Otherworld 10 - Who's that Boy (2)
Otherworld 10 - Who's that Boy (2)
"Sir Ran!"
"Please stop him!"
"Uwaak!"
Nagkagulo sa isang daanan ng mga tao dahil sa isang noble na nag ngangalang 'Ran', isa sa mga anak ni Duke Corliss at ang nangangasiwa sa Capital. Isang reteradong Heneral ito at isa sa mga kanang kamay ng Hari ng Coleridge Kingdom. Kilalang beteradong Sword Master ang kanyang Ama at namana ng kanyang limang anak ang galing sa espada, pwera na lamang sa pangatlong anak nito na si Ran Corliss.
The Trash of Corliss Dukedom. Ang nakakabit na pangalan dito, bukod sa wala itong talento sa espada ay low average aura nito. Nang mag-sampung taon ito ay sinukuan na ito ng kanyang Ama pero kahit kailan ay hindi naging iba ang turing niya sa anak at ibinibigay ang lahat ng pangangailangan nito, at dahil sa magkakaiba ang Ina ay mababa at hindi maganda ang trato sa kanya ng mga kapatid.
At nagkakagulo dahil...
"Tingnan natin kung magamit mo pa 'yang bibig mo! Hahaha! Nasaan na ang pinagmamalaki mong aura? Magsalita kayong mga mayayabang kayo! Hindi ako natatakot sa inyo!"
"Uwaaah!"
"Aak!"
Puno ng mga pasa ang tatlong kasing edad ni Ran, na mukhang mula sa prestihiyosong mga pamilya.
"Makakarating ito kay Duke Corliss!"
"Hah! Ugali ng mga duwag ang mag-sumbong, di na kataka-taka! Magsilayas kayo sa harapan ko, nandidilim ang patingin ko sa inyo!"
Nagsi-iwasan ng tingin ang mga nanonood.
"S-Sir Ran!" nag aalalang hiyaw ng Knight niyang si Anniston.
"Tsk."
Binalingan naman ngayon ni Ran ang batang nakamaskara sa tabi ni Ran. Pula ang buhok nito at may misteryosong itim na mga mata. May suot man na maskara ay tiyak siyang may magandang mukha ito.
"You're good at fist fighting." Biglang puri nito sa kanya at inabot ang mamahaling alak na binili niya sa isang kilalang pub. Sa tingin niya ay mas matanda siya ng isang taon dito. Hindi niya ito kilala, basta ay pinahawak niya sa batang ito ang alak niya at pinagbantaan na wag na wag mababasag dahil babasagin niya ang mukha nito ang mukha nito kapag nagkataon.
Seryosong tiningnan niya sa mga mata ang batang nasa harapan, mas matangkad siya dito ngunit pakiramdam niya... siya ang nakatingala? O guni-guni niya lamang ito?
Kinakabahan namang tiningnan ng Knight niya ang kausap ng amo niya.
"I'm sorry, I want to have a chat with you, pero baka hinahanap na ko." Inabot niya ang alak kay Ran at nakangiti ang mga mata na tinapik ang balikat niya.
Tulalang pinanood nila ang likod nitong tumatakbo.
"Who's that kid?" singhal na tawa niya. Napabuntong hininga naman ang Knight niya dahil tiyak siyang makakarating sa Duke ang nangyari.
"Sir Ran! Hindi yan ang importante-"
"Anniston."
"H-huh?"
"Shut up."
"......"
Bagsak ang balikat na sinundan ni Anniston ang sakit sa ulo niyang amo.
"Mr. Bardolf, do you know that noble kid?" tanong ni Majesty sa nasa likod niya na palihim na sumusunod at karga ang batang dragon.
"Ang pangalan niya ay Ran Corliss, 18 years old, pangatlo sa limang magkakapatid at tinaguriang 'Trash' ng mga nakakakilala dito."
"Hm? Trash?"
"Yes, Young Master. Ayon sa information gatherers natin ay below average ang aura nito at walang talento sa pakikipaglaban gamit ang espada pero... kuhum, ayon na rin sa nasaksihan niyo ay magaling ito makipagsapakan."
"Pfft~ I'm telling you that fist is really something."
"Ha? Anong ibig mong sabihin, Young Master?" kuryosong tanong ni Bardolf dahil bihirang magpakita ng interes ang kanilang Young Master, at sa oras na may makita itong interesante ay may kakaibang nangyayari.
"What's interesting?" naka-cross ang brasong tanong ni Zeros na nakasandal sa Inn, napansin nilang nasa Inn na sila ng di nila namamalayan.
"Hyung! I met someone, his fist is very good!" may kung anong kislap ang dumaan sa mga mata ni Zeros.
"Oh? Sino?" tanong ni Zeros at sinulyapan si Bardolf.
"Ran Corliss."
"Really? Hmm.." bumaba ang mga mata niya kay Majesty. Tulad ni Bardolf ay alam niya ang talento ng batang si Majesty sa pag-obserba, paano niya ba ipapaliwanag? Naalala ni Zeros ang isa sa mga araw na nagha-hunting sila ng mga corrupted monsters, lagi siya nitong pinapanood ang Sword Technique niya nang bigla siya nitong kausapin.
"Hyung, where did you learned your sword technique?"
"Hm? This technique is a legendary rating, natanggap kong reward sa Everard Royal Family."
"Hehe, you're really famous, hyung."
May tipid na ngiti sa mga labi ni Zeros, na paniguradong ikagugulat ng mga kagrupo niya.
"Why did you asked?"
"... I think your sword technique is incomplete?"
"Incomplete? I don't know about that... Hm, why do you think so?" mahinahon niyang tanong.
"Yes, sa tingin ko ang gumawa ng technique mo, hyung, ay isang di ordinaryong tao. Hindi ko alam kung sinadya niyang hindi kompletuhin, dahil hindi kaya ng ordinaryong tao ang complete version ng technique mo, hyung."
Nagulat siya nang bigla itong gumalaw na hindi pamilyar sa kanya pero pakiramdam niya ay nahanap na niya kulang na lagi niyang nararamdaman sa t'wing ginagamit ang technique niya.
"......" ilang libong beses na niya ginagamit sa pakikipaglaban ang sword technique niyang: Everard Slashing the Sky.
Nang matapos niyang panoorin ang moves na ginawa ni Majesty ay tila nagkaroon siya ng 'Enlightenment'
Kusang kumilos ang katawan niya at walang kahit ano ang pumapasok sa isip niya, ang nakikita lang ng mga mata niya ay ang kompletong bersyon ng Everard Slashing the Sky Technique.
Nakangiting pinanood ni Majesty ang Hyung niya na labis niyang hinahangaan.
""...Master is amazing.""-Delve
• Of course! My human is always amazing!
Hinayaan ni Majesty ang Hyung niya na nasa enlightenment state.
Matapos nang araw na yon.
[Everard Slashing the Sky Sword Technique (Legendary) evolves to Zeros Swordsmanship (Myth)]
Hindi makakalimutan ni Zeros ang araw na yon. Sa sobrang saya niya niyakap niya ng mahigpit si Majesty at hindi mawala ang malaking ngiti niya na kinagulat ng grupong The Strikers.
At...
[The Gods and Goddesses are applauding your feats!]
[An unknown Gods are looking at you with interest.]
Simula nang araw na 'yon ay pinanonood na siya ng mga ito. Ang isa sa pinakapumukaw sa kanya ay ang 'Unknown Gods' na ngayon niya lang narinig.
"Ran Corliss, huh? Pamilyar sa akin ang batang iyon."
"As expected of you, hyung."
"Pfft. Well, isang beses ay tumanggap ako ng misyon sa Corliss Dukedom at nakilala ko ang mga anak ni Duke Elroy Corliss."
"Aha!"
"Let get in first while we talk."
Nakita nila ang mga kasama nila na nagkakasiyahan. Tinitigan niya ang pamilyar na alak sa kamay ni Ulysses.
"You want?" ngisi ni Ulysses.
Kumuha ng baso si Majesty.
"Look at this kid, mataas ang alcohol percentage niyan." Sambit ni Fon na namumula ang mukha.
"It's okay, I'm a man."
"...Alright, kapag nakita naming di mo na kaya, babawiin namin, maliwanag?" sambit ni Klauss.
Tiningnan nila na ininom ni Majesty ang alak.
"Wow! It's pretty good!"
Di makapaniwalang tiningnan nila ito. Ngumiti naman si Bardolf, maya maya pa ay nagdala ng tatlong bote di pa nabubuksan sina Colby.
"Enjoy."
"Oh my! My baby Majesty has grown up very manly."-Abigail
"I know right?!"-Arizona
Tipid na umiling lang si Zeros sa mga kasama. Nalipat ang tingin ni Zeros kina Bardolf, Colby, Elmer at Gillian na tila proud na nagustuhan ng batang si Majesty ang mga hinanda nila.
Alam niyang hindi ordinaryo ang relasyon ng apat sa batang si Majesty. Hindi ordinaryong pag aalala at affection ang pinapakita ng mga ito, mas tamang tawagin silang mga loyal servants na laging sumusunod sa kanilang Young Master.
Kapag hindi makita ng mga mata nila si Majesty ay tila mga inahing manok na hinahanap nila kung saan saan ang baby chick nila.
Mas lalo siyang nahihiwagaan sa batang kasama nila.
"About what we are talking about earlier, why do you think he's interesting?" tanong ni Zeros, napunta ang atensyon ng lahat sa leader nila at kay Majesty. Bihira lang magbukas ng topic ang leader nila na bago sa kanila. Madalas nilang nakikita na nag uusap ang dalawa na parang may sariling mundo, minsan ay hindi nila maintindihan ang pinag uusapan ng dalawa.
"That guy is special." Ngiti ni Majesty. Bahagyang nagulat si Zeros sa puri nito, hindi lang 'very good' at may 'special' ang pangatlong anak ni Duke Corliss? Ang kilalang 'Trash' sa Kahariang ito?
"Who are you talking about, leader?"-Ulysses
Naalala niyang isang beses na tinanong niya si Majesty sa paraan ng pakikipaglaban ng mga kasama niya at kung anong masasabi nito sa technique ng mga ito. Ang tanging komento niya ay 'ordinary but amazing'. Wala na itong idinagdag pa sa paliwanag.
"On Earth, there is this amazing, very strong, extraordinary monstrous being.." puno ng tuwang kwento ni Majesty.
Napuno ng intetes ang grupo.
"He can destroy everything using his fist. One of the Gods of Monstrous Realm."
"Whoaaa! Pangalan pa lang, astig na!" puno ng manghang sambit nila
"He can destroy anything? That's..."
"Then he is unbeatable."
"Hm, in terms of strength he is the strongest." Ngiting sagot ni Majesty.
"At sinasabi mong si Ran Corliss ay...?"
"There's a very super little tiny chance that he will become strong of that being, though it 20% out of 100%strong. It's a very rare talent, kung magkakaroon siya ng naaayon na environment at training ay natitiyak kong magiging sobrang lakas niya. Imagine a veeeeeery tall mountain, he can destroy that in... five to ten punch?"
"......"
"Holy... sh*t. Really?!"
"Kung ganon ay wala ang talento niya sa espada, huh?"
"That's so cooool!"
"It's a shame." Iling ni Majesty, kung may impluwensya lang ang godfather Lihtan niya sa mundong Valhalla ay matutulungan niya si Ran.
"... Well, it's not my problem." Kibit balikat ni Majesty na tahimik na sinang-ayunan ng lahat.
"Yes, let's just do our own business."
Napako sa kanyang kinatatayuan si Ran Corliss at ang Knight niyang si Anniston. Narinig nila ang pinag uusapan ng mga tao sa loob ng Inn. Di niya alam kung bakit sinundan ng amo niya ang batang nakamaskara hanggang sa makita nilang may kausap ito na kilalang kilala nila: si Zeros, ang leader ng The Strikers. Isang High Ranker, isa sa mga tinitingalang Sword Master sa kanilang mundo.
Nakita nilang pumasok ang mga ito sa loob ng isang magarang inn na sa unang tingin pa lang ay libo libong ginto ang ginamit para ipatayo.
"S-Sir Ran!" gulat na hiyaw ni Anniston nang sipain ng amo niya ang pinto.
"You! What did you--!"
*Clang*
Sa isang iglap ay may mga nakatutok ng mga patalim sa leeg nila.
Sunod sunod na napalunok si Ran at sinamaan ng tingin ang mga tumutok ng patalim sa kanya.
"Y-You b@st@rds dare--!"
"Mr. Ran Corliss." Biglang lumamig ang temperatura dahil sa malamig na boses na narinig nila. Pinagpawisan ng malamig si Ran nang makita ang batang pula ang buhok, nakahalumbaba itong nakatingin sa kanya at wala ng suot na maskara.
Nakangiti ang mga labi nito pero ang itim na mga mata nito ay may dalang panganib. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan ng sobra, at ang pakiramdam niya ay may patong patong na bigat sa mga balikat niya. Nakatingin ang lahat sa batang pula ang buhok. Tahimik na nanonood lang ang The Strikers sa interesanteng nagaganap habang may naglalarong mga ngisi sa labi.
"S-Sir Ran?" alalang tawag ni Anniston kay Ran dahil sa namumulang mukha ng kanyang amo na sobrang pinagpapawisan at bumabaluktot ng bahagya ang tuhod.
Hindi makapaniwala at nanlalaki ang mga mata ni Ran dahil sa kanya lamang nakapokus ang pressure na nararamdaman niya.
"Have you calm down now, Mr. Ran?" nakangiting tanong ni Majesty, mabilis na inalalayan ni Anniston ang amo niya ng biglang muntik na ito matumba.
Nakita na lang nilang wala na ang mga patalim na nakatutok sa kanila. Napalunok si Anniston habang nakatingin sa mga nakasuot na pang-katulong na babae at ang mga inakala nilang ordinaryong trabahante at kinilabutan, lalo na ang mga mata ng mga ito na handa silang sakmalin.
"You shouldn't barged in like that again, Mr. Ran. I'm worried."
"....."
"Really, I'm worried." Nakangiting ulit ni Majesty na kinakunok muli ni Ran. Nahimasmasan siya ginawa niya.
"You shouldn't go around saying 'you b@st@rd' to anyone just because you are irritated, I know you are strong and I believe you are not a simple minded and a muscle brain b@st@rd, am I right?" nakangiting tanong ni Majesty. Nagpipigil ng tawa ang lahat, at naiiling na ngumisi si Zeros habang umiinom. Ngayon lang nila nakitang mainis ang batang kasama nila na sa sobrang payapa ng mukha ay maihahalintulad na sa Buddha.
"...Right," nakayukong sambit ni Ran, tahimik na napasinghap si Anniston dahil ito ang kauna-unahang beses na may yinukuan ang amo niya.
"Shall we have a pleasant talk, now?"
"...Yes."
Inalis ni Majesty ang pagkakahalumbaba at bumalik ang payapang ngiti nito at sinenyas ang bakanteng upuan sa tabi ni Bardolf.
Bardolf || Zeros
Ran || Majesty
Anniston || Arizona
Ulysses || Fon
Klauss || Abigail
"I'll introduced myself, Mr. Ran. My name is Majesty Thurston Giovanni." pagpapakilala ni Majesty, ngayon lang narinig ng lahat ang buong pagpapakilala nito.
The way he introduced himself is full of elegance, pride and dignity.
"...Majesty," banggit niya sa pangalan nito. Napangiti si Majesty.
"Why? Is it weird?" umiling si Ran dahil ang pangalang 'Majesty' ay ang nababagay na pangalan para rito.
"My name is Ran, third son of Duke Corliss."
"Yes, it's interesting to know you." Ngiti ni Majesty.
It's not 'nice' but 'interesting'.
Di niya alam kung bakit pero alam niyang kung hindi siya mag iisip ng maayos bago mag salita ay papalayasin siya nito kahit pa 'interesting' siya.
"Uh, narinig ko ang sinabi mo...kanina." di humihingang sambit niya sa kaba.
"Oh? Yun ba? I found you so interesting sa daan, the way you punch is refreshing."
"Kuhum. Sila ang nagsimula ng away, gusto lang ng mga yon na mas lalong sumama ang image ko."
"I know, nakita ko kung paano ka nila subukan ipahiya dahil sa pagiging palainom mo. That's a very refreshing way to deal those brats haha!"
Lumiwanag ang mukha ni Ran.
"Yes! Buti nga sa kanila! Ganon ka din ba sa mga nanti-trip sayo?!"
"Nanti-trip? No, walang gumagawa saken ng ganon, hindi uso ang childish fights sa amin." Iling ni Majesty
"Childish Fight?"
"Yup, um, let's say parating may mga matitigas ang ulo na gustong gumulo sa akin, pero di sila makalapit kase... may sumusundo agad sa kanila."
"......."
"......"
"....."
"Scary, right?"
"You mean laging may nagtatangka sayo?" tanong ni Ran.
"Hm, hindi ko alam? Konti na lang siguro." Subo ni Majesty sa isang putahe.
"Kuhum! Kuhum! Bring another feast!" hiyaw ni Bardolf.
"Yes!"
Naglabas ng maraming makakain ang mga empleyado sa inn.
"Delicious, tell the chef. It's amazing." Ngiti ni Majesty.
"I'll surely do." Magalang na sambit ni Bardolf at tumikhim.
Napabuntong ang The Strikers at kahit na maraming tanong sa mga isipan ay kumain na lang at uminom.
Pasulyap-sulyap na tiningnan ni Ran si Majesty na maayos ang tindig at may elegante sa bawat subo at pag inom.
"Isa ka rin bang prinsepe sa mundo niyo?"
"Isang Emperor ang aking Ama." Napuno ng ubo ang mga nakaupo sa mahabang mesa.
"Nor a King but a Emperor, huh?" bulong ni Ulysses.
"I see! Kaya pala kakaiba ang galaw mo!" manghang sambit ni Ran.
"Huh? Galaw ko?"
"The way you eat and drink is... elegant. Kung ganon ay dahil iyon sa etiquette na turo sayo."
"I didn't learn anything?"
"What do you mean..?"
"Kailangan ko ba yon matutunan?"
"Eh? Pinababayaan ka lang ng Ama mong Emperor?"
Napakamot sa ulo si Majesty.
"No way, he loves me very very much. Siguradong nag aalala sila sa akin ngayon."
Paulit ulit na tumango si Bardolf at ang mga kasama niya habang nakikinig kay Majesty.
"Lagi niyang sinasabi, pwede ko gawin ang lahat ng gusto ko, sino-suportahan niya ako sa lahat."
"Kahit gumawa ka ng masama?"
"Hindi ko alam kung anong klaseng masama ang ibig mong sabihin, Mr. Ran."
"...Haha," ngiwi ni Ran dahil sa naguguluhang mukha ni Majesty.
"Pero may isang bagay ang tinuturo ng Mama ko sa akin." Biglang ngumiti ng matamis si Majesty. Tutok na tutok naman sila sa sasabihin nito.
"Pay back revenge at ten fold, while paying back gratitude to the best of my ability. Pay kindness with kindness and revenge with revenge."
"......."
"I always carry her teachings with me." Proud na sambit ni Majesty.
"Do you mind if I carry that teachings with me too?" ngiti ni Zeros na tila nagustuhan ang narinig. Sunod sunod na napalunok ang mga nakaupo sa mahabang mesa.
"Of course, hyung!"
"Uwah~ I'm very curious about your parents baby Majesty." Pisil ng marahan ni Arizona sa pisngi ni Majesty.
"I'm sure mala-adonis at dyosa ang mga magulong nito."-Abigail
"My Mama is the most beautiful woman in the world!"
"Aww! So cute!"-Arizona
"Um, kuhum. Tungkol nga pala sa sinabi mo na... may kakayahan ako?" dahan dahang tanong ni Ran.
"It's true."
"T-Talaga?"
"I can tell you, pero nasa sa iyo kung gagawin mo."
"I'll do it!"
"...I like your spirit and energy pero sinasabi ko sayo na mahirap."
"Gagawin ko pa rin!"
"Hm..." Tiningnan ni Majesty ng maigi si Ran.
"Bumalik ka dito bukas, may ibibigay ako sayo na makakatulong sayo." Ngiti ni Majesty
"Salamat! Maraming salamat!"
"In exactly next year, babalik ako dito. Sa mismong araw at petsa ngayon. Titingnan ko kung magagawa mo."
May kaunting luha sa mga mata ni Ran sa sobrang tuwa dahil sa wakas ay may matatawag na siyang kaya niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro