08
Read up to the latest chapter now on my Patreon creator page Rej Martinez and/or message my Facebook Rej Martinez to join my Facebook VIP group! Thank you!
Chapter 08
Wedding and Marriage
I stood in the middle of the garden that now blooms with many different flowers. And it made me happy. Napalingon ako sa second floor ng mansyon at naabutang nandoon si Gelo sa may balcony at mukhang pinagmamasdan din ang mga bulaklak. The balcony showed a nice view of the garden.
Lumipat ang tingin sa akin ni Gelo. Sinubukan ko siyang ngitian kahit medyo malayo rin ang distansya namin. And as expected he did not return my smile and instead turned his back at my direction and went inside. I sighed. Hindi ko alam kung hindi lang din ba niya nakita ang ngiti ko sa kaniya dahil medyo malayo din naman ang distansya namin mula sa kinaroroonan ng isa't isa.
"Hale, tapos na nga pala ang trabaho sa garden." Pagpapaalam ko kay Hale isang araw. "Gusto n'yo ba ng mga bata na maghanda ako ng picnic natin doon?" I smiled.
Ngumiti rin si Hale at agad na sumang-ayon. "All right. I'll tell the kids."
Masaya akong tumango kay Hale.
Kaya pagdating ng linggo ay iyon ang inasikaso namin nina Manang. Naghanda kami ng isang picnic sa garden lang ng Casa Salcedo.
Walang trabaho si Hale at wala rin pasok sa school ang mga bata. Kaya perfect iyon para makapag-bonding kaming apat kahit hindi na aalis pa ng bahay.
"Angel, Gelo, what would you say to your Tita Lizette?"
Napatingin ako kay Hale nang magsalita siya pagkatapos ay nilipat ko rin ang tingin sa dalawang bata. Ngumiti ako sa kanila nang bumaling din sila pareho sa akin.
"Thank you..." Gelo looked away after saying it.
"Thank you, tita..." si Angel naman.
Lumaki pa ang ngiti ko sa kanilang dalawa.
And then the four of us continued to spend time together at our prepared little picnic at home.
My life at Casa Salcedo with Hale and his children continued. Patuloy din ang paghahanda namin para sa kasal. Kahit busy pa rin si Hale sa pagtatrabaho at halos araw-araw din na pumapasok sa school ang mga bata. Ako rin naman ay may ginagawa sa bahay lalo kapag nand'yan ang professors ko para sa pag-aaral ko rin.
At sinisiguro pa rin ni Hale na sabay-sabay kami palagi ng mga bata kahit sa pagkain nalang ng dinner dahil busy.
"You cooked all these?" Hale asked.
Medyo nahiya naman ako at pinamulahan ng mukha dahil masyado yatang nag-expect si Hale? Napatingin din sa akin ang mga bata. "Uh, tinulungan ako nina Manang Lucille na ihanda ang mga ito..." sagot ko naman.
Hale nodded and smiled at me kaya napangiti rin ako. While the kids just continued eating their food.
At pagkatapos ng dinner as usual na parang nakasanayan na rin namin gawin ni Hale ay naglakad-lakad muna kami sa garden pagkatapos kumain para na rin matunawan sa kinain. Bago tuluyang magpahinga na rin sa mga kwarto namin.
"Thank you for working so hard, Liz." Hale said.
Tumingin ako sa kaniya. "Naku, wala lang ito, Hale." Winagayway ko pa ang dalawang mga kamay ko sa harapan niya para ipakitang wala lang talaga. Nakakahiya naman na pinapasalamatan pa ako ni Hale gayong tingin ko naman ay responsibility ko rin ang pag-aasikaso rin sa kanila ng mga bata.
Umiling naman si Hale. "Still, thank you." He smilingly said.
Nanatili ang tingin ko sa kaniya, sa guwapo niyang mukha. "Thank you rin, Hale." I said sincerely. And I'm really grateful to him. He's been nothing but kind and gentle to me all this time.
My male professor in his late 40s was on his desk as he seriously checked my last works through his eyeglasses. Habang ako naman ay sinasagutan ang bagong set ng tests. Nang pareho kaming mapatingin sa pintuan nang makarinig ng pagkatok doon.
I was greeted by Hale's bright face with his smile. Agad din akong napangiti at pareho kaming tumayo ng professor para salubungin si Hale. "Hale." Nakangiting bati ko sa kaniya.
I think he came home earlier than usual today or is it already late? Na-late din kasi ngayon ng dating si professor dahil may emergency siya kanina.
"Mr. Salcedo." Prof. Ibañez also greeted Hale.
And Hale politely greeted the professor, too. "Good evening. Almost done?" he asked.
"Uh, yes, we're just checking her work..."
"Late na rin kami nakapagsimula ni Prof, Hale. Pinaalam ko na sa 'yo kanina sa tawag na may emergency si Professor Ibañez sa kanila." I reminded him.
Inayos ni Prof. Ibañez ang salamin niya sa mata. He's my major subjects Professor. "Thank you for your kind understanding, Mr. Salcedo."
Tumango naman si Hale sa propesor. "Yeah, it's all right, Sir. How's she doing?" Pangungumusta rin sa akin ni Hale.
Pinagbubutihan ko talaga sa pag-aaral ko. At willing din palagi sumagot sa mga questions ko ang mga professors. At tinutulungan din ako pati ni Hale kapag may hindi ako maintindihan sa mga subjects ko minsan. Sinasamahan pa nga niya akong gumawa ng assignments ko madalas sa library dito sa bahay namin.
"She's been doing good. She's also a quick learner..." My professor commented.
"Yes, she is." Bumaling at ngumiti sa akin si Hale.
Ngumiti rin ako sa kaniya. Of course I really work hard with my studies. Kaya nga nakakapag-aral na rin ako ngayon sa isang course na napili ko at hinayaan din ako ni Hale. I'm now taking a business course. I am just trying thinking that I could be of help to Hale's business too one day. Para may katuwang siya. At nakikita kong hindi madali ang pagtatrabahong ginagawa niya.
"Thank you, Prof." Hale thanked my professor.
Pagkatapos ay hinatid na rin namin ito sa labas sa sasakyan nito para makauwi na rin after our class ended today. Hale and I also invited the busy professor to dinner in our home but Professor Ibañez politely declined dahil may importante pa siyang pupuntahan.
"Saan kayo ikinasal ni Faye?" Natanong ko while we were selecting the venue for our wedding.
Tumingin din sa akin si Hale. Hindi siya agad nakasagot. So I thought my question might be uncomfortable for him. Napangiwi ako sa sarili at agad na binawi ang tanong. "Ah! Ang ibig kong sabihin kung gusto mo bang traditional na sa simbahan tayo ikasal, o sa ibang lugar..."
"Why? Do you have a specific place in mind where you want to get wed?"
Mabilis naman akong umiling at kinaway-kaway ang dalawang kamay ko sa harapan niya. "Wala, Hale. Ayos na rin ako sa church wedding." I answered quickly.
"Are you sure?"
Maagap akong tumango-tango kay Hale. "Oo!" And then I bit my lower lip.
I saw Hale smirking or smiling while looking at my face. "All right... Just tell me if you have any other suggestions for our wedding, 'kay?"
Tumango ako. "Oo...uh, thank you, Hale."
Umiling siya. "It's nothing. Just tell me."
Tumango ako.
Kaya naman pinuntahan na namin ni Hale ang simbahan kung saan kami ikakasal. Hindi tagarito ang pamilya ni Faye at sa Manila sila nagkakilala ni Hale kung saan sila nag-aaral noon sa isang prestihiyosong eskwelahan. Kaya sa isang kilala rin na simbahan sa Maynila sila kinasal noon at umuwi lang dito sa Vigan pagkatapos.
Kami naman ni Hale ay dito sa Vigan magpapakasal... "Gusto mo ba na dito ikasal sa hometown mo?" I asked him.
Hale looked at me and we both stopped on our steps. We were currently inside the quiet church that we visited as the location of our coming wedding. Humarap kami ni Hale sa isa't isa sa gitna ng tahimik at malaking simbahan. We stood in the church's aisle facing each other.
"You can tell me if you want to get married somewhere else..."
Inilingan ko si Hale. "Okay na dito, Hale. Maganda itong simbahan at malaki." Nakangiti kong nilibot ang tingin sa loob ng simbahan bago ko binalik ang tingin ko kay Hale. Nginitian ko rin siya. "Gusto ko lang malaman kung gusto mo rin ba talaga na dito ikasal sa Vigan." Tumigil din ako at umiling sa sarili. "Sabagay ay ito ang hometown mo." I smiled to Hale.
Bahagya na rin siyang napangiti. "Yeah... I think. Is it okay with you?"
Tumango ako. "Oo naman. At, Hale... Tingin ko...napapamahal na rin sa akin ang lugar na ito." I told him honestly.
Dahil simula noong dinala ako ni Hale dito sa Vigan pakiramdam ko gumaan ang lahat sa buhay ko... Parang nakalaya ako... Para akong nagkaroon ng matatawag ko nang tahanan.
Ngumiti pa ako sa kaniya habang naiisip ito.
Nabigla pa ako nang hawakan ako ni Hale at nilapit sa katawan niya. He made my head comfortably rest on his chest as he gently wrapped his arms around me and hugged me.
Lumaki pa ang ngiti ko at unti-unti na rin siyang niyakap pabalik.
"Hindi madali ang pag-aasawa." Sabi sa akin ni Manang Lucille isang araw habang nagkukuwentuhan lang kami sa mansyon ng mga Salcedo at nasa trabaho pa si Hale habang nasa school din nila ang mga bata. "Palagi nga nilang sinasabi na hindi ito parang kaning isinubo na iluluwa mo kapag napaso ka..."
Seryoso lang akong nakikinig sa sinasabi sa akin ni Manang. Alam kong kailangan ko rin ito lalo at nalalapit na ang kasal namin ni Hale.
"Naalala ko noong nabubuhay pa ang asawa ko..." And then she started reminiscing about her late husband.
Manang Lucille was once married. Dito rin noon sa Casa Salcedo nagtatrabaho ang asawa ni Manang. Isa ito sa mga pinagkatiwalaang tauhan ng pamilya Salcedo.
"Pero maaga rin siyang kinuha sa akin..." Manang continued.
Kung tama ang pagkakaalala ko ang alam ko ay namatay sa sakit sa kalusugan ang husband ni Manang. Nalungkot ako sa kwento ni Manang Lucille.
Nabiyayaan din ng dalawang anak sina Manang na may sarili na rin mga pamilya. Minsan ay umuuwi lang din si Manang sa mga anak niya para mabisita rin ang kaniyang mga apo.
Seryosong tumingin sa akin si Manang. "Hindi madali ang pag-aasawa. Maaring maayos pa sa ngayon na hindi pa kayo ikinakasal..." Ngumiti sa akin si Manang. "Pero may mga bagay na maaring magbago kapag mag-asawa na ang dalawang tao. Maaring sa loob ng kasal pa lang pala ninyo madidiskubre ang ibang bagay tungkol sa isa't isa."
Mataman akong tiningnan ni Manang. Habang napapaisip din naman ako sa mga sinasabi nito sa akin. I should pay attention because this will benefit me too.
Ngumiti lang ako kay Manang Lucille. I am grateful that I have someone like her here to talk with about this thing like marriage.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro