Otherworld 7 - Delve
Otherworld 7 - Delve
"How interesting..." bulong ni Majesty sa sarili habang ang hawak ang..
[Curse Stone]
[A stone that came from the Realm of the Gods, a divine being called Bir, a blacksmith who made this stone to seal or bind evil beings such as the followers of corrupted Gods.]
[Number of Sealed Souls: 5/5]
1....
2....
3....
4....
5. King Alexander Alpen
Bumaba ang mga mata ng batang pula ang buhok sa itim na usok na nakaluhod sa harapan niya.
"So where is it?"
""?""
"The treasures." Nakangiting tanong ni Majesty.
""I will guide you, Master.""
Sinundan ni Majesty ang itim na usok.
"Good job, Vi." Puri ni Majesty sa batang Dragon.
•Leave it to me, Human! I am great and mighty!
"Yes, yes."
Sinulyapan ni Delve ang kanya na 'ngayong' Master.
Paano nga ba nangyari ito?
"Delve.." natigilan siya nang marinig ang bulong ng bata.
~!!!~
•Who's that, Human?
"A cool but unfortunate guy."
• Huh?
"Well, I can't judge him but he's a good person who made a bad choices who's hoping for a good caused but the outcome is a disaster and in the end, he pays the price with his life."
• Ooh...
"Ask me if you have a hard decision to make, I will help you, okay?"
• Yes, Human!
"Good."
• But what are we going to destroy, human?
"The Curse Stone."
~!!!!!!!!!~
Natigilan si Delve sa narinig.
Humarang siya sa batang pula ang buhok para makuha ang atensyon nito, inaasahan niyang lalagpas ang katawan niya dito ngunit laking gulat niya nang maramdamang bumangga ang katawan ng dalawa sa isa't isa.
"Huh?" halata ang gulat sa mukha ni Majesty dahil sa nangyari.
~?????~
•Human! This spirit is strong!
Strong?
"May kailangan ka ba sa akin?" magalang na tanong ni Majesty, nakita niyang tila naestatwa ang itim na usok.
~...Sino ka? Hindi mo alam ang ginagawa mo, maraming mapapahamak sa oras na sirain mo ang curse stone!~
Halata sa tinig ng itim na usok na naguguluhan at takot ito sa maaaring mangyari, dahil sa oras na mapunta sa masamang kamay ang curse stone na pinagkukulungan ng mga banta sa kanilang mundo ay mawawala ang lahat ng sakripisyong ginawa ng mga namayapa isandaang taon ng nakaraan. Isipin pa lamang niya ang maaaring mangyari ay...
Tahimik na tiningnan ni Majesty ang itim na usok at tinanong ito.
"Ikaw ba ang nagkulong sa Hari ng Alpen?"
~!!!!~
"Tama ako, nakakahangang nasa wastong isip ka pa rin kahit na isa ka na lang espirito. Ang mga nakakasalubong ko rito ay karamihan ay kinain na ng kadiliman.."
~P-Paano mo..~
"May plano ako, gusto mo bang malaman?"
~......~
Tiningnan ni Majesty ang mga nakapaligid na itim na usok sa paligid nila, ang maingay na boses ng mga ito na siya lamang ang nakakarinig ay biglang tumahimik, hindi nila akalaing naririnig ng batang hinahabol nila ang boses nila. Ramdam nila na para sa kanilang lahat ang tanong nito.
"Hm, paano ko ba ipapaliwanag?" napapakamot sa ulo na bulong ni Majesty. Alerto namang nasa tabi niya ang itim na batang dragon.
Habang nag iisip siya ay biglang...
~Huh?~
~T-this presence--!!~
~Elder?~
~W-What is this? Why I feel so many souls in this kid?~
~...But he didn't consumed them, i-it's weird!~
~I-Ikaw paanong?~
~Mental World, he possessed a mental world... He's not a God, but why?~
~Mental World?!~
Nagkagulo ang mga mga itim na usok sa buong paligid niya.
"Oh! Tama kayo!" natahimik ang lahat sa bulaslas ng misteryosong bata.
"Isa ako sa mga dayo dito sa inyong mundo na tinatawag niyo na 'Otherworlders'"
~Alam namin, bata. Isa kang dayo..~
Seryosong sambit ni Delve at nagpatuloy.
~Hindi maganda ang pananaw namin sa inyong mga dayo, sa katunayan ay inaatake namin ang tulad mo. Ang dahilan kung bakit walang umaatake sayo ay kuryoso kaming malaman ang pagkatao mo. ~
~You're a strange kid~
~You're pretty! Hihi!~
~You have a light and dark attributes~
~Strange~
~I sense an influence of the Goddess of Wrath on you, you have her blessing..~
~Why would she gave you a blessing! We dont like them! They abandoned us!~
~B-But what is this strange power that are obeying him?~
Nabalot ng kalituhan ang mga ito, gulat na tiningnan ni Delve ang maraming tulad niya sa paligid na mas lalong nadadagdagan. Sa ilang daang taong nagdaan ay ngayon lamang nangyari muli ito, ang una ay noong pinagtulungan nilang ikulong sa curse stone ang dati nilang Hari.
~Sino siya? He smelled good! Huhu!~
~What is this, what is this?~
...
.....
......
Pinakinggan ni Majesty ang mga ito, ang isa sa pumukaw sa kanyang atensyon ay ang tungkol sa pagkamuhi nila sa mga panginoon ng kanilang mundo at ang tinatawag nilang mental world.
"Hayaan niyo na magpakilala ako." Natahimik ang lahat sa kalmado at batang boses.
"Ang pangalan ko ay Majesty Thurston Giovanni, nagmula ako sa Earth. Ang mga magulang ko ay ang nangangasiwa sa aming mundo, ang aking Ina ay ang Goddess ng Light Realm at ang aking Ama ay ang God ng Dark Realm. Hm, dating isang normal na tao lamang sila, hm, pero parang hindi?"
~.....~
"Um, hm.." seryosong pinag iisipan ni Majesty kung paano ipapaliwanag ang tungkol sa mga magulang niya. Wala siyang maisip na maayos na paliwanag dahil kahit noong bata pa siya ay hindi niya alam kung ano ang description na naaayon sa mga ito.
~.....~
"*sigh*"
~......~
"Well, it's a peaceful place."
~....Peaceful?~
~He's...not lying~
~You say, Earth?~
~I heard about that world, recently. The God and Goddesses there are in conflict and on the verge of being destroyed...but a strange individuals confronted the corrupted and evil God, the former God of Dark Realm?~
Nagulat si Majesty na alam ng ilan sa mga ito ang naganap sa kanilang mundo na sa kwento lang niya naririnig noon. Rumors? Ngayon lamang siya nakakita ng updated sa rumors na espirito. Isang bagong karanasan na naman ito para sa kanya.
~Yeah, I heard about that too! The amazing thing is, there are few casualties! They protected all the humans in the shadow! Walang kaalam-alam ang mga tao roon na maaaring gumunaw na ang mundo nila, they don't have speacial abilities like us, wala rin silang 'mana' sa kanilang mundo!~
~Ooooh!~
~He's a son of a God and Goddess, but why is he here? Is he going to save this world too?~
~A Hero!~
Nanginginig na pinakinggan ni Delve ang mga ito habang nakatingin sa batang pula ang buhok na natural na nakikipag usap sa kanila na parang nakikipagkita sa kaibigang hindi nakita ng ilang buwan.
"No, I'm not Hero?"
~Hehe! I like you!~
"Thank you!"
~Is the Elder at your Mental world too, kid?~
"I'm not sure who you are referring, but there are lots of old under my rule?"
~Is your mental world beautiful like you?~
"Hm, I can control the view of my mental world."
~Whoaa! May liwanag, ulap at mga bituin din ba doon?~
"Tama ka diyan, hm. I think they are making their houses? Oh? What is this? What are they doing?" naguguluhang bulong ni Majesty nang masilip ang mga nasa mental world niya at biglang napabuntong hininga. Gumagawa ng rebolto ang mga ito. Saan nila iyon nakuha? Hindi na siya dapat magtaka pa dahil kompleto ng maraming bagay ang mental world na gawa niya. Lahat ng elemento ay naroon: fire, water, earth, woods, wind, sky, climates, trees, etc.
Binigyan niya ng authority ang mga ito sa kung anong gusto nila, dahil iyon na lang ang tanging magagawa niya sa mga ito.
Habang sinisilip ng tulalang si Majesty ang mental world niya ay wala siyang kamalay malay na nakikita ng mga nakapaligid sa kanyang itim na kaluluwa.
~Wooow..~
~B-beautiful..~
Maging ang mga alertong nananahimik ay nagbulaslas ng pagkamangha at naalis ang duda at pangamba.
~Take me with you, take me!~
~N-No! I'm first!~
"Huh?"
[Your hidden innate skill, Soul Taker Lvl. Max and Mental World Rule Lvl. Max has been triggered. All the souls has accepted you as their ruler willingly and pledge an eternal loyalty to you, they want to be with you. This a great phenomenon! All the Gods and Goddesses are amazed by your accomplishments!]
[Mental World Rule Lvl. Max]
[You have the authority to rule those who submitted to you. All beings that are under you will serve and obey you until they perished.]
[Total Number of Souls: 1059]
~......~
Natulala si Delve sa nasaksihan. Ngayon lamang siya nakakita ng taong kayang tumanggap ng maraming 'wandering souls' sa sarili, alam niya ang mga taong may 'mental world' ay sobrang bihira. Hindi lang ang mga Gods o Goddesses ang may ganitong kapangyarihan dahil may mga iilan ang may ganitong kakayahan ngunit limitado lang sa tatlo hanggang lima ngunit ang taong nasa harapan niya ay tila walang hangganan ang kayang tanggapin.
A human who transcends the limits. A Transcendent who challenge the existence of a God.
Naririnig niya lamang ito at hindi niya maiwasang mamangha sa mga ito.
At ngayon ay nakikita niya ang produkto ng mga ito sa batang nasa harapan niya.
Maaari rin kaya nitong maabot ang posisyon na iyon na hindi maabot ng bilyon bilyong tao sa mundong ito? Ilang libong taon na mula nang may marinig siyang tao na naging matagumpay.
Anong magiging kapalaran nito? Magiging isa ba siya sa mga nabulag sa kapangyarihan at piliin ang kasakimin para magtagumpay?
~......~
"Hm?"
~...Anong plano mo sa curse stone?~
"Ah! Curse Stone! Alam mo ba kung nasaan?"
~...Anong gagawin mo?~
"Narinig kong mga delikado ang mga nakakulong sa bato na 'yon kaya naman plano ko'ng gamitin na lang kaysa maging banta pa sa iba, balak kong gawing weapon ang mga soul na naroon. Haha."
~S-Soul Weapon!?~
"Oooh! Paano mo nalaman?! Yun nga ang plano ko!"
~Pero! Kaya mo bang kontrolin ang mga ito? Hindi ordinaryo ang mga nakakulong roon!~
"Wag ka mag aalala, tinuruan ako ng Ama ko kung paano, kinulit ko ito isang beses!"
Halata ang pagkinang ng mga mata nito nang banggitin ang karanasan na kinahinto ni Delve.
•As expected of you, Human!
~Ituturo ko kung saan ang mabilis na daan at ang lokasyon sa isang kondisyon.~
"Pakikinggan ko muna ang kondisyon mo, Delve." Biglang naging seryoso ito.
~...Ako ay nandito para sa isang dahilan lamang~
~Ako ang nagplano ng pagpapabagsak sa dating Hari at dahil sa desisyong iyon ay naging ganito ang kapalaran namin...determinado akong kumapit sa katinuan kahit na mawala na sa sarili ang mga kasama ko dito, kailangan kong siguruhing hindi na muling lalabas sa mundong ito ang tulad ng masamang Hari ng nasirang Alpen.~
~At kung kaya mong tuluyang alisin o kontrolin ito ay tanging buong pusong pasasalamat lang ang maiaalay namin sa iyo, gusto kong paglingkuran ka sa pagbibigay ng kapayapaan sa mga yumao naming mamamayan..~
"......"
Ang Hari ng Alpen na inalay ang buong naaakupan ng Kahariang Alpen sa God of Desire para maging makapangyarihang, na gustong maging panginoon. Pagiging immortal, kapangyarihan at kayamanan lang ang nais nito.
Delve, ang nagsiwalat ng mga kasamaan ng kanilang Hari. Isang Heneral si Delve, nalaman niya ang pag kaunti ng populasyon ng kanilang bansa at ang malawakang pagkawala ng mga kayamanan 'Nobles'. Hindi lamang sa kanilang Kaharian ngunit sa iba pang mga Kaharian malapit man o malayo.
Nang malaman iyon ng mga Hari sa iba't ibang Kaharian ay doon na nagsimula ang impyerno ng mga mamamayan ng Kahariang Alpen. Nagpahayag ng digmaan at pagtugis ang mga Kaharian.
Isang digmaang tumagal ng sampung taon. Ang digmaang nagsimula sa galit ng iba't ibang kaharian na umabot sa digmaan para maangkin ang kayamanan ng Hari ng Alpen. Ang kasakiman ng mga tao ang nagpalakas at nagpalaki sa impluwensya ng God of Desire, Alk. Dahil sa tila walang katapusang digmaan. Dumaan ang matinding kagutuman, uhaw at epidemya, ang mga tao ay piniling maniwala sa God of Desire, Alk sa hirap dahil ang mga ilang ulit na tawag nila sa ibang mga God at Goddesses ng kanilang mundo ay walang resulta. Natuwa ang mga ito nang pag gising nila ay may nakahandang makakain ngunit... Isang pagkakamali iyon dahil ang hindi nila ay ang mga nasa tiyan nila ay ang mga namatay sa digmaan.
Walang panginoon sa kanilang mundo.
Ito ang natuklasan nila, ang natanto nila.
Walang tutulong sa kanila.
Huminto ang mga Kaharian sa digmaan dahil sa natanto nilang walang patutunguhan ang digmaan nila, ang digmaang nagsimula sa alyansa para pabagsakin ang isang Kaharian ay nauwi sa digmaan ng bawat Kaharian. Ang dating kakampi ay naging kaaway, ang tiwala na nauwi sa pagtataksilan. Marahil ay dahil sa kanilang kasakiman ay pinarusahan sila maging ng kalikasan. Maraming taong tagtuyot ang kanilang dinanas dahil sa paglimot na alagaan ito. Kumonti ang populasyon ng mga hayop. Ang malinis na tubig ay nahahaluan na ng putik at dugo. Natanto nilang walang silbi ang kayamaan kung wala ang kalikasan, kung walang tubig, at walang malinis na makakain. Wala silang ikabubuhay kung wala ang kalikasan. Walang disiplina kung walang pagkakaisa at walang sumusunod sa batas, dahil sa digmaan. Dumami ang magnanakaw. Ang dating malalakas na bantay na sundalo ay madali na lang pagtulangan ng mga gutom na magnanakaw. Wala ng takot ang mga mamamayan sa mga aristokrato basta may makain.
Ang mga Hari ang may kasalanan.
Kasalanan nila kaya wala silang karapatan na magalit.
Ang nasa isip ng bawat tao.
Tulalang hawak ni Delve ang curse stone na nakuha niya sa God of Desire, Alk. Kapalit ng mga hindi niya mabilang na buhay na nakuha ng mga kamay niya ay ito ang gantimpala niya. Para magamit ito kailangan niya ng mga alay. Nang nakayukong ipinaliwanag niya ito sa mga natitirang mamamayan ng Alpen ay...sumang ayon sila. Maging ang mga hindi nila nakikitang mga hindi matahimik na kaluluwa ay nakiisap. Kapalit ng pagkaubos nila ay ang pagkakakulong ng Hari ng Alpen sa curse stone.
"Ayaw mo bang magpahinga na? Nagawa mo na ang lahat. Nagtagumpay ka."
~......~
"Sa maling paraan mo man nagawa ang lahat, isa ka pa ring bayani."
~...!!!~
"Hindi ka nagdalawang isip na isiwalat ang kasamaan ng inyong Hari, hindi man naniwala ng mabilis ang lahat ay pinatunayan mo kahit pa ikamatay mo. Lumaban ka hanggang sa huli, Delve. Nagawa mo ang lahat, hindi man mabuti ay magaling ang ginawa mo."
~......~
"Humahanga ako sa tapang mo, Delve."
~*sniff*~
"Hindi man ako sa isang Hero tulad mo pero pangako, magiging malakas ako at...babatukan ko ang Alk na iyon."
~!!!!!!!~
"Heh! I'm not planning to be a Hero, I'm not a good person but I am on your side."
Matapos non ay tinuro ni Delve ang totoong lokasyon ng curse stone. Isang 'illusion' lamang ang curse stone na pinag aagawan nina Zeros at ang mga kasabwat ni Ace. Mabilis na nilipad ni Vi ang curse stone at binigay kay Majesty.
At ngayon ay patungo sila sa tunay na lokasyon ng mga kayamanan.
Pasilip silip si Delve sa kanyang batang master. Kalmado itong naglalakad na tila walang problema sa mundo at tiningnan ang sarili niya. Nang tinanggap ni Majesty ang kondisyon niya ay bumalik ang dati niyang anyo. Isa man siyang soul ay suot niya pa rin ang dati niyang kasuotan noong Heneral pa siya, at mukha niya ay noong 25 years old siya na kinangiti niya. Ang itsura niya na nakalimutan na niya ay nakikita na muli niya at naalala.
Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kapayapaan nang maging Master niya ito.
""Master, nandito sa lugar na ito ang lahat ng treasure ng dating Hari.""
"Oho!"
•Human! We're rich! Hahahaha!
"Yes, we're rich."
""Master, paano mo madadala ang lahat ng kayamanang ito?"" alalang tanong ni Delve dahil sa bundok bundok na kayamanan sa kanilang harapan. Napansin niyang tila hindi masyadong apektado ang Master niya sa kayamanang nasa harapan.
"Oh. You're right."
•Heh! Don't worry, Human and Del! I have unlimited space!
""Ooh! I forgot you're a dragon!"
•Yes! I'm a dragon, idiot Del!
"".......""
At doon nabuo ang grupo ng isang batang mahilig maglakbay, isang dragon na nawawala at hinahanap ng kapwa niya dragon, at isang soul ng malakas na Heneral na mula pa nung ancient times.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro