Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Eight


Ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi ni Dennise at yung pagtrato niya sakin.

Hindi niya din binigay sakin yung sobre,sabagay wala naman akong panahon para basahin yon.Sinabi din niya sakin na babalik siya ng manila bukas,at sa isang linggo pa ang balik niya.
Gusto ko mang tanungin ay ayoko,dahil nawewerduhan ako sa trato niya sakin.

Dahil hindi ako makatulog ay lumabas muna ako at pumuntang sa living room.

"Pero alam kong sakin yun"
Boses ni Dennise yun ah.
Dumungaw ako sa bintana,hindi ko makita kung sino yung kausap niya.

"Patawad binibini....pero may ibang tinitibok ang puso ko"
Nanlaki ang mata ko sa narinig,boses ni Manuel?

Mag-kausap ulit sila?

"Pagsisisihan mo ito Manuel" Inis na sabi sa kanya ni Dennise at mabilis na pumasok dito.

Agad akong napatakbo sa kwarto,ayokong sabihin niya na nakikinig ako sa usapan nila.

Which is...totoo naman.

Nagtaklubong lang ako nang kumot ng maramdaman ko na pumasok si Dennise.
Ano kayang sasabihin niya?

"Tulog ka na pala,gusto lang sanang sabihin sayo na....hindi siya mapapasayo Suzanne" Kinilabutan ako sa sinabi niya at yung pagkakasabi niya.

Sinong tinutukoy niya?

Nang maramdaman kong umalis na siya ay tinanggal ko na yung kumot,at sinarado yung pintuan.

*******

"Binibini!!" Nagulantang ako sa sunod sunod na malakas na katok.Mabilis akong bumangon at binuksan yun.

Isang babaeng maputi at may katangkaran ang bumungad sakin."Bakit?"Tanong ko.

"Ang ama po ni ginoong Manuel....sumakabilang buhay na" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Si mang Ruffo?patay na?wth!

"Nasan sila?!" Pasigaw na tanong ko.

"Halika binibini, sumunod ka sakin at ating pupuntahan" Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod.Nakapajama pa ako pero wala akong pakealam.

Naaawa ako kay mang Ruffo,kahit hindi kami ganun kaclose.Alam kong mabuti siyang tao.

Nakarating naman kami sa may liblib na gubat,don ko lang din nakita ang mga nagkukumpulang tao.

At nakita ko ang tao na dati ay walang sawang ngumingiti,na ngayon ay walang sawang pumapatak ang kanyang mga luha.

Manuel...

Gusto ko mang lumapit ay hindi ko pa magawa,dahil natatakot ako.Meron na ding mga pulis na nagiimbestiga,mga ilang minuto ay nakita ko na ang bangkay ni mang Ruffo.

Shet!

Mahahabag ka sa kanyang itsura,dahil lapnos ang kaliwang mukha niya.At may sugat din ang leeg niya,na sa tingin ko ay ikinamatay niya.

Nakita ko sila Aleng Leonor,Jacob,Matteo at Manuel.
Walang pawi ang mga pagluha nila,napayuko naman ako dahil naaawa ako sa sinapit ng pamilya nila.

Bakit nangyayari ito?

"Binibini" Napaangat ang tingin ko sa tumawag sakin.

Manuel....nakangiti siya sakin ngayon.Yung ngiting pilit.

"Manuel"

"Maaari mo ba akong samahan kumuha ng mga bulaklak? Wala kasi kaming pambili para don" Hindi ko alam pero napayuko nalang ako sa sinabi niya.Naaawa ako sa kalagayan nila,paano nalang ang kabaong ni mang Ruffo? Kung bulaklak pa lang ay wala na silang pambili.

"Oonaman tara"Sagot ko sa kanya at ngumiti din ng todo.

*****
Nandito kami ngayon sa gubat,hindi ko alam na madami palang magagandang bulaklak dito.

May tig-isa kaming basket na dala para sa mga bulaklak na makukuha namin.
"Manuel,maaari akong tumulong sa pagbili niyo ng kabaong para kay mang Ruffo" Tumingin siya sakin.

"Salamat binibini....ngunit hindi kabaong ang aming gagamitin"
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Eh ano?

"Marahil ay hindi mo pa alam ang paraan namin dito kapag namatayan,gumagawa kami ng balsa at hahayaan na ang alon nalang ang bahalang magpadpad sa labi nang taong namatay" Napanganga ako sa sinabi niya.Hindi kaya binibiro niya lang ako?

"Ganun ang nakasanayan namin dito binibini" Seryoso niyang sagot at nagpatuloy sa pagkuha ng bulaklak.

Wala naman akong nagawa kundi ang kumuha na lang din.
Pero hindi mapakali ang mata ko at pinipihit papunta kay Manuel.

Sobrang lungkot ng mga mata niya.

Nang matapos kami ay agad kaming pumunta sa bahay nila.
Nakita ko naman si aleng Leonor na umiiyak pa din hanggang ngayon,nakaitim na damit siya.
Ganun na din sila Jacob,nagpaalam naman ako na magpapalit na din.

Dahil mamaya din pala ipapaanod sa alon ang katawan ni mang Ruffo,kahit sa kunting panahon lang kami nagkasama.
Nalulungkot ako,dahil napakabuti niyang tao.

Naalala ko tuloy na siya ang sumundo samin papunta dito.At sobrang dami nilang pinagkwentuhan ni Dennise.

Uuwi kaya siya?alam kong malukungkot din yun kapag nalaman niya.

Nag-itim lang ako na damit at lumabas na,kasama ko din yung babaeng nagbalita sakin kanina.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ako po si Lahorra binibini"
Ang unique ng name niya,at bagay sa unique na ganda niya.

Nandito na kami ngayon sa dagat,medyo tago itong pwesto namin.Mga nasa bente sinko ata kami ngayong sumama,nakita ko naman yung mga kalalakihan na nag-tutulong tulong na ilagay ang bangkay ni mang Ruffo sa balsa.

Pinalibutan din ito nang mga halaman,yung mga halaman na kinuha namin ni Manuel kanina.

May mga kung ano ano pang ginawa hanggang sa sindihan na ang balsa,at hinayaang tangayin ng alon.

Bigla ring tumunog ang isang musiko,na nagpahagulgol sa mga tao,at isa na ako don.

Nang matapos na ay nagsiuwian na ang mga tao,pero nakita kong nag-paiwan si Manuel,ngayon dalawa nalang kami dito.

Nakaupo siya sa isang malaking bato,hindi niya ako kita dito sa pwesto ko.Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang balikat niya,alam kong sobrang hirap at sakit ng nararamdaman niya.

Lumingon siya sakin,ngumiti nang may lungkot sa mga labi.
Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang ganyan.Tumayo siya,at hindi ko namalayan at .......niyakap niya ako.

*dugdug dugdug*

Wag kang mag-isip nang kung ano Zanne,sobrang nasasaktan lang talaga siya.

Dahil ayaw ko namang maging bastos,niyakap ko nalang din siya.Tuluyan na siyang naiyak,bawat paghikbi niya ay parang unti unting sinasaksak ang puso ko.

I saw a man who's suffering in sadness.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro