Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

00

Chapter 00

The Wedding

Lizette

"I, Hale Salcedo..."

"I, Lizette Chavez, take you, Hale Salcedo..."

"...take you, Lizette Chavez, to be my wife..."

"...to be my husband, to have and to hold, from this day forward..."

"...for better for worse..."

"...for richer, for poorer..."

"...in sickness and in health..."

"...to love and cherish always."

"...always."

I wonder if God get mad at us for facing the altar today vowing to a love that isn't real at all...

I looked at Hale Salcedo's gorgeous face as I say my vow. Nakatingin din siya sa akin, sa mukha ko rin na may konting makeup para sa araw na ito ng kasal naming dalawa. He looked so fine in his wedding suit. While I was wearing a gown that's really expensive for something that is a fake.

Siguro nga totoo iyong may mga nagsasabi na mas okay daw ang simpleng kasalan lang. Kaysa sa mga bonggang kasal na nowadays ay nauuwi pa sa hiwalayan. It's only an opinion based on other's observation and it make sense to me somehow. Nga naman... O siguro ay talagang nagkakataon lang din.

I looked around. The place, the big church with its high ceilings. The expensive decorations and guests. Hindi ko pa rin alam kung bakit mas pinili ni Hale na ganito pa rin ang maging kasal namin. It's just a contracted marriage between us. Pwede nga namang pumunta nalang kami sa kilala niyang judge at magpakasal doon with his trusted friend or secretary as our witness. At hindi na kailangang ganito pa talaga at gastos lang. Siya naman ang gumastos sa lahat at wala naman akong inambag at ano naman ang iaambag ko dahil wala naman akong pera at mahirap lang ako. Pero siguro ganoon talaga ang mga mayayaman na kagaya ni Hale. Hindi problema sa kaniya ang pero, or he definitely has a way or probably ways to earn his money at maliit na bagay lang ito para sa kaniya.

Ako nga lang siguro ang nanghihinayang sa lahat ng gastos niya para lang sa isang pekeng kasal. Technically hindi naman talaga ito peke. By the law it's real. But our marriage can only be real in papers dahil alam naming dalawa ni Hale sa mga sarili namin na hindi naman talaga namin mahal ang isa't isa. That what we are showing to other people like we are really in love with each other was all a fraud.

Para saan nga ba ang lahat ng ito?

Hale will benefit for his children. He thought his kids needed a mother to look after them after his wife died years ago. Dahil tingin niya ay hindi niya maaalagaan ang mga anak niya kung siya lang mag-isa. Especially that he was a busy businessman, too. Kaya simple lang naman ang gusto niya at iyon ay tumayo ako bilang ina sa mga anak niya. While I, I was poor and needed a powerful husband like Hale Salcedo. I needed him to save me. I needed the saving because reality tells me that I couldn't do anything with my past situation without Hale. Kailangan ko siya. At kailangan niya rin ako.

So we made the deal and sealed it today.

"Best wishes...!"

I kept my smile for our guests. There were smiles on their faces, too. I'm not sure if all of it were real or some were faking it. But it doesn't really matter. As long as it wouldn't really affect the agreement I had with Hale. Walang problema. I just needed to act and so was Hale. And I think we've been doing fine and good.

"Yaya, where are the twins?" Hale asked the twins' nanny.

Apologetic naman na ngumiti rin sa akin ang medyo may edad na at mabait naman pati sa akin na yaya ng mga bata. "Pinsamahan ko po muna kanila Inday, Sir. Nag washroom lang po ang kambal." ngiti nito sa amo niyang si Hale at sa akin na rin.

We were already at the reception after the church wedding. And it's also already closed to its end. And I and Hale really did a good job. Nagawa talaga namin. We survived this and we will survive the coming days. Tumango si Hale kay Yaya Celsa at tumango at tipid na ngumiti na rin ako rito.

When I first met the people who works for Hale and his home in Vigan City, they were all nothing but good to me. Like I said it doesn't matter if it's real or they were faking it just to do their jobs. Ang mahalaga lang sa akin ay magawa ko rin ang trabaho ko. At iyon ay ang maging ina sa mga anak ni Hale.

I held Hale's arm beside me to call his attention. And he turned his eyes to me. I gave him a smile. "It's all right. Ako na ang pupunta sa mga bata para tawagin sila. Siguro ay pagod na rin ang kambal sa araw na ito." I said.

"Are you sure?"

I nodded. "Yes. Ako na ang bahala. You talk to them first." Sinulyapan ko ang ilan pang guests na palapit na naman kay Hale.

It was actually tiring especially when I was still not used into facing many people like this. But I know that I can do it. I should do this.

Lumapit na muli ang photographers para sa pictures namin ni Hale na kukunan pang muli kasama ang mga bata. Kaya kinausap na rin muna sila ni Hale.

While I followed Yaya Celsa to where the twins were at.

Sa totoo lang ay medyo hindi pa rin maayos ang relasyon ko sa mga bata. Hindi ko pa nararanasan noon na mag-alaga ng bata. Sanay ako sa mga gawaing bahay pero hindi ang sa pag-aalaga ng bata lalo pa at dalawang mga bata dahil kambal ang mga anak ni Hale. And I understand Angel and Gelo's indifference towards me. Nakilala pa nila ang Mommy nila bago ito namatay. And the twins loved their mother the same way how they were dearly loved by her when she was still living. At hindi nga naman madaling isiping papalitan mo ang nanay na nagmahal at nagsilang sa kanila dito sa mundo.

Pero hindi ko naman papalitan si Faye... I've seen her on pictures and she was beautiful and a gentle looking woman. I actually admired her even in photos. Kaya hindi totoo ang paratang sa akin ng mga bata na papalitan ko ang Mama nila... I will just be here for them. I will take care of Hale's children and I can also love them. I can be their friend. Hindi naman ibig sabihin na nandito ako ay parang pinapalitan ko na agad ang Mommy nila. Hindi naman ganoon. Alam kong ginagawa ko lang din ito dahil sa pansarili kong interest sa pagpapakasal kay Hale. Pero totoong handa ko ring mahalin ang mga anak niya at tingin ko ay hindi rin naman mahirap iyon. They are just children and young. And I'll do my best to guide them as they grow up more. I may not have the experience yet, but I'm willing to do my best for them.

Kung sana ay mabigyan lang din nila ako ng pagkakataon na mapalapit sa kanila...

"Angel, Gelo...tapos na ba kayo? Nandito na ang Mommy ninyo. Tinatawag na rin kayo ng Daddy ninyo."

And then I was face to face again with Hale's children. Naging abala kami sa paghahanda para sa kasal kaya medyo hindi ko rin masyadong napagtuunan ang mga bata nitong nagdaang ilang linggo bago ang kasal namin ng Daddy nila. At ngayong kasal na kami ni Hale ay alam kong ang susunod ay ang pagsusubok ko muling mapalapit sa mga anak niya. Our lives would be easier if we learn to respect each other more. Hindi naman bastos na mga bata ang kambal. Ayaw pa lang talaga nila sa akin dahil iniisip nga nila na kinukuha ko ang pwesto ng namayapa na nilang Mommy sa pamilya.

"She's not our Mom." supladong ani Gelo.

Kung ano'ng kinaguwapo ng batang ito na nagmana sa Daddy niya ay mukhang ganoon din yata siya ka cold kahit bata pa. O sa akin lang siguro dahil para sa kaniya ay ang Mommy niya pa rin at dapat na wala ako rito...

Sorry, Gelo... Pero kailangan ko rin talaga ang tulong ng Daddy mo.

Maagap din siyang sinaway ni Yaya Celsa. Pero busangot lang ang mukha ni Gelo. Si Angel naman ay tahimik lang din sa tabi ng kaniyang kambal. Parehong gwapo at maganda ang kambal na ten years old. They were only seven when their mother sadly died. Nalulungkot din ako para sa mga bata. Siguradong namimiss na nila ang Mommy nila. Alam ko dahil namimiss ko rin naman ang Mama ko na bata pa lang ako noong namatay din siya at naiwan ako sa Papa ko at pamilya niya na silang kumuha sa akin nang mawala si Mama.

I still gave the twins a smile. "Alam kong pagod na kayo para sa araw na ito. Pagod na rin ang Daddy ninyo sa pag-asikaso sa mga bisita. Tinatawag lang kayo para sana sa mga kukunan pa ng photographers na huling pictures natin ngayon. And then after that I think we can already go home. You can already go home and rest. Ganoon din ang Daddy ninyo."

"So...can I please ask you both, Angel and Gelo? To please let's just finish this pictures para makapagpahinga na rin tayo ng Daddy ninyo at matapos na ang mahabang araw na ito." I tried to talk to both of them gently.

Alam kong kung gaano nila kamahal ang namayapa na nilang Mommy ay ganoon din kamahal ng kambal ang Daddy nila. That including Hale to our conversation would make them listen even to me. At alam kong pagod na rin talaga si Hale sa mahabang araw na ito. Gusto ko na ring pare-pareho kaming makapagpahinga na pagkatapos nito.

Sa huli ay tahimik nalang akong napangiti nang makitang sumunod naman ang kambal. I knew that they worry for their Dad, too. They should know that their Dad only married me for them. To have another person to look after them. Because Hale definitely loves his children, too. Na natatakot lang siyang hindi niya magawang mapalaki ng maayos ang mga anak niya kung siya lang mag-isa.

But the thought of completely resting my tired body to a cozy bed disappeared when realization came to my senses.

And then it all boil down to our first night as husband and wife. I realized that this wasn't in the contract. Hindi yata namin ito napag-usapan ni Hale. I know that I should act upon my duties not just as mother to Hale's children but also a wife to him. I should support the kids and Hale as his wife. Iyon lang naman ang kailangan kong gawin kapalit ng komportableng buhay at security na kayang ibigay sa akin ni Hale.

So I think it's okay... It's all okay...

Our eyes immediately caught each other's gazes when Hale just got out from the shower. Tapos naman na akong maligo kanina pa at nauna ako sa kaniya. Ngayon ay nasa kama na ako at kakatapos lang magpahid ng lotion sa mga braso at legs ko. And I was only wearing a bathrobe. Ganoon din si Hale.

Nagkatinginan kami. To be honest it was awkward and a little uncomfortable. Kulang nalang ay makarinig pa ako ng mga kulisap sa katahimikan naming dalawa. Okay. So what do we do next from here?

I'm not completely innocent—or let's say it dumb. I've read adult novels and I knew what adults like me and Hale do. Especially that we're now married.

Pero kinabahan pa rin ako nang makita ko ang kakaibang ngiti ni Hale habang nagtatagal na ang tingin niya sa akin. Napalunok ako. And then the next thing he did I saw him already removing the belt of his robe. Halos mapasinghap ako ng malakas. Umawang ang labi ko nang makita ko na ang balat niya sa parteng dibdib niya. I saw his abdominal muscles. Muli pa akong napalunok.

And then he went to our bed where I was seated and probably looking like I was dumbfounded. At nakumpirma ko pa ang reaksyon ko nang makita ko ang paglapad ng ngiti ni Hale na may halong kapilyuhan and he also chuckled a little seeing my face and my reaction.

Unti-unti akong napanguso at sinimangutan na siya. He chuckled again at pagkatapos ay nahawakan na niya ako sa braso at sa kamay ko. Napatingin ako sa marahan niyang pagkakahawak sa akin. And then when I lifted my eyes to his face again I saw his genuine and precious smile with his sleepy looking eyes. At parang agad na akong nawawala sa namumungay niyang mga mata na nakatingin lang sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro