Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

02

This story will be completed here in Wattpad. Updates every Tuesdays and Saturdays weekly. But you can read up to Chapter 8 now on my Patreon creator page Rej Martinez and/or join my Facebook VIP group please message Facebook Rej Martinez to know how. Thank you!

Chapter 02

Casa Salcedo

Hale brought me to his home in Vigan City. Doon talaga ang bahay niya kung saan din nakatira ang kambal na anak niyang lalaki at babae na sina Angela at Angelo o Angel at Gelo. Kahit madalas din nga siyang lumuwas sa Maynila para sa business niya. Ay pinili niya pa ring dito itira ang pamilya niya sa kaniya ring hometown.

When I first met Angel and Gelo they were already indifferent towards me. And I thought that it was understandable dahil ngayon lang nila ako nakita at nakilala at hindi pa sila handang tanggapin ako kahit matagal na ring wala ang Mommy nila. Three years ago Faye Salcedo, Hale's deceased wife, died in a car accident. Hindi ko pa alam ang buong detalye ng istorya pero ayaw ko rin masyadong itulak ang sarili ko na malaman agad ang bagay na iyon lalo kung sensitive topic pa rin ito kay Hale at sa mga anak niya.

"This is Lizette Chavez, magpapakasal po kami few months from now." Hale introduced.

Hindi nagustuhan iyon ng mga bata, obviously. Mukhang nabigla naman ang mga kasambahay at tauhan pero wala na rin silang sinabi at ngumiti nalang sa amin ni Hale. Now that I'm here I thought that I didn't really think this through.

Handa ba talaga ako para rito? Wala yata akong alam sa pag-aalaga ng mga bata. Ang pagpapalaki pa kaya? And can I really manage this house? Hale's mansion like home. Malaki rin iyong bahay ng mga Chavez na kinalakhan ko pero paglilinis lang naman ang talagang gawain ko doon. Paano ang gagawin ko sa napakalaking bahay na ito?

Casa Salcedo. It's the name of my new home from now on.

"Liz, this is Manang Lucille. Siya ang mayordoma natin." And Hale continued to introduce to me the other helpers and people in his estate.

"Magandang araw po." Bumati at ngumiti rin ako sa kanila.

"Angel, Gelo, this is your Tita Lizette." Pagpapakilala rin sa akin ni Hale sa mga anak niya.

Malapad akong ngumiti sa gwapo at magandang mga bata. Ang cute din nila! "Hello! Pwede n'yo rin akong tawaging Liz." friendly ko naman na sinabi sa kanila.

I knew that they aren't comfortable with me yet. And I thought it was normal. Kakakilala pa lang naman namin. But I was hopeful for us to get along after some time.

Parehong hindi nangiti sina Angel at Gelo. Tumingin ako kay Hale. Nakatingin na rin siya sa akin. Sa huli ay nagtanong nalang siya kanila Manang Lucille tungkol sa hapunan. "Is the dinner ready, Manang?"

Tumango naman si manang at giniya na kami sa dining room. Sumunod din naman ang kambal na tahimik lang. Pare-pareho kaming apat, ako, si Hale, at ang kambal na naupo roon sa malaking mesa na may nakahanda nang mga pagkain para sa dinner. Tahimik nalang din akong nagsimulang kumain.

"Stop playing with your food, Angel." saway ni Hale sa anak niya.

Mukhang matamlay naman si Angel. She's a pretty girl. Medyo chubby rin siya at may mahabang itim na buhok. Just like Hale's dark hair, too. Ganoon din ang buhok ni Gelo at bumagay sa halos itim din nilang mga mata na tatlo. And fair-skinned. "Can I have yaya to help me with my food?" Angel asked her Dad.

Bumaling naman si Hale sa anak niya. "You're a big girl now, Angel." he just said and continued eating his food.

"Ah, ayos lang." hindi ko napigilan. "Angel, pwedeng ako nalang ang tumulong sa 'yo sa pagkain mo." I gave her a sincere smile.

Wala naman siyang sinagot sa akin. At nagsimulang kumain ng mag-isa na wala nang tulong.

Bahagya akong napababa ng tingin sa plato ko. Nagpatuloy nalang din ako sa pagkain. Hale was also quiet during the meal. Kaya rin siguro tahimik lang din ang mga bata.

"Inday will accompany you to your room."

After dinner nagpautos na si Hale na dalhin na rin ako sa magiging kwarto ko rito sa mansyon. Both Gelo and Angel also went to their room with the other nanny. While Hale became busy with phone calls for his business. Pagkatapos ay mananatili pa yata siya sa kanyang opisina dito sa bahay. Mukhang may trabaho pa rin siya.

"Dito po tayo, Ma'am." Giniya ako ni Inday sa kwarto ko.

After getting inside the spacious bedroom, agad kong nilibot ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Ang ganda naman dito. Malayo sa lumang silid na tinutulugan ko sa mansyon ng mga Chavez. Bumaling ako kay Inday. "Salamat, Inday."

Maagap naman na ngumiti sa akin ang kasambahay. "Walang anuman po, Ma'am."

Ngumiti ako kay Inday. Siguro mas matanda lang din siya sa akin ng ilang taon. Pagkatapos ako nitong iwan ay naghanda na rin ako para sa pagtulog ko. At habang nakahiga sa malapad at komportableng kama ay naisip ko si Hale at iyong usapan namin. Nagkasundo na kaming magpapakasal para magkaroon ng ina ang mga anak niya. At nakaligtas na rin ako sa kay Martin na matagal nang nagpapahayag ng interes niya sa akin. I shivered as I thought of that dirty old man.

Pinikit ko na ang mga mata ko para makatulog. Iniisip kong kailan kaya kami muli makakapag-usap ni Hale? Mukhang busy talaga siya sa negosyo niya. Ang sabi niya kanina kanila manang ay magpapakasal daw kami few months from now. Ibig sabihin ba noon ay hindi na rin namin patatagalin pa? Wala naman akong reklamo doon. Ayos lang sa akin kahit ano o kahit kailan. Pakiramdam ko ay nakahinga lang ako ngayon mula sa panganib sa kapatid ni Tita Olga.

Mariin kong pinikit pa ang mga mata ko habang nanatiling tahimik na nakahiga sa malambot na kama. Ayos na, Liz. Magiging okay din ang lahat...

Kinabukasan nang magising ako pagkatapos lang din maligo at maghanda para sa isang panibagong araw ay sabay-sabay muli kaming kumain ng breakfast naman ngayon nina Hale at ng mga bata. Ganoon pa rin at tahimik sa hapag. Hindi ko naman sinasabi na dapat ay mag-ingay habang nasa harap ng pagkain. Ang akin lang pakiramdam ko ay masyadong tahimik ang mag-aama.

Tumingin ako kay Hale at sandali siyang napagmasdan habang mukhang focused lang naman siya sa pagkain niya. Ano kaya kung kainakausap ni Hale ang mga anak niya habang pare-pareho naming ineenjoy ang masarap na pagkain? Kahit sandali lang. Kahit simpleng topic lang. I think it would make the twins more closer to their Dad. Bakit kasi may pakiramdam ako na parang hindi ganoon kalapit si Hale sa mga anak niya?

I almost sighed while finishing my meal.

Pagkatapos kumain ay handa na ang mga bata para sa pagpasok nila sa school. Ang cute nga rin nila sa school uniform nila. Ihahatid lang sila ng driver at sasamahan din ng yaya sa school. Habang si Hale naman ay aalis para sa business. And that would leave me alone in this house with the helpers and other few people here which some attend to the garden and plants around the estate.

Ayaw ko rin naman abalahin pa si Hale dahil mukhang busy naman talaga siya sa trabaho niya. Siguro ay siya na rin mismo ang kakausap sa akin kapag may oras na siya.

"Mag-iingat kayo." bilin ko kay Hale at sa mga bata. I also gave them a smile despite the twins didn't really cared returning it. Pero ayos lang iyon. As I've said they were still uncomfortable with me so it's all right.

"Thanks. Magsabi ka lang kanila manang if you need anything. I will call later when I'm free."

Natuon ang atensyon ko kay Hale. Ngumiti muli ako sa kaniya at tumango. He returned my smile shortly and then he went to his waiting car, too.

Pagkatapos makaalis ng mag-aama ay sina Inday ang nakasama ko sa bahay at nakakwentuhan na rin. I also tried to help in doing the house chores pero hindi rin ako pinayagan ni Manang Lucille and she just almost scolded me.

"Pasensya na po kayo sa kambal, Ma'am. Pero mababait naman ang mga batang 'yan." Sinubukan akong ngitian ni Inday.

Tumango naman ako. "Ayos lang. Naiintindihan ko naman."

"Ma'am, 18 pa po pala kayo?" Si Mercie na mukhang bahagya pa ring nagugulat nang malaman nila and edad ko. "Kaya sabi ko nga mukhang ang bata n'yo pa talaga tingnan." Mukhang nag-isip si Mercie habang napag-uusapan namin.

Tumango ako. "Mag-nineteen na rin ako sa mga susunod na buwan." I told them.

"Ah! Paano nga po pala kayo nagkakilala ni Sir Hale?" Ngayon naman ay mukhang kinikilig pa at excited si Mercie na malaman ang istorya namin ni Hale...

"Ano'ng ginagawa ninyo? Huwag ninyong ginugulo si Ma'am Lizette." Dumating si Manang Lucille at sinaway ang mga kasambahay na mukhang naging abala pa sa akin.

"Naku! Nakakaabala na ako sa trabaho ninyo. Sige, aakyat nalang siguro muna ako sa kwarto ko..."

"Mas mabuti pa nga. Magpahinga ka nalang muna at mamaya ay ipapatawag nalang para sa pagkain. Mamaya pa babalik sina Sir Hale."

Tumango ako kay Manang Lucille. Pagkatapos ay bumalik na nga muna ako sa kwarto ko. While my eyes still wondered around the Salcedo mansion.

Ayon sa kanila Mercie ay minana pa ni Hale itong Casa Salcedo sa pamilya niya. He was an only child. Pati ang business ay minana niya rin sa kaniyang lolo at papa. Matagal nang pumanaw ang parents ni Hale. Kaya halos wala na talagang malapit na relatives ang kambal. Pero mukhang okay na rin naman sila kahit sa mga tauhan na kasama nila rito sa bahay.

Ilang araw pa lang ako rito sa Casa Salcedo. Pero masasabi ko nang gusto ko na sa lugar na ito.

Kahit hindi pa magaan ang loob sa akin ng kambal. At kahit mukhang palagi yata talagang busy si Hale. Pero na appreciate ko rin talaga ang kabutihan ng mga tao sa bahay na ito sa akin. Kindness was something I thought I've never felt for a long time when I was still in the Chavez mansion. Huli ko yatang naramdaman na may nagparamdam sa akin ng kabutihan nila ay noon pang nakakasama ko pa si Nanay Pilar. Until she left the Chavez's. Ngayon naiisip ko naman si Nanay. We didn't have any communication after she left. I wonder if she's just doing well now. And I really hope and pray that she's all right. She's one of the very few people who became important to me. Halos siya na nga lang ang naging importanteng tao sa akin noon.

I thought of Hale and the twins, Angel and Gelo. Alam kong magiging importante na rin sila sa akin.

[See you at the MIBF 2022!
I will be at the Manila International Book Fair this September 2022!
Details
Rej Martinez
September 18, 2022
11 AM - 1 PM
SMX Convention Center
Available self-published books (Sept 15-18):
Cry of a Mistress - PHP 650
Inclusions: Bookmark and postcard
*Maximum of 2 copies per buyer.]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro