Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Sixteen

Umiiyak si Lahorra ngayon at hindi ko alam kung bakit,ganun na din si Jacob.Umalis ako sa pagkakapatong kay Dennise at lumapit sa kanila.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanila,napayuko naman si Lahorra.

"W-wala na po a-ang inay..binibini" Malungkot na sabi ni Jacob,tumalikod ako sa kanya at humarap kay Dennise na ngayon ay nakangisi na.

Lalapitan ko pa sana siya pero pinigilan na nila ako."Binibini, kailangan ka po ni kuya.Tara na po,dahil ipapaanod na din po ang inay mamaya"Malungkot na sabi niya,wala naman akong gumawa at tumango nalang.

"You will pay for this Dennise na mukhang galis!" Inis na habol ko bago tuluyang tumalikod.

Sumakay na kami sa kotse ko at dumaan sa flower shop,bumili ako ng magagandang bulaklak.
Kahit ako ay nalukungkot din sa sinapit ni aleng Leonor...napaka
buti niyang tao para danasin yon.

Dennise is a freaking monster!

Hindi ko akalain na kaya niyang gawin lahat yon,pero kulang ang ebidinsya ko para ipakulong siya.

Dapat may testigo,dahil hindi sakin maniniwala kapag sinabi kong sinabi ni Dennise ang totoo sakin.

Nasa byahe pa kami at ang tahimik nung dalawa,bagay na hindi ako sanay.

"Pwede niyong sabihin sakin lahat ng nalalaman niyo"
Panimula ko.

Nagkatinginan naman yung dalawa."A-alam po ni...kuya Manuel ang l-lahat"Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jacob.

"Ano?!bakit hindi siya nagsumbong sa pulis?!"
Inis na tanong ko.

"D-dahil may p-pinoprotektahan siya binibini" Paliwanag niya.

Sino naman?!

"Sino?" Mahinahon na tanong ko.

"Yan po ang hindi ko alam"
Nakayuko niyang sagot.

Sino naman ang pinoprotektahan niya?

O kaya.....

Ang isla verde?

Nandito na kami sa sakayan papuntang isla verde,hindi ko alam na babalik din ako sa araw na ito.

Wala na si aleng Leonor,paano na silang magkakapatid?I know Matteo and Manuel is enough to find a job,but it's really hard.Knowing that they don't have a parents anymore.

I'm blaming myself for this!

Kung sana hindi naging matigas ang ulo ko....hindi ako mapapadpad sa isla verde.

Hindi sana....makikilala ni Dennise si Manuel...hindi sana...

Aish!!Kung hindi ako nakarating don,hindi ko siya makikilala.Pero sa tingin ko mas okay na yon,kasama naman niya ang magulang niya at masaya silang pamilya.

Nakasakay na kami ngayon sa bangka, bitbit nila ang bulaklak na binili ko.

Alam ni Manuel ang lahat...pwede siyang maging testigo para makulong si Dennise.

******
Nandito na kami sa isla verde,agad namang sumakay sila Lahorra at Jacob sa kalabaw.

Sumakay na din ako at mga ilang minuto pa ay nakarating na kami.Hindi sa bahay nila....

Kundi sa dagat...sa dagat kung saan pinaanod ang bangkay ni mang Ruffo.

At nakakalungkot isipin na si aleng Leonor naman.May mga tao na din dito,at nakita ko si Manuel at Matteo na inaayos ang balsang paglalagyan ng bangkay ni aleng Leonor.

Manuel....

I want to call him....to comfort him,but this is not the right time.

Binigay na nila Jacob ang bulaklak sa kanila ang mabilis na inayos ito.Napatingin sa gawi ko si Manuel....

Tumingin siya sakin na parang hindi niya ako kilala.
Sobrang lungkot din ng mga mata niya,I'm sorry.

Nang matapos ipaanod ang bangkay ni aleng Leonor,nag-alisan na din ang mga tao.Hanggang sa lima nalang kami nila Manuel na natira,agad akong lumapit sa kanila pero...

"Mauuna na ako,madami pa akong kailangan ayusin" Malamig na sabi ni Manuel.

Aalis na sana siya pero hinawakan ko siya sa balikat.
Tumingin naman siya sakin na parang wala lang.

Nasasaktan ako.

"Pwede ba tayong mag-usa--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita siya.

"Hindi" Pagkasabi niya nun ay tuluyan na siyang umalis,sumunod din si Matteo sa kanya.

Napayuko nalang ako sa inasal nila.Hindi ako sanay,parang nung isang gabi lang ansaya saya namin.

"Binibini marahil ay nasasaktan pa din si ginoong Manuel. Sa susunod mo nalang po siya kusapin,sa bahay ka na din po matulog binibini"Tumango nalang ako kay Lahorra,wala din naman akong magagawa.

*****
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Lahorra, pero hindi ko maramdaman ang antok.
Sobrang gulo ng isip ko,gusto ko siyang kausapin.

Pero malabo.

Ngayon ko lang naalalang hindi ko pala dala ang cellphone ko,lalabas na sana ako ng kwarto pero....

"Binibini saan po kayo pupunta?"
Tanong ni Lahorra,nakapantulog
na din siya,since wala akong dalang damit,pinahiram niya ako.

"Dyan lang.....mag p-papahangin"Sagot ko sa kanya.

"Pero madilim na po binibini"
Nag-aalalang sabi niya.

"Ayos lang...maliwanag naman ang buwan eh" Hindi ko alam kung anong konek nang sinabi ko.

Tumango naman siya,nanghiram din ako ng jacket sa kanya,dahil alam kung malamig sa pupuntahan ko.

Medyo maliwanag dahil sa sikat ng buwan,hindi naman ako takot sa dilim kaya ayos lang.

Mas takot pa ako sa mukha ni Baldo.

Nang makarating ako ay sobrang payapa ng paligid at sobrang tahimik.Uupo na sana ako pero may napansin ako di kalayuan sakin.

Ang talampakan niya ay nababasa ng dagat,at hinahampas ng alon.Nakatingin din siya sa buwan.

Manuel.......

Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako,nasasaktan ako sa nakikita ko.Alam kong nahihirapan siya,wala na ang mga magulang niya.

Pero bakit hindi niya sakin sinabi?

Bakit hindi niya sakin sinabi na alam pala niya?

Agad siyang lumingon sakin nang tawagin ko ang pangalan niya.Walang tigil din ang pagpatak ng luha ko ng humarap siya sakin......na parang hindi niya ako kilala.

"Wag kang lalapit"Mahinahon na sabi niya,pero hindi ko siya pinakinggan at lumapit pa din.

"B-bakit hindi mo sakin sinabi?" Tanong ko.


Agad siyang napayuko sa tanong ko.

"P-please answer me,why?!"Inis na sabi ko.

"Dahil hindi tayo pwede naiintindihan mo ba?hindi tayo....p-pwede,Umalis ka na"
Galit na sabi niya sakin,nasasaktan ako sa pinararamdam niya sakin.

I smiled bitterly.

"Hindi ko alam na ganyan ka pala kabilis na sumuko"Pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako.

Dito ko na tinatapos ang lahat ng tungkol samin,ayoko na.Ayoko ng mabawasan pa ang pamilya niya,kasalanan ko ito.

Susunod.......

Oke just so you know,ito pong scene na ito ay yung sa prologue. Opo ito po yon,side naman ni Suzanne ang nandito.gets niyo?

Mwehehe you can ask me,mwapsss❤

-Baliw na manunulat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro