Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Otherworld 12: Birth of the Saint (2)


Otherworld 12: Birth of the Saint (2)

"Young Master,"

Majesty's POV

Tumingala ako sa bagong guard ko na si Alura na may hawak na magarang sobre.

"Galing ito sa The Strikers."

"Oh." Tinanggap at binuksan ko ang sobre.

Kid,

We received a certain mission, we don't know when or how long we'll be gone.

A mission? Nasagot ang tanong ko sa sumunod na nga letra.

We are tasked to hunt 'witches', that are harming the northern part villages of the Kingdom. As we are gone, take care of yourself. Ari and Abi are worried, we received a report that Ace and his groups are searching all the survivors of 'that' event.

Blangkong tiningnan ko ang sulat.

Ace?

"Hm... Oh! That guy!" naalala ko ang Ace na tinutukoy ni Zeros.

"Young Master?" tawag ni Alura na nabigla sa hiyaw ko.

"Nothing. Look for any information about this." Binigay ko kay Alura ang sulat at nakita ko ang pagdilim ng mukha nito.

"Yes, I'll inform them, right away!"

Swish!

Nawala ito isang iglap. Napangiwi ako sa ugali ng mga bantay ko na hindi ko parin makasanayan. Tumayo ako at lumabas na ng kweba. Isa sa mga dungeon na na-clear ko na.

[The 'Undead Trolls Haven' dungeon has been cleared!]

[All the 1 and the *2 hidden requirements of clearing the dungeon has been cleared!]

[- Killing all the trolls beast tribesmen followers of the evil God Alk, cleared!]

[* Giving a rest and prayers to all the unfortunate otherworlders, cleared!]

[* Saving the unfortunate innocent trolls beast tribesmen, cleared]

[The dungeon will be destroyed in 3 minutes! Congratulations!]

[You level up!]

[You level up!]

[You level up!]

[Choose your reward:]

1) 10 Health Potion (High)

2) 15 Magic Stone (Rare)

3) 20 Poison (Epic)

......

Sinulyapan ko ang pinang-galingan kong dungeon na tuluyan ng naglaho.

"....."

Napag-alaman kong sa lahat ng otherworlders ay ako lamang ang nakakagawa nito.

'Dungeon Slayer' ang isa sa mga title na natanggap ko dahil sa sunod sunod na pagha-hunt ko at sa hindi ko inaasahang mga hidden conditions na nagawa ko. Ang tanging ginagawa ko lang naman ay tanggapin ang mga suhestyon ng mga protector ko tungkol sa mga dungeons at...

""Master, hindi lahat ng mga nasa loob ng mga tinatawag na 'Dungeon' ay masasama. May iba na gusto ring mabuhay ng payapa, kaya lang ay wala silang ibang pagpipilian dahil walang lugar para sa kanila.""

"Aha!" tango ko habang nakikinig kay Delve. Ngumiti ito nang makitang nakikinig ako ng mabuti. Ngayon ko lang nalaman na hindi lang tsismis ang alam niya hehe.

""Ahem! Hindi ko alam kung anong nangyari sa mundong ito ngunit noong panahon ko ay ang ilan sa mga tao at mga beast tribes ay may pagkakaisa. Tinutulungan ng mga beast tribes ang mga tao na i-clear ang mga dungeons na ito! Ang kapalit ay malayang magkakaroon ng tirahan at lugar ang mga beast tribes!""

"Uh, anong iki-clear nila kung nakikipagtulungan sila sa mga beast tribes?"

""Tulad ng mga tao, may hierarchy ang mga beast tribesmen. May mga kanya kanyang hari ang mga ito. May ibang hari na gustong makipagtulungan sa mga tao. May mga tao rin na gustong makipagtulungan sa mga beast tribes..""

Wala sa mga librong nabasa ko ang tungkol dito na para bang... itinatago ang katotohanang ito.

""Ngunit may mga tao rin na ayaw makipagtulungan. Tch, isang araw ang Hari ng Alton na si Denver Alton ay nagkaroon ng malalim na pagkakaibigan sa mga Hari ng mga dungeons sa mga malalapit na dungeons sa nasasakupan nito."" Bakas ang paghanga at respeto ni Delve sa nasabing Hari ng Alton.

""Tinanggap ng mga mamamayan ng Alton ang mga beast tribes. Tumagal ng ilang taon ang magandang relasyon sa pagitan ng mga ito, kaya lamang nang mamatay sa katandaan si Haring Denver ay nagbago ang lahat dahil sa anak nito na pumalit sa pagiging Hati ng Alton."" May lungkot at galit na sambit ni Delve.

""Lingid sa kaalaman ng lahat ay malalim ang pagkadisgusto ng bagong Hari sa pagkalat mga beast tribes sa kaharian nila at dahil doon ay patagong bumuo ng pwersa ang prinsepe at nang maging Hari sa naganap na pagdiriwang... ang mga nagtungong Hari ng beast tribes upang batiin ang bagong Hari ay nagwakas ang mga buhay sa kamay ng bagong Hari sa harap ng mga tao at beast tribesmen.."" mabigat na salaysay ni Delve.

"....."

""Isa isang pinaslang ng mga Knights ang mga beast tribesmen at doon nagsimula ang digmaan sa pagitan ng mga ito. Tumagal ng limang taon ang digmaan. Nang hindi na nakayanan ng nga 'Elves' ang pagkasira ng kalikasan ay tinugis nila ang mga beast tribesmen at ang Kaharian ng Alton. Dahil sa matagal na digmaan ay walang laban ang mga beast tribesmen at ang Alton sa pwersa ng mga Elves. Sa huli ay, sila ang nanalo. Ang dating Alton ay naging bagong tatag na Kaharian ng mga Elves.""

Tumingala ako sa maliwanag na kalangitan. Bakit ba ang hilig mundong ito sa digmaan? Di na nakakapagtaka na ganito kalala ang lahat.

"OK, gawin natin ang sinasabi mo, Delve."

Nagsimula ang pag-clear ko ng mga dungeons habang sinusunod si Delve. Nag-materialize ito at nakipag-usap sa mga orcs, oger, wolf at marami pang ibang mga beast tribesmen. Noong una ay hindi ko maintindihan ang mga salita nila kaya naman inutusan ko si Delve na hanapan ako ng kahit ano na pwede kong pag aralang lengwahe ng mga ito.

[You absorbed the language of the Orcs Tribes!]

[You absorbed the language of the Oger Tribes!]

[You absorbed the language of the Wolf Tribes!]

[.....]

Kita ko ang mangha ni Delve at ng mga beast tribes dahil sa mabilis kong nakabisado ang lenggwahe nila gamit ang mga lumang libro nila na ginagamit nila upang turuan ang mga anak nila.

""Master! Paano mo nakabisado lahat ang mga lenggwahe nila?!""

Di ko pinansin si Delve at nakangiting nakipag-usap sa mga Wolf Tribes at tinanong ang mga ito. Alerto at masama ang tingin ng mga ito sa amin lalo na Kay Delve dahil sa wala silang nararamdamang buhay dito at sa kagigising na si Vi sa braso ni Delve.

"HUMAAAN!"

Lumipad patungo sa akin si Vi at masayang nagpaikot ikot sa akin. Narinig ko ang singhap ng mga wolf tribesmen. Napangiwi ako ng isa isang nagluhuruan ang mga ito.

"Dragon!"

Nagbigay galang ang mga ito kay Vi.

Hindi na bago ang eksenang ito dahil sa t'wing nakikita ng mga beast tribes ang dragon na kasama ko ay ganito ang nangyayari.

"Makinig kayo sa taong ito! Kung ayaw niyo magalit ako!"

"Oooooh! Sir Dragon, patawarin niyo kami! Gagawin namin ang ipag-uutos niyo!"

Pinaliwanag ni Delve sa akin kung bakit ganon na lamang ang respeto ng mga beast tribes sa mga Dragons.

""Ang mga Dragons ay ang kinikatakutan at sinasamba ng mga beast tribesmen. Ang mga Dragons ay ang mga agents ng Goddess of Beast na si Goddess Rahel. Sila ang mga pumo-protekta sa mga Beast Tribes.""

"Paanong nasa ganitong sitwasyon sila kung pino-protektahan sila ni Goddess Rahel ng mga Dragon..? Ah.." naalala ko ang librong nabasa ko. Nakasaad doon, ang unti unting pagkaubos ng mga Dragons.

Dahil sa kasakiman ng mga tao at iba pang mga races sa 'dragon heart' ng mga Dragons ay nagtulungan ang ilang mga sakim na tao, beast tribes at elves na hunt-ingin ang mga Dragons. Umabot ng 20 years ang digmaan, at sa huli ay naglaho sa mundong ito ang mga Dragons.

Di ko maiwasang isipin ang Goddess na nakilala ko. Ang Goddess na nag-ngangalang si Rahel. Naalala ko ang nakangiting mukha nito sa akin, at di ko maiwasang malungkot nang maisip ang malungkot na mukha nito dahil sa nangyari.

At ang pinaka-ugat ng lahat ng ito ay ang mga followers ng God of Desire na si Alk. Sa t'wing may digmaan ay humihina ang paniniwala ng mga Valhallans sa kanilang Gods at Goddesses. At lumalakas ang impluwensya ni Alk.

"Ah. I really want beat that Alk. Tch."

"Yes! Let's do that, human!"

Blangkong tiningnan kami ni Delve at nagpatuloy sa pagpapaliwanag.

""Nahati sa tag-dadalawang pwersa ang mga tao, beast tribes at mga elves. Ang mga patuloy na naniniwala sa mga Gods at Goddesses at ang mga dumaraming naniniwala Kay Alk. Ang mga matapat naniniwala pa rin sa Gods at Goddesses ay tinulungan ang mga Dragons dahil sa natanggap nilang mensahe sa Templo ng mga ito. Sa matagal na digmaan nagtagumpay man ang mga followers ng mga Gods at Goddesses ay marami pa ring nawalang Dragons.""

"Dragon Slayers.." madilim ang mukha na tumango si Delve.

""Marami ring nagwakas ang mga buhay na Dragon Slayers at naniniwala akong... may mga nabuhuhay pa ring Dragon Slayers.."" seryosong sambit ni Delve at tiningnan si Vi na tahimik na nakikinig.

[The Goddess of Beast, Rahel, wants you to be careful.]

[An Unknown Goddess is sad of what she discovered.]

[An Unknown God is asking you of your choice.]

Napangiti ako dahil sa mga nababasa ko sa message windows at binalik ang tingin sa mga wolf beast tribes.

Alerto, kuryoso at may takot na nakatingin ang mga ito sa akin. Tiningnan ko ang tirahan nila. Madilim, tuyot ang mga puno at halaman, walang maayos na higaan, balon ng tubig na hindi malinaw, ang mga kasuotan nilang sira ang tela. Nasa isang daan mahigit ang mga ito at ang mga hawak na sandata nila ay luma, sira at mapurol na.

Itinaas ko ang dalawang ko sa maliit na butas na dinadaanan ng araw sa madilim na kweba na tirahan nf mga ito.

Lumiwanag ang madilim na kweba, tumubo at nabuhay ang mga puno, halaman at bulaklak, umapaw ang malinis na tubig sa balon, luminis ang katawan at mukha ng mga ito at nabalot ng enerhiya ang walang buhay na mga mata ng mga ito.

"H-Huh?"

"Haaah?"

"A-Ang binti ko! Nakakalakad na muli ako!"

"Liwanag! Ang mga halaman! Ang tubig! Tingnan niyo!"

"Hindi na ako nahihirapan huminga!"

Tiningnan ko si Vi na nanlalaki ang mga mata. Maging si Delve na hindi makapaniwala sa nakikita.

"Vi, bring out all the weapons in your storage." Nanghihinang sambit ko dahil sa nasimot na divinity ko.

Sunod sunod na napalunok at tumango si Vi at naglaglagan ang mga sandata sa lupa.

Natumba ako sa lupa at nalaglag ang maskara ko.

"HUMAN!"

""Master..!!""

Kinaway ko ang kamay ko at sinabing ayos lang ako.

Nang biglang...

[!!!!!]

[The Wolf Tribe is deifying you.]

[The special stat 'Deity' is opened!]

[Deity]

A holy dignity that can't be tolerated. A power to gain and influence the favor of the living. The more they pray and solidify their faith in you, the more your influence you can get in all races.

Every time this stat gains 10 points, you can gain a new power. The power acquired will depend on your personality.

[The faith of the Wolf Tribes in you is powerful and desperate.]

[Your deity stat has risen by one.]

[Your divinity has risen by five.]

[The Gods and Goddesses of Valhalla are shocked by this phenomenon!]

[The Unknown Gods are celebrating your achievements!]

[The God of Desire, Alk, is coveting you!]

[The Gods and Goddesses of Valhalla and the Unknown Gods threaten God Alk and hide your location!]

"Ah... my head." Hawak ko sa ulo ko dahil sa hilo. It's harder than I thought.

"ARE YOU OK, HUMAN?!"

"Oh God! Our God!"

Napabuntong hininga ako sa sabay sabay na boses na naririnig ko.

"Please, be quiet." Sambit ko at doon lang tumahimik ang lahat. Hindi ko alam na manghihina ako sa ginawa ko. Tumingala ako at dahan dahang tumayo.

Napangiti ako sa naging resulta. Ang kulang nalang ay mabigyan ng maayos na kasuotan ang mga ito.

"Naiiba siya... He is real...!"

"A real God!"

Seryosong tiningnan ko ang mga ito.

"I'm not a God." Seryosong sambit ko na kinatahimik ng mga ito.

Hindi sila sumagot at mas lalo akong hindi naging komportable sa tingin na binibigay ng mga ito.

"Makinig kayo.." sambit ko at napakunot ang noo ko dahil nagluhuran ang lahat ng mga ito at nakasayad pa ang mga noo sa lupa. Napabuntong hininga ako at marahang hinilot ang noo ko, at hinayaan na lang ang mga ito.

"Ang mga sandatang nasa harapan niyo ang gagamitin niyo para protektahan ang inyong mga sarili."

"Iingatan namin ng buong puso ang regalo niyo sa amin, oh God!"

"I'm telling you, guys, I'm not a God. My name is Majesty! Iiwan ko ang mga yan sa inyo at darating ang panahon na kakailangan ko ang tulong niyong lahat. Hahanap ako ng paraan at lugar na magiging tirahan niyong lahat, hindi pa sa ngayon kaya hinihiling ko na habaan niyo ang pasensya niyo hanggang sa pagbabalik ko.."

Hindi ko alam kung bakit biglang nag iyakan ang mga ito. Dahil ba buong akala nila, makakalabas na sila? Napabuntong hininga muli ako.

"H'wag kayong malungkot at mag-alala, babalikan ko kayo at titipunin ko ang mga katulad niyo at dadalhin sa lugar na magiging tirahan niyo at magiging malaya na muli kayo. Papangalanan ko ang grupo niyo na 'One'"

"One.."

"Tama, dahil kayo ang unang grupo na dadalhin ko sa...hm... Paradise Land." Sambit ko nang makaisip ng pangalan ng lugar na una kong naisip.

"Paradise Land...!"

"We will wait your return, our-"

Tinaas ko ang kamay ko.

"Bukod sa inyo, meron pang ibang mga naninirahan dito, tama ba?"

At sa tanong kong iyon ay nalaman kong may rebolto ang God of Desire na si Alk sa dungeon na ito at ang iba sa kanila ay sumanib sa mga followers ni Alk. Sinabi nila ang lahat ng mga nalalaman nila. Ayon sa kanila, ang mga Otherworlders na nabibiktima ng mga ito ay inaalay sa rebolto ni Alk. Sa t'wing nag-aalay sila ay nawawala ang gutom at panghihina nila. Nang tanungin ko sila kung bakit sila hindi umanib sa mga ito ay...

"Hindi namin kayang pumatay ng inosente."

Napahanga ako sa mga ito. Nagtungo ako sa lugar ng rebolto at walang hesitasyon na sinira. Nakita ko ang mga nagkalat na kalansay at ang mga itim na usok na tanging ako lang ang nakakakita. Nakikita at naririnig ko ang galit ng mga ito. Nang makita nilang tinanggalan ko ng buhay ang mga wolf tribesmen na pumaslang sa kanila ay natahimik ang ingay na ginagawa nila.

"Uwaaak!"

"Oh God Alk! Tulungan mo kami!"

"Aaaaaah! Halimaw!"

"Hwag!"

Sa tulong ni Delve at Vi ay mabilis naming naubos ang mga ito. Nakita ko ang pag atrasan ng mga minalas na otherworlders nagwakas ang buhay dahil sa dungeon na ito.

I summoned the souls na naninirahan sa mental world ko. Nahati sa puti at itim ang mga usok at inutusan ko ang mga white souls na ipaliwanag ang sitwasyon sa mga black souls. Inutusan ko naman ang mga wolf tribes na sumusunod sa akin na bigyan ng maayos na libingan ang nga kalansay at sunugin ang mga wolf tribes na wala ng mga buhay sa lupa.

Hanggang sa marinig ko ang notification na na-cleared ko na ang dungeon, pero... natigilan ako sa nakita kong mga sunod sunod na mensahe.

[The 'Wolfs Cave' dungeon has been cleared!]

[All the 1 and the *2 hidden requirements of clearing the dungeon has been cleared!]

[- Killing all the wolf beast tribesmen followers of the evil God Alk, cleared!]

[* Giving a rest and prayers to all the unfortunate otherworlders, cleared!]

[* Saving the unfortunate innocent trolls beast tribesmen, cleared]

[The dungeon will be destroyed in 3 minutes! Congratulations!]

[You level up!]

[You level up!]

[You level up!]

[Choose your reward:]

1) Agility Elixer (High)

2) 10 Magic Stone (Epic)

3) Wolfs Coat (Unique)

.....

Nagpatuloy ang ganong routine ko hanggang sa makatanggap ako ng bagong title.

[Dungeon Slayer]

The ability to slay any dungeons without a trace if the hidden conditions are meet. The user has the judgement to destroy or hide the dungeon. Only you can enter.

Binalik ko ang atensyon ko sa rewards at pinili ang mana stones at mabilis na kinain ni Vi. It's his new favorite.

""Hah. I can't believed na nakikita kong ginagawang snacks lang ang mga magic stones..""

"Heh! Our human is generous!"

Pagbalik ko sa Inn ay natanggap ko ang report ng tauhan namin tungkol sa 'witch' na misyon nina Zeros.



Thanks for reading! Unedited po lahat ng published chapters, sana maintindihan niyo :") and yeah unti unti ng nabubuo ang adventure ni baby Majesty! Don't forget to show your support by voting and sharing your thoughts! Lovelots and always take care everyone!













Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro