Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Two


"Ako nalang ang sasama sa kanya" Seryosong sabi ni.....

Manuel?akala ko ba may gagawin siya,sabi niya kanina.

Wala namang nagawa si Jacob at pumasok na sa loob ng kanilang bahay.Sa totoo lang mas gugustuhin ko pang yung bata na yun ang kasama ko.Hays.

"Tara na binibini" Tinanguan ko lang siya at nagsimula na kaming maglakad.

Walang nagsasalita saming dalawa kaya ang awkward.
"Saan mo ba gustong pumunta?"
Tanong niya.

"Malapit ba dito ang dagat?" Tanong ko sa kanya,napaiwas naman siya ng tingin at tumango.

Sumunod nalang ako at hindi na nagsalita,mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa dagat.Dito ko lang napansin na wala halos tao.

"Ito ang isa sa pinagmamalaki ng isla verde,at ito rin ang pinaka gusto ko sa lahat.Ang pagmasdan ang paglubog ng araw at tanawin ang kulay asul na dagat" Nakangiti niyang kwento,habang ang paningin ay nasa dagat.

"Pero bakit parang walang tao dito?" Tanong ko.

"Naniniwala kasi sila na masamang pagmasdan ang paglubog ng araw"

Ano daw?pano naging masama yon?

"Dahil sa paniniwala nila pag pinanood mo daw ang paglubog ng araw.....hindi matutupad ang iyong mga mithiin" Malungkot na sabi niya.

"Eh bakit ikaw?hindi ka ba natatakot na baka hindi matupad yung mithiin mo?" Iww!nacocornyhan ako sa pananalita ko.

Bahagya siyang natawa."Hindi e,kasi nasa tao naman yun.At hindi basehan ang panonood ng paglubog ng araw"Tama siya nasa tao pa rin talaga yun.

Sa totoo lang naaawa ako sa mga tao dito,parang tanggap na nila na hanggang dito nalang sila,na wala silang mararating.

But I saw a man who's willing to pursue he's dream.

Bago dumilim ay inihatid na niya ako,dahil delikado daw pag gumabi na dito.Lalo na at hindi pa ako sanay sa lugar nila.
"Thank you" nakangiti kong sabi, nahahawa na ako sa mga ngiti nila.

"You're welcome binibini, tutuloy na ako" Sabi niya at tumalikod na din.

Pagpasok ko ay nakita ko si Dennise na nakasimangot.

Problema nito?

"Ah ah!Zanne!humanap ka ng sarili mong ginoo.Akin na si Manuel diba?huhuhu" Kunwaring naiiyak na sabi niya.

"Ano bang sinasabi mo?sinamahan lang ako nung tao maglibot dito sa isla!at tyaka ayun habulin mo sayong sayo na" Inis na sabi ko,natawa naman siya.

"Bakit ka naiinis?"Sinamaan ko lang siya ng tingin at pumasok na sa kwarto.

Ngayon ko lang naramdaman yung pagod grabe,pinikit ko na ang mata ko at natulog.

Nagising ako sa ingay ng tao sa living room,bumangon ako at lumabas ng kwarto.Agad silang nagtinginan sakin,nasara ko agad ang pinto ng mareliazed ko na nakasando lang ako.

Shaks!!!ang tanga mo Suzanne!

Nagbihis lang ako ng isang puting t-shirt at pajama.

"Magandang umaga binibini" Nakangiting sabi ni Jacob at Manuel.

Anong ginagawa nila dito?

May tatlo pa silang kasama at hindi ko naman kilala kung sino.Umupo lang ako sa katabi ni Dennise at bumulong,
"What are they doing here?"

Nginitian niya muna ko bago sumagot. "Iniintay ka naming gumising,dahil may kunting salo salo daw sila dito dahil kaarawan ni mang Ruffo hihi"

Dapat ginising niya ako,nakakahiya tuloy sa mga nag-antay sakin.Nagpalit lang ako ng damit at sumunod na sa kanila.

Nakahain sa isang malaking mesa ang mga pagkain at sa dahon din ng saging ito nakalagay. Boodle fight?

I never try this before, this is my first time.

Mga bente lang kami ditong kakain kaya paniguradong sobra ito.Naghanap na kami ng pwesto,katabi ko si Jacob samantalang katabi naman ni Dennise si Manuel,magkatapat sila Dennise at Jacob at katapat ko naman si Manuel.

Pagkatapos naming batiin si mang Ruffo ay sumigaw si Jacob at Manuel ng.....

"Kainan na!!!" Masayang sigaw nila,napatawa nalang ako at kumuha ng pagkain ko.Isang isda,manok at gulay ang kinuha ko.

Habang kumakain ay napansin kong nilagyan ako ni Manuel ng isang pakwan sa pwesto ko.
"Salamat" nakangiti kong sabi.

"Mas masarap ang mangga,oh.binibini" Nagulat ako ng lagyan din ni Jacob ng mangga ang pwesto ko.

Hindi kaya sumakit ang tyan ko dito?

Pagkatapos namang kumain ay naghugas lang kami ng kamay at umupo na din.

"Anak Manuel,maaari mo ba kaming handugan ng isang awitin?" Wala namang nagawa si Manuel at tumayo na sa unahan.Kasunod naman niya si Jacob na may dalang gitara.

Wow,talented ang magkapatid

Noo'y umibig na ako
Subalit nasaktan ang puso
Parang ayoko ng umibig pang muli
May takot na nadarama
Na muli ay maranasan~

Ang ganda ng boses niya,napatingin naman ako kay Dennise na tuwang tuwa na parang kinukuryente nanaman.

Ayoko ng masaktan muli ang puso ko
Ngunit nang ikaw ay makilala
Biglang nagbago ang nadarama
Para sayo
Ako'y iibig pang muli
Dahil sayo~

Hindi ko maiwasang hindi mamangha dahil sa ganda ng boses niya.Napatingin naman ako kay Jacob dahil ang galing niya sa gitara.

Ako'y iibig nang muli
Ang aking puso'y
Pag-ingatan mo
Dahil sa ito'y muling magmamahal sayo
Para lang sayo
Muli ay aking nadama
Kung paano ang umibig
Masakit man ang nakaraa'y nalimot na~

Agad akong napayuko dahil sa naalala ko,

*Flashback*

Masaya akong nakaupo dito sa bench na malapit sa library namin.Sabi niya darating siya kaya sobrang saya ko,simula kasi
ng lumipat siya ng school bihira na kaming magkita.

Twenty minutes na akong naghihintay pero wala pa din siya.Dahil maagap pa naman ay naghintay pa ako ng ilang oras.

Hanggang sa limang oras na akong nakaupo dito,pero wala pa din siya.Biglang kumulog badya na uulan,magdidilim na rin pero hindi pa rin akong umalis.

Once he promised,I know he will do it.

Nagulat ako ng biglang magring ang phone ko.I immediately answered the call,I know it's him.

"Hey,I'm sorry.Hindi na ako makakapunta because an emergency" Napangiti nalang ako at binaba ang tawag.

*End of flashback*

"Suzanne hoy!ayos ka lang?"Napatingin naman ako kay Dennise na nag-aalala.Ngayon ko lang napansin na tapos na din pala yung kanta.

Ilang oras pa kaming nag stay don bago tuluyang umalis,ngayon ko lang naranasan ang ganitong munting salo salo.

It's simple celebration,yet it's full of happiness.

Nandito na ako sa kwarto ko at nakaupo sa binata,hindi ako makatulog.Madilim na din ang paligid at tanging kuliglig nalang ang naririnig ko.

Masyado akong nag-iisip dito isang bagay na ayokong ginagawa.Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung bakit nila ako tinapon dito.

Alam kong pinatapon talaga nila ako dito,sinabi lang nila na titingnan ko ang pamumuhay ng tao dito.Pero alam kong hindi yun totoo,pinarurusahan na talaga ako.

*****

Sobrang bilis ng panahon at isang buwan na din kami dito.
Sanay na din ako sa pananalita nila,isang linggo din kaming hindi binigyan ng supply ng mommy kaya nag trabaho kami dito.Gusto kong umalis at magreklamo,kaso kapag ginawa ko yun ay tuluyan na akong titira dito,at ayokong mangyari yon.

Pakiramdam ko sinadya nila yun para matutunan ko kung paano mabuhay ng sarili ko lang.Gusto kong maiyak dahil hindi ako sanay sa ganitong buhay.

"Hoy ayos ka lang?Naloloka ako sa boss natin ha!walang supply" Reklamo ni Dennise.

Hindi niya alam,sinadya ito ng parents ko.Naaawa tuloy ako sa kanya,pati siya nadamay.

"Kami na mga binibini,mag-pahinga muna kayo" Nakangiting sabi samin ni Jacob.

Nandito kami ngayon sa bayan ng isla verde para tumulong sa pagtitinda.Hindi manlang pumasok sa isip ko na magagawa ko ito.Hays!

"Eh kelan ang balik ng kuya mo?" Tanong ni Dennise.

"Hindi ko po alam binibini,ang alam ko po matatagalan siya sa manila"

Nalungkot naman si Dennise sa narinig,I never expect na may magugustuhan siya dito.

Napag-alaman ko din na umalis si Manuel nung nakaraang linggo at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik.

Kaya ang buhay ngayon ni Dennise ay isang malaking kalungkutan.Hahaha!

*****

Tanghali na nang makabalik kami sa bahay,si Dennise ang nagluto at ako naman ang naghanda ng mga gagamitin.

Atleast may ambag!

"Zanne meron ata dyang sili sa gilid ng bahay,kuha ka naman"
Utos ni Dennise.

At dahil wala naman akong gawa ay lumabas ako at kumuha ng sili.Sa totoo lang hindi ako mahilig sa pagkain na may sili.

Mga limang sili lang ang kinuha ko dahil paniguradong siya lang ang makakain kapag dinamihan ko.

"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa sili,binibini" Agad akong lumingon sa nagsalita....

Manuel.

Napatingin ako sa itsura niya,naka uniporme pa siya pampasok.Kelan pa siya nakauwi?

"Kelan ka pa nakauwi?" Tanong ko.

"Kauuwi ko lang binibini,ito nga at naka uniporme pa ako pampasok.....Meron nga pala akong----" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil may sumigaw.

"Manuel!!!" Tss,Dennise.Pumasok na ako sa loob para makausap naman niya yung hinihintay niya.

Pero hindi ako mapakali at sumilip ako sa bintana.Nakita kong nagtatawanan silang dalawa,eh ano naman?Psh!

Umupo nalang ako dahil ang cocorny nilang dalawa.Nang marinig kong nagpaalam na si Manuel ay sumilip ulit ako sa bintana,at nagtama ang paningin namin.

*Lunok*

Susunod..........

Hi everyone hahaha,this story is just my imaginations.Don't expect something so yeah.

DENUEL?

-Baliw na manunulat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro