07
Read up to Chapter 12 now on my Patreon creator page Rej Martinez and/or my Facebook VIP group, please message my Facebook account Rej Martinez to join. Thank you!
Chapter 07
Asscher
"Hale...ilang taon ka noong pinanganak ang kambal...?"
Tumigil kami sa paglalakad muli sa garden pagkatapos ng dinner upang harapin ang isa't isa. Tumingin sa akin si Hale at nagkatinginan kami. Ilang sandali pa bago siya sumagot. "I was...18...and Faye was 17 when she got pregnant with Angelo and Angela." sagot niya.
Sa kasalukuyan ay 10 na ang kambal. Kung ganoon ay 28 na si Hale.
Marahan naman akong tumango. Maaga pala talagang naging magulang sina Hale at Faye. "At nagpakasal kayo pagkatapos...?"
"She was also turning 18 at that time so we got married... Why do you ask?"
Medyo nahihiya naman akong ngumiti kay Hale. "Curious lang..."
Pagkatapos noong huling usapan namin ni Yaya Celsa ay tungkol nalang talaga sa kambal ang naging mga topics namin tuwing nag-uusap. Gusto ko rin naman iyon dahil nakatutulong din sa akin na mas makilala pa ang mga bata sa pamamagitan ng pag-alam sa mga gusto at ayaw nila sa tulong ni Yaya Celsa.
Tumango lang si Hale at nag-iwas ng tingin. Pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa paglalakad sa garden na unti-unti na rin naayos pa. Napangiti ako habang nakikita ang ilan pa lang na mga bulaklak na nilagay ko dito sa garden.
Tumigil muli sa paglalakad si Hale kaya natigil din ako. I looked up to him and he was already looking at me, too. Mukha pang namomroblema ang hitsura niya noong una kaya bahagya rin nangunot ang noo ko sa reaksyon niya. Pagkatapos ay may kinuha at nilabas si Hale mula sa bulsa ng dark slacks niya. Napatingin din ako doon.
"I'm not sure if this is at the least the correct place. I've been wanting to give you this..." Pagkatapos ay sunod niyang pinakita sa akin ang isang maganda at eleganteng engagement ring!
Nanlaki ang mga mata ko at umawang ang labi. Binalik ko ang tingin ko sa mukha ni Hale habang kinuha naman niya ang kamay ko at marahang sinuot sa ring finger ko ang medyo mabigat na singsing. Binalik ko ang tingin ko sa singsing at ilang sandali iyong pinagmasdan. The asscher cut diamond ring sparkled on my finger.
Pagkatapos ay napatingin ako sa paligid namin ni Hale. It was already evening but the moon was pretty bright. At maliwanag pa rin talaga sa garden dahil sa mga ilaw. Relaxing din ang mga halaman sa garden. Nag-angat muli ako ng tingin kay Hale at ngumiti sa kaniya.
He smiled, too.
And then we started the planning and preparations for our wedding. First we determined the budget that according to Hale ay walang problema iyon as long as masunod ang gusto naming wedding. The wedding coordinator looked very pleased. And then we made the guest list.
Wala na halos malapit na kamag-anak sina Hale kaya mostly ay mga kaibigan o business partners niya ang imbitado namin. Invited din ang Mayor at Vice Mayor. At kahit sina Papa ay iimbitahan niya rin kung gusto ko lang daw. Naisip ko naman sina Papa. Kumusta na kaya sila nina Tita Olga at Ella? Sa huli ay sumang-ayon ako kay Hale na padalhan din ng wedding invitation sina Papa. Kahit paano ay pamilya ko pa rin sila. Wala na nga lang akong narinig sa kanila simula noong umalis ako sa mga Chavez.
May bisita sa Casa Salcedo habang wala si Hale at nasa trabaho pa. Pero agad din siyang tinawagan ni Manang habang ako muna ang humarap sa mga dumating. Doon ko lang din nalaman na parents ni Faye iyon...
"Where's Hale, Lucille?" Faye's elegant and beautiful mother despite her age turned to Manang Lucille.
Bahagyang yumuko si Manang dito. "Nasa trabaho pa, po." Manang politely answered.
"At ang mga bata?"
"Nasa school pa rin po nila."
And then her strict eyes turned to me. "And who are you?"
"Uh... Ako po si Lizette Chavez..."
"Si Ma'am Lizette po ang fiancée ni Sir Hale." sagot din ni Manang.
Nanatili sa akin ang tingin ni madam. Nagkatinginan din kami. Halos tingnan din ako nito mula ulo hanggang paa. Simple lang ang ayos ko. Gaya lang sa nakasanayan kong bestida. Pero isa itong dress sa mga bago ko at bigay sa akin ni Hale. Luma na rin kasi talaga iyong mga damit na dala ko galing pa sa mga Chavez kaya unti-unti ko na rin sinusuot at ginagamit ang mga bigay sa akin ni Hale.
May sasabihin pa sana ito pero dumating si Hale na mukha pang nagmadaling makauwi. "Mama," he called Faye's mother. And then his eyes also searched for me. Bahagya ko na rin siyang nginitian dahil tingin ko ay kailangan niyang mapanatag... At mukha nga rin siyang nakahinga nang makita ang pagsalubong ko rin sa kaniya ng ngiti.
"Papa, you're here."
Tumango naman kay Hale ang mukhang seryosong Papa ni Faye. "Yes, Hale."
"Hijo, we heard that you're getting married again..." Lumapit na rin kay Hale ang dating mother-in-law niya.
Hinarap ni Hale ang mag-asawa. "Will you stay longer and wait for the kids?" Hale asked.
Tumango si madam. "Yes, bumisita rin talaga kami para sa mga bata. How are they?"
Nagtawag si Manang ng iba pang kasambahay para maghanda ng pagkain. "Tea will be fine for me, Lucille." bilin ni madam kay Manang.
Tumango naman si Manang Lucille dito at iniwan na muna kami nito. Hindi ko naman alam kung mananatili ba ako rito o... "Gusto rin naming makilala ang babaeng pakakasalan mo, Hale..." Napatingin ako sa Mama ni Faye nang sabihin niya ito.
Hale held me and made me stay by his side as we both faced Faye's parents. Medyo hindi ako naging komportable nang pagmasdan ako ni madam. Pagkatapos ay nagsalita ito. "She look young, Hale. Ilang taon ka na, hija?"
"Uh, nineteen na po ako." Malapit na rin naman ang birthday ko kaya iyon na ang edad na sinagot ko.
Medyo nabigla naman ito. Pagkatapos ay bumaling siya kay Hale. "Hijo... How's the twins with this?"
"As long as they respect Lizette. Since she will be their mother, too." sagot lang ni Hale sa ginang.
Nakita ko sa mukha ni madam na mukhang hindi niya nagustuhan ang sagot ni Hale. Nagsimula naman akong makaramdam ng kaunting tensyon... Paano kung ayaw pala nila sa akin...? O ayaw nila na ikasal sa ikalawang pagkakataon si Hale? Kahit tatlong taon na rin simula noong nawala sa isang aksidente ang anak nila... Paano kung ayaw din nila sa akin para maging ina sa kambal...?
"Are you still studying, hija?" she asked me instead.
I turned to Hale beside me. Tumingin din siya sa akin. "Yes." Si Hale na ang sumagot para sa akin.
Ginawan ni Hale ng paraan para muli akong makapag-aral. Nagawang maging advanced lahat ng classes at subjects ko. Halo rin ang paraan ng learnings ko. Minsan ay pumupunta ako sa eskwelahan pero madalas ay nasa bahay lang din ako nag-aaral through online at pinupuntahan din dito ng mga guro. Sa office study kami ni Hale nagkaklase. Iyon ang naisip na paraan ni Hale at ayos lang din naman sa akin. Masaya na nga ako na nakakapag-aral ako ngayon.
Naputol ang usapan nang dumating na rin ang mga bata. Angel and Gelo ran to their grandparents. Agad naman natuwa ang mag-asawa nang makita ang kanilang mga apo. Napangiti na rin ako habang napagmasdan ang pagkikita nila.
The old couple spent time with their grandchildren. Sa bahay na rin sila nag-dinner at sinamahan pa sina Angel at Gelo ng kanilang Lolo at Lola until they were tucked in bed. May pasalubong din ang mag-asawa sa mga apo dahil galing lang din pala sila sa ilang buwan ding pagbabakasyon sa ibang bansa.
"Aalis na kami, hijo. Na miss namin ang mga bata. Dadalaw nalang muli kami sa susunod na araw." Tumingin din ito sa akin. "Mag-usap nalang din tayo sa susunod." Mukhang napagod na rin ang mga ito sa pakikipaglaro sa mga bata.
"Thanks for visiting the kids, Mama, Papa. Angel and Gelo was sure happy to see you." Halos pormal pa rin na sinabi ni Hale sa mag-asawa.
Pagkatapos ay hinatid na namin ang mga ito ni Hale sa labas kung saan naghihintay ang driver nila at sasakyan. Mayaman din ang pamilya ni Faye. Kung hindi siguro laki rin sa karangyaan si Hale ay baka pa nga hindi payagan ng mga ito ang anak nila na maagang nag-asawa...gaya ng minsang nasabi sa akin ni Yaya Celsa.
"Are you okay?"
Bumaling ako kay Hale nang makaalis na ang mag-asawa. Tumango naman ako sa tanong niya at ngumiti sa kaniya. Ayos lang naman ako kasi nandito siya.
Hale took my hand and held it. And then he brought my hand to his lips and gently kissed it. Nasa kamay ko ring ito nandoon ang singsing na bigay niya sa akin. I smiled upon his gentle and sweet gesture.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro