05
Read up to Chapter 11 now on my Patreon creator page Rej Martinez and/or my Facebook VIP group just message my Facebook Rej Martinez to join. Thank you!
Chapter 05
An Easy Life
Later on I learned how to use the gadgets Hale gave me. Hindi madali pero hindi rin naman mahirap. Nakikita ko na naman ito noon kay Ella at kanila Tita Olga at Papa. At minsan na rin akong nakahiram noon ng cell phone kay Nanay Pilar kahit hindi iyon ganito. Kaya natutunan ko lang din paano gamitin. I think as long as you can read it's easier to follow directions and manage devices. After all I wasn't born in the old times wherein gadgets was yet to discover.
Nagsabi nga ako kay Manong Jun sa naisip kong plano para sa garden. Nakinig lang naman sa akin ang hardinero at agad na sumunod. Tama nga si Hale na pwede akong humingi ng tulong sa mga tao dito sa Casa Salcedo.
I thought of planting many different flowers. To make the garden more colorful and alive. I wondered if Faye, Hale's deceased wife, had ever taken cared of the garden when she was still alive. But according to the younger maids here, hindi raw mahilig sa mga halaman ang mama na kambal. Ang pag-aalaga kanila Angel at Gelo at pag-asikaso kay Hale ang priority nito palagi noong nabubuhay pa ito. I thought that she must be a really good mother and wife to Hale.
Agad kong binalik ang pag-iisip sa garden. Mabuti na rin ito para may iba naman akong mapagkaabalahan lalo at palagi lang akong nandito sa bahay. Wala akong ibang ginagawa dito kung 'di ang kumain, matulog, at magbasa ng mga libro sa library...
"Magsisimula na po ba kayo sa gagawin ninyo sa hardin?" ngiti sa akin ni Manang Lucille.
Ngumiti rin ako sa mayordoma. "Opo. Um-order na rin ng mga kailangan. Kapag dumating iyon ay magsisimula na rin sina Mang Jun."
"Manang, alam n'yo po ba ang paboritong pagkain ng kambal?" I thought of ways para mapalapit na rin ako sa mga bata. Hanggang ngayon kasi ay parang wala pa ring pagbabago. Hindi pa rin kami nag-uusap ng kambal. At palaging nasa school din sila. Pakiramdam ko tuloy hindi ko nagagawa ang part ko sa usapan namin ni Hale.
"Oo naman... Pero kung gusto mong malaman ang mga bagay tungkol sa kambal para siguro mas makilala mo pa sila ay mas mabuting kay Celsa ka magtanong at siya ang talagang nag-aalaga kanila Angel at Gelo simula noong pinanganak pa lang sila."
Tumango ako kay Manang Lucille. "Sige po, Manang. Kakausapin ko po siguro mamaya si Yaya Celsa. Salamat, po."
Ngumiti lang sa akin si Manang.
Nag-usap pa kami ng konti tungkol sa garden hanggang bumalik na kami sa loob ng mansyon. Dahil nasa eskwelahan pa rin si Yaya Celsa na sinasamahan sina Gelo at Angel ay mamaya ko pa siguro siya makakausap o kapag walang pasok sa school ang mga bata at nandito lang sila sa bahay.
For now I prepared a simple snacks for the twins for when they will arrive later after school. Sanay din naman ako sa pagluluto dahil gawain ko rin ito noon sa mga Chavez.
When Angel and Gelo arrived sinalubong ko sila at niyayang mag-snack. Nagkatinginan pa ang dalawang bata at mukhang may pagdadalawang-isip pero sinabihan din sila ni Yaya Celsa na sumunod sa akin. Ngumiti ako kay Yaya Celsa.
"I don't like this." Gelo said pagkakita sa pagkain hindi pa man niya natitikman ang hinanda kong meryenda para sa kanila ng kakambal niya.
I looked at the food I prepared. It's just simple sandwich and juice. Ang sabi naman sa akin nina manang ay ayos din daw ito sa kambal.
"Me, too. I don't like it." Angel added to what her brother said.
They were both watching my reaction. I gave them both a smile instead. Ayos lang. Siguro ay nakapag-meryenda na rin sila sa school kaya busog pa sila. "Ayos lang. Ano ba ang gusto ninyong meryenda para magawa ko sa susunod?" ngiti ko sa kanila.
Gelo shook his head. "Nothing." he said coldly.
"Gelo," tawag ni Manang Lucille sa kaniya na nandoon din sa tabi ko.
"Ayos lang po, Manang. Uh, siguro pagod pa sila galing ng school. Aakyat ba muna kayo para magpahinga at makapagbihis na rin muna? Mamaya pa naman dadating ang daddy ninyo." I told them.
Pagkatapos ay dinala na muna sila ni Yaya sa Celsa sa mga kwarto nila.
I sighed. What should I do? Pero simula pa lang ito kaya walang dahilan para panghinaan agad ako ng loob. Ayos lang. Siguro ay magagawa ko pa rin namang pagaanin ang loob nina Angel at Gelo sa akin.
I was reading in the library while waiting for Hale to come home. Tutulong sana ako kanila manang sa pagluluto ng dinner pero sinabi nitong gumawa na ako ng snacks para sa kambal kanina. Kaya magpahinga nalang daw muna ako.
"I knew I'd find you here."
Nag-angat ako ng tingin sa boses. "Hale!"
He smiled and went to me.
"Dumating ka na pala. Uh, handa na ba ang hapunan? Tatawagin ko na rin ang mga bata sa kwarto nila."
"It's okay. Hayaan mo na sina manang. I actually want to talk with you about something, Liz..." he said.
Nakatingin ako kay Hale at ganoon din siya sa akin. "Ano 'yon?"
"Can we sit down first?"
Maagap naman akong tumango. "Oo naman." Bumalik ako sa sofa sa loob ng library kung saan ako komportableng nagbabasa kanina. "Ano'ng gusto mong pag-usapan, Hale?"
"How...really was your life back in your father's house?"
Hindi agad ako nakapagsalita sa kaseryosohan ni Hale. Ngayon niya pa lang ako tinanong nang ganito. Totoo ngang wala pa talaga kaming gaanong alam ni Hale tungkol sa isa't isa. Kahit pa mabait siya sa akin at kahit pa nakatira na ako ngayon dito sa bahay niya. Still we only knew few things about each other...
I looked down. But Hale was also quick to lift my chin up. We looked into each other. "Hey, it's okay. I'm sorry. You don't really have to tell me if you're uncomfortable." he told me.
I slowly shook my head. "Ayos lang, Hale... Sasagutin ko lang naman ang tanong mo."
We remained looking at each other.
I sighed and looked down on my hands. "Anim na taong gulang ako noong mamatay si Mama dahil sa pagkakasakit. Simula noon ay pinakuha ako ni Papa at pinatira sa kanila. His wife and daughter accepted me... Pero kailangan kong magtrabaho sa bahay. Ayos lang naman iyon sa akin..." Tumingin ako kay Hale pagkatapos. And he was still looking at me. Sinasabi ko itong tungkol sa akin sa kaniya dahil gusto ko na makilala pa nga niya ako. And I also would like to know him more.
Kaya tingin ko maayos itong nag-uusap kami ngayon nang ganito.
"Aside from that?"
I think I just witnessed Hale gritting his teeth. Was he angry? Umiling ako. "Wala naman... Halos wala na rin namang pakialam sa akin ang Papa ko. Minsan napagsasalitaan ako ng masama nina Tita Olga at Ella pero bukod doon ay wala na naman." Kahit naisip kong sabihin din kay Hale ang tungkol kay Martin na kapatid ni Tita Olga.
"How about your studies?"
Nakakahiya mang aminin lalo kay Hale na ang babaeng napili niyang pakasalan at maging asawa ay walang pinag-aralan pero may pakiramdam ako na may alam na siya tungkol sa naging buhay ko sa puder nina papa. "Ni minsan ay hindi ako pinag-aral ni Papa. Natuto lang akong magbasa at sumulat kay Mama noong nabubuhay pa siya at kay Nanay Pilar. Siya ang nag-alaga sa akin noong bata pa lang ako hanggang umalis na rin siya sa mga Chavez para umuwi sa kanila sa probinsya."
"Damn you, Mr. Chavez." Hale said under his breath.
Tumingin ako sa mukha niya. Mukhang galit nga siya. "Bakit mo nga pala natanong at bakit gusto mong malaman?"
Nagkatinginan kami ni Hale. It took him a while before he answered. "I was curious about you... Since the day I saw you at your father's house serving your visitor."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Hale. "So I asked someone to investigate." he added.
"Pinaimbestigahan mo ako?"
He nodded his head. "I'm sorry."
"Ayos lang. Tingin ko naman understandable iyon. Hindi naman pwedeng basta ka lang magpakasal sa babaeng halos kakikilala mo pa lang."
Hale sighed. "Thank you for understanding, Liz." Hale took my hand on my lap which startled me a bit. "From now on, I promise you that you will never have to go through that hard life you experienced again."
Hale was looking at my face, in my eyes. At nanatili rin ang tingin ko sa kaniya. "I will work harder to give you an easy life." he smiled at me gently.
Nanlaki muli bahagya ang mga mata ko sa pangako niya. Pwede bang maging madali ang buhay? Pero unti-unti nalang din akong tumango kay Hale. Ngumiti pa siya lalo kaya napangiti na rin ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro