Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

06


Sa muling pagkakataon ay nakita na naman ni Riella si Meira na durog na durog, ano pa nga ba? Lagi namna itong ganito, at masaklap pa ay may nalaman ito na hindi dapat nito malaman.

"You feel betrayed?"Tanong ni Riella kay Meira, nasa banyo sila ngayon ng hospital, pagkatapos kasing makita ni Meira ang nangyari tumakbo na ito papuntang banyo at umiyak ng umiyak.

"A-ang akala ko pinapahalagaan niya ang pamilya namin? A-ang akala ko ay pinapahalagaan ako ni Tita Grace?"Napatawa na lang ng mahina si Riella, natuto na ngayong sumumbat si Meira na big achievement para kay Riella.

"Yeah, sinasabi ko kasi sayo, igaganti kita."Matapang na wika ni Riella, ngumiti lang si Meira at umiling-hiling, ang paganti ay wala sa bokabularyo ni Meira, kaya kahit madurog siya ay hindi pa'rin niya iniisip ang pag ganti.

"Naiintindihan ko na si Tita Grace, kaya hindi niya sinabi kasi ayaw niya akong masaktan."Napasapo na lang si Riella dahil sa sinabi ni Meira. Sobrang bait ni Miera at iyon ang kinaiinisan ni Riella, inaabuso na ang kabaitan ng dalaga ngunit walang itong pakeelam.

"Seriously Meira? Hays ayaw kong sabihin sayo 'to pero dahil tanga ka sasabihin ko na sayo, si Grace at ang kabit ng tatay mo na si Pia ay magkaibigan. Hindi ikaw ang prinoprotektahan niya maliwanag."Mataray na wika ni Riella, pero kahit anong sabihin ni Riella ay hindi nakinig si Meira, at pinaniwalan ang kaniyang sarili. Lalo lang naiinis si Riella sa kaniya, paano ba naman ay hindi ito naniniwala sa kaniya kahit totoo naman ang sinasabi niya.

"Hays kung hindi kita makukuha ngayon, baka sa susunod na lang! Hays ang kailangan ko ngayon ay masaktan siya ng pinakamamahal niya. Malamang tuluyan na talaga siyabg mawawasak o susuko."Paninigurado ni Riella habang nakamasid sa pakikipag usap ni Meira sa Tita Grace nito.

"Tita, 'wag po kayong magalala naiintindihan ko po."Nakangiting wika ni Meira habang kausap ang babae.

"Tingnan mo nga naman nakalusot, isa 'rin naman siya sa kabit ng tatay ni Meira."Mataray na wika ni Riella habang masamang nakatingin kay Grace. Napalunok si Grace nang makita ang salamin na nakatutok kay Meira, masama ang mga tingin ng replekyon ni Meira sa kaniya, at kung titingnan si Meira ay nakangiti ito sa kaniya. Dahil sa takot ay napatakbo si Grace papuntang banyo.

"Anak, maaga pa ah, bakit nandito ka na agad."Iblis magalit sa ama ay ngitian lang kiya ito at niyakap, nasa isip niya na kahit may iba ang tatay niya ay masuwerte pa'rin siya, dahil pinaparamdam ng tatay niya sa kaniya na may ama siya. Hindi katulad ng ibang ama na wala ng pakeelam sa pamilya nila dahil sa kabit nito, kaya para kay Meira ay maswerte pa'rin siya.

"Si papá naman, na-miss lang po kita."Malambing na wika ni Meira, wala na siyang balak sabihin sa ama niya na nakita niya itong nakikipaghalikan sa iba, mas mabuti pa para kay Meira na kalimutan na lang ang nangyari, para sa pamilya nila.

"Sige na kakain na tayo."Ngumiti siya sa ama niya at tumango, kahit strikto ang kaniyang ama ay nararamdaman pa'rin ni Meira ang pagmamahal nito sa kaniya.

"Papá, sino po si Vanessa Ashianna Garcia?"Napaubo ang ama nito nang tanungin ito ni Meira, pilit na ngumiti si Henric at nagpatuloy muli sa pagkain.

"Kapatid ng iyong Ina."Napatango si Meira sa sinabi ng kaniyang ama, mukhang tumama ang hinala niya na kapatid nga ito ng kaniyang Ina.

Pagkatapos nilang kumain magama ay nauna ng umuwi si Meira dahil marami pang kailangan asikasuhan ang ama niya, marami pa itong reretokehin ngayong araw. Isang Surgeon ang ama niya, katulad ng sikat na si Vicky Bello, gano'n 'rin ang trabaho ng ama niya, ang magretoke ng mukha.

"Hoy! Nagpauto ka na naman 'no?"Salubong ni Riella sa kaniya sa salamin. Agad siyang napakamot sa ulo dahil nagulat na naman siya sa biglaang pagsasalita nito, feeling niya ay kahit anong oras ay aatakihin siya sa puso.

"Nagulat ka na naman? Ay nako Meira sarap mong isubsob sa sahig."Mataray na wika nito dahilan para magtawanan silang dalawa, weird man sa iba pero masaya si Meira na nakikipag asaran siya sa replekyon niya sa salamin. Samantalang natutuwa naman si Riella na makita muling ganito kasaya ang dalaga.

"Haha kung panget ako edi panget ka'rin haha."Napatigil si Vannah nang marinig niya ang anak niyang tumatawa magisa at parang may kaasaran ito. Nagtataka siya dahil 'don, para kay Vannah impossible na may kausap si Meira sa telepono, dahil hindi naman ito nakikipagbiruan o nakikipagtawanan sa telepono.

Agad siyang pumunta sa silid ni Meira at dali-daling binuksan ang pinto, ngunit pagbukas niya wala siyang ibang nakita kung 'di tumatawa na si Meira magisa at nakaharap ito sa salamin.

"Haha bakit po mamá? Haha."Tanong nito habang tuloy pa'rin sa pagtawa, agad na naghaluglog si Vannah sa silid ng kaniyang anak, titingnan kung may droga ba itong tinatago.

"Matulog ka ng bata ka, maaga pa ang pasok mo bukas."Pilit na ngiti ni Vannah at dali-daling umalis sa silid ng anak at pumunta sa silid niya upang matulog.

Napamulat si Vannah nang makarinig  siya ng iyak ng sanggol, madilim ang paligid, wala siyang makita. Napaluhod siya nang marinig na naman niya ang iyak ng sanggol. Nakarinig na naman siya ng panibagong tunog, tila nababasag na yelo ang kaniyang naririnig.

"Malapit na!"Isang malakas na sigaw ang narinig ni Vannah, hindi siya makahinga dahil parang may sumasakal sa kaniya. Gusto niyang sumigaw sa sakit pero wala ni isang boses ang lumalabas sa bibig niya.

Hanggang mapamulat muli siya, ang kaninang madilim na paligid ay nagiba, napunta siya sa mayelong lugar. Pilit siyang bumabangon dahil nakahiga siya ngayon sa isang hukay, hindi lupa ang pinaglilibingan sa kaniya kung 'di yelo.

Unti-unting bumababa ang yelo at natatakpan ang ilang bahagi ng katawan niya, konti na lang ay malilibing na siya ng buhay.

"Ang paghihiganti ay malapit na!"Isang malakas na sigaw ang huling narinig ni Vannah, at ang mukha ng kaniyang anak bago siya mawalan ng hininga.

"Yringrid!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro