Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Otherworld 13: Birth of the Saint (3)


Otherworld 13: Birth of the Saint (3)

“Your Majesty, the group of ‘The Strikers’ are at the capital.”

Napatayo sa kanyang trono si King Baxley Coleridge sa sinabi ng isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang si Duke Corliss.

“Magmadali kayo at imbitahan sila!” may galak na pahayag ng Hari na magalang na sinunod ni Duke Corliss. Kung hindi dahil sa anak niyang ppasaway nasi Ran Corliss ay hindi niya malalaman ito agad. Napangiti ang Duke dahil ang dating matigas ang ulo niyang anak ay nagbago na. Parati itong nagsasanay sa kabundukan, hindi niya alam kung anong nangyari sa anak ngunit kita niya ang nag-aalab na determinasyon nito na nagpapa alala ng kabataan niya. Hinahayaan niya ito sa lahat ng gusto nito dahil kahit na wala itong talento sa espada ay mahal niya ito.

“Hm, Majesty..” mahinang sambit ni Duke Corliss sa pangalan ng kaibigan ng kanyang anak. Nang unang marinig niya ang pangalan na iyon sa bibig ng anak ay hindi siya mapakapaniwala. Kung sinuman ang mga magulang nito ay malakas ang loob o kaya naman ay walang maisip na pangalan.

Napapailing na lamang siya dahil sa t’wing tinatanong niya ang anak ay hindi nawawala ang pangalang ‘Majesty’ sa bibig nito.

***

COLERIDGE KINGDOM

 

Northern Boarder, Rayaz Village

 

Pagkarating na pagkarating ng The Strikers ay agad na tumambad sa kanila ang masangsang na amoy.

“What the hell.”—Ulysses

Madilim ang mukhang sinuyod ng tingin ng grupo ang mga puting tela na tumatakip sa mga bangkay at sa malaking apoy kung saan dinadala ang mga ito.

“Inay! Itay!” humahagulhol na wika ng batang si Lance habang pinapanood ang bangkay ng mga magulang niya na kasunod sa mga bangkay na isusunog.

“Get this kid!” utos ng isa sa maraming mga Magician na kumokontrol sa malaking apoy. Hinila si Lance ng mga Knights na bakas ang awa sa bata.

“Inay! Itay!”

Dinala si Lance sa harap ng isang Priest.

“Oh, our benevolent Goddess Altea, give me a strenght to help this child and protect him in any type of sickness and curses..”

Nang matapos ay tumango sa isa’t isa ang dalawang Priest at dinala si Lance kasama ng mga hindi apektado sa ‘curses’ ng witch.

Kasama ni Lance ang mga nag iiyakang bata at matatanda sa kulungan. Walang pagpipilian ang mga Knights at Priests kundi ikulong ang mga ito upang hindi makapagpumilit pa na lumabas at maligtas ang mga ito sa panganib.

“Palabasin niyo ako dito! Aah! Ang asawa ko! Amaawa kayo sa asawa ko!”

“Ate Rina! Ate Rina!”

Napabuntong hininga ang The Strikers at nilapitan ang mga Knights na mabilis silang nakilala.

“Zeros!” Nagliwanag ang mga mata ng mga nakakita at nakarinig sa Knight na si Dante.

Tinanguan ni Zeros ang mga ito at walang kangiti-ngiting tinanong nila ang mga ito.

“Explain everything.”

Seryosong dinetalye ni Dante ang mga nangyare sa lugar. Ayon sa mga ito ay bigla na lang kumalat na parang apoy ang pagkamatay ng mga nakatira sa lugar, ang mga namatay ay mga taong ‘kasal’ o mag asawa lang ang namamatay, nang imbestigahan nila ay hindi ito isang sakit o epidemya kundi isang sumpa.

“Don’t tell me, that witch is ampalaya?” naiiling na turan ni Arizona.

“Like you?” bulong ng nakangising si Abigail.

“Wanna die?” masamang tingin ni Arizona sa bulong ng kaibigan.

Nagpatuloy sa paliwanag ang Knight na si Dante. Nalaman nilang isang ‘witch’ ang may pakana dahil sa curses na natuklasan ng mga Priest.

“Damn, witches are really a pain in the ass.” Aburidong sambit ni Klauss nang maalala ang isa sa mga karanasan niya nang mga panahong low ranker pa siya. Tinawanan siya ng mga kasama dahil nabiktima siya ng isang witch noon na may kakayahang ‘mang-akit’ at kamuntikan ng madungisan ang...

“Pwuhahaha! Can’t believe you almost—” nakatanggap ng nakakatakot na tingin ang humahagalpak sa katatawang si Ulysses.

“Shut your mouths.” Namutla at natahimik ang grupo sa malamig na boses ng leader nila.

“Please continue.” Baling ni Zeros muli sa Knight.

“May kakayahang magpakalat ng sumpa ang witch...ayon sa mga biktima at mga saksi ay isang araw naging sunod sunod ang pag aaway ng mga mag-asawa sa Village nila.”

“Anong pinag-aawayan nila?” tanong muli ni Zeros.

“Selos, pera, sumbatan, pati mga maliliit na bagay ay pinag aawayan rin nila hanggang sa magbantaan na sila ng hiwalayan, pagtataksil sa mga asawa nila at umaabot na rin sa pisikalan. Laging umaawat ang Village Chief sa lugar na ito pero maging ito ay hindi pinapakinggan. Nang dumami na ang away ng mga mag-asawa sa lugar na ito ay napansin ng Village Chief ang kakaibang nangyayari at humingi ng tulong sa malapit na noble lord na si Baron Rapael, agad na sumaklolo ito at pinaimbestigahan ang problema at nagpadala ng mga Knights at Priest.”

“May ideya ba kayo kung nasaan ang witch?”

Bigong umiling ang Knight.

“Ilang araw na namin itong hina-hunting. Maraming tumutulong na otherworlders na may matataas na ranggo tulad niyo pero wala paring balita at resulta.”

Binaling ni Dante ang tingin sa mga sinusunog na bangkay.

“Ang mga bangkay na mga ito ay ang mga nagpapatayang mag asawa. Nawawala lang ang sumpa sa oras na mamatay na ang isa sa kanila. Nakakaawa ang mga batang anak ng mga ito dahil nasaksihan nila ang pagpapatayan ng mga magulang nila at mga na-trauma dahil dito.”

Klang! Klang!

“Asawa ko! Lena! Lena!”

“Wag niyo sunugin ang asawa ko!”

“Pakawalan niyo ko! J—Jeremy! Jeremy!”

Napabuntong hininga ang mga Knights at Priests.

“Wala kaming pamimilian kundi ikulong ang mga hindi apektado sa sumpa.”

“Sinubukan niyo na bang interogahin ang mga nakakulong? Baka isa sa kanila..” sambit ni Fon at nakita ang bigong pag iling ng Knight.

“May High Priest na umiikot araw araw sa mga nakakulong pero wala itong nadedetect na kahit ano.”

“If the High Priest says so... it’s true.” Seryosong sambit ni Abigail. Bilang Priest ay alam niya ang kakayahan ng isang High Priest at sobrang sensitibo ng mga ito ‘ominous energy’.

Makalipas ang pangatlong araw ay hindi parin mahuli ng mga Otherworlders ang witch at mas lalong kumakalat at lumalakas ang ‘curse’ na dinadanas ng Village na umaabot na maging sa nasasakupan ni Baron Rapael.

Sa isang banda...

•       Human! I’m not feeling good about this place! It’s dangerous!

“”Haaa. Anong trahedya ito? Ngayon na lamang muli ako naka-engkwentro ng ganitong karami at laking ‘resentment’, Master!””

Nasa himpapawid ang batang may pulang buhok at suot na maskara habang nakatingin sa Rayaz Village. Hawak siya ng batang dragon na invisible sa likod niya at nililipad.

“......”

“”Master...?”” pukaw ni Delve sa batang Master niya na hindi niya mabasa ang ekspresyon.

Samantala...

Ang mga Otherworlders na nagkalat sa loob at labas ng Rayaz Village ay nakatingala sa kalangitan.

“Huh? Who’s that?”

“Dunno!”

“Wow! How cool! Is he using a magic or artifac?”

“No? Wala akong nadedetect na mana o aura?”

“Wala rin siyang artifac na suot?”

Dumami ang mga tumingala sa kalangitan dahil sa narinig na salita ng mga ‘archers’ na matatalas at mas malinaw ang vision dahil sa class nila lalo na ang isa mga ito ay mga kilalang Mid Ranker na si Rufus.

“What is that kid doing?”

“A kid? Oh you’re...right.”

“Eiiii?! Leader! That?!” nagulat ang grupo na sina Zeros, Ullyses, Klauss, Fon, Arizona at Abigail nang makilala ang nasa kalangitan.

Tinuon ni Majesty ang atensyon sa mga nakikita at naririnig na iyakan ng mga ‘soul’ na pakalat kalat.

“.....”

They are crying. Full of anger.

[The Gods and Goddesses of Valhalla are watching you.]

 

[The Unknown Gods are watching you.]

 

Nakita ng lahat ang pagpikit ng batang nasa himpapawid at ang pagliwanag ng katawan nito.

“!!!”

“!!!!!”

Umulan ng... liwanag, hindi ordinaryong liwanag ang kumalat ng kumalat.

“...This!” nanginig ang mga mata ng lahat ng mga Priest na nagkalat nang maramdaman kung ano liwanag na umuulan.

“It’s a Divine Healing!!!” nagwawalang bulaslas at sigawan ng mga Priest, maging ang High Priest na si Esteban ay isa sa mga nagkakagulong mga Priest at nakalimutan ang imaheng iniingatan.

“Hahahahahahaha! The Saint! He’s a Saint! A Saint!!! Aah... Aah...” lumuhod ang High Priest na kinagulat ng mga Priest lalo na sa paulit ulit na sambit nito na... Saint.

Agad na kumalat ang identity ng batang pula ang buhok at nakamaskara sa kalangitan.

“Saint...”.

“Aah! A Saint has come to save us!”

“Saint!”

“Aaah! The power of the curse are gone!” di makapaniwalang bulaslas ng isa sa mga Priest at doon lang nila napansin na nawala na ang itim na enerhiya sa buong lugar. Lumuwag ang pakiramdam at paghinga ng mga nauulanan ng liwanag at ang mga nagsasakitang mga mag asawa ay natigil at lumiwanag ang madilim na isip.

Samantala, ang mga souls na nag iiyakan ay tumingala rin sa kalangitan.

~Aah... you can see us?~

Nanghihinang tumango ang batang nakamaskara.

~Gusto naming...magpaalam ng maayos sa pamilya namin..~

Ang mga black souls na nagkalat ay lumipad patungo sa batang nakamaskara.

“Matatahimik na ba kayo sa oras na magpaalam na kayo? Kahit pa hindi naging makatarungan ang pagkamatay niyo?” kalmadong tanong ng batang nakamaskara. Natahimik ang mga black souls.

~... Ayoko na makitang nahihirapan ang asawa ko.~

~Ayaw naming habambuhay na mahirapan ang pamilya namin.~

Matagal na tiningnan ni Majesty ang mga nagkalat na black souls sa paligid niya na tahimik na nagsusumamo.

“Paano kayo makakasiguro na kaya ko ang gusto niyong mangyari?”

~Nararamdaman namin..~

“Nararamdaman niyo?”

~You are loved by the gods..~

~You have... ‘that’ power..~

~We want to be under your rule!~

Ting!

[Your hidden innate skill, Soul Taker Lvl. Max and Mental World Rule Lvl. Max has been triggered. All the souls has accepted you as their ruler willingly and pledge an eternal loyalty to you, they want to be with you.]

 

[Soul Taker Lvl Max. An ability that can take the soul of the dead. Only you in this world have this ability.]

 

[Mental World Rule Lvl. Max]

[You have the authority to rule those who submitted to you. All beings that are under you will serve and obey you until they perished.]

 

[Total Number of Souls: 1059+650]

“!!!”

“T—That!”

Nagtaasan ang balahibo ng lahat nang mga Priest nang maramdaman ang pagtitipon ng mga ‘ominous energy’ sa Saint.

 

Hanggang sa magsulputan ang itim na mga usok na nag anyong bulto ng tao. Nakita nilang bumubuka ang bibig ng batang pula ang buhok at kinausap ang mga itim na usok hanggang sa ngumiti ito at...

“Aaah... Oh god..!”

Ang mga itim na usok ay naging puti.

Nanginig ang mga nakasaksi sa mga nagaganap at nahigit ang paghinga...

[] Go, give your farewells... to your love ones []

 

Sambit ng batang boses na narinig ng lahat.

Nang ikumpas nito ang kanang kamay ay nagbabaan ang mga lumulutang na puting usok. Nang makita ng lahat ay...

“Lena..!”

“Inay!”

Hiyaw ng mga nakakulong sa harang. Wala sa sariling binuksan ng mga Knights ang kulungan at naglabasan ang lahat at nag iiyakang sinalubong ang mga nag bababaang usok.

Nagtayuan ang balahibo ng lahat.

Nagbago ang itsura ng daan daang puting usok na nababalot ng holy light.

“Inay? Itay? Kayo po ba yan?” lumuhong tanong ng batang si Lance at nang gusto niyang mahagkan ang mga magulang ay...lumagpas lamang iyon sa mga katawan ng mga ito. Malungkot na tiningnan ng mag asawa ang anak.

Parehong namatay ang mga magulang niya dahil sa sumpa ng masamang witch. Unang nawala ang Inay niya at nang matauhan ang itay niya sa nagawa ay umiiyak na pinaslang niya rin ang sarili.

“Lance, our baby... My son... Our son..” umiiyak na tawag ni Marta sa anak, na ngayon ay mag isa na lang sa mundo. Hindi nila akalaing mangyayari ang lahat ng ito.

“Isama niyo po ako, inay, itay! Ayokong mag-isa!” pagmamakaawang sumama ng batang si Lance.

“Lance, wag mong gagawin yan sa sarili mo...magtungo ka sa aunty Mona mo, aalagaan ka nila doon... Patawad anak, kung bakit kailangan mo pa itong maranasan. Patawarin mo kami, hindi namin masasaksihan ang paglaki mo..” nasasaktang pahayag ng ama niyang si Lito.

“Uwaaah! Inay! Itay!”

Nabalot ng iyakan at paalam ang buong paligid.

“Ah. Bakit naiiyak ako?” umiiyak na sambit ng ilang mga Otherworlders na nanonood sa pagpapaalam ng mga puting kaluluwa.

“Sniff.” Sumisinghot at nagpipigil ng iyak ng mga Knights.

Nanatili namang nakapako ang mga mata ng High Priest sa kalangitan kung nasaan ang batang pula ang buhok at may suot na maskara. Tahimik na nanonood ito sa mga nagaganap nang biglang sapuhin nito ang ulo at tumulo ang pulang dugo sa mga labi nito na kinalaki ng mga mata ng mga nakatingin rin dito.

“Saint!”

Nakaramdam ng sobrang sakit sa ulo si Majesty dahil sa ‘burden’, dahil sa pagpilit niya sa katawan niya. Ramdam ng katawan niya ang ‘drain’ ng mana at divinity na halos sa sagadin ng katawan niya.

•       Human!

“”Master!””

Bumuntong hininga si Majesty at... tumingin sa isang direksyon kung saan nakikita ng mga mata niya ang tanging itim na hindi naapektuhan ng pinaulan niyang ‘Divine Healing’.

“I’m OK. Pwede mo ba akong ibaba sa lugar na ‘yon, Vi?”

•       Huh? Anong gagawin mo doon, Human? Anong meron doon? Kung anuman balak—

“I’ll leave and rest as soon as I finished the mastermind of this curse, please?” nakangiting tanong ni Majesty sa nag-aalang Dragon.

•       A—alright! Don’t burden your body, you understand? Pag nakita ko—

“Pfft. OK, don’t worry.”

•       Hmph!

Natigilan si Delve nang makita ang kakaibang lamig ng mga mata ng Master niya na hindi na nakita ng Dragon. Nakita nang lahat ang unti unting paglapag sa lupa ng ‘Saint’ at laking gulat ng lahat ng makita nila ang pagsulpot ng golden spear sa mga kamay nito at maliksing sumugod patungo sa isang direksyon!

“What. ..!”

Napasinghap ang lahat at tila may isang pwersang tumulak sa kanila at nahati sa dalawa ang dagat ng mga nanonood na Otherworlders at Valhallans.

Malamig na ngumiti ang batang si Majesty at mariing tiningnan ang nanginginig na witch na hindi makagalaw sa gulat at bilis ng pangyayari!

Nakita niya ang batang pula ang buhok na nababalot ng divine aura at tila reaper na patungo sa direksyon niya. Nakaramdam siya nang matinding takot sa ngiti na binibigay nito.

‘Paano! Paano nito nalamang siya ang..!’

Bago pa makatakas at makapag isip ng maayos ay nakita niya na lamang ang nakatutok na matulis na golden spear sa leeg niya.

“Hey, witch.”

Nang magsalubong ang mga mata nila ay...nakita na niya ang hatol na kamatayan niya.
























Wow! Naka-fourteen pages ako sa ms word? Ready na ba kayo sa bakbakan? Don't forget to follow me and showing your support for this novel! Vote and share your thoughts!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro