Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twelve

Dalawang linggo na din ang nakalipas,at dalawang linggo nalang din ako dito.
Hanggang ngayon ay hindi pa kami nagkikita ni Manuel,pumupunta din dito si Lahorra na dala ang liham na galing daw kay Manuel.

Pero kahit isa don ay wala akong binasa,over acting na pero..wala eh nasaktan talaga ako sa nakita ko.

Nandito ako ngayon sa bahay nila Lahorra, minsan dito din ako natutulog.Ayokong makitang ang haliparot na si Dennise, baka ipakain ko lang siya sa buwaya.

"Binibini!nandito po si ginoong Manuel at hinahanap ka" Bumangon muna ako bago siya sagutin.

"Dating gawi hehe,sabihin mo natutulog pa ako--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil lumabas si Manuel sa likod ni Lahorra,napatingin naman ako kay Lahorra na ngayon ay nakakagat na sa labi niya.

"Ngunit gising na gising ka na binibini" Seryosong sabi niya,umalis na din si Lahorra at kaming dalawa nalang ang naiwan.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko.

Wow hindi mo din bahay ito Suzanne.

"Bakit hindi ka nagpapakita sakin?" Napayuko naman ako sa tanong niyang yon.

"Bakit naman ako magpapakita sayo?multo ba ako?" Pang eechos ko,kumunot naman ang noo niya.

"Sabagay bakit ka nga ba magpapakita sakin?ano ba tayo" Kunwaring natatawa niyang sabi.

Ansakit ha!

"At alam kong masaya ka na kay Kester....patawad naistorbo pa ata kita" Pagkasabi niya nun ay umalis na din siya.

Anong sinasabi niya?at pano niya nakilala si Kester?hindi kaya.....

"Binibini ano pong ginawa niyo bakit siya umiyak?" Nagulat ako sa biglaang pagpasok ni Lahorra.

Umiiyak siya?

"N-nasan na siya?"

"Nasa labas na po" Pagkasabi niya nun ay tumakbo na ako pagbaba.

Bobo Zanne!hindi mo manlang narinig ang sasabihin niya.

Nakita ko naman siya sa may daan ay medyo malayo na.Dahil tinatamad akong tumakbo ay isinigaw ko nalang ang pangalan niya.

"Manuel!" Sigaw ko.

Tumigil naman siya pero hindi pa din niya ako nililingon.Naglakad na ako papalapit sa pwesto niya.

"S-sorry" Bungad ko.

Lumingon naman siya sakin ng seryoso,ano ba yan!pabebe ka kasi Zanne.Magdusa ka.

"Para san?"

"For not giving you the chance to explain" Tumango naman siya.

Ano pa bang sasabihin ko?ang awkward namin ngayon.Nakatingin lang siya sakin ngayon,at naiilang naman ako.

"Bakit naghahalikan kayo ni Kester?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya,nakita niya yon?!

"H-hindi ko alam yon!nagsasoundtrip lang ako tapos pagmulat ko....n-nakahalik na siya sakin!" Inis na paliwanag ko,natawa naman siya ng bahagya.

Nakakainis bakit ba siya natatawa?!

"Alam ko...at alam kong plano ito ni Dennise" Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya,plano?

"Plano?" Tumango naman siya.

"Alam kong lagi natin siyang nasa paligid kapag magkasama tayo" Napalingon naman ako sa sinabi niya.

"Wag kang mag-alala wala siya dito.Pinakiusapan ko kay Inay,na pasamahin siya sa palengke"
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.

"Nung araw na yon ay nasa bahay ako....nagulat naman ako dahil biglang kumatok si Dennise sa kwarto ko.Sinabi niya saking may ipapakita daw siya,nung una hindi ako pumayag" Bahagya siyang tumigil.

"Pero nung sinabi niyang may sakit ka ay agad akong pumayag.Nasa tapat na kami ng bintana mo ng makita kung may nakahalik sayong lalaki.Dahil sa nakita ko ay agad akong tumalikod,sinundan naman ako ni Dennise at nagulat ako ng halikan niya ako.Tinulak ko siya at nang biglang bumukas ang pinto ay hinalikan niya ulit ako.
At don ko nalaman na siya ang may pakana nun,para magalit ka sakin"Mahabang kwento niya.

Naiinis ako sobra kay Dennise, hindi ko alam na ganyan pala ang ugali niya.

Nandito ako at nakaupo sa bintana ko,napag-alaman ko din na umalis na si Kester.

Kester is my ex-boyfriend,but he always hurt me,not physically....
But emotionally,pero mas gugustuhin ko pang saktan niya ako physically.

Ayoko nang balikan ang mga alaalang yun,dahil naiinis lang ako.At dahil wala akong magawa ay kinuha ko nalang ang mga liham na binigay ni Manuel.

Nilolock ko na din ang pinto ng kwarto ko dahil kay Dennise.

Tatlong sulat lang muna ang kinuha ko.Umupo ako sa kama para basahin.

Aking Binibini,

Hindi ko alam kung bakit hindi ka nagpapakita saakin.
Alam kong nakita mo yung ginawa ni Dennise. Pero maniwala ka man at sa hindi.
Hindi ko iyon ginusto,ikaw lang ang gusto ko at hindi kita kayang saktan.

-Manuel

Hindi ko alam kung bakit may parte sa akin nang nanghihinayang.Kung binasa ko lang sana ito agad,edi sana ay naging ayos kami agad.

Kinuha ko lang yung pangalawang sulat at binasa ito.

Aking Binibini,

Sana ay nakarating sayo ang aking liham.At sana wag ka nang magalit saakin,hihintayin kita kapag hindi ka na galit sakin.

-Manuel

Aking Binibini,

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay galit ka pa sakin.Pero hihintayin pa din kita,
magkita tayo mamaya sa may puno.Kung saan tanaw natin ang asul na dagat at ang paglubog ng araw.

Hihintayin kita.

-Manuel

Nalungkot naman ako sa huling sulat na binasa ko,hindi ako nakapunta.Nakakainis! Bakit kasi hindi ko agad binasa.

Sorry.

Susunod.......

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro