Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Otherworld 16: Forgotten Gods (1)

Otherworld 16: Forgotten Gods (1)

Majesty Thurston Giovanni PoV

Pinagmamasdan ko ang mga murals na nakaukit sa isang kweba na nadaanan namin o mas tamang sabihin na dinala kami ng mga paa ni Selena. Hindi ko alam kung bakit kami narito o kung paano niya nalaman ang lugar na ito.

"What is this place, wifey?" tulalang tanong ko habang nililibot ang mga mata ko sa mga nakaukit. Kahit na madilim ay malinaw na nababasa ko ang mga nakaukit sa bato.

"I...don't know, hindi ko alam." tiningnan ko ang likod ni Selena, sa hindi ko malamang dahilan ay ramdam ko na hindi rin nito alam ang kung anong meron sa lugar na ito.

"I--I heard about this place..." sabay na nilingon namin ang witch radar na si....? Ah, ano nga ulit pangalan niya?

"Really?" gulat na tanong ni Selena. Ngayon ko lang nakitang kuminang ang mga mata niya, she's pretty. Really.

Naramdaman ko ang will ni Delve na parang gustong magpakita, hinayaan ko ito na hindi na nila kinagulat dahil alam na nila na may kakayahan akong komontrol ng mga souls.

""Master, kung hindi ako nagkakamali ay ang lugar na ito ang dating templo ng isa sa mga Forgotten Gods.""

Forgotten Gods?

"Ayon sa mga Elders namin ay may dalawang Ancient Gods na namuno sa mundong ito, bago pa makilala ang mga Gods at Goddesses sa Valhalla ngayon. " wika ni witch radar na tila excited sa pagku-kwento.

"Ang sinasamba naming mga witches na panginoon ay ang Goddess of Chaos!"

Goddess of Chaos...?

Dug. Dug. Dug.

Di ko alam kung bakit tumitibok ng malakas ang puso ko at kung bakit bigla kong naalala ang mukha ng... Grandma ko.

"Ang Goddess of Chaos na nagngangalang... Eve."

Napako ako sa kinatatayuan ko.

"What did you just say?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Nagkataon lang ba na kapangalan ng Grandma ko ang Ancient Goddess?

"Do you know something?" tanong ni Selena, habang seryosong nakatingin sa akin.

Nakita kong nakatingin silang lahat sa akin.

"No, it's just that kapangalan ng Grandma ko ang kinukwento niyong Ancient Goddess."

"Pfft~! It's just a coincidence, Master!" iling nitong witch radar namin, bat parang gusto itong saktan? -__-

"So what happened?" baling ko kay Delve na nakatingala sa isang murals na may magkatabing imahe, walang mukha ang mga ito pero makikita sa nakaukit ang isang babae na nakaupo sa kandungan ng isang lalake, nakakulong ang mga braso ng lalake sa bewang ng babae na tila ayaw itong pakawalan. Kahit na hindi makita ang itsura ng dalawa ay mararamdaman ang pagiging possessive ng lalake sa babaeng yakap.

At muli, sa hindi ko ulit malamang dahilan ay lumakas ang pintig ng puso ko dahil bigla ko naman ngayon naalala ang mukha ng Grandpa ko.

Napalunok ako.

"Who..?" tanong ko kay Delve habang nakaturo sa lalakeng nasa murals.

Nagtatakang tiningnan ako ni Delve saka sinabing...

"He is also an Ancient God, he is Eros the God of Order."

Hindi makapaniwalang binalik ko ang mga mata sa murals!

Sigurado akong walang ideya sina Mom and Dad tungkol dito.

Are they really...

My Grandparents? How...

They are humans!

Ngunit bigla kong naalala ang mga kakaibang traits ng mga Thurston, sa side ng Grandpa ko, isa na doon ang 'order' na nakakapag-intimidate ng mga tao.

"......"

Bata palang ako ramdam ko na parang may misteryosong awra ang Grandparents ko... At kung totoo nga na dati silang Ancient Gods from thousand years ago... Anong nangyari sa kanila? Bakit naging Forgotten Gods sila at naging mortal na tao?

""Master?""

Hindi ko napansin na matagal akong nakatulala. Ngayon lang ako nagulat ng ganito sa buong buhay ko.

"....."

Naramdaman kong may humawak sa braso ko at humila. Nakita ko si Selena na seryosong nakatingin sa akin ng diretso sa mata.

Paano nalaman ni Selena ang lugar na ito?

"Tell me, anong nalalaman mo?"

"No, ngayon ko lang narinig ang tungko dito, Selena." seryosong sambit ko dito na biglang napaatras palayo sa'kin, dahil hindi ko sinasadyang ilabas ang intimidasyon ko. Huminga ako ng malalim para kumalma saka marahang kinuha ang kamay ni Selena na nabigla kanina.

"I'm sorry, but believe me. Ngayon ko lang talaga narinig ang lahat tungkol dito."

I know na importante at konpidensyal ang lugar na ito sa kanya dahil ayon sa kanya kanina ay siya lang ang taong nakakaalam sa lugar na ito.

"Hm, I... I'm sorry too, gusto ko lang kasi malaman ang tungkol sa lugar na ito."

Ngumiti ako at tumango at hindi tinanong o inaalam ang dahilan niya kung bakit gusto niyang alamin ang tungkol sa dalawang Ancient Gods. Sa nakikita ko, wala namang bahid na 'hostility' ang reaksyon niya sa dalawang Ancient Gods.

Hindi ko alam ang dahilan niya pero balang araw, malalaman ko rin ang lahat.

"So what happened?"

• Human, I heard about them too! Maraming kwento tungkol sa kanila na naririnig ko kanila Gramps at sa mga iba pang Dragons noon! Paboritong libangan ko noon ang pakinggan ang mga kwento nila simula noong nasa egg pa lang ako!

Binalingan ko naman ngayon ang kaibigan kong dragon na gising na pala ngayon, buhat ito ni witch radar kanina pa.

"Aha! Mas may katotohanan ang salita ng mga Dragons, Master! Matagal ng nabura ang records tungkol sa mga Ancient Gods! Kaunti na lang ang nakakaaalam sa mga ito!" wika ni witch radar.

Nabura ang tungkol sa kanila?

"Anong dahilan, bakit naglaho ang mga records nila?" seryosong tanong ko sa malamig na tono.

• Kagustuhan iyon Ni Ancient God Eros, dahil may kapangyarihan itong magbigay ng absolute order ay walang nagawa ang mundong ito kundi sundin ang kagustuhan nito!

Lumipad patungo sa akin si Vi, ang kaibigan ko at pinag-lebel ang mga mata namin.

• Ayon sa mga Gramps ko noon nakilala at nakita ng mga Ancient Dragons ang Ancient God na si Eros, ayaw nilang kalimutan ang tungkol sa dalawang Ancient Gods, kung kaya naman nagkaroon ng exception na tanging mga Dragons lang ang makakaalala sa kanila!

Tiningnan ni Vi, ang mga nasa paligid na sina Selena, Delve at witch radar.

• Marahil, dahil ilang libong taon na ang nakakalipas ay unti unti ng nawawala ang restrictions ng absolute order kaya naman napag-uusapan na ito ng malaya!

Inutos ng Ancient God of Order? Ngunit bakit?

"Posible bang buhay pa sila?" gulat at kunot noong tiningnan nila ako.

""Imposible iyon, Master, dahil matagal na silang wala...""

Paulit-ulit na nag-echo ang sinabi ni Delve sa akin.

• Sikat na sikat ang love story ng Ancient God Eros at ng Ancient Goddess Eve sa mundong ito kung gaano sila kabaliw sa isa't isa! Sobrang mahal ng Ancient God Eros ang Ancient Goddess ngunit maraming pagsubok ang humahadlang sa kanila!

"Humahadlang?" tanong ko, di ko alam kung saan galing ang suot ni Vi na eyeglasses....

• Tama ang narinig mo, Human! Dahil nahahati sa black and white ang mundo nila! Kung ang Ancient God na si Eros ay nasa liwanag, ang Ancient Goddess na si Eve naman ay nasa parte ng kadiliman!

Ayon sa kwento noon ay, na-love at first sight ang Ancient God Eros sa Ancient Goddess! Bumaba sila sa mundo ng mga tao at hindi nila alam pareho silang Ancient Gods! Akala nila ay tao ang isa sakanila!

Bigla kong naalala ang seryosong mukha ni Grandpa Eros na parang si Grandma lang ang nakikita niya sa buong mundo...

Kung totoo nga na nawala sila sa mundong ito ilang libong taon na ang nakakaraan, kung ganon ay...

Nag-reincarnate sila?

At kahit hindi nila maalala ang past life nila bilang Ancient Gods ay... Tinadhana pa rin sila? Nagkakilala pa rin sila at walang nagbago.

Di ko maiwasang....mapangiti at mamangha kahit pa na naging tragic ang ending nila noon ay magkasama na sila habambuhay ngayon sa Earth.

• Ayon noon, naglayas si Ancient Goddess Eve o mas tamang pina-laylo muna ito ng pamilya nito dahil sa mga gulong nililikha nito sa Immortal Realm, pinatungo Siya sa mundo ng mga tao sa loob ng isang taon. Naging payapa ang Immortal Realm sa loob ng isang taon.

Bat tila isang déjavu ang naririnig ko ngayon? Kwento ni Mama noon ay pinalayas at pansamantalang pinatago muna si Grandma ng pamilya niya dahil sa gulong ginagawa nito at marami itong kaaway. Laging nakakatanggap ng death threats si Grandma noon...

• Hehehe! Nakakatawa pa dahil nagpanggap na lalake ang Ancient Goddess! Ngunit di niya malilinlang ang Ancient God Eros!

O______O

Dahil nakatutok ang buong atensyon nila kay Vi ay walang nakakapansin sa mga reaksyon ko.

"Nagpanggap na guy si Mom noon pero di niya nalinlang si Dad! Walang kaalam-alam si Mom na unti-unti na siyang binabakuran ni Dad! Hahahaha! Lahat ng kapilyahan ni Mom ay sinasakyan ni Dad hahahaha! Ayon kay Mom, nakilala niya si Dad dahil sugatan at wala itong malay sa labas ng pansamantalang bahay niya, galing sa gyera si Dad noon at ayon na-love at first sight siya kay Mom!"

"Haha! Matagal na hinanap ni Dad si Mom pero di niya na ito mahanap pa! Akalain mo, nasa boys school pala si Mom! Nang malaman ni Dad na tumitira si Mom sa boys dorm, pinalipat siya agad ni Dad! Walang ideya si Mom, binabakuran na pala siya!!"

Naalala ko ang kwento ng Mama ko sa akin, isa iyon sa mga bedtime stories na naririnig ko noong baby pa ako. Walang ideya ang Mama ko, three years old na ko pero nakakaintindi na ko.

At dahil gusto kong marinig ang buong kwento ng grandparents ko ay nagpapanggap akong baby.

Wow...

Human...? Ayos ka lang ba?

"Ha? Ah! Oo, Vi! Naa-amaze lang ako..."

• Aha! Kung ganon, itutuloy ko na ang kwento... Ahem! Sa totoo lang di alam nila Gramps na naririnig at naiintindihan ko ang kwento nila kahit nasa egg palang ako hahahaha! I'm so amazing! Right, Human!?

"R--Right?" ngiwi ko at hindi malaman ang isasagot...

TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro