Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Ten

Hindi ko alam kung bakit iba niya akong itrato kanina,pareho sila ni Dennise..... bagay talaga sila.

Dahil hindi ako makatulog ay kinuha ko muna yung cellphone at earphone ko.Madaling araw na ngayon pero hindi ko maramdaman ang takot habang naglalakad sa madilim na daan,tanging yung music ko lang ang naririnig.

Ang sarap pala sa pakiramdam gumising ng maagap,langhap ko ang sariwang hangin at kapayapaan sa paligid ko....
Buti nalang at nag jacket ako.

Nagulat ako ng makita kong may kung anong tumalon sa puno.Hindi ko masyadong makita dahil medyo malayo ako.
Pero mas nagulat ako nang may lalaking lumabas sa likod ng puno habang bitbit ang isang gasira.

Manuel....

Medyo lumapit siya sakin at nag tama ang paningin namin.

*dugdug dugdug*

Hindi ko alam kung bakit gusto kong maiyak dahil nginitian niya ako.Parang antagal kong hindi nakita yung mga ngiti niyang yon.At oo,ngayon alam ko na...

Meron akong nararamdaman para sa kanya.

Lumapit siya sakin at sinilip ang mukha ko."Umiiyak ka ba binibini?"Tanong niya na nag-aalala,kinapa ko naman ang mata ko at don ko lang napansin na umiyak pala ako.

Tears of joy?

"H-hindi pumatak l-lang sakin yung hamog" Pagdadahilan ko.

"Ahh kaya pala mata mo lang ang napatakan" Natatawa niyang pang-aasar."Saan ka nga pala pupunta nang ganito kaaga?"Tanong niya pa.

"Sa dagat,gusto ko namang pagmasdan ang pagsikat ng araw" Nakangiti kong sagot.

"Kung ganun,sasamahan na kita" Sasamahan niya ako?

"W-wag na baka magalit si Dennise" Kumunot naman ang noo niya.

Totoo naman,baka nga sampalin pa ako nun.

"Bakit naman siya magagalit?"
Hala siya,malamang girlfriend mo yung tao.Alangan matuwa pa siya.

"Malamang girlfriend mo siya,tanga nito"Naiinis na sabi ko,natawa naman ang loko.

Bakit ba ang hilig niyang tumawa kahit seryoso naman ako.

"Hindi yun totoo binibini" Nagulat naman ako sa sinagot niya,hindi sila?pero ang sweet?

"Psh!hindi mo naman kailangan itago"

"Tama ka....pero hindi ko tinatago,dahil wala naman akong itatago" Seryoso niyang sabi.

"Eh bakit ang sweet niyo?nakapatong pa yung ulo niya sayo" Eh bakit ba ako naiinis?pakealam ko naman dyan!

"Sweet din naman kayo ng kuya ko ah...edi kayo na din?" Nagulat naman ako sa tinanong niya,hala siya naniwala naman.

"Hindi" Diretsong sagot ko.

"Kung ganun wag kang magselos samin" Pagkasabi niya nun ay bigla siyang tumawa ng malakas.

Ako????nagseselos?!

Sinamaan ko naman siya ng tingin na ikinatigil niya.
"Biro lamang binibini....Tara na at sabay nating panoodin ang pagsikat ng araw,at maaari ka ding humiga sa aking balikat" Pagkasabi niya nun ay agad ko siyang hinabol,pero nakatakbo ang loko.

It's just a simple thing..but it's make my heart melt.I'm happy.


******
Nandito ako ngayon sa kusina at masayang nagluluto,hindi ko maiwasang hindi mangiti.Nakakainis naman.

"You look so happy,aren't you?" Nakinig ko siyang nagsalita pero hindi ko siya nilingon.Ayoko pa din yung ginawa niya kay Lahorra.

"Okay fine....I'm sorry" Hindi ko mabakas sa boses niya ang senseridad,nilingon ko siya at tumango nalang.

Nandito ako ngayon sa upuan na pinag-gigitnaan ng dalawang puno.Kung saan tanaw ko ang asul na dagat,at ang langit.

Mamimiss ko ang lugar na toh.

Napangiti ako ng mapait,sa isang buwan na ang alis ko dito.Ang bilis,parang dati lang ayoko dito at parang hindi ako makakatagal.Pero ngayon,heto ako at nalukungkot dahil isang buwan nalang akong mananatili dito sa isla verde.

Masayang mga tao,payapa at magandang lugar ang meron sila dito.Hindi ko akalain na hindi pala pera ang mahalaga sa lahat.

Flashback

"Mama ayoko na nga po mag-aral!gusto ko nalang maglaro"
Naiinis na sabi ko,lagi nalang nilang sinasabi na mag-aral ng mabuti,eh ang boring.

"Alam mo ba kapag hindi ka nag-aral sa putikan ka dadamputin"
Nagpapayong sabi ni mommy.

Putikan?wow mukhang masaya yun ah!ngumiti naman ako kay mommy na ikikinakunot ng noo niya.

"Why are you smiling?" She asked in a serious tone.

"Mommy I like mud,I will play it with kuya Ken ken" Masaya kong sabi.

"You're really unbelievable,I just want to say na maghihirap ka,gusto mo ba yon?hindi ka makakabili ng mga bagay na gusto mo tulad ng mga yan" Turo ni mommy sa mga laruan kong nakakalat.

Napaisip naman ako,tama nga si mommy. "Pera ang mahalaga dito sa mundo baby Zanne,dahil kung wala ka nun.Hindi ka magiging masaya"

Nung araw na yun tumatak sa isip ko lahat ng sinabi ni mommy.

End of flashback

At yun din ang kinamulatan ko...na ang pera ang mahalaga sa lahat.Dahil kung wala ka nito,hindi ka magiging masaya.

Pero mali si mommy,mali ang tinuro niya sakin.

Dahil pwede kang maging masaya kahit wala ang mga iyon.
At dito ko natagpuan ang bagay na yun.Sa isla kung saan nila ako pinatapon.

Naramdaman kong may yumakap sa likod ko,hindi ko na kailangan hulaan kung sino yon.

"Mahal kita"

Ang salitang hindi ko narinig kanino man,at ang salitang gustong gusto kong marinig pero parang ang hirap makuha.

Ganito pala ang pakiramdam kapag sinabihan ka ng "mahal kita" sa personal.

Para akong nakalutang.....

Susunod...........

Hindi pa tapos ha!hahahaha mukha lang pero hindi pa talaga.
Enjoy reading❤

-Baliw na manunulat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro