06
Chapter 06
Faye and Yaya Celsa
Natuloy nga kami ni Hale at ng mga bata sa pamamasyal sa mga sikat na pasyalan sa Vigan. Dinala ko na rin ang phone ko na bigay sa akin ni Hale para makapag-picture din for memories. Kasama din namin sina Yaya Celsa para may tumingin din sa kambal bukod pa sa driver at ilang bodyguards. Palaging may kasamang driver/bodyguard si Hale kapag umaalis siya ng bahay at pupunta sa trabaho o kung saan pa. Maging ang mga bata ay may bodyguards din sa pagpunta nila sa school. I think it's understandable since Hale wasn't a small time businessman. His company was already big aside pa sa mga minana niya rin na mga ari-arian sa pamilya niya.
"Give me your phone, I'll take your pictures." ani Hale.
Medyo nahihiya naman akong binigay sa kaniya ang phone ko. We were currently at Calle Crisologo. Ako pa talaga ang nag suggest na pumunta kami rito dahil nabasa ko na ito noon sa isang libro. Kilala ang Vigan for its well-preserved Spanish colonial town, historical tourist spots, at masarap din talaga ang pagkain at delicacies nila dito. Kaya nga pakiramdam ko ay busog na busog pa rin ako sa kinain namin kanina dito. Masarap ang Empanada nila 'tsaka Bagnet. Natuwa talaga ako sa pamamasyal namin.
Pumuwesto na ako doon matapos kong ibigay kay Hale ang phone. Pagkatapos ay kinunan na niya ako ng pictures. I just hope I wasn't too awkward in those shots dahil nahihiya rin talaga akong mag-pose. At siguro hindi rin ako marunong. Pero gusto kong magkaroon ng pictures that I can keep for memories.
"Here, look at it." Binalik sa akin ni Hale ang cell phone ko pagkatapos.
Tiningnan ko naman ang mga kuha niya sa akin na mukhang ang gaganda pa ng anggulo. Siguro ay pwede rin palang Photographer si Hale? Hindi ako familiar sa pagkuha ng pictures pero nakikita kong maayos naman ang mga kuha ni Hale. Ang talented naman niya. Kahit ang dami pang mga tao dito ay hindi iyon naging sagabal para makakuha siya ng magagandang pictures. Sana nga ayos lang talaga na nandito kami ngayon sa mataong lugar at hindi naman maging threat sa safety nina Hale at ng kambal.
"Sir Hale!" May iilang tao din na lumalapit sa kay Hale para bumati. May mga matatanda at mas bata rin. Kilala pala talaga ng mga tao dito ang pamilya nina Hale and they respect them. Napangiti nalang ako sa kabaitan na pinapakita ng tao kay Hale at sa pamilya niya. Tingin ko naman ay deserve din iyon ni Hale who was also politely giving back the kind greetings.
"I'm tired." Narinig kong reklamo na ni Gelo. At sinundan pa iyon ni Angel na nagsasabi na rin na pagod na siya. Sabagay ay mukhang kanina pa nga kami namamasyal.
Lumapit ako sa kambal at nginitian silang dalawa. "Pasensya na at mukhang natagalan tayo dito dahil sa akin... Uh, saan n'yo gustong sunod na pumunta?" I tried asking them.
Gelo shook his head. "I want to go home."
"Me, too." segunda rin ni Angel sa kakambal.
I sighed a little. And then I stood up properly after talking to them. Pagkatapos ay nilingon ko naman si Hale na mukhang tapos na rin makipagbatian sa mga tao. Lumapit na ako agad sa kaniya. Sinalubong naman niya ako. "Uh, Hale, pagod na ang mga bata kaya mas mabuti sigurong tapusin na natin ang pamamasyal at umuwi na..." I told him.
Hale looked at the twins who both looked away when their dad looked their way. Nang binalik sa akin ni Hale ang tingin niya ay ngumiti siya sa akin kahit mukhang may pag-aalala rin sa mukha niya. "Are you satisfied with today's visits to few places here? Konti pa nga lang ang napupuntahan natin."
Pero umiling na ako kay Hale. "Ayos na ako. Nag-enjoy na ako, Hale. Dapat siguro iuwi na natin ang mga bata at parang mas lalo pang dumadami na rin ang mga tao dito." I looked around.
In the end Hale nodded and agreed with us to home. Nang makauwi sa bahay ay agad lang nagkulong sa mga kwarto nila ang kambal. And it made me feel sad... Mukhang ako lang yata ang nag-enjoy sa pamamasyal namin ngayon.
"Don't mind the kids. Tagarito na sila sa Vigan kaya hindi na nila masyadong naaappreciate ang lugar... While it's just your first time here, right?" Hale gave me a reassuring smile.
Mula sa pagsunod ng tingin ko sa kambal na agad umakyat sa engrandeng hagdanan ay bumaling ako kay Hale at napangiti na rin.
"Maybe next time, mamasyal tayo na tayo lang." Hale said.
"Tayong dalawa lang?"
"Yes." Nakangiti siyang tumango sa akin. "So that you could enjoy more. Pasensya ka na sa mga bata for being a killjoy."
Maagap naman akong umiling-iling kay Hale sa sinabi niya at winagayway ko rin ang mga kamay ko sa harap niya. "Naku! Hindi, Hale! Ayos lang sa 'kin! Nag-enjoy na talaga ako. Hindi naman kasalanan ng mga bata at mukhang napagod lang talaga sila..." I didn't want to create any misunderstanding between Hale and his children. Kaya kung may magagawa ako para pigilan iyong mangyari ay hindi ako magdadalawang-isip na pigilan na agad iyon.
"All right, I'll just make some important phone calls for work. Katukin mo lang ako sa study if you need anything, 'kay?" bilin sa akin ni Hale.
Tumango lang naman ako at hinayaan na siyang magtrabaho kahit pa weekend. Sana ay hindi masyadong sinusubsob ni Hale ang sarili niya sa pagtatrabaho...
"Yaya Celsa, pwede po ba akong magtanong sa inyo ng tungkol sa kambal?" Ngumiti ako sa yaya ng kambal nang makita ko siya. Sinadya ko rin talaga siyang hanapin so that we could talk.
Ang sabi sa akin ni Manang Lucille ay pwede kong kausapin si Yaya Celsa ng tungkol kanila Angel at Gelo dahil ito ang pinakamalapit sa kambal.
Ngumiti rin naman sa akin si Yaya Celsa. "Ano po iyon, Ma'am?" magalang naman nitong tugon sa akin.
"Uh, may gagawin pa po ba kayo?" Ayaw ko rin makaistorbo kung may trabaho pa pala itong gagawin.
Umiling naman si Yaya Celsa at ngumiti pa. "Wala naman na po akong gagawin. Mukhang mahaba haba rin ang pag-uusapan natin tungkol sa mga bata?"
Maagap naman akong umiling at medyo nakaramdam ng hiya. "Ah! Hindi naman po..."
Nakangiti lang sa akin si Yaya Celsa at pumunta na kami doon sa may mauupuan at naupo doon. "Nagpapahinga pa ang kambal sa mga kwarto nila kaya may panahon pa po ako ngayon." Yaya Celsa gently said.
Ngumiti ako. "Mabuti naman po kung ganoon... Uh, matagal na po kayong nagtatrabaho sa mga Salcedo...?" I carefully asked.
Tumango naman si Yaya Celsa. "Opo, simula noong nag-asawa si Faye ay sumama na rin ako sa kaniya dito sa Casa Salcedo."
Si Faye ang namayapang asawa ni Hale. Gaya nga ng sinabi ni Manang Lucille ay si Yaya Celsa rin ang nag-alaga noon pa man kay Faye hanggang sa nagkaroon na rin ito ng sariling mga anak.
"Ano...po pala ang nangyari kay Faye..." marahan kong tanong. I think I just really cannot escape my curiosity...
Tumingin sa akin si Yaya Celsa. And I think she became more serious after I asked a question that's directly pertaining to Faye... Dapat ba ay hindi nalang ako nagtanong...? Mali pa yata itong nagawa ko ngayon... Pero nagsalita na rin si Yaya Celsa. "Alam mo na siguro na namatay si Faye sa isang aksidente..."
Maagap naman akong tumango. "Opo, uh, sa isang car accident..."
Yaya Celsa sighed a little and she looked at other things around. "Maagang nagbuntis noon si Faye. Hindi pa agad natanggap ng mga magulang niya. Pero nang nalaman nilang isang lalaking may kaya rin naman sa buhay at galing pa sa isang kilalang pamilya si Sir Hale ay pumayag din naman agad ang mga magulang ni Faye na ipakasal sila."
Yaya Celsa sighed again while looking at a furniture beside us. "Bata pa noon si Faye...at marami pa sana siyang pangarap, mga bagay na gusto niyang mangyari sa buhay niya. Pero sinantabi niya na iyong lahat upang maging ina sa dalawang bata at maging asawa kay Sir Hale."
Hinayaan ko lang si Yaya Celsa na magkwento at nakinig lang ako. Pero naputol din agad ang usapan namin nang magpakita si Manang Lucille doon. "Celsa, hinahanap ka na yata ng kambal." anito.
Tumayo kami ni Yaya Celsa at sinalubong si Manang. She apologetically smiled at me. The lines on both sides of her eyes wrinkled more when she smiled but it didn't make her smile look bad. Kapag nakangiti talaga sa akin si Manang Lucille ay mas nararamdaman ko rin ang kabutihan niya sa akin. At naaalala ko rin talaga sa kaniya si Nanay Pilar. Napaisip tuloy ako kung posible bang magkita pa rin kami uli ni Nanay? I wanted to see her again. She was like a mother or a grandmother to me while I was growing up. She once guided me and taught me things that I needed. Gusto ko siyang pasalamatan muli.
"Pasensya ka na, Ma'am Liz, kung naistorbo ko pa ang pag-uusap ninyo ni Celsa..." Bumaling din si Manang kay Yaya Celsa at mukhang nabawasan ang ngiti niya nang harapin ito.
"Naku, ayos lang po, Manang. Kung hinahanap na po ng kambal si Yaya Celsa ay dapat lang siguro na puntahan na niya agad ang mga bata. Pwede pa naman po tayong magpatuloy sa pinag-uusapan natin sa susunod?" Ngumiti ako kay Yaya Celsa.
Tumango naman ito. And then she politely excused herself to attend to the twins.
Habang napansin ko naman na sinundan pa ito ng seryosong tingin ni Manang Lucille hanggang sa nawala na sa paningin namin si Yaya Celsa. Nang bumaling sa akin si manang ay agad ako nitong muling nginitian. Ngumiti nalang din ako sa mayordoma nina Hale.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro