03
"What if I say that I still love you?"
Winaksi ni Meira sa isip niya ang sinabi ni Tucker sa kaniya kahapon, pagkatapos siyang sabihan nito na hindi na siya mahal tapos ngayon naman ay sasabihin na mahal pa'rin siya. Minsan ay nalilito na si Meira kung seryoso ba talaga si Tucker sa kaniya o parte na naman ito ng pambu-bully sa kaniya.
"Ayos ka lang ba?"Nagaalalang tanong ni Kenzo sa kaniya, sobrang lapit ng mukha nito sa kaniya dahilan para mapaiwas siya ng tingin.
"Meira...Mahal na mahal kita."
Napapikit ng mariin si Meira nang maalala niya ang sinasabi sa kaniya noon ni Kenzo, ito ang lalaking matagal na niyang gusto simula bata pa sila nila Ayesha. Ngunit noong tumungtong nang dieciséis si Kenzo at Ayesha ay nagkaroon na ang dalawa ng relasyon, kaya't simula noon ay pinigilan na niya ang pagmamahal niya sa binata.
"Naalala mo na naman si Tucker 'no?"Napaubo si Meira nang biglang magsalita si Ayesha sa likod niya, may ngisi ito sa mga labi na halatang nang aasar.
"Esha, nagusap lang kami kahapon iyon lang."Pilit na ngiti niyang sagot, isa si Ayesha sa nakakaalam na naging sila ni Tucker kaya lagi siya nitong inaasar. Naging saksi 'rin si Ayesha sa pagiging malambing nilang dalawa noon. Naalala 'rin niya na naiinis si Ayesha sa kaniya dahil lagi daw siya nitong ginagawa third wheel sa pagde-date nilang dalawa ni Tucker.
"Don't deny it Meira narinig ko 'yung sinabi niya na mahal ka pa'rin niya."Kinikilig na wika ni Ayesha habang pabiro siyang kinukurot sa braso. Napatawa na lang siya sa inaakto ng kaibigan.
"May gagawin pa pala ako, mauna na ko."Seryosong wika ni Kenzo, napatingin si Meira sa nakayukom nitong mga kamao 'yung tipong pag humarang ka sa daanan niya ay susungaban ka na agad ng suntok nito.
"Hoy Kenzo! Anong problema mo?"Inis na wika ni Ayesha habang hinahabol ang binata, hindi maintindihan ni Meira kung bakit nagkagano'n si Kenzo, samantalang nakangiti lang ito kanina at tinatanong kung ayos lang ba siya, pero ngayon ay kitang-kita ang galit sa mga mata nit-
"-selos."Nakangising wika ng taong nakamasid sa kanila, hindi gusto ng dalaga ang nangyari kahapon kay Tucker at Meira, gusto niya si Meira at Kenzo para sa isa't-isa o sa madaling salita gusto niya ito para sa kaniya.
"Ang hirap niyang kontrolin, hays."Pikon na wika ng taong iyon, alam nito na ang mahal na ni Meira ay si Tucker, ngunit dahil sa kaniya ay natatakpan ang pagmamahal ni Meira kay Tucker at napupunta kay Kenzo.
"Meira, tara na, mag skate tayo!"Masiglang wika ni Ayesha sa kaniya, tumango na lang siya at sumakay sa sasakyan. Balak siya ngayong turuan ng kaibigan kung paano mag skate, dahil tag lamig ngayon sa kanila. At isa pa ay isang Ice ballerine si Ayesha, magaling talaga itong sumayaw-sayaw sa yelo, na gusto niyang matutunan.
"Esha, nasaan si Kenzo?"Takang tanong ni Meira, dahil paglabas niya, hindi na niya naabutan si Kenzo, at mukhang masama 'rin ang loob ng kaibigan.
"Umuwi na, sasabay na lang daw siya sa bus, saka alam mo ang pinagtataka ko ah, bakit biglang naging gano'n 'yon?!"Inis na wika ni Ayesha, kitang-kita ang inis sa mukha nito.
"Baka naman may nagawa ka?"Umiling agad si Ayesha sa sinabi ni Meira.
"Pero alam mo, kilala ko si Kenzo isang taon na kaming mag nobyo. At nagiging gano'n lang siya pag nag...."Hindi na tinuloy ni Ayesha ang balak niyang sabihin, imbes ay napahawak siya ng madiin sa manebela. Mas nakikita ngayon ni Meira ang galit sa mukha ng kaibigan.
"Alam ko na, kaya pala!"Gigil na wika ni Ayesha, nagtatakang tumingin si Meira sa kabigan.
Pagkarating nila sa lugar ay sumigla na ulit si Ayesha, hindi na ito katulad kanina na nakakatakot na kahit anong oras ay sasaksakin ka na lang. Ngayon ay bumalik na ulit ito sa dati na masigla at nagsasayaw.
"Friend! Naalala mo 'to? Ito 'yung pinaglalaruan na'tin 'nong bata pa tayo. Ito 'yung playground dati kaso ginawa ng bar ngayon, tapos 'yung bar kung saan lagi kayong nagde-date ni Tucker, pero ngayon wala ng tao."Nakasimangot na wika ni Ayesha, napangiti si Meira nang maalala niya ang mga pinagsamahan nila noon ni Tucker.
"Baby!"Natatawang salubong ni Meira sa nobyo niya na si Tucker, napatawa naman si Tucker at hinalikan sa labi ang dalaga. Si Tucker lang ang kayang magpalabas ng masayahin at madaldal na si Meira, dahil kadalasan ay lagi itong malungkot at walang imik.
"Late ka na naman, dapat babae ang naghihintay."Napatawa ng malakas si Meira sa pagiinarte ng binata, muli niya itong hinalikan sa labi at niyakap.
"Talaga ba? Baka gusto mo sipain kita?"Mataray na wika ni Meira, umorder na sila ng paborito nilang pagkain at pagkatapos ay naghabulan sila sa nagyeyelong panahon. At pagkatapos mag habulan ay uupo sila sa yelong sahig, at panunuorin ang paglubog ng araw.
"It's you, it's always you. If ever gonna fall in love, I know it's gon' be you. It's you always you. Met a lot of people, but nobody feels like you."Kanta ni Tucker habang nakatitig sa mga mata niya.
"So please don't break my heart, don't tear me apart."Kanta naman niya habang nakatitig 'rin sa mga mata ng binata.
"Wag kang magalala, wala sa plano ko ang saktan at paiyakin ka. Te amo Mi amor."
"Tangina! Wala sa plano ko, pero nasa plano niya."Galit na wika ng isang lalaki habang tuloy-tuloy ang pag agos ng luha sa mata niya.
"Meira? Ayos ka lang?"Tanong ni Ayesha sa kaniya, iblis sumagot ay tumango na lang siya. Feeling niya ay paulit-ulit na dinudurog ang puso niya, paulit-ulit na pinupunit ang pagkatao niya. Nagtataka siya, kung bakit ganito ang nararamdaman niya.
Sa bawat oras, araw at buwan ay pinaramdam sa kaniya ni Tucker ang pagmamahal, nawala ang mga problema niya, naging masaya siya at muling ngumiti na abot sa mata. Pero nang hiwalayan niya ito ay parang nawala na'rin sa kaniya ang lahat.
"Ang akala ko ba hindi ko siya mahal? Hindi ko naman siya mahal diba?"
Nawala ang ngiti ng isang babae sa sinabi ni Meira. Unti-unting makikita ang galit sa mata niya dahil nakikita na naman niya ang emosyon ni Meira na nagungulila, isang emosyon na tanging nagmamahal lang meron.
"Hindi maari! Hindi siya ang gusto mo!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro