Chapter Eighteen
Hindi ko alam na sa ganitong posisyon ako mapapanatag.
Ang makayakap siya habang umiiyak,nagpapasalamat ako dahil ako ang nasa tabi niya nang ganitong sitwasyon.
"Binibini umuwi na tayo" Hindi ko alam kung bakit parang ayaw kong sumang-ayon sa kanya.
Bumitaw na din siya sa pagkakayakap,nakatingin siya sakin ng may mga ngiti sa labi.
"Tara" Sabi niya sabay lahad ng palad niya sakin,na mabilis ko namang tinanggap.
"Salamat at hindi ka nagalit sakin" Pagkukuwento niya habang nasa daan kami.
"Ikaw nga dapat ang magalit sakin" Malungkot na sabi ko na ikinakunot ng noo niya.
"Bakit naman ako magagalit sayo binibini?" Tanong niya.
"D-dahil kung h-hindi ako napadpad d-dito buo pa sana kayo nila aleng Leonor at mang Ruffo" Nakayukong sabi ko,bahagya kaming tumigil sa paglalakad.
Kinapitan niya ang mukha ko,nakatingin din siya sakin ng diretso."Wala kang kasalanan,ito ang tadhana natin.namin"
Malungkot na sabi niya.
Ako ay napayuko nalang dahil sa sinabi niya."Pwede kang maging testigo para makulong si Dennise at mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga magulang mo"Napaiwas naman siya ng tingin sakin.
"Patawad binibini gustuhin ko man ay hindi pwede"Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.
"Bakit?" Nalilitong tanong ko.
"Dahil mamamatay ka kapag ginawa niya yon" Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig ko.
Dahil sa sinabi ni Dennise.
Sabay kaming lumingon ni Manuel sa kanya at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
Kasama niya si Baldo at yung dalawang humabol samin.Kapit kapit ni Baldo si Lahorra, at yung isa naman ay kay Jacob at kay Matteo.
May dala silang baril na labis na ikinatakot ko,galit na galit namang tumingin sa kanila si Manuel.
"Hindi ito ang pinag-usapan"
Seryosong sabi ni Manuel na ikinahalakhak ni Dennise.
Pinag-usapan?may plano sila?
"Hahaha nagbago ang isip ko"
Natatawang sabi niya.
"Lalo na nang makita ko kayo dito!!!" Malakas na sigaw niya.
"Pakawalan mo sila" Mahinahon na sabi ni Manuel.
"Ano ako tanga?!" Galit na sigaw niya.
Naiinis na ako kay Dennise, sobrang oa niya para gawin lahat nang ito.
"Pwede ba Dennise itigil mo na toh!ang babaw nang dahilan mo!" Inis na sigaw ko sa kanya,nagulat naman ako ng itutok niya ang hawak niyang baril sakin.
Agad namang humarang si Manuel."Ako ang barilin mo!yan ang plano diba?"Galit na sabi sa kanya ni Manuel na ikinalaki ng mata ko.
Plano?plano nilang patayin si Manuel?
"Sa tingin mo ba Zanne ganun kababaw ang galit ko sayo?" Nakangisi niyang sabi.
"Ang tanga mo naman para yun lang!ang tanga tanga--" Hindi ko ma siya pinatapos at sumagot.
"Then what?!!!"Galit na tanong ko.
"You're family!ang kayamanan niyo!at ikaw mismo" Seryoso niyang sabi.
"Lagi nalang pamilya mo ang magaling!ang tumutulong!yan ang nakikita ng tao pero kahit kailan hindi nakita ang pamilya ko!.....at pinaka huli ay ang pang-aagaw mo sakin kay Manuel"
Inis na inis na sabi niya.
"Hindi ako naging sayo Dennise"
Seryosong saad ni Manuel na ikinalaki ng mata ni Dennise at para sumiklab lalo ang galit nito.
"Kung ganun edi magsama kayong mamatay!" Babarilin na sana niya kami pero sumigaw si Matteo.
"Tumigil ka na!!!!tumigil ka na Denden" Tumingin naman sa kanya si Dennise ng masama.
"Don't call me that.stupid!you're the one who hurt me!lahat kayo!sinaktan ako"
Magkakilala sila?naguguluhan na ako sa nangyayari.Bakit hindi ko alam ito,bakit parang ang dami kong hindi alam.
"Tumigil ka na...wag mong ilipat ang galit mo sakin sa kanila!"
Sigaw nanaman ni Matteo.
Galit si Dennise kay Matteo?
P-pero bakit?
"Alam kong nasaktan kita noon binibini....pero maniwala ka,pinagsisisihan ko ang lahat ng yon" Pagkukumbinsi sa kanya ni Matteo.
"Ano ba yan ang drama!hindi pa ba natin tatapusin ito?!"
Biglang sigaw ni Baldo at tinutukan sa sintido si Lahorra na ngayon ay umiiyak na.
"B-binibini" Tawag niya sakin,nilipat ko nalang ang tingin ko sa iba dahil naaawa ako sa kanya at wala akong magawa.
"Sige ba" Sabi niya sabay tutok ulit ng baril sakin,napapikit nalang ako ng iputok niya ito.
*bang*
Agad kong naimulat ang mata ko dahil wala akong naramdamang kahit kaunting sakit.
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.....
At don ko lang napansin ang lalaking nakangiti habang nakayakap sakin.
Hindi!!!!
"Manuel!!!!" Malakas na sigaw ko nang may lumabas na dugo sa bibig niya.
Hinawakan niya ang mukha ko kahit nanghihina na siya.Sunod sunod naman ang patak ng luha sa mga mata ko.
No!n-no!
"M-mahal kita b-binibini....patawad kong h-hangang dito nalang a-ako"
Pagkasabi niya nun ay tuluyan na siyang bumagsak at don ko lang napansin na sa puso ang tama ng bala.
Hindi!!!
"H-hindi!h-hindi!...Manuel.Gumising ka!no please!w-wag" Utal utal na sabi ko.
"Kuya Manuel!"
"Manuel!"
"Ginoong Manuel"
Nakalapit na din sila samin,agad akong napatingin kay Dennise na parang hindi makapaniwala sa ginawa niya.Pero wala na akong lakas para saktan at sigawan pa siya.
Hiniga ko sa hita ko ang ulo ni Manuel at pilit kong ginigising ito kahit alam kung imposible na.
"Manuel please g-gumising ka!wag g-ganito Manuel" Pagtatapik ko sa pisnge niya.Biglang may lumapit samin....isang pulis.
Don ko lang napansin na kapit kapit na nila sila Dennise at ang kasama nito.Nakaposas na din silang lahat.
"Wala na po siya binibini"
Sabi nung pulis na lumapit samin.
"K-kuya" Tawag sa kaniya ni Jacob na ngayon ay walang tigil ang buhos ng luha sa kaniyang mga mata,ganun na din si Matteo.
When he stopped breathing...
My heart stop beating...
Wala na ang lalaking ngingiti kapag nakita ako,wala na ang lalaking kasabay kong manood ng paglubog ng araw.
Wala na si Manuel...
Wala na ang taong mahal ko
Wala na siya.....
Susunod.......
Hello sa mga nagbabasa hehe,hindi pa po tapos oke?
Sorry for grammatical errors and typos,asahan niyo na din sa mga susunod pang chapters.
Dahil hindi ko po na edit.
-Baliw na manunulat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro