Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

04

Chapter 04

Garden Walk

I realized I might not know how to use the gadgets Hale gave me. Although I know what are these things. Pero hindi pa ako nagkakaroon ng mga ito noon. Nakikita ko lang noon na mayroon ding mga ganitong gamit si Ella. And she never let me borrow her things. I was unboxing the gadgets inside my room when I heard a knock on my door. Iniwan ko muna ang ginagawa para pagbuksan si Hale. Sinalubong niya ako ng ngiti kaya napangiti na rin ako sa kanya.

"Do you like it? If there's anything more that you need you can tell me." ngiti ni Hale sa akin.

Saglit pa akong halos matulala sa mukha niya. Guwapo si Hale. Pero kapag nakangiti siya lalo na umaabot sa mga mata niya ay parang ang guwapo niya pa lalo.

Umiling ako. "Wala na akong ibang kailangan, Hale. Sobra-sobra na nga ito."

Hindi ako sanay na binibigyan ako ng kahit ano habang lumalaki ako sa mga Chavez. Even if it's my birthday I never received any gift from my father or his family. Si Nanay Pilar lang ang nakakapagbigay noon ng regalo sa akin. At naalala kong tuwang-tuwa na ako sa isang cupcake na nilagyan ni Nanay ng maliit na kandila para sa kaarawan ko.

Now that I receive gifts from Hale nakakapanibago dahil hindi nga ako sanay at halatang mamahalin pa ang bigay niya.

"Don't say that. You will become my wife. And it is my responsibility to provide for you. All you have to do is to just ask me."

Nagkatinginan kami ni Hale. Unti-unti nalang akong tumango sa sinabi niya. Ganoon siguro sa mga mag-asawa. Kinasal na dati si Hale kaya siguradong alam na niya ang responsibilidad niya sa asawa niya.

"Uh, salamat. Susubukan ko ring maging mabuting asawa sa 'yo. Magsabi ka lang ng mga dapat kong gawin para sa 'yo at sa mga bata..." I wasn't sure. Should I read more books about a married couple? Kanino ba ako pwedeng magtanong at matuto sana ng tungkol sa pag-aasawa.

"You can do whatever you want, Liz."

Nagkatinginan muli kami ni Hale. Until I think it became a little awkward.

"Oh." Hale touched his nape. "Our dinner's ready downstairs."

Tumango ako kay Hale. At susunod na sana sa kaniya palabas ng kwarto ko nang may maalala ako. "Uh, Hale," tawag ko sa kaniya. Bumaling naman siya sa akin. "Uh, hindi ba talaga kayo nag-uusap ng mga bata sa pagkain?" I also thought that maybe it could be some sort of the Salcedo family's tradition during their meals that they should eat just quietly. Pero hindi ko pa yata nakikita na nag-uusap si Hale at ang mga anak niya. When he's at home he's just in his office most of the times. At halos nasa mga kwarto lang din nila ang mga bata pagdating nila galing school.

Hale was looking at me. I bit my lip and I almost looked away. Paano kung may nasabi na pala akong masama at magalit sa akin si Hale? "Not really..." Hindi na madugtungan ni Hale ang sinabi niya.

"Sorry..." I said in a quiet voice.

I saw Hale shaking his head. "There's nothing to be sorry about. Let's eat downstairs the food might not be warm anymore."

Tumango ako at sumunod sa kanya.

Tahimik lang din muli ako habang kumakain kami ni Hale kasama ang mga bata. Nang biglang magsalita si Hale. "How's school, Gelo?" he asked his son.

My eyes widened a fraction until a secret smile stretched my lips when Gelo answered his dad's question and they started talking including Angel.

"That's good to hear. You've been doing well in your subjects at school."

"Especially Math, Dad. I always get perfect scores with our Math quizzes." kwento pa ni Gelo sa daddy niya.

"I also did good with our English class, Daddy!" Angel was smiling wide as she told Hale this.

"Good girl." Hale told his daughter.

I can't stop myself from smiling. Nakakatuwa si Hale kapag kasama niya ang mga anak niya lalo kapag nag-uusap sila ng ganito. When Hale caught my eyes we looked at each other and he gave me a smile. Napatingin din sa akin ang kambal dahil sa paglipat ng tingin ng daddy nila sa akin. I gave all three of them my biggest smile. Kahit mukha na siguro akong tanga...

"Magtatrabaho ka ba uli ngayon?" Kakatapos lang namin mag-dinner when I asked Hale. And usually he goes to his office after dinner. Kaya umaakyat nalang din ako sa kwarto ko gaya ng mga bata hanggang sa matutulog nalang kami.

He turned to me and shook his head a little. "No. Why? You need something?"

Umiling din ako. "Wala naman. Maliwanag sa labas kahit gabi na dahil sa mga ilaw sa paligid. Masyado yata akong nabusog sa dinner natin ngayon kaya naisip kong baka pwede akong maglakad-lakad muna sa garden? Para matunawan sa kinain ko..."

"Oh, sure."

Ngumiti ako kay Hale. "Gusto mo bang sumama sa paglalakad ko?" I also invited him. I really wanted to compliment him for a job well done tonight during our dinner. Nakita kong mukhang natuwa rin ang kambal na kinukumusta sila ng daddy nila.

Tumango naman si Hale kaya lumabas na muna kami ng bahay. At nagsimulang maglakad-lakad sa malawak na garden. "Ang laki nitong garden. Pero napansin kong wala pa masyadong mga halaman. May mas igaganda pa ito kung dadagdagan ng iba pang mga bulaklak."

"Yeah. Would you like to plant more flowers in our garden?"

Tumingin ako kay Hale. Umiling ako. "Nako, hindi. Suggestion lang..."

Hale smiled. "It's okay. You can do what you want in our home."

"Naisip ko lang ang tungkol sa mga bulaklak, Hale. Pero wala naman talaga akong alam..."

Hale just smiled more at me. "It's all right. You can ask for Mang Jun's help."

Kilala ko si Mang Jun at siya ang hardinero rito sa Casa Salcedo.

"You can tell him your plans for the garden."

Tumango nalang ako. Masyado kasi akong madaldal kahit hindi pa naman ako nakakapag-alaga ng kahit isang tanim noon. May garden din sa mga Chavez pero hindi ako pinapahawak ni Tita Olga doon. Siya mismo ang nag-aalaga sa mga bulaklak niya dahil libangan niya rin iyon. Kaya ko rin naisip ang tungkol sa mga bulaklak dahil nakita kong maganda rin iyon tingnan sa garden gaya ng ginawa ni Tita Olga sa hardin niya.

"Nga pala! Hale, nakakatuwa kayo kanina ng mga bata habang kumakain tayo. Ang saya ninyong tingnan habang kausap ang isa't isa."

Hale smiled. "After you mentioned it earlier, I realized that I wasn't really having enough talks with my kids."

"Kaya dapat siguro ay mas kausapin mo pa sila. Nakita kong masaya rin sina Angel at Gelo na nakakausap ka nila." I smiled.

Hale nodded with a smile on his lips, too. "I will. Thank you, Liz."

"Naku! Wala naman akong ginawa. Ikaw ang may ginawa, Hale. Ikaw ang nagsimulang kausapin ang mga anak mo kanina."

"No. I don't think I'd realize that. I was too busy with work. Or I keep myself busy all the time..."

"Ganoon ba talaga ka busy ang trabaho mo, Hale?" natanong ko.

"Well, it can really get busy. Especially when problems with the company arises. But it's not something that I can't handle. And I can make some free time for my family..." He looked at me.

Nakatingin din ako sa kaniya. "Kung ganoon kung gugustuhin mong huwag maging busy ay magagawa mo?" I asked innocently.

He smiled more genuinely. "You can say that."

I nodded my head.

"Kung ganoon pwede mong ipasyal ang mga bata. At pwede rin akong sumama?"

Hale chuckled a little this time. "I'm sorry. You just came here in Vigan. I should've brought you out to places here."

Hindi ko alam kung tatango ba ako o iiling. Sure, it made me excited but at the same time ayaw ko rin makaabala kay Hale. Pero bakit ko nga ba kasi nasabi sa kaniya ang pamamasyal? Naisip ko lang din kasi na magugustuhan din ng kambal kapag lalabas at mamamasyal sila kasama ang daddy nila. Siguradong nagawa na nila noon. Pero kailan kaya iyong huli? Pakiramdam ko kasi matagal na base sa pagiging busy ni Hale sa trabaho at pagiging tahimik ng mga bata madalas.

I think I just want to bring Hale and his children closer to each other... Dahil ang ganda nilang tingnan kapag ganoon.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari pagkatapos mawala si Faye dahil sa aksidente. Pero siguradong naapektuhan noon si Hale at ang mga bata.

"Alright. This coming weekend let's go out with the kids. Is that okay?"

Mabilis akong tumango kay Hale. "Oo naman! Gusto ko 'yon!" I answered excitedly.

Hale had this peaceful smile on his face. "Okay."

I smiled to him.

I think a garden walk like this at night with Hale was nice.

I get to talk to him. And I get to know him more...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro