukhang nagtapos siyang top ng batch niya.
Ngumiti ako sa kaniya. "Ayos lang. Naiintindihan ko ang sinasabi mo."
She still looked in trouble. "Hindi po, Ma'am. Sorry po talaga dahil nasobrahan na naman ang bibig ko sa kakasalita."
Umiling lang naman akong nakangiti sa kaniya.
Naiintindihan ko. Kahit bago pa lang siya sa trabaho ay sila ng isa pang secretary ni Hale ang nagkakasama halos araw-araw dahil sa trabaho nila. At siguro ay nakikita niya kung paano ang ibang babae kay Hale.
"Ano ba ang ginagawa ng ibang babae kay Hale?" Nagtanong na ako.
"Naku! Wala naman po, Ma'am."
"Ayos lang. Gusto ko rin malaman... Ikaw ang nakakasama ni Hale sa trabaho kaya siguro nakikita mo."
She sighed and then she started talking. "Alam ko nang gwapo ang boss ko. Pasensya na, Ma'am, ah, pero kahit ako nagulantang din nang makita ko kung sino ang magiging boss ko sa pagtatrabahuhan!"
I just smiled.
She smiled like she's still in trouble but she continued, watching and seeing me waiting for the things she has to say. "Pero huwag po kayong mag-alala! Obvious naman na wala akong chance! Talong-talo na kami sa ganda mo, Ma'am!" aniya.
Kanina noong bago pa lang kami magkita ay pormal na pormal siya. Pero siguro nang makita niyang hindi naman ako istrikto ay nag-loosen up na rin siya. Ayos lang naman sa akin.
I think it's better if people are just being themselves in front of me...
Naiiling nalang ako na nakangiti pa rin dahil sa nakakatuwang paraan niya ng pagkukwento.
At ang honest niya rin. Kahit siguro medyo nasosobrahan na siguro siya minsan sa pagiging honest niya... Pero nakikita ko nang mabuti naman siyang tao.
"Pero iyong ibang mga babae, Ma'am, kahit alam naman na ng lahat na magpapakasal na si Sir Hale at may pamilya na ay ayaw pa rin paawat."
"Sino ang mga babaeng ito?" Kumunot ang noo ko.
Hindi na dapat nakakagulat dahil sa mukha at estado ni Hale pero nakakagulat pa rin talaga ang pagiging aggressive ng ibang babaeng sumusubok pa rin lumapit sa isang lalaking pamilyado na.
"Naku, minsan anak ng client o miyembro pa ng board."
"Talaga?"
"Opo! Napapataas na nga lang ang kilay ko sa meetings kapag nakakasama ako sa loob."
"Hmm." Napaisip naman ako. Pwede ko kayang makilala ang mga babaeng ito? Pwede ba akong sumama sa opisina nina Hale?
I sighed inside. Hindi ko naman siguro pwedeng masyadong pakialaman si Hale...
"Pero huwag po kayong mag-alala! Nakikita ko namang loyal sa inyo si Sir Hale!"
Ngumiti lang ako kay Miss Hara.
"Hindi naman." Hindi naman ako nag-aalala...
Her eyes widened a fraction.
I elaborated my answer a bit more. "Kilala ko naman si Hale... Alam ko kung anong klaseng tao siya." Walang ibang pinakita sa akin si Hale hanggang ngayon kung 'di kabutihan.
Unfair naman siguro sa kaniya kung huhusgahan ko na siya agad after hearing some things from Miss Hara at their office.
Ngumiti nang malapad si Miss Hara habang nakatingin sa akin.
"Mas matanda po ako sa inyo sa edad pero ang matured n'yo po mag-isip!" She looked amazed.
Ngumiti lang naman ako sa kaniya.
"Salamat sa pagsama sa akin, Miss Hara." I thanked her after the day ended and I really feel better about myself after all those pampering.
"You're welcome, Ma'am Liz! Pasensya na po ulit sa bibig ko. At salamat din po. Ang bait ng magiging asawa ni Sir Hale. Bagay na bagay po kayo ni Sir, Ma'am."
Ngumiti lang ako sa kaniya. And then after that pumasok na ako sa bahay while the company vehicle where Hara was in left to return to the office.
Hinintay rin namin ng mga bata na dumating si Hale bago sabay-sabay muli kaming apat na kumain ng dinner.
At pagkatapos ng dinner ay naglakad-lakad muli kami sa garden namin. And this time niyaya ko na rin ang mga bata. Wala namang pasok sa school kinabukasan kaya ayos lang siguro na huwag muna silang gumawa ng homework ngayong gabi. Sumama naman sa amin ni Hale sina Gelo at Angel.
I was happy. Being at Casa Salcedo and being with Hale and the twins made me happy. Kahit sina Manang ay napapasaya ako. I feel like I've been so much blessed and I couldn't ask for anything more. Masaya na ako sa mayroon ako ngayon at malayo na ito sa dinanas ko sa bahay ng mga Chavez. Kanila Papa at sa pamilya niya.
Hindi ko pa nga pala sila nakukumusta... Pinabigay lang ni Hale ang invitation sa wedding namin. At mukhang pupunta naman sina Papa, Tita Olga at Ella.
"I think you two should start calling your Tita Liz Mommy. Dahil malapit na rin ang kasal namin and she will be my wife." Hale told his children.
Natigil kami sa paglalakad sa garden. Bumaling din ako kay Hale at sa mga bata. The twins just nodded their head to their dad.
Pagkatapos naming makabalik sa loob ng bahay ay hinatid pa ako ni Hale sa kwarto ko. Doon ko naman siya kinausap. "Hale, ayos lang ba iyon sa mga bata?"
"What?"
"Iyong sinabi mong pagtawag nila sa akin ng Mommy... Kasi baka naaalala pa rin nila ang Mommy nila, Hale... At hindi sila komportable na tawagin din akong ganoon."
Hale just shook his head. And then he smiled at me. "Don't worry about it. Tanggap na naman ng mga bata na magiging mag-asawa na tayo, Liz. So it's normal for them to call you their Mom after our wedding."
Unti-unti nalang akong tumango sa sinabi ni Hale. "I promise I'll be a good mother to your children, Hale." I told him.
Hale smiled. Lumapit pa siya sa akin at marahan akong hinagkan sa noo.
The night before the wedding day ay sa hotel kami natulog. Mas malapit din kasi ito sa simbahan. At dito na rin nag-stay sa parehong hotel ang mga staff at organizers bukas ng wedding.
The day of the wedding binigay ko na rin kay Hale ang note o letter na ginawa ko para sa kaniya. When I asked him about it the other night he said that his male secretary just told him about it, too. Dahil hindi naman daw siya gumawa nito noon...
Pinabigay na rin ni Hale ang letter niya rin para sa akin. And I've read it while I was all ready for the long aisle later and was just waiting inside the hotel suite.
Simple lang ang letter na bigay sa akin ni Hale at halos kapareho lang din ng sinulat ko para rin sa kaniya. Pareho lang kaming nagpapasalamat sa isa't isa sa mga sulat namin. Tingin ko dahil iyon naman talaga ang nararamdaman namin pareho. We're grateful for each other...
Kinunan pa ako ng dagdag pang pictures bago kami lumabas na sa hotel suite para makababa na rin sa naghihintay na wedding car na magdadala sa akin sa simbahan.
Inside the luxurious car I was holding Hale's letter in my hands while I wait for the car to stop in front of the huge church.
At nang makatapak na ako sa aisle matapos buksan ang malalaking double doors ng simbahan at nagsimula na rin ang wedding song habang unti-unti akong naglalakad patungo kay Hale sa altar, wala na akong ibang makita at maisip kung 'di si Hale at ang lahat ng mga kabutihang pinakita niya sa akin.
Kanina lang ay medyo kinabahan pa ako dahil maraming tao ang simbahan at hindi ko kilala ang lahat. But now I realized that all I need was to focus my attention to Hale who was patiently waiting on the altar for me and handsome in his white wedding tuxedo.
Kaming dalawa ay parehong nakaputi habang ang entourage namin ay nakasuot ng color royal blue dresses at suits lahat.
Ang ganda ng wedding namin ni Hale. Ang linis, ang neat at makikitang talagang pinaghandaan ang lahat ng detalye...
Ito na ang kasal namin ni Hale. Pagkatapos nito ay magiging opisyal at legal na kaming mag-asawa. Sa mata ng mga tao at batas, at sa mata ng Diyos. Manunumpa kami ngayon ni Hale sa lahat na magiging mabuting asawa sa isa't isa...
And I thought to myself that I was ready for this...
Or so I thought...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro