Otherworld 14: The Beauty and The Devil (1)
Warning! All the published chapters of this story is not edited, you will encounter errors so please understand I'm busy 👉👈
Otherworld 14: The Beauty and The Devil (1)
“Why did you do this?”
Majesty's POV
Tanong ko sa witch na nasa harapan ko. Nagkagulo ang lahat na nakarinig.
“Hindi ko alam ang sinasabi mo!” takot na sigaw ng batang babae sa harapan ko.
“K—Kena!” bahaghang nilingon ko ang batang lalake na sumigaw.
“Lance! Tulungan mo ko! Pinagbibintangan ako!”
“H—Huh? Pero..” naguguluhang nagpalipat lipat ng tingin ang batang nag-ngangalang Lance sa akin at sa Kena na tinawag niya.
“Maniwala ka sa akin! Hindi ako witch!” hiyaw pa nito na mukhang kaawa-awa at tiningnan ang mga villagers.
“Chief! Chief!” hiyaw ng batang witch sa matandang naestatwa sa kinatatayuan. Tiningnan ko ang Chief na tinatawag nito na hindi makapaniwalang nakatingin sa batang witch.
“What? This child is the witch? Paanong hindi ko nadetect, Sir Saint?”
Huh? Sir... Saint?
Naguguluhang tiningnan ko naman ngayon ang isang nasa 40’s na lalakeng nakaputing mahabang roba, namangha ako dahil sa taglay na divinity nito.
Nakita kong biglang nanlaki ang mga mata nito nang makitang nakatitig ako sa mukha nito at dali daling yumuko.
“This old man is called Esteban, a High Priest from the Temple of Goddess Altea..” magalang na sambit nito.
“Wow... been a long time since I meet a pure soul. How beautiful!” manghang bulaslas ko na kinalaki ng mga mata ng High Priest na nagpakilalang Esteban.
“Pure?” naguguluhang mukha ng High Priest.
“And you, you’re name is Lance?” Binalingan ko naman ang batang si Lance. Sunod sunod itong tumango.
“Hm... kilala mo ang witch na ito? Magkaibigan kayo?” tukoy ko sa batang babae na namumutlang nakatingin sa dulo ng spear na hawak ko.
“M—Magkababata kami!”
“I see..”
“S—Sir Saint—”
“No. Don’t call me that. Majesty, it’s Majesty.” Hawi ko sa kamay ko, di ako komportable sa pagtawag na ganon sa akin.
“Eh? M—Majesty?”
“It’s my name, cool right?” nakangiting pagmamalaki ko, blangkong tiningnan naman ako ng batang si Lance na kinasimangot ko dahil sa hindi agad pagsang-ayon ng mga ito.
• It’s cool, human! I like your name!
Napangiti ako dahil sa pagsang ayon ng kaibigan kong Dragon!
“”Yes! It suits you very much, my lord!””
Huh? Kumunot ang noo ko sa eksaheradong boses ni Delve ngunit sinawalang bahala ko na lang muna.
“Saint Majesty?” tawag ng High Priest nang mapansin na kunot ang noo ko na mas lalong kumunot sa tinawag nito sa akin.
I know this type of guys, na lagi kong nakikita dati sa mga sumasamba sa parents at godfathers ko. What a burdening gaze.
“Oh, nothing..” buntong hininga ko at tiningnan ko ang batang nag ngangalang Lance at nalaman ko na kasama ang mga magulang nito sa mga namatay sa curse.
Hm, nasa mental world ko na ang parents at ang mga nawalan ng buhay sa village na ito.
“Naiinggit ka sa mga may pamilyang buo.” Nanigas sa kinatatayuan ang batang witch.
“T—Totoo ba yon, Kena?” umiiyak na tanong ni Lance.
“....”
Ang kaninang takot na mukha ng batang witch ay nawalan ng emosyon at masamang tiningnan ako.
“What the..” hindi ko pinansin ang mga bulungan ng mga hunters sa paligid ko.
“Who the hell are you!?” nabalot ng black fog ang katawan nito.
Bago pa kumalot ang black fog...
“Poison! It’s dangerous! Priest!”
Nag tulungan ang mga Priest na i-extinguish ang black fog.
Dahil sa makapal na black fog na nababalot sa amin ng batang witch ay walang nakakakita sa amin.
“Hm..”
Is she going to risk her life now? Mukhang balak ako nitong isama ako sa hukay niya.
“Vi, let’s go to a secluded place.”
• OK, humaaan!
“aaaaack?!” nagulat ang batang witch nang walang hirap na hinila ko ang leeg niya.
“Now, be a good witch kung ayaw mo bitawan kita sa ere.” Namutla ito ng makitang lumulutang kaming dalawa at mabilis na umalis sa Rayaz Village.
Tumingala siya sa papalayong likod ng taong nakamaskara at pula ang buhok. Nakatago sa isang pinaka-mataas na puno ang babaeng balot ng itim na hood na bumaba dahil sa hangin. Nilipad ang itim at mahaba nitong buhok at seryosong tiningnan ng pulang mga mata nito ang misteryosong nilalang na ngayon niya lang nakita.
Hindi niya maiwasang kabahan at mag-alala dahil sa pangyayaring wala sa kaalaman at memorya niya na maaaring makasira sa mga plano niya.
‘Should I kill him?’
“Majesty..” napahinto bigla ang batang dragon sa paglipad nang maramdaman pagtigas ng katawan ni Majesty at lumingon sa paligid na parang may hinahanap.
• Human?
“Oh, nothing..” iling ni Majesty dahil baka nagkamali lang siya ng dinig. Parang may bumigkas sa pangalan niya.
“Waaah! Pakawalan mo ko! Waaaah!”
“OK!”
“Uwaaaaah!!!!”
“”.....”” pinanood ni Delve ang pagbitaw ng Master niya sa witch at pagbulusok nito.
His Master is a... bully.
Umiiyak at namumutlang ang witch na hinablot ulit ng Master niya.
“Look at you, malakas ang loob mo pumatay pero takot ka sa ganito lang? I’m dissapointed, y’know?”
“Hic! Hic! De-Devil!”
“Heh!”
“Uwaaaaaaaaaaaak!”
· Human! That’s exciting!!!
“”.....””
Makalipas ang sampung minuto na katumbas ng sampung taon para kay Kena ay lupasay na bumagsak ito sa lupa.
Nanginginig sa takot na tiningala niya misteryosong nakamaskara.
Hindi niya mabilang kung ilang beses siya nitong binitawan sa ere at walang kundangan na hihilain ng paulit-ulit.
“Bluuuugh!” nasusukang nanghina ang witch sa damo.
“Masasanay ka rin.”
“A—Anong ibig...”
“You’ll be my witch radar! Cool, isn’t?!”
At doon nagsimula ang alamat... este ang unti unting pagkaubos ng mga witches sa mundo ng Valhalla.
At...
Ang pagtatagpo nila.
Ang mundo ng Valhalla ay nagulantang sa pagsabog ng balita na pinag-uusapan at pinagkakaguluhan ng lahat ng gustong makakuha ng impormasyon tungkol sa... pagkatao ng ‘Saint’ at ng ‘Witch Hunter’.
“Alamin niyo kung nasaan siya! Kailangan nating makuha sa grupo natin ang taong yan!”
“Hanapin niyo sa kahit saang sulok!”
“H’wag kayong titigil!”
“Ang Saint ay hindi ordinaryong indibidwal! Siya ang sugod ng Goddess Altea!”
“Hindi tayo dapat maunahan! Ibigay niyo lahat ng kondisyon at gusto ng taong iyon, sa atin siya nararapat!”
“Maging ang mga Hari at ang Emperor ay inaalam ang pagkatao ng Saint!”
.....
.........
“Let’s stop for now..” Sambit ni... Majesty habang hawak ang soul weapon na gamit niya para tugisin ang mga witches.
Nanginginig na nakaluhod sa harapan niya ang witch na si Kena.
Nasaksihan niya kung paanong ginawang weapon ng taong nasa harapan niya ang mga soul na nagwawakas sa mga kamay nito at habang parami ng parami ang mga namamatay na witches ay lalong tumitingkad at humahaba ang soul weapon na sword na gamit nito.
Ilang araw na ba ang nakalipas? Hindi niya na alam sa sobrang takot na siya na ang isusunod nito oras na... wala ng matirang witches sa mundong ito.
Ang ‘Saint’ na nasa harapan niya ay malayo sa salitang ‘Saint’
‘He’s a devil! A devil!’
Nakita niya kung paano sumayaw ang mga dugo sa paligid nito habang pinapaslang ang mga kalahi niya.
‘He’s smiling while collecting their soul..’
“Whoa! Witches are amazing! They give me lot’s of levels and experience!”
“......” wala sa katinuang pinanood ng bihag na witch ang tumatawang Saint sa harapan niya.
Natigilan siya nang balingan siya nito.
“Oh, you’re tired?” nanginig ang mga mata tiningnan ng witch ang papalapit na devil.
“N—No..”
“OK, let’s camp here!”
“OK, human!”
Agad na nawalan ng malay ang batang witch at nakatulog ng mahimbing ang batang dragon. Lumabas ng tent si Majesty at nagpatuloy sa pagha-hunt ng mga witches na palihim na nag aantay ng oras para makaatake.
Nag iwan siya ng white souls na agad magbabantay sa dalawa bago umalis.
***
She didn’t knew that a person can be beautiful while blood was scattering like a dance in the air. She saw him holding a black sword while killing the witches. Even though the white mask was hiding his face, she saw clearly the ruthless gleam of his raven eyes.
She was both mesmerised and... uneasy because of the danger she was sensing coming from him.
It’s been a month when she started to follow the trail of the red haired mask boy. When she heard all the rumors circulating around all over the continent about the masked ‘Saint’ who saved the northern village, part of the Coleridge Kingdom, she was... shocked.
“......”
His existence is not recorded in her memory.
‘Should I kill him?’
She firmly touch the scabbard at her waist. There’s no Saint in her memory.
‘He is dangerous, who knows what will happen if he becomes a variable towards my goal.’
“”Master... Are you really letting that girl follow you? She’s dangerous.”” Seryosong sambit ni Delve, natigilan si Delve nang makita ang mapaglarong ngiti sa labi ng Master niya.
“🎶” mapaglarong humuhuni ang Master niya habang naglalakad na tila namamasyal lang sa gitna ng kagubatan. Kung nabubuhay pa siya ay tiyak na aatakihan siya sa puso dahil sa nilalakaran ng Master niya ay nagkalat ang dugo at mga katawan ng mga walang buhay na witches, tiningala ni Delve ang buwan sa ibabaw ng Master niya. Nakalagay ang dalawang kamay ng Master niya sa likod habang naglalakad.
Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip ng Master niya at napagod na lamang siya sa paghula sa mga susunod na hakbang nito.
May mga panahong inosente ito at may mga panahong nagpapakita ito ng kalupitan. Tulad na lamang ngayon, sinulyapan ni Delve ang babaeng nakatago sa dilim. Ang pulang mga mata nito ay parating nakasunod sa Master niya.
Isa lang masisiguro ni Delve, isang katangian ng Master niya na sigurado siya.
Sa oras na makaramdam ito ng ‘kuryosidad’ ay nag iiba ang kinang ng mga mata nito.
“”.....””
Ang nakakamangha pa ay sa pagdilat pa lang sa umaga ng Master niya ay nakadilat na agad pulang mga mata nito. Binalik ni Delve ang tingin sa Master niya at sa babaeng kumilos ang kamay sa hawakan ng espada sa bewang nito.
May misteryosong ngiti na naglalaro sa labi ni Majesty. Noong una ay sinusubukan niya lang ang pangahas na bumubuntot sa kanya kung tatagal ba ito o kung anong plano o binabalak nito sa kasusunod sa kanya.
‘She’s just observing me.’
Kahit na hindi niya lingunin ang direksyon nito ay natatanggap niya ang mga reports ni Delve.
Hindi kumukurap ang pulang mga mata nito habang hina-hunting niya ang mga witches. Walang takot o pagkabigla.
‘Red eyes... Black hair..’
Ayon kay Delve ay iyon ang anyo nito, ayaw niyang lingunin ang direksyon nito dahil baka bigla itong tumigil sa pagsunod.
‘I wonder kung bakit natutuwa ako? Maybe because I don’t find her gaze, unpleasant?’
Hanggang sa ang pag-obserba ni Majesty ay napunta sa kuryosidad sa pagkatao ng sumusunod sa kanya hanggang sa hindi niya na lamang namamalayan na naeengganyo na siya sa pagsunod nito.
Bukod sa kuryosidad ay... may isa pang rason.
Nabura ang ngiti ni Majesty at tiningala ang bilog na buwan.
‘I’m feeling and sensing a powerful rage and potent killing intent coming from her pero hindi nakadirekta sa akin iyon.’
Behind her rage and killing intent is her sadness and regret and..
She’s the very first person who don’t have any trace of happiness coming from her.
“.....”
‘I wonder why...’
Simula ng bata pa siya ay bukod sa nakakakita siya ng mga pagala-galang souls ay nararamdaman niya ang mga naglalarong emosyon ng mga nasa paligid niya.
‘Is that her choice? O tulad din siya ng iba na walang pamimilian kundi mabuhay ng...’
“”Master, be careful. She’s planning to move.””
Nakarating sila sa tent kung saan mahimbing na natutulog sa tamang oras ang batang dragon.
Nang ikumpas niya ang kamay ay nawala si Delve na nasa mental world na niya para magpahinga, tututol sana ito ngunit bago pa makapag-protesta ay nawala na ito.
Nasa harap siya ng bonfire, ang pulang buhok nito ay mas nangibabaw dahil sa naglalarong apoy sa harapan niya. Sumandal siya puno habang pinanonood ang apoy at ipinikit ang mga mata.
Swoosh.
Walang tunog ang mga paa ng nagtatago sa dilim at bago pa makarating sa leeg niya ang talim ng espada nito ay mabilis na sinangga niya ng dagger ang espada. Unti unting dinilat ni Majesty ang itim na mga mata at sinalubong ang walang emosyong pulang mga mata ng babaeng nasa harapan.
“You finally come out.” Kalmadong sambit niya dito.
“You knew.” Malamig na sagot nito.
Nabalot ng katahimikan ang buong kagubatan.
Tiningnan ng maigi ni Majesty ang pulang mga mata ng babaeng laging nakasunod sa kanya at bumaba ang mga mata niya sa nakaharang na itim na tela sa labi nito.
“Hindi ka isang otherworlder.”
“Fortunately, I’m not.”
“I’m sensing hatred in your tone... Galit ka ba sa mga Otherworlders?”
Walang sagot na sinugod siya nito at hindi inalis ang puntirya sa leeg.
Tanging ang tunog ng dalawang matalas na dagger at espada ang naririnig sa malalim na gabi. Ang bawat kilos at atake ng dalawa ay hindi mahahabol ng mata ng isang ordinaryong tao lamang.
Isa, dalawa, tatlo... umabot ng tatlong oras na walang pahingang nagkakalansingan ang sandata ng dalawa.
‘Amazing..’
‘Who is this guy..’
Kapwa huminto ang dalawa na tila nagkasundong lumayo ng ilang hakbang sa pagitan ng isa’t isa.
Nahigit niya ang hininga nang masalubong ang itim na mga matang nakatingin sa kanya. Kumabog ng malakas ang dibdib niya nang makita ang kislap ng itim na mga mata nito.
‘Why is he looking at me like...that’
Bigla itong ngumiti ng matamis at hindi na lang niya namalayang napaatras na siya.
‘He’s dangerous. I have to kill him but..’
Pakiramdam niya kung hindi siya aalis sa kinatatayuan niya ay may mangyayari sa kanya, ang walang emosyong mukha nito ay bahagyang namutla at biglang nanindig ang balahibo nang mabasa niya ang mga mata na nakatutok sa kanya.
Bumilis ang pag atras niya at siya namang paglapit unti unti nito.
“Don’t leave me, my lady..”
Bago pa man bumilis ang atras upang makatakas ay nahuli ng mas malaking kamay ang pulso niya, agad na inatake niya nito na agad na naiiwasan ng lalakeng nakamaskarang puti.
“Bitiwan mo ako..!”
Sabay na nawalan ng balanse ang dalawa.
Natulala si Selena nang bumagsak ang puting maskara nito.
His red hair is swaying and his raven eyes like staring at the abyss, his perfect nose, eyebrows, jaws and red lips are screaming of perfection and undeniable gorgeousness.
“Is your head OK?” may pag aalalang tanong nito at doon lang siya natauhan at naramdaman ang dalawang kamay na nasa likod ng ulo niya na para bang pino-protektahan.
“Get off me!” may kabang sambit ni Selena na kinangisi naman ni Majesty na wala ng maskara ngayon.
Aliw na tiningnan niya itong pilit na kumakawala pagkakadagan niya. Hindi napansin nito na wala na ang itim na telang nakaharang sa labi nito.
“Pretty..”
“!!!”
“No one can compare the beauty of my mom but now..”
“W—What the hell are yo--!”
“What’s your name?”
“Get off me!!”
“Nah, tell me. Di kita pakakawalan.”
Nagising ang batang dragon sa mahimbing na pagkakatulog at tahimik na napasinghap! Ano itong nasasaksihan niya!?
‘Are they..?!’
Samantala, walang kaalam-alam ang dalawang nakahiga sa damo sa nangyayaring gulo sa isip ng batang dragon! Bumalik sa pagkakahiga ang batang dragon upang hindi istorbohin ang dalawa.
“Tell me.”
“I’ll kill you!”
Tiningnang maigi ni Majesty babaeng nasa ilalim niya at naalala ang Ama.
“Sa oras na nakita mo na, wag mo ng pakawalan..”
“Paano ko malalaman kung siya na?”
Ngumisi ang Ama niya.
“You’ll know the moment you laid your eyes at her...that irresistible force, and wanting to be possessive of that very woman because...you want her...”
“Tell me. I want to know your name.” Seryosong tanong ni Majesty Thurston Giovanni.
“... Selena.” Wala sa sariling sagot ng babaeng nasa ilalim niya.
Naestatwa ito at tumambol ng malakas ang dibdib sa nakangiting mukha nito at sa mga matang kumikinang na tila nakatingin sa isang bagay na...nahanap na nito.
“Selena..” nang banggitin nito ang pangalan niya ay may isang emosyong ibig kumawala sa kanya na hindi niya mapangalanan pero isa lang ang alam niya sa sitwasyon niya ngayon.
‘Escape! Kailangan kong makaalis dito!’
“So, Selena... why do you want to kill me?” malambing na tanong nito sa tainga niya na kinatindig ng balahibo niya.
KYAAAAAAAAAK! Shet!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro